Chapter 8: Ride or Die
12:10, 6 May 2026Jhoanna's POV
"Anong nakain nyan?" tanong ni Ate Colet habang nakatingin sa akin.
Gwen shrugged. "Di ko rin alam, nagtaka din kami bat nagkaganyan yan ehh "
"Four years na tayong magkakasama dito, pero ngayon lang yan nagising nang maaga para magluto ng breakfast" dagdag pa ni Ate Colet
"Feeling ko nasisiraan na sya ng bait, sobrang stress na ata nya sa work" sabi ni Sheena
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagluluto ng pancake. Wala silang idea kung gaano ako kasaya ngayon, kaya hindi nila gets kung bakit ako nagkakaganto ako.
Napangiti ulit ako habang nagpa-flash sa isip ko yung nangyari kahapon-yung yakap niya, yung halik niya, at yung mukha niyang sobrang ganda. Ang tagal ko nang hindi naramdaman 'to. Akala ko hindi ko na mararanasan ulit, pero grabe, love talaga is unpredictable. Hindi mo malalaman kung kailan ka ulit matatamaan. Hindi pa ako sure sa feelings ko for Stacey, pero one thing's for sure-may space na siya sa puso ko. Kung bibigyan ako ng chance na magmahal ulit, okay lang kung siya 'yon. I mean, she's not bad at all... actually, she's my type.
"Ate Colet sa tingin ko kailangan na nating kausapin yung boss nya. Natatakot na ako sa mukha nya oh, bigla bigla nalang ngumingiti" sabi pa ni Sheena
Patuloy lang akong nagluluto nang biglang lumapit sakin si Ate Colet.
"Jho, magsabi ka nga ng totoo" seryoso niyang sabi. "Pinapahirapan ka nanaman ba ng boss mo? Kung may problema ka, sabihin mo lang. Nandito kami oh"
Napataas ang kilay ko.
Anong pinagsasabi neto?
Lumingon ako sa direksyon ni Sheena at Gwen parehas din silang mukhang concerned.
Seriously? Akala nila nahihirapan ako sa boss ko?
Well, tama sila na may kinalaman si Stacey sa ikinikilos ko ngayon, pero hindi in a bad way.
"Guys, wala akong problema, okay ako," sagot ko habang tinapik ang likod ni Ate Colet
"At isa pa," nilingon ko silang lahat. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na mali ang iniisip niyo about kay ma'am Sevilleja" Ngumiti ako habang nagpa-flash na naman sa isip ko ang mukha niya.
Gosh, I miss her already.
"Then anong meron sa boss mo?" mabilis na tanong ni Gwen.
Ngumiti ulit ako.
"She's... she's kind and beautiful," sagot ko habang napapangiti sa isipin ko sa kanya.
"Kawawa naman si Ate Jho, nababaliw na talaga sya!" sabi ni Sheena
"I feel bad for her," sabay iling ni Gwen
"Don't worry, Ate Jho-" magsasalita pa sana si Sheena ng biglang nagsalita si Ate Colet
"Di pwede!!"
Nagulat kaming lahat nang bigla niyang sinara nang malakas ang pinto. Mukhang sobrang pikon nanaman sya.
"Jho, magbibigay kana ng resignation letter sa boss mo today. That's final!" madiing sabi niya.
Huh, ang OA??
Seryoso ba sila?
"Guys?" tawag ko sa kanila para makuha ang attention nila, pero masyado silang busy sa ginagawa nilang commotion.
Ugh, whatever.
Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang bag ko. Lalabas na lang ako at papasok na sa work. Mas importante na makita ko na siya ngayon.
Naglalakad akong masaya papunta sa trabaho. Sino mag-aakala na magiging ganito ako ngayon? Dati, sobrang inis ako sa trabahong 'to dahil kay Stacey, pero ngayon? I swear, kung dati inaaway ko siya araw-araw at kinakainisan bago matulog, ngayon naman parang gusto ko na siyang sambahin. Just one kiss and hug, and everything changed.
Pagdating ko sa LSA.Corp building, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Never akong kinabahan nang ganito sa pagpasok dito dati. Ngayon lang.
Dahil ba kay Stacey?
Oh my God, ang tanga ko. Para akong teenager na kinikilig.
Aish, Sevilleja, this is your fault!
Umiling ako para tanggalin ang kung anu-anong naiisip ko. Nasa harap na ako ng elevator at pipindutin ko na sana ang button nang may bigla sumulpot sa likod ko.
Lumingon ako sa taong 'yon at napataas ng kilay
"Don't get the wrong idea, I'm here for Miss Sevilleja, not for you. So stop looking at me like I'm gonna do something bad," sabi ni Taneo habang pumapasok sa elevator.
Dedma lang ako at sumunod na lang sa loob.
Tahimik lang sa elevator, pero ilang segundo lang, nagsalita siya.
"So, how are you? Hindi ko alam na ikaw pala ang secretary ni Stacey"
Mukhang napansin niyang iniiwasan ko siya, kaya nagpatuloy pa siya.
"Sorry nga pala sa nangyari nung isang araw."
Huminga ako nang malalim at napaharap sa kanya.
"Kung gusto mong kausapin si Ms. Sevilleja, andiyan lang siya sa office niya. Punta ka na lang doon," malamig kong sagot.
"But I'm not asking about her," sagot niya.
Napatawa ako. "Eh 'di ba sabi mo, nandito ka para kausapin si Miss Sevilleja?" sagot ko nang sarcastic.
Ding!
Finally, nakarating na kami.
Pagbukas ng elevator doors, dali-dali akong lumabas.
"Jho, wait-"
"What are you doing here, Mr. Taneo?"
Nagulat ako sa boses na narinig ko.
Agad akong napatingin sa kanya. Para siyang ramp model habang palapit sa amin.
'Of course, Jho, dati siyang ramp model, 'di ba?' bulong ng isip ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Taneo, nakataas ang kilay.
"I just came to check the project," sagot ni Taneo
Tumango si Stacey, pero parang may halong sarcasm. "Oh? Pero kahapon nandito ka rin. Balak mo bang araw-arawin?"
Parang nablangko si Taneo. "Uh, I-I just..."
"No need to explain," putol ni Stacey. "Just don't be near my secretary. If you want updates, talk to the project manager. My secretary has nothing to do with that. Clear?"
Then, she turned to me.
"And you, Jhoanna? Let's go. You have a lot of work waiting."
Bigla niya akong hinila palayo.
Naguguluhan ako.
Bakit parang may mali sa kanya?
Pagkapasok namin sa office niya, agad niyang binitiwan ang kamay ko at humarap sa akin, mukhang galit.
"Ano 'yung nakita ko kanina? Bakit ka nakikipag-usap dun?" seryoso niyang tanong.
"Nagkita lang kami sa elevator," sagot ko.
"You saw him in elevator? But why you let him have a talk with you?"
"Huh? Bakit ganyan ka magtanong?"
"JUST F*CKING ANSWER ME ROBLES!" sigaw niya.
Napatahimik ako.
For the second time, sinigawan niya ako.
At mas masakit 'to.
Napansin ko na lang na tumutulo na 'yung luha ko.
Mabilis na nagbago ang expression ni Stacey.
"Forget it. Start working."
Ang sakit.
Akala ko... iba na ngayon.
Akala ko... may something special na sa amin.
Pero mali pala ako.
_
Timeskip-
Two days na ang lumipas simula nung nangyari 'yung incident na 'yun, and I must say na unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat sa pagitan namin ni boss. Kagaya ng usual, lalapit siya sa akin para sa mga trabahong kailangan kong tapusin, then as her secretary, susundin ko 'yung utos niya and I'll finish it within the deadline na binigay niya.
So far, okay naman lahat. Walang nagbago. Same routine every day.
Just a boss-and-employee relationship.
Nothing more.
"Miss Robles, ibigay mo 'to kay Mr. Gomez and tell him na kailangan ko na 'yung financial statement this afternoon." Nilapag ni Stacey ang blue folder sa desk niya.
Sobrang focused siya sa laptop niya na ni hindi man lang ako matingnan. Wala naman akong pake and I just threw my thoughts away. Kinuha ko 'yung blue folder at yumuko bago lumabas ng office niya.
For the past two days, ganito na lagi kami ni boss. Mag-uusap lang kung kailangan niya ng tulong. Magkakaroon lang ng conversation kapag tungkol sa trabaho. At mapapansin lang niya ang presence ko kapag may pinapagawa siya-kagaya na lang ngayon.
Alam ko namang hindi ako dapat umasa o ano pa man, kasi alam ko naman sa sarili ko kung saan ako lulugar.
Minsan, namimiss ko 'yung dating siya-'yung lagi masungit sa akin noon. 'Yung mga panahong wala siyang ginawa kundi pagalitan ako, bigyan ako ng sandamakmak na trabaho na parang isa akong robot, at insultuhin ako araw-araw. Alam kong weird and borderline masochistic 'yung pakinggan, pero at least noon, napapansin niya ako. Kahit paano, mas matagal ang conversation namin.
Unlike ngayon.
Oo, hindi na siya kasing sungit sa akin, and mas maayos na 'yung pakikitungo niya sa akin ngayon, pero may nagbago pa rin. Ang layo na ng dating siya sa ngayon. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, lalapit lang siya sa akin kapag tungkol sa work, then after that, parang wala na naman akong halaga sa kanya.
---
"Sir, pinapabigay po ni Ms. Sevilleja sa inyo, and reminder lang po from the CEO, kailangan na po niya ng financial statement ng company this afternoon." Iniabot ko ang blue folder kay Mr. Gomez at agad din akong lumabas ng office niya pagkatapos.
Tumingin ako sa wristwatch ko para tingnan ang oras.
7:00 PM.
Gabi na pala. Dapat umuwi na ako, pero mukhang hindi pa ako makakaalis nang maaga today kasi hindi pa rin ako tapos sa mga errands ko. Mukhang mag-o-overtime na lang ako.
I was about to put my hand down nang mapansin ko ulit 'yung relo ko. Napangiti ako. Naalala ko kung paano niya ito ibinigay sa akin noon. It was unexpected.
I mean, sinong mag-aakala na pagkatapos niyang itapon 'yung luma kong relo, ipapalit niya 'to ng bago-at hindi lang basta relo, Rolex pa? Kung ibang tao ang makakita, siguro iisipin nilang weird si Stacey, na rich kid siya na hindi alam kung paano gastusin ang pera niya. Pero para sa akin, it was sweet and romantic. Ewan ko, pero iba lang talaga ang tingin ko rito.
"JUST FUCKING ANSWER MY QUESTION ROBLES!"
Biglang bumalik sa isip ko ang galit na mukha ni Stacey. Naalala ko kung paano niya ako sinigawan-
Bumalik ako sa realidad at muling tinignan ang relo ko.
"Woaahh! Rolex 'yan, diba?"
Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.
Napakunot ang noo ko at napalingon kay Ate Maloi na wala man lang kaalam-alam na halos inatake ako sa puso sa ginawa niya.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para tignan nang maigi ang relo. "Mukha legit to ahh. Magkano 'yan?!" tanong niya na may excitement sa mukha.
Hindi ko siya sinagot.
"C'mon Jho, 'wag kang mahiya. Hulugan ba toh? Home Credit?" sunod sunod niyang tanong.
Napailing na lang ako. Ghad! Sumasakit ulo ko sa dami ng tanong niya.
"Ah di ako bumili nyan" sagot ko nang walang gana.
Napataas siya ng kilay. "Then paano ka nagkaroon ng ganyan?"
"May nagbigay."
Tumango siya, pero kitang-kita ko ang intrigue sa mukha niya. Akala ko titigilan na niya ako, pero mali ako. Bigla na naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ano nanaman Ate Maloi?" tanong ko, pilit na nagpapakalma.
"Last na, promise! After nito, hindi na kita kukulitin."
Napabuntong-hininga ako. Ano bang meron sa relo ko at sobrang interesado siya?!
"Sino nagbigay? Boyfriend mo? May nanliligaw sa'yo noh?" tanong niya na puno ng excitement.
Napatingin ako sa kanya. Kailangan ko pa ba talagang sagutin 'to?
"Why don't you ask me instead?"
Napataas ang kilay ko nang may marinig akong pamilyar na boses sa likod ko.
Hindi ko man siya nakikita, pero alam ko na kung sino 'yon.
"You're curious, right? You want to know who gave that Rolex to her?"
Ramdam kong papalapit nang papalapit ang mga yapak niya.
Nakikita kong nagsisimula nang manginig si Ate Maloi.
"Ma-ma'am... I-I... just-"
"Don't be nervous, Miss Ricalde. Hindi mo kasalanan kung gusto mo lang malaman kung sinong nagbigay nyan," sabi ni Stacey. "I'll ask you again. Gusto mo talagang malaman kung sino nagbigay?"
"Ma'am, okay lang po-"
"It's me. Ako nagbigay niyan sa kanya. Satisfied?"
Biglang natahimik ang paligid.
Speechless si Ate Maloi, at ako naman, pinili ko na lang manahimik.
Stacey smirked. "Now that you know, bumalik ka na sa trabaho mo. And please, next time, 'wag mo nang guluhin ang secretary ko."
"Ye-yes,ma'am. Sorry po! Hinding-hindi na po mauulit."
"Good. At isa pa, ayokong makita kang nakikipag-usap kay Miss Robles. Kung mag-uusap man kayo, 'wag sa harap ko. Naiintindihan mo?"
"Ye-yes po, ma'am!" Mabilis siyang yumuko at nagpaalam.
Tumingin at lumingon sa akin si Stacey. "Let's go. Marami pa tayong kailangang tapusin."
Naglakad siya papunta sa office niya, at habang pinagmamasdan ko siyang papalayo, napatingin ako ulit sa relo ko.
Mukhang hindi na maganda kung patuloy ko pang susuotin 'to.
Kaya kahit mabigat sa loob, tinanggal ko ang relo at nilagay sa bulsa ko.
At bago ako sumunod kay Stacey nilapag ko ang relo sa desk niya-nang hindi niya napapansin.
_
I was in the middle of working on some papers when Stacey's phone started ringing.
Sinagot nya agad yung tawag and based sa conversation nila, I already had an idea who it was. No way I'd be mistaken about this-I was sure it was her husband.
Habang nakikinig ako sa usapan nila, I heard him offering her a ride after work. Then, another dinner date na naman. Again. And again. And as a dutiful wife, Stacey didn't even hesitate-she accepted it agad. So I guess, settled na 'yon.
Right after dropping the call, she immediately stopped working. Tumayo siya from her swivel chair, and just from her body language, I already knew what she was about to do.
"Let's just finish these papers tomorrow. It's already late," she said seriously habang nilalagay lahat ng gamit niya sa bag.
Knew it.
The moment she said that, I stopped what I was doing and started fixing my stuff sa desk ko.
"What about this? Bakit mo iniwan 'to dito?" she asked, holding up the Rolex watch.
My eyes widened.
I really thought makakalusot na ako today without her noticing the watch na binalik ko sa table niya, but I was wrong.
"I can't accept it anymore, Ms. Sevilleja"
Stacey placed her bag back on the table after hearing my response.
"Your reason?" she asked, crossing her arms.
"I just don't think it looks good if I accept gifts from my boss," I reasoned out.
"But it's not a gift," sabi nya
"But it looks like one."
Silence. Three seconds of us just staring at each other, as if nagbabasa kami ng isip ng isa't isa. Then finally, Stacey sighed in defeat.
"Fine!" she huffed, rolling her eyes as she took the Rolex back.
"If you don't want it, I won't insist. Pero tandaan mo 'to," she gave me a sharp look before continuing, "Don't ever assume na iaalok ko 'to ulit sa'yo."
And with that, she stormed out of the office, leaving me dumbfounded.
-
For the nth time, I sighed.
I don't know why, pero parang anytime, my tears could fall. And I hate it.
Bakit ang bigat sa dibdib?
I took a deep breath and exhaled slowly.
Nasa labas na ako ng LSA.Corp building, waiting for a taxi for almost thirty minutes now, pero wala pa rin. Ang malas ko talaga today.
"Sorry, did I make you wait?"
I saw Stacey from afar habang naglalakad papunta sa asawa niya.
Pagdating niya, her husband immediately pulled her into a hug, which made me look away instantly.
I don't wanna see that.
"So, let's go? We'll be late. I already reserved a table sa favorite restaurant mo," Gelo happily told his wife.
Damn. I didn't know they were this sweet.
Oh, c'mon. Kill me now.
"You're so sweet as always hon. You never forget my favorites," Stacey giggled while pinching his cheek.
It's final-I wanna disappear.
They got inside their car while I was left standing here, looking dumb, sulking over their sweetness. Honestly, I really wanna cry, but hell no! As much as I can, pipigilan ko sarili ko. They don't need to see my tears-lalo na si Stacey, and most of all, not in front of her husband.
I don't wanna look like a loser in their eyes. Well, kahit hindi pa nila sabihin, talo na ako from the start.
I was still waiting for a taxi when I heard their car engine start.
Napabuntong-hininga ako ulit, hoping na finally, they would leave na para maiwan na akong mag-isa. But the next thing that happened? Unexpected.
The car slowly moved-towards my direction.
Nanlaki mata ko nang biglang huminto 'yon sa tabi ko.
What the hell?
Don't tell me they're gonna offer me a ride?!
Hell nooooo! I'm not a martyr, okay?
Bumaba 'yung car window, revealing Stacey's face. She was about to say something, but someone else spoke first.
"Did you wait, Jho? Let's go, I'll take you home."
Napalingon ako sa kabila-doon ko lang napansin 'yung isa pang sasakyan sa right side ko.
Taneo smiled at me, waiting for my response.
"Let's go, I'm already hungry," Stacey flatly said before quickly closing their car window.
Then, just like that, they drove off, leaving me hanging.
"Jho, I know ayaw mo, pero it's already late. I'm just concerned," Taneo said in a worried tone.
Tumingin ako sa phone ko-10 PM na.
He's right. It's dangerous for me to stay here, waiting for a damn taxi na wala namang kasiguraduhan kung darating pa.
In the end, I had no choice.
"Baka mag assume ka ha, I only accepting your offer kasi wala na akong ibang option," I said habang sinusuot ang seatbelt.
⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 8 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Dust Bones [Harry Styles]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/1198/conversions/a640cdb809d084e5d20475eedbf3c663.jpg)



