Who's The Boss? 2
13:30, 13 July 2018Synopsis: Glaiza and Rhian are rivals vouching for the one manegerial postition. Not really a book 2, but an alternate ending to Who's The Boss.
Ito yung isa sa mga drafts na nabuo. But for some reason sobrang naiba yung ending.
Genre: RomCom
Status: Bes, may nanalo na uwi na tayo - Not published
-----------------------------------------------
Naggagayak si Glaiza papuntang office. Magulo ang apartment niya. Nalalasap na niya ang inaasam na promotion. Sasakay ng taxi si Glaiza papuntang office. *Backstory ni Glaiza - from Baguio nag-apply sa Manila, zero love life so nag-concentrate sa work, successful sa career, respetado sa office, mabuting team leader.
*Call center floor - busy, parang bee hive, maliwanag sobra ang mga ilaw, amoy kape ang aura ng mga tao, may mga palisaw-lisaw sa floor, may mga nagco-concentrate sa calls.
Uupo si Glaiza sa station niya at mag-aayos ng gamit. Magsisimula ang typical work day niya.
Lalarga si Glaiza for the interview. Kakabahan siya ngunit hindi magpapahalata. *Glass room ang office ni Wendz - ang operations manager. Tatawagin si Glaiza ng boss niya. Uncomfortable ang feeling ni G kapag interview - nanlalamig, naiihi, kinakabahan. Masisimula ang interview at magtatagal ito sa kanya. Makakaraos si Glaiza feeling confident na nakuha niya ang post.
Magkikita si Glai at ang kwenlang trainer na si Sam sa CR. Magkakamustahan ang dalawa. They will act silly sa harap ng salamin. Papasok ang client na si Solenn at maabutan silang goofing off. Mahihiya si Glaiza dahil crush niya si Solenn. Patagong matatawa si Solenn sa cubicle pero walang maririnig ang dalawa. E-exit si Glaiza at Sam para mag lunch. Mangungutang si Sam sa kanya.
Maglulunch si Solenn at Wendz. Maguusap ang dalawa tungkol sa pag-alis ni Wendz sa kumpanya at sa papalit dito. Bet ni Wendz si Glaiza pero di kompiyansa si Solenn. Ipe-persuade ni Solenn si Wendz na mag-hire externally. Si Rhian ang bet niyang manager dahil close friend niya ito. Papayag si Wendz na ma-interview si Rhian.
Maglalakad si Glaiza pauwi dahil inutang ni Sam ang pera niya. Aabutan siya ng ulan. Sisilong si Glaiza sa tapat ng bulok na warehouse. Mabubwisit si Glaiza dahil hindi siya makauwi. Mamalayan ni G na may kasama na pala siya sa silong. Pareho silang basang-basa ng kasama. Magpapakilala itong si Rhian.
Mags-small talk ang dalawa. Malalaman ni Glaiza na naghahanap ng work si Rhian. Aalukin niya itong mag-apply sa kanila. Mag-ooffer naman si Rhi na sumabay si Glai sa kanya dahil meron siyang sundo.
Dadating ang sundo ni Rhi. Magugulat si Glai na si Solenn ito. Makikila ni Solenn si Glaiza. Mahihiya si Glaiza ngunit papayag na magpahatid. Malalaman ni Glai na marunong magtagalog si Solenn. Mahihiya siya dito dahil naiintindihan pala nito ang chikahan nila ni Sam sa CR.
Maaabutan ni Glaiza si Rhian sa office preparing for an interview next night. Iwi-wish ito ni Glaiza ng good luck. Malalaman ni Glai na OM post din pala ang inaaplyan nito. Mate-threathen si Glai.
Ipapatawag ni Wendz at Solenn sina Glaiza at Rhian sa conference room. Magsisimula ang tension between the two candidates. Malalaman nilang na-postpone ang resignation ni Wendz so for deliberation pa ang status ng application nila.
They will manage the Academy team na mga patapong agents na hindi nagper-perform. They will be co Team-Leaders at goal nila ang maayos ang stats ng agents - ayun ang magiging basehan kung sino sa kanila ang magiging Operations Manager. Kakasa ang dalawa sa challenge.
Magpapasiklaban ang dalawa. Magsusungitan sila off duty ngunit professional pag kaharap ang mga ahente. Magiging mortal na magkaribal ang dalawa.
Rest Day. Maglalakad-lakad si Glaiza sa subdivision para magpahangin. Maabutan niyang nakaparada ang isang magarang sasakyan sa kabilang street. Mahihiwagaan siya. Makikita niyang itulak ng driver palabas ang pasahero nito. Babagsak sa gutter ang lasing na pasahero. Aarangkada ang kotse.
Maawa si Glaiza sa babae. Lalapitan niya ito. Magugulat siyang si Rhian pala ito. Magdadalawang isip siyang tulungan ito. Makokonsensya siya. Dadalin niya ito sa barangay ngunit makikita niyang nakapark doon ang kotse. Iuuwi niya si Rhian sa apartment. Pakikialaman niya ang phone nito at tatawagan ang mommy ni Rhi. Iiwan niya si Rhi sa apartment para pumasok sa office.
Magkikita si Glaiza at Rhian sa elevator. Mai-imbyerna si Rhian kay Glaiza for calling her mom dahil pinagalitan siya nito. Mare-reveal na Rhian is trying to prove herself to her family dahil siya ang blacksheep. Pinababalik siya ng mommy niya sa Batangas. Magmamatigas si Rhian at mags-stay sa Manila.
Mas-stuck sa elevator si Rhian at Glaiza. Mag-aaway ang dalawa sa loob nito. Makakatulog si Glaiza. Mananaginip si Glaiza at mababanggit ang panaglan ni Solenn. Magigising si Glaiza na yakap ang braso ni Rhian. Mandidiri ang dalawa sa isa't-isa. Malalaman ni Rhian ang sikreto ni Glaiza na crush nito si Solenn at mananakot na magsumbong. Iba-black mail ni Rhian si Glaiza to kiss her - dare nila yun ni Solenn at ang price ay ang kotse. Mapipilitan si Glaiza sa gusto ni Rhian.
Bubukas ang elevator at mahuhuli ni Wendz nag-kiss ang dalawa. Matutunaw sa hiya ang dalawa. Ipapatawag ni Wendz ang dalawa. Aaminin ni Rhian na siya ang pasimuno ngunit maiisipan ni Glai magkukunwaring couple talaga sila to share the weight. Palalagpasin ni Wendz ang eskandalo. Mapipilitan ang dalawa na magpanggap kay Wendz. Malalaman ng dalawa na may common ex sila - si Lovi.
Maaksidente si Rhian sa pagmamaneho. Aalagaan siya ni Glaiza. Iimbitahan sila ni Wednz sa engagement party. Mananalo sila ng tickets sa show. Made-date ang dalawa. Unti-unting magiging totoo ang pagpapanggap ng dalawa.
Magkakateam-building na gaganapin sa resthouse ni Rhi sa Batangas. Mapupuno ng memorable moments ang team building. Magiging official ang relationship ng dalawa sa team building. Makikidnap si Glaiza kinabukasan. Ililigtas siya ni Rhian.
Masa-save ni G at R ang academy agents sa pagkakasesante. Makakabalik ang mga ito sa production floor. Magiging super close ang team. Lalalim ang relasyon ng dalawang bida as the story progresses. Tututol ang mga pamilya nila dito. Masa-save ni Glaiza ang mom ni Rhi sa isang aksidente. Matatanggap na siya nito.
Mapu-pull out ang account. Walang magiging OM sa kanilang dalawa. Lovi will try to win them both back. Masisira si Rhi at Glai dahil doon. Walang paninindigan si Lovi sa kanilang dalawa. Makakahanap ng work si Rhi sa Singapore. Marerealize ni Glai na iiwan na siya ni Rhian.
Hahabulin ni Glai si Rhi sa airport para mag-sorry. Patatawarin siya ni Rhi. Masa-save ang relationship nila ngunit hindi mapipigilan ang pag-alis ni R. Magiging LDR sila. Magiging challenging ang bago nilang set-up. Matutulungan ni Rhi si Glai matubos ang asinan sa Pangasinan. Matatangap na siya ng family ni Glai. Makakahanap ng bagong work si Glai sa Pinas.
Tatawagan ni Rhi si Glai. Mag-aalala si Rhi dahil walang sumasagot. Lalabas si Rhi sa office sa Singapore. May tatawag sa pangalan ni Rhi. Magugulat siyang makita si Glaiza sa labas ng building nila. Magpopropose si Glaiza sa kanya. Papayag si Rhian. Magpapakasal sila sa Canada at doon mabubuhay ng masaya.
**End
***Another version is...
So mabubulag si G. Malalaman niyang may taning na ang buhay niya. Magkukuros ang landas ni G and R sa cruise ship. Mapapagtanto ni R na mahal niya si G and vice versa. Tatanggapin ni Rhi ang alok na work ni Wendz sa Pinas to be closer to G. Mare-reveal sa huli na misdiagnosis lang pala ang sakit ni G. They will live happily ever after. :)
--------------------------------------------------
**To be honest, naguluhan talaga ako sa ending ng Who's The Boss. It's supossed to be bakya with random jokes and fluff. I have no idea bakit naging serious sa huli.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





