Fanfics

Chapter 10

08:15, 1 June 2023

Samantha's

"Here hold this." sabay abot ko ng spatula kay Mon when she's struggling to put a design on the cake that she baked.

"Gosh, you can't even hold the pipe without shaking your hands." sabi ko and starts designing the cake.

"Ang hirap kasi." sabi niya. Tss.

We decided to bake a cake for the love of her life dahil daw mahilig sa sweets si Veina, as if I care.

Nasa bahay kami ngayon dahil kompleto ang gamit dito pang bake.

She decided to bake a strawberry flavored cake which she thinks Veina would like and mine is chocolate cake because she likes chocolates. Tss.

"Mas natatakam ako sa cake na ginawa mo kesa sa ginawa ko." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"You can eat it, I don't like chocolate tho." sabi ko, nangunot naman ang noo niya.

"Bakit yan ang binake mo kung hindi mo naman pala gusto?" tanong niya.

"Because I think you will like it." sagot ko habang busy sa pag design ng cake niya. Hindi naman na siya umimik pa.

"There, it's done." sabi ko at pinakita ang cake sa kaniya.

"Looks good." puri niya.

"I made a box where you can put that cake and give it to her." sabi ko and starts cleaning the mess.

"I don't know if she would like it." sabi niya, duwag talaga.

"You'll never know kung tutunganga ka lang dyan, put that in the box and go." sabi ko.

Sinunod niya naman ang sinabi ko and starts putting the cake in the box.

We're pleasing that girl for over a week now and hindi pa rin siya umaamin.

"Mauuna na ko?" tanong niya sa'kin na inirapan ko naman.

"Of course, go now." pagtataboy ko sa kaniya.

Tumango naman siya.

"Thank you." pagkasabi niya non ay umalis na siya agad.

I sighed heavily and look at those mess in the table.

"How can I escape this torture?"

God knows how I want to stop this fucking feelings for her pero everytime na magkasama kami, hindi ko mapigilan ang sarili kong mas magustuhan pa siya ng husto.

And it's killing me everytime she wants to make an effort for Veina. I really hate it but if that what makes her happy then be it.

"Sam, ako na dyan." sabi ni Manang Luning.

"Hindi mo naman kailangang gawin to, Sam." sabi ni Manang at nagsimulang ligpitin ang kalat namin.

"I made a word, Manang." sagot ko.

"Pero nasasaktan ka na." sa sinabi ni Manang ay bigla akong napayuko.

"Alam ko namang gusto mo ang batang yun, pero hindi mo naman kailangang saktan ang sarili mo para sa ikakasaya niya." Manang Luning knows me, para na rin siyang ikalawang Mommy ko na alam ang lahat ng galaw ko.

"I just want to help her, Manang." sagot ko.

"Hay nakong bata ka, oh siya sige na magpahinga ka na." napangiti naman ako sa sinabi niya at niyakap siya bago umaakyat sa taas.

She never allow me na sumama sa kaniya kapag may ibibigay siya kay Veina kasi raw kaya niya na. Tss.

Pagpasok ko sa kwarto ay narinig ko ang pag ring ng cellphone ko kaya dinampot ko yun at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Nangunot ang noo ko ng makita kung sino ang caller, hindi naman na ako nagdalawang isip na sagutin to.

"Sammy!" mabilis kong nailayo ang phone sa tenga ko, shit pati sa phone ang lakas lakas ng boses.

"Wtf, Nami? Nakakain ka na naman ba ng microphone?" sabi ko, narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Gaga! Nasa labas ako ng mansiyo nito, ayaw akong papasukin ng guard wala atang tiwala sa'kin." sabi niya na parang nagsusumbong pa.

Napatingin naman ako sa bintana ko at nakita kong nandun nga siya sa labas at hinaharangan ng guard namin.

"Mukha ka raw kasing hindi mapagkakatiwalaan." sabi ko.

"Wow ha! Puntahan mo na ko rito at baka masapak ko 'tong guard niyo." sabi niya.

Lumabas naman ako ulit ng kwarto at bumaba, nakasalubong ko ulit si manang kaya sinabi ko sa kaniyang nasa labas ang kaibigan ko at nag utos na rin akong mag prepare ng pagkain.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad siyang nakabusangot na.

Sinenyasan ko naman si manong guard na ako na ang bahala.

"Salamat naman at lumabas ka na." sabi niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko at pinapasok siya.

"Magtatago ako, pinipilit na naman kasi ako ni Dad na magpakasal sa anak ng kumpare niya." sabi niya na parang nasusuka pa.

Nami also don't like men, she's more into femmes.

"At dito mo pa talaga naisipang magtago?" tanong ko.

"Oo naman, hindi naman makakapunta si Dad dito kasi nga magkaaway ang kompanya ng daddy ko at daddy mo." sabi niya sabay tawa, baliw talaga.

"Baliw." sabi ko at nauna ng maglakad papasok ng bahay.

"I-tour mo naman muna ako dito, mukhang maganda dito e." sabi niya ng makapasok kami sa loob.

Nakita ko naman si Manang na naglalagay ng pagkan sa lamesa.

"Manang, this is Nami po, my friend in manila." pakilala ko kay Nami.

"Hello po, Manang. Thanks sa food." ngumiti naman si Manang kay Nami at nagpaalam na babalik na sa kusina.

"Ano na? I-tour mo na ako, marami pa naman akong energy." sabi niya, napairap naman ako sa kaniya.

"I know you, you'll just look for the hottest girl here and flirt with them." sabi ko.

"You know me well, bestie. So let's go now." uminom pa muna siya ng juice tsaka ako hinila palabas.

"Damn you, Nami." sabi ko na tinawanan niya lang.

I really don't want to go outside.

Sumakay na kami sa sasakyan ko at nagsimula ng mag drive.

"Wow, I love nature already." sabi niya ng may makasalubong kaming mga dalaga sa daan.

"Girls here looks naturally attractive." sabi niya ulit.

"Yeah especially that one girl." bulong ko.

"What?" tanong niya pero hindi ko na siya pinansin.

"Tell me, may nagugustuhan ka na dito no?" tanong niya na may halong panunukso.

"Shut up, Nami." sabi ko.

"Nako, you need to show that girl." inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Whatever." sabi ko at patuloy na nag drive.

Huminto kami sa mga sikat na pasyalan dito sa probinsiya and she's enjoying it especially the girls na nadadaanan namin.

Sorry guys, she's naturally pervert.

"I love the foods here..." sabi niya sabay subo ng sumang latik.

"..and the girls too." dugtong niya.

Wala na talaga akong magawa, bakit ba naging kaibigan ko 'to?

Tapos na kaming maglibot kaya naisipan ko siyang idaan kina Nanay Louisa, I just want to introduce her to Nanay yun lang.

Pagabi na rin ng makarating kami kina Nanay.

"What's in here? May magagandang dilag ba dito?" tanong ni Nami.

"Shut up, Nami." suway ko sa kaniya.

Pagkababa pa lang namin ay agad kong narinig ang boses ni Joli kaya napatingin ako sa gawi niya and to my surprise ay kasama niya rin si Mon.

Kunot noo naman siyang tumingin sa gawi ni Nami nang makalabas ito sa kotse ko.

"Hi, Sam!" nakangiting tawag ni Joli sa'kin.

"Hey, san kayo galing?" nakangiting tanong ko.

"Ah dyan lang, nag aya kasing mag inom ni Mon kaya sinamahan ko." sagot ni Joli and I saw how Mon pinched Joli sa tagiliran.

"What's with the drinking?" tanong ko.

"Kasi naman nagugul---" hindi na natapos ni Joli and sasabihin ng mapaaray ito sa sakit ng hampasin siya ni Mon sa balikat.

"Hehe may lamok kasi." sabi niya.

Naalala ko naman na may kasama pala ako kaya pinakilala ko na rin sa kanila.

"Btw guys this is Nami, Nami this is Joli and uhm Mon..." lumapit naman si Nami sa'kin.

"You're melting her idiot." bulong niya sa'kin kaya siniko ko naman siya.

"Hi girls!" bati niya kina Mon.

"Hello po." sabi ni Joli, tumango naman si Mon at pilit na ngumiti.

"I'm here to see Nanay, is she there?" tanong ko kay Mon.

"Yeah, nasa loob. Tara." sabi niya at naunang pumasok. Nagpaalam naman si Joli na uuwi sa bahay nila.

"That girl Mon is cute and innocent looking and I know she's your type so I'll go to Joli." siniko ko siya ulit, ang ingay.

"Oh I know that there's a hindrance between you two, I guess." nilingon ko naman siya at sinamaan siya ng tingin, bigla naman siyang umarte na zinizipper ang bibig.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila ay nakasulong namin si Nanay.

"Nanay." sabi ko at niyakap si Nanay Louisa.

"Oh Sam, ngayon na lang kita nakita ulit." sabi niya.

"May inasikaso lang po, Nay." sabi ko, napatingin naman siya sa likod ko kung saan nandun si Nami.

"Si Nami po pala, Nay. My friend in manila, she's here to visit the province too." nakangiti kong sabi kay Nanay.

I don't if I'm just delulu but I saw how Mon rolled her eyes.

"Magandang gabi po." bati ni Nami at nagmano pa kay Nanay.

Nginitian naman siya ni Nanay at tinapik ang braso niya.

"Umupo muna kayo diyan." sabi ni Nanay kaya umupo kami ni Nami sa sala.

"Kwarto lang po ako, Nay." paalam ni Mon kay Nanay na sinang-ayunan naman ni Nanay. Bumaling pa ang tingin nito kay Nami at naiinis na pumasok sa kwarto niya.

What's wrong with her?

"Mag cake muna kayo at nagluluto pa ako ng ulam, dito na kayo mag hapunan ha?" masayang sabi ni Nanay sa'min at nilapag ang cake sa mesa. Hindi ko naman siya kayang tanggihan kaya um-oo ako.

Tiningnan ko naman ang cake na nasa mesa at biglang nangunot ang noo.

Is this the cake that we baked earlier?

"Nay, san galing tong cake?" tanong ko kay Nanay.

"Ay nakalimutan ko, galing pala sayo yan sabi ni Mon, yan na muna ang kainin niyo dahil yan lang meryenda sa ref." sabi ni Nanay na natatawa pa.

Hindi niya binigay kay Veina? Napatingin ako sa pintuan ng kwarto niya. Nababaliw na rin ba siya?

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories