Fanfics

Chapter 10: Night Out Disaster

12:14, 6 May 2026

Jhoanna's POV

Nakasandal lang ako sa bintana ng kotse, pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa highway. Si Taneo ang nagda-drive sakin pauwi, obviously his trying to have a conversation with me but I didn't mind him and just focused myself into the way.

"Jho, para di tayo masyadong tahimik, gusto mo bang i-on ko yung radio?" tanong niya ulit, trying to break the silence.

Di ko naman talaga siya pinansin, pero unconsciously, tumango nalang ako. Kahit ano pa gawin niya, wala akong pake. Ang gusto ko lang ngayon ay peace of mind.

He quickly turn on his radio, pero malas lang dahil parang sinadya ata ng tadhana na i-trigger ang mood ko ngayon. Di ko alam ang title ng kanta, pero yung melody at lyrics-ramdam na ramdam ko, threatening tears I really wanted to release lately.

Tahimik lang akong nakinig, ninanamnam ang bawat salita sa kanta to the point that I didn't notice my tears are already coming in my eyes now.

"Jho, ayos ka lang?" tanong ni Taneo, halatang nag-aalala.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit ngumiti.

"I'm fine, no need to worry," sagot ko.

"Sa kanta ba 'yan? Gusto mo i-off ko na lang?" alok niya, sabay pindot sa radio.

"Nah, okay lang. Maganda naman yung kanta. Nadala lang ako," pilit akong ngumiti para ipakita na ayos lang talaga ako.

Tumango siya, parang naintindihan naman niya.

"Dahil ba sakin?"

Assumero talaga.

Di ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para itanong 'yon, pero isang bagay lang ang sigurado ako ngayon...

Hindi dahil sa kanya.

"I guess okay na kung ibaba mo na lang ako sa may bus stop," sabi ko nang diretso.

"Jho, talk to me please" pakiusap niya.

"I... said... stop... the... car Taneo!" madiin kong sabi.

Halatang nagulat sya, Siguro di niya inexpect na aabot sa ganito. Kasi, sa pagkakaalam ko, ngayon ko lang sya sinigawan ng ganun

"I'm sorry," halos pabulong niyang sagot.

Huminga ako nang malalim. "Just stop the car, Taneo."

Di na siya kumontra at huminto na lang sa may waiting shed. Wala na siyang sinabi.

"Salamat sa paghatid Taneo," sabay yuko ko bago bumaba ng kotse.

Tumango lang siya. "Jhoanna,Can I ask you one thing?" seryoso niyang tanong.

"Ano 'yon?" sagot ko.

"May iba na ba Jho?"

Natahimik lang ako sa tanong niya. Alam ko naman ang sagot, pero bakit ang hirap sabihin?

Meron na ba talaga?

Ngumiti si Taneo, pero halatang pilit. "Okay lang, di mo na kailangang sagutin. Silence means yes, right?" may lungkot sa boses niya habang sinasabi 'yon.

Di ako nakapagsalita.

Kahit di ko sabihin, alam kong tama siya.

"Goodnight, Jho" sabi niya bago pinaandar ulit ang kotse niya.

Sakto namang after five minutes, may dumating na din na bus. Sumakay agad ako, inabot ang bayad ko sa konduktor, at umupo sa tabi ng bintana.

_

"Overtime?" bungad agad ni Ate Colet pagpasok ko.

"Oo," sagot ko

"Grabe Jho, nakita mo na ba yung bagong kotse sa garahe?! May sarili nang sasakyan si Gwen! Akala ko pa naman ikaw yung unang magkakaroon ng kotse sa'tin apat" excited niyang kwento.

"Oh?" sagot ko

"'Yan lang reaction mo? Di ka ba masaya para kay Gwen? Di ka man lang nagulat?"

"Ate Colet, pagod ako. Pwede ba sa ibang araw na lang tayo mag-usap?"

Agad nawala ang ngiti niya. "Ah, okay, sige, magpahinga kana Jho" mahina niyang sagot.

"Salamat."

Pagkasabi ko no'n, dumiretso na agad ako sa kwarto. Pagod na pagod na ako kaya di na ako nakapagbihis o ligo man lang, gusto ko nalang matulog.

Pagkahiga ko sa kama, napangiti ako. "Finally, makakatulog na rin ako."

Pero syempre, sa maling timing, biglang nag-ring ang phone ko.

Tiningnan ko yung screen.

Unknown Number Calling...

09-xxx-xxx

Unknown Number.

Sino 'to?

Dinecline ko agad.

Come on, di ko kailangang sagutin ang tawag ng kung sinumang random na tao na trip lang mangistorbo. Common prank lang 'to, lalo na sa mga bored na teenager na walang magawa sa buhay. And I'm definitely not in the mood for their games.

Nilapag ko ang phone ko sa bedside table at ipinikit ulit ang mga mata ko.

Pero ilang segundo lang... nag-ring ulit.

Dinecline ko ulit.

At sa pangatlong beses, tumunog na naman ang phone ko.

Napamura na lang ako sa inis. For Pete's sake, gusto ko lang matulog! May trabaho pa ako bukas!

Wala na akong choice. Kinuha ko ulit ang phone ko at sinagot ang tawag.

"If wala kang balak patulugin ako, please lang, baka masakal kita! Wala akong oras sa mga trip nyo, so just leave me alone!" inis kong sigaw.

"JHOANNAAAAA~"

Napabalikwas ako ng upo.

Nawala bigla yung antok ko.

Kilala ko yung boses na yun ahh. Kahit pa iba ang tono ng pagsasalita niya ngayon, imposibleng magkamali ako.

"Mi-Miss Sevilleja? Paano niyo nakuha 'yung number ko?" Tanong ko sa kanya

"Ang cute mo naman, Jho~" natawa siya. "Syempre, I'm a Sevilleja... I have my ways" sagot niya na parang... lasing?

"Saan ka ba? Bakit ang ingay?" tanong ko, dahil rinig ko ang malakas na background music.

"Don't worry about me~ May sasabihin lang ako!" sigaw niya.

Seryoso ba 'to?

"Okay? Pero sabihin mo muna, nasaan ka?"

"No! Let me finish first!"

Napairap ako.

"Sige na, ano ba 'yon?"

"Will you m-arry me Jho?, please... pakasalan mo ako."

What the actual fuck?!

Teka, lasing ba siya??!

"Stacey, nasaan ka? Pupuntahan kita," sabi ko agad.

"Staku! Lasing ka na! Come on, Let's go home!" may narinig akong lalaking sumisigaw sa kanya.

Nag-panic ako. "Stacey! Nasaan ka?! Sino kasama mo?!"

"Ahm, hello? Jhoanna, right? This is Gelo, Stacey's husband, Pwede ka bang pumunta dito sa Paradise Club? She's already making a scene here. Sorry if I disturb you but she doesn't want to go unless you came here. Just a little hope if you can convince her to go home if you're the one who talk to her" sabi ni Gelo sa kabilang linya habang rinig ko ang ingay sa background.

"What the-Gelo! Akin na yang phone! You're not even my real -awhejdjrndkvjfk!" Hindi ko na marinig nang maayos 'yung huling sinabi niya dahil sa sobrang lakas ng music.

"I'm sorry, Jhoanna. Sobrang lasing na niya. Can you come?" ulit ni Gelo, halatang desperado na.

"Sige, papunta na 'ko. Hintayin nyo ako" sagot ko agad bago ibaba ang tawag.

Pagkababa ko ng phone, mabilis kong kinuha 'yung hoodie ko at sinuot. Nalilito pa rin ako sa nangyayari kina Stacey at Gelo. Gelo is the husband, he should be the one to convince his wife but why me? I'm just the secretary here ok? technically, siya dapat 'yung nag-aalaga at nagpapakalma sa kanya! Pero mas lalo akong naguguluhan kasi bakit niya ako tinatawagan? Bakit ako 'yung hinahanap niya?

Aiiish! Wala na! Kailangan ko na lang pumunta para malaman kung anong meron.

Pagkalabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa pinto pero may naisip akong mas mabilis na way para makarating sa Paradise Club.

"Gwenny, may hihingiin sana akong favor sayo" sabi ko habang inakbayan siya

"Oh sure! Ano 'yon Jho, Kahit ano!" sagot niya habang busy sa ginagawa niya.

Bigla akong napangiti. "Kahit hiramin ko yung brand-new car mo ngayong gabi?" sabi ko

Napakunot agad noo niya. "H-ha? Anong sabi mo?"

"Saan mo nilagay 'yung susi?" tanong ko agad

"Jho! Bagong-bago 'yung kotse ko! Ikaw pa lang ang unang makakagamit nun!" reklamo niya, halatang protective sa sasakyan niya.

"Ehh, sabi mo kahit ano, 'di ba?" sagot ko habang nakangiti

"Oo pero hindi yung kotse ko!" sagot niya, iritado na.

"Gwen, first time ko lang naman hihingi ng pabor sa'yo oh," sabi ko, may halong drama para maawa siya.

Napabuntong-hininga siya bago umiling. Tapos, tinuro niya 'yung cabinet niya. "Fine. Nasa loob 'yung susi. Pero Jho please, ingatan mo 'yang kotse ko! Alam mo na kung anong mangyayari 'pag may nangyari diyan."

"Oh my God! Thank you, Gwenny! Promise aalagaan ko 'to, babalik ko sayo ng buong buo" masaya kong sabi bago agad-agad kinuha ang susi.

Thank God at mabait si Gwen.

And Ate Colet, tandaan mo 'to- hindi nga ako ang unang nagkaroon ng kotse sa atin, pero ako ang unang nakagamit! So technically, panalo pa rin ako!

📍At the Bar

Inabot ako ng one hour bago makarating sa club. Ang layo kasi ng Paradise Bar mula sa apartment namin, kaya buti na lang talaga pinagamit ni Gwen yung kotse nya. Kung nag-commute pa ako, baka hanggang ngayon wala pa ako dito.

Pagkapasok ko pa lang sa club, sinalubong agad ako ni Gelo.

"Jho! Oh my God! Buti dumating ka. Sakto ang timing mo!"

"If you won't mind, nasaan si Stacey? Oh, sorry-I mean, Miss Sevilleja?" tanong ko agad.

"Oh yeah, about Stacey, she's-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bago pa 'yon mangyari, may narinig akong boses mula sa likuran ko.

"Jhoooooo! Andito ka naaa... Are you.. going to m-marry me now?"

Napalingon ako at nakita si Stacey, nakangiti habang namumula ang mukha nya. Nakahawak siya sa balikat ng isang babae dahil obvious na hindi na siya makatayo nang maayos. Lasing na lasing. Kasama niya si Mikha.

"Please Staks don't make yourself look like a fool infront of your secretary" bulong ni Mikha sa kanya.

"Sorry Jho if you need to see her in this kind of state. It's just that she's so drunk and you're the only right now who can convinced her to go home" sabi ni Mikha habang pilit inaalalayan si Stacey.

"Anong uwi? Are you being serious Lim? Walang uuwi!!" sigaw ni Stacey sabay hampas sa likod ni Mikha.

"Please, Jhoana," pakiusap ni Mikha

Lumapit ako kay Stacey "Ahmm, Ma'am Sevilleja?"

"What?" sagot niya habang nakangiti na parang ewan.

"Late na po, baka gusto n'yo nang umuwi?"

"No." Diretsong sagot niya.

Haysst! I don't like a drunk Sevilleja anymore.

Pero bigla siyang ngumiti sakin. "But I can say yes if you agreed on my condition"

Condition? Siguro may binabalak toh?

Fine! Wala naman akong choice dito, 'di ba?

"Sige, ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

Kunyari pang nag-iisip si Stacey habang lahat kami naghihintay sa sagot niya. Naiinip na ako nang bigla siyang ngumiti , para bang may naisip na siyang magandang idea.

"Marry me Jho~"

What. The. Actual. Fuck?!

Bakit ang hirap ipaintindi sa kanya na may asawa na siya?! At ngayon, heto siya, tinatanong ako nang ganito?!

Tumingin ako kay Mikha para humingi ng tulong, pero binigyan lang nila ako ng please-say-yes-na look.

"Jho, sakyan mo nalang yung pinagsasabi nya please" bulong ni Mikha.

Tumingin din ako kay Gelo, pero imbes na tumulong, nag-thumbs up pa siya na parang sinasabing go, say yes na!

Ano ba 'to?!

Lahat sila, weird.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang nag-exhale.

Mukhang wala na talaga akong choice! Kaya ayun...

"Yes, I'll marry you Stacey"

⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 10 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories