Fanfics

Belisma

13:30, 13 July 2018

Synopsis: Set in the 1960's. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang tindera ng gulay (Althea) na iibig sa isang mapanganib na diyosa (Jade). The story is dark albeit a fantasty book.

Genre: Folklore/Mystery 

Status: Draft Complete  - not published----------------------------------------------------------

Ilalarawan ang probinsya ni Althea. Mapuno, mabukid, masukal. Focal point ang matandang ilog na bumubuhay sa mga taga-roon. May mga aleng nakatapis na naglalaba sa malumot na ilog. Nagchichismisan ang mga ito. Isa dito ang Nanay ni Althea.

Makikita ang batang si Althea na tumatakbo patungo sa Nanay niya. Aligaga at bakas ang matinding takot sa mukha. Hindi alintana ang matutulis na bato sa gilid ng ilog.

Magtataka ang nanay ni Althea. Itatanong nito kung ano ang pakay ng anak. Ibabalita ni Althea na tinangay sa agos ang nakakababata niyang kapatid habang naglalaro sila sa ilog. Magigimbal ang Nanay ni Althea. Pagagalitan nito si Althea sa pagsuway sa utos niya.

Hahanapin nila ang bata ngunit mabibigo. Uuwi kinagabihan ang Tatay ni Althea galing bukid. Malalaman nito ang trahedya. Ibubunton nito kay Althea ang galit. Sisinturonin nito si Althea. 

Matatagpuan ang bangkay ng bata kinabukasan. Mababaliw ang Nanay ni Althea. Sisisihin ni Tatay si Althea  sa nangyari. Kamumuhian ni Althea ang sarili niya. Isusumpa nito ang ilog.

**Mapag-uusapan ng matatanda sa burol ng kapatid ni Althea ang alamat ng ilog -- nangunguha ito ng inosenteng buhay tuwing nalalapastangan. Usap-usapan ang pagpapatayo ng bagong palengke malapit dito na malamang ikinagalit nito. Idadagdag ng matatanda na minsa'y nag-aanyong tao ang ilog upang mang-akit ng mapaglalaruang mortal na lulunurin.

Lilipas ang maraming taon. Mid-twenties na si Althea. Lalaki siyang  masipag at sanay sa hirap. Magiging tindera ng gulay si Althea. Magbubukid pa din si Tatay at minsa'y ume-ekstra sa construction. May sakit pa din sa pag-iisip si Nanay. Nasa bahay lang ito. Makakasama ni Althea sa pagtitinda ang kababatang si Abby. Pareho silang tutuksuhing matandang dalaga sa palengke. Mahihilig si Althea kay Elvis Presley. 

Mauubos ang paninda ni Althea. Matutuwa si Abby para sa kanya. May paparadang sasakyan. Bababa sa kotse si Tomas, ang may-ari ng palengke. May gusto si Tomas kay Althea. May gusto naman si Abby Kay Tomas. Boto ang Tatay ni Althea kay Tomas dahil mayaman ito. Walang balak mag-asawa si Althea. 

Ngingitian ni Tomas si Althea. Pangungunaha ito ni Althea na wala pa siyang pambayad sa pwesto. Matatawa si Tomas. Ia-assure nito na hindi siya maniningil ng pwesto. Ipe-presinta nitong libre na ang pwesto ni Althea. Tatanggi si Althea out of pride.

Magpapapansin si Abby kay Tomas ngunit madededma. Yayayain ni Tomas si Althea mag-date sa nalalapit na pista. Magdadahilan si Althea na madami siyang gagawin. Masasaktan ang ego ni Tomas. Ii-insist ni Tomas na i-hatid si Althea pauwi. Makukulitan si Althea at papayag.  Magseselos si Abby.

Babagalan ni Tomas ang pagmamaneho. Magpapasikat ito kay Althea. Maiirita si Althea sa kapreskuhan nito. Mapapansin ni Althea na maling daan ang tinatahak nila. Sasabihin niya iyon kay Tomas. Hindi siya nito pakikinggan. Magpapababa si Althea. Magmamatigas si Tomas. Sisigawan ito ni Althea. Maririndi si Tomas. Hahalikan nito si Althea by force. Manlalaban si Althea. Hindi magpapatalo si Tomas. Sisipain ni Althea si Tomas sa "weak spot". Mabibitiwan ni Tomas si Althea. Makakatakas si Althea. Tatakbo si Althea sa malayo not realizing nakaabot na siya sa ilog. 

Magpapahinga si Althea sa gilid ng ilog. Hingal na hingal. Kakaluskos ang dahon sa likuran niya. Makikita niya  ang isang napakagandang babae. Manghihingi siya ng tulong dito.

Itatanong ng babae ang pangalan niya. Magpapakilala si Althea. Dadalhin siya ng babae sa bahay nito malapit sa ilog. Gagagaan ang pakiramdam ni Althea sa presensya ng babae.

Aalukin ng babae si Althea ng tubig. Tatanggapin iyon ni Althea. Maaalipin si Althea sa *sumpa ng mahiwagang babae.

*maaakit siya but not necessarily mai-inlove siya. *walang kasarian ang spirit ng river, but this time girl siya. 

Maiintriga si Althea sa babae. Pahuhulaan ng babae kay Althea ang pangalan niya. Kakasa si Althea. Tatawagin niya itong Jade.

Mamamangha ang babae. Aarte itong nahulaan ni Althea ang pangalan niya when in reality ang pangalan niya ay "Belisma" which literally translates to "water goddess" in old english. Ginawa niya iyon dahil kung sino man ang tumawag sa kanya sa tunay niyang pangalan ay makakawala sa sumpa and will have the power to control her. 

Uuwi si Althea sa kanila na lutang ang pag-iisip. Pagagalitan siya ni Tatay dahil tatlong araw siyang nawala. Walang mabibigay na dahilan si Althea. Sasampalin siya ni Tatay. Biglang maglulupasay si Nanay kaya hindi mapupuruhan si Althea. Ililihim ni Althea ang nangyari with Tomas. 

Magpapakita uli si Jade kay Althea sa palengke. Magpapasama ito sa kanyang gumala sa bayan. Papayag si Althea. Ililibot niya si Jade sa plaza. Dadalhin ni Althea si Jade sa bell tower para makita nito ang kabuuan ng bayan. Matutuwa ng labis si Jade kay Althea.

Tatanungin ni Althea si Jade kung nasaan ang pamilya nito. Ipagtatapat ni Jade na mag-isa lang siya at malungkot sa buhay. Maaawa si Althea. Mapapansin ni Jade ang mga pasa sa braso ni Althea na gawa ni Tatay.  Magsisinungaling si Althea na nahulog siya sa puno. Hahawakan ni Jade ang braso ni Althea. Gigising si Althea kinabukasan na wala na ang mga pasa niya. 

Magiging magkaibigan si Althea at Jade. Iimbitahan ni Althea si Jade SA bahay nila habang wala si Tatay. Matatakot si Nanay kay Jade. Babalewalain iyon ni Althea dahil common reaction iyon ni Nanay sa strangers. Ipakikilala ni Althea si Jade sa musika ni Elvis. Magugustuhan iyon ni Jade. 

Maagang uuwi si Althea galing palengke upang iwasan si Tomas. Iiwan niya ang bayad ng pwesto kay Abby. Habang naglalakad ay maririnig ni Althea tumutugtog ang paboritong kanta niya ni Elvis. Susundan niya ang musika. Dadalhin siya nito sa lugar ni Jade. Makikita niya si Jade na nagtatampisaw sa ilog. Maaakit siya dito. Sasalubungin siya ni Jade. Hahalikan siya nito. May mangyayari sa dalawa. 

Maaabutan ni Althea si Abby sa bahay nila na inaasikaso si Nanay. Pagagalitan siya ng kaibigan. Malalaman niyang limang araw siyang nawala. Magtataka si Althea. Ililihim niya kay Abby ang nangyari between her and Jade sa takot na itakwil siya ng kaibigan. She will not mention Jade to Abby at all.

Imumungkahi ni Abby na magpa-tawas si Althea. Ico-consider iyon ni Althea ngunit mauudlot dahil busy siya kay Nanay. Makakaligtas si Althea sa galit ni Tatay. Limang araw na din itong hindi umuuwi dahil ume-ekstra sa construction malapit sa ilog.

Uuwi na si Abby. Maiiwan si Althea kasama si Nanay. Magwawala si Nanay. Sasambitin nito ang pangalang "Belisma" ng paulit-ulit. Maguguluhan si Althea kung ano iyon. 

Lilipas ang araw. Magpapakita si Jade.   Yayayain ni Althea si Jade sa fiesta. Matutuwa si Jade dahil first time niyang maimbitahan sa pista.

Makikita ni Althea si Tomas na kasama si Abby sa piyesta. Mag-aalala si Althea para kay Abby. Magseselos si Jade sa pagkakaibigan ni Althea at Abby. 

Maso-solo ni Althea si Abby. Ipagtatapat ni Althea ang pananamantala ni Tomas. Hindi maniniwala si Abby. Magagalit ito kay Althea. Iyon na ang magiging huling pagkikita ni Althea at Abby. Matatagpuan si Abby na lumulutang sa ilog kinabukasan. 

Manlulumo si Althea sa pagkamatay ng kaibigan. Paghihinalaan nito si Tomas. Biglang matitigil ang pagpapakita ni Jade. Mamimiss ito ni Althea hanggang sa mapanagipan ito. Sugatam si Jade sa panaginip niya. Maalarma si Althea.

Bibisitahin ni Althea si Jade sa bahay nito. Magtataka si Althea na bakante na ang dating kinatatayuan Ng bahay.

Maririnig niya ang boses ni Jade.  Pagharap niya ay narooon na muli ang bahay. Makikita niya si Jade nakatayo sa ilog. Sugatan ito gaya ng sa panaginip niya. Basang-basa mula ulo hanggang paa. Kikilabutan si Althea. Unti-unting lalapit si Jade sa kanya. Mapapako sa kinatatayuan si Althea. Aakitin siya ni Jade. Hahalikan siya nito. Walang magagawa si Althea. 

Magigising si Althea na yakap ni Jade. Maaalala ni Althea ang nangyari. Mapagtatanto ni Althea hindi tao si Jade. Matatakot si Althea. Mararamdaman ito ni Jade. Ipagtatapat ni Jade na iba si Althea sa mga taong nakasama niya. Mangangako siya na ligtas si Althea sa piling niya.

Ipagtatapat ni Jade na siya ang lumunod kay Abby. Susumpa itong lulunurin ang lahat ng pwedeng mang-aagaw kay Althea gayun din ang lahat ng mananakit kay Althea.

Matakot si Althea sa narinig. Mababanggit ni Jade ang pagkalunod ng yumaong kapatid ni Althea. Aalukin nito si Althea na makapiling muli ang kapatid kung sasama siya sa ilog to be with Jade forever and ever. Magdadahilan si Althea na magpapaalam muna siya sa Nanay niya. Matatampo si Jade. Magmamakaawa si Althea makauwi. Pagbibigyan siya ni Jade.

Magmamadaling umalis si Althea. Maaabutan niya si Tatay sa bahay. Mainit ang ulo nito. Isang linggo nawala si Althea. Gugulpihin ni Tatay si Althea. Masasaktan ng husto si Althea.

Dadating si Tomas sa eksena.  Susuntukin nito si Tatay. Mapupuruhan ang Tatay ni Althea. Aalis ito ng bahay. 

Manghihingi ng tawad si Tomas kay Althea sa pagtatangka niya noon.  Mago-offer si Tomas na itakas ng probinsya si Althea at Nanay upang malayo kay Tatay. Walang hihinging kapalit si Tomas.

Patatawarin ni Althea si Tomas. Ipagtatapat ni Althea ang tungkol kay Jade. Hindi maniniwala si Tomas. Pag-iisipan nitong baliw si Althea. Sasama ang loob ni Althea kay Tomas. Itataboy niya ito.

Magigising si Althea na wala si Nanay sa higaan. Mag-aalala si Althea. Makakaabot sa tabing ilog si Althea kakahanap kay Nanay. Matatagpuan niya si Nanay na nakahiga sa batuhan.

Magigising si Nanay sa mga bisig ni Althea. Sasambitin ni Nanay ang "Belisma" habang nakaturo sa bahay ni Jade. Lucid interval iyon ni Nanay. Makakapagsalita ito ng.. "tawagin mo siya sa pangalan niya..." Mawawalan ng malay si Nanay sa taas ng lagnat. 

Mararamdaman ni Jade ang presensya ni Althea. Biglang kakabahan si Althea. Magpapakita si Jade mula sa ilog. Iisipin nitong pumapayag na si Althea sumama sa kanya. 

Mawawala sa sarili si Althea. Lalakad ito patungo sa pusod ng ilog. Biglang dadating si Tomas. Tuloy-tuloy lang si Althea kahit anong pagtawag sa pangalan nito. Ililigtas ni Tomas si Althea from drowning herself. 

Matatauhan si Althea. Iuuwi ni Tomas si Althea at Nanay sa bahay niya. Maniniwala na si Tomas kay Althea. Papayag na si Althea na sumama kay Tomas. Susubukan niyang mahalin si Tomas. 

Mawawasak si Jade sa pag-alis ni Althea. Maghihiganti ito sa buong bayan. Magsisimulang maging wild ang ilog. Raragasa ang tubig sa tabing bayan. Mawawasak ang mga bahay sa tabi. Masisira nito ang construction site kung nasaan ang Tatay ni Althea. Maraming tao ang malulunod.

Makikita ni Althea ang delubyo mula sa bintana ng kotse ni Tomas. Mapapagtanto ni Althea na siya ang dahilan ng pagkagalit ng ilog. Makokonsensya si Althea. Bababa si Althea sa kotse upang pigilan si Jade. Susundan siya ni Tomas. Maaalala ni Althea ang sinabi ni Nanay.

Makakarating si Althea sa ilog. Maglulumuhod si Althea sa paghingi ng tawad. Pag-angat ng ulo ni Althea nasa harap na niya si Jade. Matutuwa si Jade na makita siya. Hahawakan siya nito sa mukha. Maghihilom ang mga pasa ni Althea. Mararamdaman ni Althea ang pagmamahal ni Jade. 

Ibubulong ni Althea ang pangalang "Belisma". Tuluyang kakalma ang ilog.

Mapapansin ni Althea ang mabilis na panghihina si Jade. Babagsak si Jade sa mga bisig niya. Mapapagtanto ni Althea na mahal niya si Jade. 

Malalaman niyang magbabalik lang ang lakas ni Jade kung sasama siya dito ngunit kailangan niyang magpalunod para matupad ito.

Magpapasya si Althea na sumama kay Jade sa kondisyong hindi na ito mananakit ng tao. Papayag si Jade.

Matatagpuan ni Tomas si Althea sa tabing ilog. Ihahabilin ni Althea si Nanay kay Tomas. Ipagtatapat ni Althea na mamamatay si Jade kung iiwan niya ito.

Masasaktan si Tomas. Pakikiusapan niya si Althea na huwag buhayin si Jade dahil mapanganib ito. Hindi makikinig si Althea.

Babarilin ni Tomas si Althea upang mapigilang mabuhay si Jade. Mawawasak si Tomas sa nagawa. Magbabaril si Tomas sa sarili. Hahagkan ni Jade ang bangkay ni Althea sa ilog. Mamamatay si Jade of a broken heart. 

***END

-----------------------------------------------------------

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories