Fanfics

Chapter 9: Operation: Deny Everything

12:12, 6 May 2026

Gelo's POV

"So, let's go? We'll be late. I already reserved a table sa favorite restaurant mo," I happily told Stacey

"You're so sweet as always hon. You never forget my favorites," Stacey giggled while pinching my cheek.

Medyo nasaktan ako sa pinch nya sa pisnge ko, kaya napangiwi ako. Pero syempre, nagkunwari akong wala lang kase alam kong may nanonood sa amin sa malayo.

Nakakainis ka talaga, Sevilleja! Lagot ka talaga sakin mamaya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse, kunwari gentleman husband, tapos sumakay na rin ako.

"I can't believe I told that eewy words to you right there infront of someone's eyes, kadiri" iritadong sabi niya while rolling her eyes

As if naman gusto ko rin 'yon?

Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "For your info, Staku, biktima rin ako dito. Ano bang tingin mo sa'kin? Akala mo gusto ko 'to?C'mon I'm not yet losing my mind to date a girls like you " then I also rolled my eyes to her.

Wala siyang idea kung gaano kahirap magpanggap na masculine noh. For Pete's sake, I also sacrifice a lot!

"I told you don't freaking rolled your eyes infront of me, Hindi bagay sa'yo!" at ayan na naman sya nag-aattitude na naman.

Sasagot na sana ako, pero biglang nag-vibrate ang phone ko. Imbis na patulan siya, tiningnan ko na lang kung sino 'yung nag-message.

From: Love♥️

Take Care! I'll see you later!🤍

Received: 10:05 PM

A smile escaped from my lips and agad nawala ang inis ko kay Sevilleja.

"Oh, here we go again. Nag-text na naman ang boyfriend ng fake husband ko. Let me guess, sya nanaman yan noh?" tanong ni Stacey

I bet you're already confused right now why Stacey and I are acting so weird towards each other. We'll let me enlighten you guys. Stacey and I are not really married to each other.

Nagpapanggap lang kami.

Sa harap ng maraming tao especially sa family namin, we're lovely husband and wife. But the truth she's just a friend, a bestfriend

---Flashback...

I saw Stacey on the dressing room while crying on a certain picture she was holding right now.

Lumapit ako sa kanya.

"Staku, tara na. Tinatawag na tayo ng wedding coordinator. Malapit nang magsimula ang wedding" Ngumiti ako, while offering my hands to her.

She immediately wiped her tears and accepted my hand.

"Sorry, naiyak lang ako. It was just I got emotional"

Tinapik ko siya sa likod. "Don't worry Staks. Matapos lang to, tapos na rin ang problema mo.Promise you'll be the happiest person after this wedding ."

Alam kong ayaw niyang magpakasal sa'kin, pero bilang heir ng pamilya nila, wala siyang choice.

After that conversation, we proceeded to the wedding venue and started doing the ceremonies, Malapit na kaming ideklarang mag-asawa nang biglang may babaeng sumugod sa wedding namin, nagwawala at nagsisisigaw ng kung anu-ano.

Pero sa huli, narealize niyang mali pala yung wedding na napuntahan niya. Ang akala niya, kami yung wedding na gusto niyang pigilan

No'ng narealize niya na nagkamali siya, bigla na lang siyang tumakbo palayo nang walang kahit anong explanation.

Hinabol pa siya ni Stacey, pero wala rin siyang nagawa.

Sa isip-isip ko, yes! Hindi na matutuloy ang kasal! But I was wrong -sa paningin ng parents namin, walang makakapigil sa kasalang 'to.

So yeah, natuloy pa rin ang kasal.

Sa mata ng mga pamilya namin, ng buong business industry-kasal kami ni Stacey.

But there's one thing na hindi nila alam.

Let's just say... lagi akong handa.

---

No'ng first night namin bilang "mag-asawa," nakahiga na kami sa kama. Binigyan kami ng two-weeks honeymoon sa Morocco, kaya nandito kami ngayon sa isang sikat na hotel, nagpapahinga bago mag-sightseeing.

"Staku, I'm gay," diretsahan kong sabi in our first night.

Nakatitig lang siya sa kisame, while her eyes looks sad.

"And I'm in love with someone else Gelo" sagot niya.

Nagkatinginan kami. Siguro this is the right time para sabihin ko na.

"May sasabihin ako, but promise me that you won't kiss me after you heard it okey? " seryoso kong sabi.

Napakunot-noo siya. "H-huh? Okay?" sagot niya, medyo nag-aalangan.

"Stacey... hindi talaga tayo kasal. Fake lang 'yung wedding natin."

Silence.

Mga sampung segundo bago nag-sync in kay Stacey 'yung sinabi ko, at noong narealize niya, biglang nanlaki ang mata niya sa gulat.

Humarap sya sakin. "What do you mean?" tanong niya, hindi makapaniwala.

Halos matawa na ako sa priceless reaction niya, pero pinigilan ko ang sarili ko para hindi mabasag ang tension sa paligid.

"I hired a fake priest. Since ako ang inatasan ng parents ko na mag-asikaso ng wedding natin, sinamantala ko na. Buti na lang may fixer akong kilala," proud kong sagot habang kumikindat sa kanya.

"Oh my God! I love-"

Biglang lumiwanag ang mukha ni Stacey at mukhang yayakapin na ako, pero agad ko siyang pinigilan.

"Don't even dare! Sabi ko na sa'yo, huwag mo akong hahalikan after mong malaman 'yan," sabi ko

"Oh, sorry! Nadala lang ako," natatawang sagot niya.

"Be thankful you got a smart fake husband" sabi ko, at dahil doon, hinalikan niya ako sa pisngi.

SEVILLEJAAAAAA!!!

End of Flashback...

1 year na agad simula nung nanyare yun, pero hanggang ngayon, naiinis pa rin ako tuwing naaalala ko 'yung kiss na 'yon sa pisngi ko.

First ever physical contact ko sa babae tapos ganun pa? I guess I will never ever get attracted to a girls. I just can't take it.

Tumingin ako kay Stacey na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

Nagkainteres ako malaman kung ano ang tinitingnan niya, kaya sumilip naman ako. Hmm, sino kaya?

I found out that she was just looking on her secretary.

Wait... ang secretary niya?

'Yung babaeng sumira sa wedding namin?!

Small world nga naman!

"Secretary mo 'yun diba?" tanong ko. "Why don't we offer her a ride? Baka naman pareho lang tayo ng way."

Stacey quickly averted her gaze to her and faced me.

"Matanda na 'yan. just let her wait for a taxi" sagot niya

"But secretary mo siya. Gabi na, tapos wala pang dumadaang taxi dito. Hatid na natin," pangungumbinsi ko.

Kumunot lalo ang noo niya. "That's my point Gelo. Secretary lang siya kaya hindi ko na siya responsibilidad," inis niyang sagot.

Ang cold naman nito.

"Haysst... fine. Kung 'yan ang trip mo," sagot ko "Kain na lang tayo, gutom na ako."

Hindi ko na siya kinontra. Kung ayaw niya, edi 'wag. Sana lang makauwi nang maayos 'yung secretary niya.

I-start ko na sana 'yung kotse nang biglang nagsalita ulit si Stacey.

"But let's stay here for a while. Gusto ko lang i-clear ang utak ko. Give me thirty minutes," sabi niya habang minamasahe ang ulo niya, kunwari stressed.

Napataas ang kilay ko.

Ano ba 'tong babaeng 'to?

Pwede namang mag-relax sa ibang lugar, pero dito pa talaga?

"Look at the window and you will get the answer," bulong ng isip ko.

Sinilip ko ulit ang secretary niya. Wala namang kakaiba.

Pero teka-

Ahuh!

Napangiti ako nang marealize ko.

Not your responsibility, huh?

You can't fool me Sevilleja!

"You can open your eyes now if you want to check her, Hindi mo kailangang magpanggap na may headache ka. Aminin mo na lang, promise, hindi kita ijujudge" natatawa kong sabi.

"I don't know what you're talking about," sagot niya, kunyari inosente.

Napailing ako. "C'mon, Staks. Concerned ka sa kanya, 'di ba? Kaya tayo nandito para siguraduhin mong makakauwi siya nang maayos."

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan."

Grabe, denial parin talaga.

Sevilleja, alam na alam kita.

"You know what? Let just go. Gutom na ako, at reminder lang, wala akong pake sa kanya," sabi nya, pero halata sa mukha niya na hindi siya seryoso.

Ang funny niya talaga.

"Okay," sabi ko, pinapatagal ang 'O' para asarin siya. "Pero 'wag mo akong sisihin kung may mangyaring masama sa kanya. Late na, tapos ang ganda pa niya-para siyang fresh meat sa gitna ng gubat na puno ng gutom na hayop. Ang daming predators diyan. Like you, madali rin siyang makakuha ng atensyon."

Napansin kong mas humigpit ang hawak ni Stacey sa pantalon niya habang nakikinig. Mukha nang mamamatay tao, HAHAHA!

Let's see kung hanggang saan ka magpapanggap, Sevilleja.

"At narinig mo ba 'yung latest na brutal crime ngayon? 'Yung babaeng ni-rape at-"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil biglang nagsalita si Stacey.

"STOP THE CAR IN FRONT OF HER!" sigaw niya, hindi man lang ako tiningnan.

Bingo!

Ngumiti ako "Your wish is my command wifey" sabi ko habang tinapakan ang gas at dumiretso sa secretary niya.

Paghinto namin, binaba ko ang bintana para kay Stacey.

Inaantay kong sumakay 'yung secretary niya, pero... ibang boses ang narinig ko.

"Did you wait Jho? Let's go I will take you on your way to home" narinig kong sabi nung lalaki

Wait... sino 'to?!

"Let's go. Gutom na ako," sabay sara ni Stacey ng bintana, walang emotion.

Nagulat ako. "Wa-wait! Papayag ka lang na sumama siya sa lalaking 'yon? Kilala ba niya 'yun?"

"FOR PETE'S SAKE! 'Don't ask me that fucking question !" sabi niya, galit na galit.

"They already knew each other. I even saw them together two times so don't get worried about Jhoanna!" dagdag niya, pero ang bitter ng tono.

Napakunot-noo ako.

Hmmm... may something.

Bakit parang... may nagseselos?

O imagination ko lang?

Pero before kami umalis, nakita ko kung paano binuksan nung lalaki yun pinto ng kotse para sa secretary ni Stacey. Wala sana akong balak pansinin, pero may napansin ako sa katabi ko.

Si Sevilleja.

Nakatingin parin .

With a death glare.

Kung nakakamatay ang tingin, malamang may dalawang bangkay na sa harap namin.

"Can we just go to a bar and drink?" inis niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya. "I thought gutom kana?"

"Not anymore. Nawalan ako ng gana. Pahiram ng phone mo, I'll call Lim to join us"

Ano na naman problema mo Sevilleja? Why of all a sudden?

⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 9 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories