Fanfics

Chapter 11

17:08, 1 June 2023

Samantha's

It's been three days na hindi siya pumupunta dito o nagtetext para mag isip ng ibibigay kay Veina.

And I don't know what's happening to her.

Kapag pumupunta naman ako sa bahay nila ay hindi siya lumalabas sa kwarto niya o di kaya ay nasa school daw siya.

Kaya ngayon pupunta ako sa school niya.

Wala si Nami ngayon na buntot nang buntot sa'kin at nandun sa bahay nagpaiwan.

Nakarating ako agad sa school nila at bumaba sa kotse ko, kagaya nung last na punta ko dito ay pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante.

She's the woman who came here last time right?

Gosh, I saw her again.

Ang pretty niya talaga.

Yan lang naman ang naririnig ko sa palagid ko ngayon.

Tumambay ako sa may waiting shed, ito lang naman ang isang way papalabas ng university kaya dito na ko naghintay.

According to Joli ay 3:30 ang uwian niya ngayon and it's already 3:15 kaya mag aantay ako dito.

"Hi." napalingon ako sa dalawang babaeng huminto sa harap ko.

"Hey." I approached them nicely.

"You're alone? Are you waiting for someone?" tanong ng isang wavy ang buhok, she's pretty but I don't like her aura.

"Yeah, I'm waiting for a friend." sagot ko.

"Oh I see, btw can I sit here? Incase you need a company." she smiles at me, there's no problem so I said yes.

Bigla niya namang sinabihan ang kasama niyang umalis na.

"Uhm actually..." putol niya sa sinabi niya.

"I find you so pretty and you're like my type. I'm Shea" nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"I'm sorry, I'm a bit fast there, I'll take it slowly. Can I come to your house sometimes? I mean, I got there last time nung party mo together with my dad, Mayor Martin." sabi niya.

Oh the daughter of the Mayor, now I see where her guts are coming from.

"You can come there for a tour, I'll tell my staff to tour you there, just tell me kung kailan ka pupunta." sabi ko.

"Well, I want you to tour me." sabi niya.

"I'm a bit busy, I can't accompany you." sabi ko, napatingin naman ako sa wrist watch ko at nakitang 3:34 na kaya napatingin ako sa crowd kung saan papalabas na ang mga students.

I smiled when I saw her holding a book while walking with some of her classmates, I guess.

Tumayo ako sa pagkakaupo at tinawag siya.

"Mon!" tawag ko, agad naman siyang lumingon sa'kin. She look confused.

"Wait, so you're waiting for that bitch?" napalingon naman ako sa kung sino man to. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Don't ever call her that again, you spoiled brat daughter of the laziest Mayor Martin." napanganga naman siya sa sinabi ko. She's ruining my mood.

"Mon!" tawag ko ulit sa kaniya nang dumiretso lang siya sa paglakad nung tinawag ko siya.

"Hey." sabi ko sabay hawak sa braso niya.

"Bakit?" naiinis na tanong niya.

"Let's go." Sabi ko sabay hila sa kaniya papunta sa kotse ko.

"Bitawan mo nga ako." pagpupumiglas niya.

"You're being rude, Mon." sabi ko.

"Rude? Ako yung rude e ikaw nga tong hila nang hila." singhal niya sa'kin.

"Alright, I'm sorry." sabi ko.

"Ano bang kailangan mo?" naiinis na tanong niya, binitawan ko naman ang braso niya nang makarating kami sa kotse ko.

"Are you free? Let's go somewhere." nakangiting sabi ko pero inirapan niya lang ako.

"Busy pa ako." sagot niya.

"Okay, tomorrow?" tanong ko.

Hindi naman siya sumagot at umirap na naman.

"Are you busy tomorrow?" tanong ko ulit.

"Ano bang gagawin?" tanong niya sabay iwas ng tingin, napangiti naman ako.

"Camping, if it's okay with you." sabi ko.

"Sige, bukas." I smiled on what she said.

"Alright, I'll fetch you tomorrow at 4PM." tumango siya.

"Sige na uuwi na ko." sabi niya, pero hinawakan ko ulit ang braso niya para pigilan siya.

"Ihahatid kita." sabi ko.

"May dala akong motor, Sam." sabi niya.

"Edi ako ihatid mo." nakangisi kong sabi.

Wow ang galing ng idea ko.

"May dala kang kotse, tumigil ka nga." sabi niya sabay simulang naglakad sa motor niya.

"It's okay, I can get it tomorrow. Hatid mo na ko." I made the cutest voice na hindi ko ginawa buong buhay ko, ngayon lang.

"Tss, oo na. Daming arte kasi." naiinis man pero sinuot niya pa rin ang helmet niya sa'kin.

When she finally put the helmet on me, she starts fixing the safety lock.

Dumako naman ang tingin ko sa mga mata niya.

Does she ever know how pretty she is? Anyone could die for just to be with this gorgeous lady in front of me.

Damn, she's literally an angel.

Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla itong lumingon sa'kin pagkatapos ayusin ang helmet.

Sumakay na siya sa motor niya kaya sumunod na ako.

"Kapit mabuti." sabi niya, bigla naman siyang nagulat sa pagpulupot ko ng mga kamay ko sa bewang niya.

"What are you d-doing?" tanong niya.

"Kumakapit ng mabuti, why napahigpit ba?." sagot ko at akmang bibitaw ng hinawakan niya ang kamay ko.

"N-no, just hold me this tight." sabi niya, binitawan niya na rin ang kamay ko at nagsimulang magdrive.

How can I get rid of those butterflies in my stomach if she's doing this to me?

Damn it.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang bigla niyang bilisan ang pagd-drive kaya mas dumikit ako sa likod niya.

Sa gulat ko ay nakurot ko siya sa tiyan niya, oh.

"Ouch!" sigaw niya.

"Ang bilis mo kasi!" sabi ko pero tawa lang siya kaya kinurot ko ulit siya.

"Stop pinching me, Samantha." suway niya sa'kin. Damn, bakit ang gandang pakinggan kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko?

"You started it, Szymon." bwelta ko.

But wait, I need to confirm something.

I pinched her stomach again and confirmed.

"Nakakailan ka ng kurot, sisipain na kita, Sam." naiinis na sabi niya pero dinikit ko pa ang katawan sa kaniya at bumulong sa tenga niya.

"I didn't know that you have abs." sabi ko.

"Well, now you know." mayabang sa sabi niya kaya kinurot ko ulit siya sa tiyan niya na nakapagpa-aray ulit sa kaniya.

Nakarating naman kami ng hacienda na safe at walang galos.

Agad akong bumaba sa motor niya ng tumigil siya.

Hinubad ko ang helmet niya at inabot yun sa kaniya.

"Thanks for the ride." sabi ko.

"Pasok na." sabi niya.

"Gusto mo ba munang pumasok? Let's eat meryenda." aya ko sa kaniya.

"Nandyan pa ba yung kaibigan mo?" pag iiba niya ng usapan.

"Si Nami? Yes, she'll stay here for a week." tumango naman siya sa sinabi ko.

"Mauuna na ko." sabi niya.

"Wait, hindi ka papasok?" tanong ko.

"Hindi na, may uutos pa ata si Nanay sa'kin." sabi niya.

"Alright, take care." sabi ko sabay ngiti sa kaniya, sumilay naman ang isang ngiti sa mga labi niya at tumango.

Akmang susuotin niya na ang helmet niya ng pigilan ko siya.

"Yeah?" tanong niya.

I never say a thing but I did the thing I wanted to do simula nung makita ko siya ulit.

I kissed her cheeks na muntik ng tumama sa lips niya, damn. It made her stunned.

"Uhm t-take care." sabi ko ulit.

"Y-yeah, alis na ko." sabi niya at tuluyan ng sinuot ang helmet.

Sinundan ko naman ng tingin ang motor niya at napahawak sa puso ko.

It's beating so fast, gosh. I never knew this is her effect on me. She's making me go crazy.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories