RaStro High School Reunion
13:27, 13 July 2018Synopsis: Theatre geek (Glaiza) and bullied transfer student (Rhian) are high school buddies until an unfortunate event ends their friendship. Fifteen years later, they meet again in the most disastrous reunion in the history of Rastro High School.
Genre: Undefined - RomCom/Crime-Mystery
Status: Draft incomplete - not published
-----------------------------------------------------------
RaStro highschool hallway - fifteen years ago...
Naglisawan ang mga estudyande. Grand entrance ang "It Girls" from the stairs - Solenn, Max, and Lovi. Everyone will look at them in admiration. Sasalubong si Rafael, ang captain ng football team with a perfect smile on his face. Bebeso ito kay Solenn at aakbay. Maiingit ang madaming kababaihan.
Queue young Rhian. Pigtails and braces. May baby fats pa si ate. Slowmo ang paligid habang naglalakad sa hallway. Hawak nito ang registration card at hinahanap ang science lab. Magtatanong ito sa isang jock ngunit pagtitripan. Itutulak siya nito at mabababangga sa likod ni Rafael.
Lilingon si Rafael sa kanya at magsasabi ng "careful" habang akbay pa din si Solenn. Tatalikod uli ito na parang wala lang. Aalis na sa esksena ang popular kids.
Magka-kacrush si Rhi kay Rafael. Matutula ito habang pinanonood lumakad palayo ang popular kids. Magriring ang bell. Mahihimasmasan si Rhi. Maalala niyang hinahanap niya ang science lab. Wala nang tao sa paligid.
Enter Glaiza. Magulo pa ang buhok. Tumatakbo sa hallway from behind Rhi. Bitbit nito ang backpack at nagkakalaglagang art materials. Aligaga ito dahil late na. Malalaglag ang art materials sa tapat ni Rhi.
Tutulungan ni Rhi si Glaiza magpulot ng gamit. Magpapasalamat si Glaiza at magpapakilala.Magtatanong si Rhi kung saan ang science lab. Malalaman niyang doon rin papunta si Glaiza. Magmamadali ang dalawa papunta dito.
Mapapagalitan ang dalawa for being late. Pagtatawanan sila ng classmates nila. Magiging lab partners ang dalawa. Papalpak ang experiment nila. Uusok sa room. Made-detention sila. Magiging magkaibigan ang dalawa.
Ipakikilala ni Glaiza si Rhian sa tropa niya - si Ketchup, Alwyn at Dominic na mga kasama niya sa theater arts club. Mare-recruit nila si Rhian. Sa Props Committee ma-aassign ang grupo. Importante ang production na binubuo nila dahil for fund raising yun. Magsasara na kasi ang club dahil walang pondo. Magiging close si Glaiza at Rhian.
Makakasalubong ni Rhian si Rafael with his team sa hallway. Matatalisod siya sa harap nito. Pagtatawanan si Rhi ng team ni Rafael ngunit tutulungan siya ni Rafael. Kikiligin si Rhian. Makikita ni Glaiza ang nangyari. Aamin si Rhi kay Glai na crush niya si Rafael. Aamin din si Glai na type niya si Solenn. Magkukuntsaba ang magkaibigan na paghiwalayin si Rafael at Solenn.
Ide-dare ng teammates ni Rafael na i-kiss nito si Rhian bilang katuwaan. Magpapasikat si Rafael at papayag. Sisimulang mag-pacute ni Rafael kay Rhian without Solenn knowing.Mabo-boost ang ego ni Rhian.
Dadalang ang pag-hangout ni Rhi with Glai. Aabsent si Rhi sa club meetings. Mami-miss ni Glaiza ang kaibigan. Magtatampo siya kay Rhian.
Mahuhuli ni Solenn na magkausap si Rhian at Rafael. Magtataka ito dahil popular kids don't talk to loser kids. Ia-assure siya ni Rafael na wala lang yun pero kukutuban si Solenn.
Magsu-surprise visit sina Solenn, Max at Lovi sa theatre arts club. Hahanapin nila si Glaiza. Kakaibiganin nila si Glaiza para makakuha ng impormasyon tungkol sa real score between Rhian at Rafael.
Pagtatakpan ni Glaiza si Rhian. Sasabihin niyang wala siyang alam - wala naman talaga dahil bihira na sila magkita. Nabanggit lang ni Rhi noon na nanghihingi ng kiss si Rafael pero hindi siya pumayag unless maging sila officially.
Makiki-pagdeal ang It Girls na sasali sila sa theatre arts club if papayag mag-spy si Glai kay Rhian. Mangangako silang hindi sasaktan si Rhi and they just want information.
Susubukang warningan ni Glaiza si Rhian about Solenn but laging wala ito dahil busy with Rafael. Magtatampo si Glaiza. Maiisip ni Glai na madaming manonood ng musical if It Girls ang magperform which means more pondo for the club at di na ito magsasara. Papayag na si Glaiza sa gusto ni Solenn.
Babait si Solenn kay Glai. Kikiligin si Glaiza. Ibu-bully nina Solenn si Rhian without Glaiza knowing - which includes nilo-lockan sa CR, pinapatid, ino-okray, ginagawan ng tsismis.
Magkikita si Rhi at Glai sa library. Ico-cold treatment ni Glai si Rhi dahil tampo pa din ito sa mga pangi-indyan sa club meetings. Magso-sorry si Rhi. Ikukwento nito ang pambu-bully nina Solenn. Lalambot ang puso ni Glaiza. Magtatapat si Rhi na sila na ni Rafael. Magseselos si Glai. Isusumbong nito si Rhi kay Solenn.
Mai-imbyerna si Solenn sa nalamang balita. Tutupad ito sa kasunduan na sasali sa club. Hahanap ng paraan ang It Girls na mapatalsik si Rhian sa school.
Mapapagtanto ni Glaiza na love niya si Rhian. Ililihim niya ang nararamdaman dito.
Ipupuslit ni Rafael sa Rhian sa locker room ng football team. Iki-kiss niya si Rhi sa harap ng teammates gaya ng deal. Kikiligin si Rhi but not for long. Bubuhusan siya ng malamig na tubig mga teammates ni Rafael habang nakikitawa si Rafael sa background.
Mag-wawalk out si Rhi habang umiiyak. Maaalala niya si Glaiza. Ite-text niya ito na niloko siya ni Rafael. Makaka-receive ng reply si Rhi na kailangan siya sa auditorium - when in reality si Solenn ang nag-text nun gamit ang phone ni Glai.
Magmamadali si Rhi sa auditorium. Maalala niyang performance day na. Hahanapin niya si Glai backstage. Makikita niya si Glaiza sa kabilang side, pumapalakpak kay Sos na nasa stage.
Makikita ni Solenn si Rhian. Mamamatay ang ilaw sa auditorium. Ipagtutulakan ng It Girls si Rhi sa stage.
Sisindi ang ilaw. Si Rhian na ang nasa stage. Mag-isa ito and clueless sa nangyayari. Bubuhos mula sa taas ang isang timbang peanut sauce. Masasapul nito si Rhian. Magtatawanan ang audience. Matutunaw si Rhi sa hiya.
Magso-slowmo ang tingin ni Rhi sa paligid. Mamamaga ang balat ni Rhi dahil allergic siya sa peanuts. Rhi will gaze at Glai. Iisipin ni Rhi na kakuntsaba si Glai dahil ito lang ang nakakaalam ng tungkol sa peanut allergy niya.
Hindi makakatingin ng diretso si Glai kay Rhi. Wala siyang kinalaman sa nangyari ngunit guilty siya sa pagbunyag kay Solenn about Rhi's peanut allergy nung nauto siya nito before.
Rhian will feel betrayed. Ibubunyag nito on stage na may gusto si Glai kay Solenn. Maa-out si Glaiza sa buong auditorium. Magbubulungan ang mga tao. Tatakbo si Glai palabas ng auditorium sa hiya. Itatakbo naman si Rhi ng medic sa ospital.
Mabibistong It Girls ang pasimuno ng gulo sa auditorium. Masususpend ang It Girls. Mandidiri si Solenn kay Glaiza after malamang may gusto ito sa kanya. Mahuhurt si Glaiza. Magkakaayos si Sos at Rafael. Milagrong kikita ang musical dahil sa real life dramang naganap on stage.
Susubukang pagbatiin ng tropa ni Glai si Rhi at Glai. Walang mangyayari. Magku-quit si Rhian sa club. Hahanap ng ibang lab partner si Glai. Magiging si Chynna na ang best friend niya.
Mag-iiwasan si Rhi at Glai hanggang maka-graduate. Mananatiling sikreto ni Glai na first love niya si Rhian.
Lilipas ang fifteen years. Tuluyang mawawalan ng balita ang dalawa sa isa't-isa. Magiging indie film director si Glaiza. Magkaka- real estate business naman si Rhian.
Makakatanggap sila ng invitation for their high school reunion. Pareho silang walang balak umattend.
Magfa-flop ang huling pelikula ni Glaiza. Mawawalan siya ng confidence. Magdedecide siya na magpahinga muna.
Makakasalubong ni Glaiza si Chynna sa grocery isang araw. May anak na si Chynna. Sisingilin ni Chynna si Glaiza ng utang sa inaanak.
Kukumbinsahin ni Chynna si Glaiza na umattend ng reunion. Mag-dedecline si Glaiza dahil puro bad memories ang high school life niya. Isa pa ay bigo siya sa career at ayaw niya magmukhang loser sa reunion. Ipagtatapat ni Chynna na wala nang choice si Glai dahil siya na ang nag-confirm para dito. Igi-guilt trip nito si Glai na nage-expect ang batchmates nilang makita siya. Mapipilitan si Glaiza umattend ng reunion.
Sa super exclusive resort sa private island gaganapin ang reunion. Kaunti lang ang makakapunta dahil may parating na bagyo. Magkikita uli si Glaiza at tropa niya sa theatre arts club. Makukulit pa rin ang tropa niya. Nagbago na ang mga itsura ito. Married na ang It Girls except for Lovi. Nabuwag ang It Girls matapos ma-suspend noon. Hindi nagkatuluyan si Solenn at Rafael.
Mabait na si Solenn. Kakamustahin ni Solenn si Glaiza. Matutuwa si Glaiza with slight kilig. Mapag-uusapan kung sino ang may-ari ng venue dahil super posh ito.
Queue Rhian version 2.0. Ibang-iba na ang itsura ni ate. Matutulala ang lahat sa pag-entra nito. Walang makakakilala dito maliban kay Glaiza.
Matatameme si Rafael kay Rhian. Hindi alam ni Rafael na si Rhian Ito. Madudulas si Rafael sa harap ni Rhi. Magrerespond si Rhi ng "careful" bago tumalikod. Magpapacute si Rafael. Dededmahin siya ni Rhian.
Lalapit si Rhian kina Solenn sa bar. Kukumustahin niya ang It Girls. Hindi maitatago nina Solenn ang pagkamangha sa lugar. Magtataka sina Solenn kung sino ang babae. Marereveal na ito ang may-ari ng resort.
Sasambitin ni Glaiza ang pangalan ni Rhian. Magugulantang sina Solenn na si Rhian ang babae. Mababaling ang tingin ni Rhi kay Glai. Nginitian ni Glaiza si Rhian. Iiwas ang tingin ni Rhi sa kanya. Aalis si Rhian sa eksena. Magbabalik sa alala ni Glaiza ang nangyari nung highschool.
Matatagpuan ni Glai si Rhian sa tabing dagat na nagrerelax mag-isa. Mag-iinitiate ng small talk si Glaiza. Rhian will try to avoid her.
Hahampas ang malaking alon. Mawa-wipe out ang dalawa sa shore. Hindi mapipigilang magtawanan ng dalawa.
Magso-sorry si Glai kay Rhi sa nangyari nung highschool. Patatawarin siya ni Rhi. Magsosorry rin si Rhi sa kanya ngunit hindi makakarespond si Glaiza. May maririnig na sigaw mula sa hotel.
Matatagpuan ang duguang bangkay sa CR. Magpapanic and lahat. Walang police na mako-contact.
May maririnig uling sigaw sa isa pang kwarto. Masasalubong nila si Lovi na namumutla. Ituturo nito ang pinto. Bubuksan ito ni Rhi. Matatagpuan nila ang isa pang bangkay na duguan din.
Walang signal sa isla. Aabutan sila ng hagupit ng bagyo. Walang makakaalis. Mawawalan ng kuryente.
Unti-unting mababawasan ang batch nila.
Magiging palaisipan ang sanhi ng pagkamatay. Magiging palaisipan kung may killer. Magiging palaisipan kung sino ito.
Magba-buddy-buddy system ang grupo para safe. Magkakapartner si Rhi at Glai. Mare-rediscover nila ang isa't-isa.
They will face many dangers and obstacles sa island. At one point, magtatapat si Glai na si Rhi ang first love niya. Rhian will feel confused but magwa-warm up din kay Glaiza.
**May magsasacrifice ng buhay sa kanila to save the other?
**Will they fall inlove? - most likely - but how?
**Sino-sino ang matitira?
**Ending?**
-----------------------------------------------------------
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





