Ang Dalawang Mrs. Guevarra
13:26, 13 July 2018Summary: Ang kwentong ito ay tungkol kay Althea Guevarra at sa dalawang babaeng sabay na bumihag sa puso niya - ang misteryosang si Valerie at ang glamorosang si Jade. Para sa mga may theme song na "Sana Dalawa ang Puso ko" or "Torn Between Two Lovers"(wala namang type si Althea).
Genre: Drama
Status: Draft complete - not published due to major plot holes
________________________
Magsisimula ang istorya sa sementeryo. Bibisita si Althea sa yumao niyang Tatay at magtitirik ng kandila. Solemn ang lugar. Habang nagdarasal, mapapansin niya ang isang bouquet ng puting rosas sa puntod nito. Mahihiwagaan si Althea kung kanino galing ang bulaklak. Magbibiro siyang may manliligaw si Tatay. Mangti-trip ang langit at uulan. Mababasa si Althea. Magmamadali siyang umalis at mapapalakas ang sigaw niya ng "Sa susunod na Biyernes uli, Tay!" or something like that.
Babalik si Althea sa sementeryo sumunod na Biyernes gaya ng pangako niya. Magugulat siyang fresh pa rin ang bouquet ng puting rosas sa puntod. Mapapagtanto niyang bagong batch ito. Maghihinala si Althea na galing ang bulaklak sa Nanay niyang nang-iwan sa kanila. Matagal na itong hindi nagpaparamdam. May galit si Althea sa Nanay niya at ayaw niyang harapin ito.
Huwebes bibisita si Althea sa susunod na linggo para hulihin ang misteryosong bisita ni Tatay. Magtatago siya sa likod ng puno habang nagmamatyag. Hindi magtatagal, may lalapit na babae sa himlayan ni Tatay. Nakapandong na puti at may dalang bouquet ng puting rosas.
Babalik sa ala-ala ni Althea ang trauma ng paghihiwalay ng mga magulang niya. Seven years old siya noon. Umiiyak siya sa hagdan habang pinipigilang magpangabot ang mga magulang pero hindi siya papansinin. Sasaksakin ni Nanay ng kutsilyo si Tatay sa braso kaya't mabibitiwan siya nito. Magmamadaling umalis si Nanay ng hindi nililingon si Althea.
Hindi makakapagpigil si Althea at kokomprontahin ang babaeng nakapandong. Itutulak niya ito at mabubuwal ang babae sa damuhan. Matatangal ang belo nito at masisilayan ang mukha. Tititigan nito ng makahulugan si Althea. Mahihiya si Althea dahil hindi ito si Nanay.
Magpapakilala ang babae bilang si Valerie. Mapagaalamanan niyang matagal na nitong hinahanap ang puntod ng Tatay niya. Wala siyang ibang impormasyong makukuha dito maliban doon. Mahihiwagaan si Althea.
Huwebes na bumibisita si Althea sa sementero para abangan si Valerie. Lagi niya itong kinukulit sa tunay na relasyon nito kay Tatay. Wala siyang makukuhang sagot.
Apathetic si Valerie at hindi ngumingiti. Hindi ito nagsasalita kahit anong daldal nung isa. Makikita sa galaw nito na naiirita ito kay Althea. Matatalisod si Althea sa ugat ng puno kakasunod kay Valerie. Matatawa si Valerie. Mare-relieve si Althea na may emosyon pala ito.
Unti-unting magiging magkaibigan sina Althea at Valerie kada tagpo nila. Magiging picnic ang meetings nila sa sementeryo. Unti-unting mago-open up si Valerie kay Althea ngunit sikreto pa din ang relesyon nito kay Tatay.
Bubuhos ang ulan habang nasa tapat ng puntod. Hihilahin ni Althea si Valerie para sumilong sa puno. Same puno na pinagtaguan niya at kung saan siya natalisod - this will be their tree. Magpapatila ng ulan ang dalawa sa ilalim nito not realizing they're holding hands. Magkakatinginan ang dalawa. Althea will kiss Valerie. Kikidlat at magugulat ang dalawa. Magtatawanan sila. Hihilahin ni Valerie si Althea pabalik sa ulan. Maglalaro/magsasayaw ang dalawa sa rain puddles without a care in the world. Lalalim ang relasyon ng dalawa.
Magpo-propose si Althea kay Valerie sa ilalim ng puno nila. Papayag si Valerie. May mangayayari sa dalawa on their wedding night. Gigising si Althea kinaumagahan na wala si Valerie sa tabi niya. Hahanapin niya ang asawa ngunit mabibigo siya. Magiging miserable si Althea at magtatrabaho sa club bilang waitress. Lilipas ang pitong taon. Valerie will be presumed dead.
Tatawagin si Althea ng isang customer. Kinakantyawan ito ng mga kasamahang nagtatawanan. Lalapit siya sa table nito hawak ang tray ng drinks. Mapagkakatuwaan si Althea ng lasing na customer. Sasapakin ito ni Althea at matatapon ang drinks sa katabi nitong babae. Mapapumura ang natapunang babae. Mapapahiya naman ang nasapak na customer at aalis sa eksena.
Mapupukol ang atensyon ni Althea sa nasabing babae. Mamumukhaan niya ito. Mabibigla siyang makita ang nawawalang asawa. Yayakapin niya ito ngunit itataboy siya ng babae.
Eeksena ang may-ari ng club kasama ang nasapak na customer. Magkakaroon ng komosyon sa table. Mapapatalsik si Althea sa trabaho. Wala na ang babae paglinga ni Althea. Makikita niyang sumasara ang pinto. Susundan ni Althea ang babae sa labas ngunit nakasakay na ito sa kotse. Manlulumo si Althea.
Lilipas ang araw. Palakad-lakad si Althea sa kalye isang hapon. Aimlessly. Uubo-ubo at mas losyang mula nang mawalan ng trabaho. Dadaan ang kotse sa gilid niya. Magsasagi siya nito. Bubusina ito at bababa ang bintana. Sisigawan siya ng driver ng "Ano ba?! Mag-ingat ka sa nilalalakaran mo!"
Makikilala ni Althea ang driver at matatameme. Mapapansin niyang bagong iyak ito. Susundan ni Althea ang kotse. Makikita niya iyong naka-park sa tapat ng abandonadong building.
Matatagpuan ni Althea ang babae sa rooftop. Nakatayo sa edge at hinahangin-hangin ang buhok. Malungkot ang tingin nito at mukhang tatalon.
Maaalarma si Althea at dahan-dahang lalapitan ang babae. Hihinto siya isang dipa sa kinatatayuan nito. Ibubulong niya ang pangalang "Valerie..." sa hangin. Maririnig siya ng babae at lilingon sa kanya. Malungkot itong iiling. Mauudlot ang pagtalon nito sa building.
Palubog ang araw sa horizon. Uupo si Althea sa tabi ng babae at magpapaliwanag. Makikinig ito. Magpapakilala ang babae bilang si Jade. Magkakagaanan ng loob ang dalawa. Magpapalitan ng life stories sina Jade at Althea habang magkatabi sa edge ng rooftop. Malalaman nilang pareho silang iniwan ng minamahal. Mababangit ni Althea na napatalsik siya sa trabaho. Maga-apologize si Jade sa inasal ng lasing na customer noon na empleyado pala niya. Kukunin ni Jade si Althea bilang housekeeper.
Mababawasan ang kasungitan ni Jade mula nang makilala si Althea. Magiging close si Jade at Althea. Maiingit ang ibang kasambahay kay Althea maliban sa isa na magiging sidekick niya.
Mawawasak si Jade after malamang nagpakasal na sa iba ang ex-fiance' niya. Uuwi si Jade ng lasing na lasing. Magco-collapse siya sa couch. Makikita siya ni Althea at aalalayan papunta sa kwarto. Hahalikan ni Jade si Althea habang inaasikaso siya nito. May mangyayari sa dalawa.
May makakakitang kasambahay na magkasama ang dalawa. Isusumbong nito si Althea sa Nanay ni Jade.
Magugulantang si Jade kinabukasan to find Althea on her bed. Maaalala nitong nagtrabaho si Althea sa club. Pandidirihan niya ito. Ipaliliwanag ni Jade kay Althea na malaking pagkakamali ang nangyari at iiwan ito mag-isa sa kwarto. Masasaktan ng matindi si Althea sa asal ni Jade.
Papasok sa office si Jade. Ipapatawag si Althea ng Nanay ni Jade. Sasabunutan nito si Althea at kakaladkarin palabas ng bahay. Magbubunyi ang mga inggiterang kasambahay maliban sa buddy-buddy ni Althea. Ikukwento nito kay Jade ang nangyari.
Matatauhan si Jade at mapagtatantong mahal niya si Althea. Hahanapin niya ito. Matatagpuan niya si Althea sa barong-barong nito. Manghihingi ng tawad si Jade. Patatawarin siya ni Althea.
Maglalayas ng bahay si Jade. Pipigilan siya ng nanay niya pero wala itong magagawa. Magpapakasal si Althea at Jade. Magiging masaya ang dalawa but not for long. Malalaman ni Althea na may malubha siyang karamdaman. Ililihim niya iyon kay Jade.
Magpapa-surprise party si Jade para sa birthday ni Althea. Sasalubungin ni Jade si Althea sa magarbong venue. Masusurprise si Althea. Yayayain sumayaw ni Jade ang asawa.
Mararamdaman ni Althea na miss na miss niya ang kasayaw. Makokonsensya si Althea at ipagtatapat dapat ang karamdaman niya ngunit mauudlot. Magpapakilala ang kasayaw bilang si Valerie.
Mapapako sa kinatatayuan si Althea. Magkakantahan ang mga bisita ng "happy birthday" sa background. Unti-unting magdidilim ang panigin ni Althea at mahihimatay.
Magigising si Althea sa kwarto nila ni Jade. Mag-aalala si Jade sa kanya. Magdadahilan si Althea na pagod ang dahilan ng pag-collapse niya. Maniniwala si Jade. Ililihim ni Althea ang tungkol kay Valerie.
May matatanggap na sulat si Althea galing kay Valerie. Kikitain ni Althea si Valerie sa sementeryo. Magdadramahan ang dalawa sa ulan para mas heavy. Ipagtatapat ni Valerie na umalis siya noon dahil natakot siyang madawit si Althea sa gulong kinasangkutan niya. Nakulong siya ng ilang taon at nais niyang magsimula silang muli. Patatawarin ni Althea si Valerie. Aamin ni Althea na mahal niya si Valerie ngunit hindi sila pwede dahil kay Jade.
Papayag si Valerie na maging kerida. Matutuwa si Althea na gusto ni Valerie ng anak di tulad ni Jade. Mapapadalas ang pagtatagpo ng dalawa. Jade will not suspect a thing. Busy ito sa trabaho.
Makokonsensya si Althea sa pagtataksil. Ipagtatapat niya kay Jade ang karamdaman pero hindi ang tungkol kay Valerie. Dadalhin ni Jade si Althea sa U.S. para ipagamot.
Magseselos si Valerie kay Jade. Idedemand nito kay Althea na hiwalayan si Jade pagbalik sa Pilipinas. Hindi iyon magagawa ni Althea. Pag-aawayan nila iyon ni Valerie.
Magsisimulang maghinala si Jade na may babae si Althea. Hindi aamin si Althea. Pag-aawayan nila iyon.
Eeksena uli ang Nanay ni Jade to tell her "I told you so." Irereto nito si Jade sa anak ng amiga niya. Hindi i- eentertain ni Jade ang manliligaw ngunit palalabasin ni nanay na item ang dalawa. Mababalitaan ito ni Althea at masasaktan.
Kukomprontahin ni Althea si Jade. Magsusumbatan ang dalawa hanggang sa aamin si Althea na nagbalik si Valerie. Papipiliin ni Jade si Althea between her and Valerie. Hindi makakasagot si Althea. Lalayasan siya ni Jade. Mawawasak si Althea.
Uuwi si Althea kay Valerie. Ibabalita nitong iniwan siya ni Jade. Paliligayahin ni Valerie si Althea *wink wink*. Magigising si Valerie na wala si Althea sa tabi niya. Maaalarma si Valerie. Matatagpuan niya si Althea na walang malay sa bakuran.
Magigising si Althea sa ospital with her wife sa gilid ng kama. Nakatulog sa pagbabantay magdamag. Maguguluhan si Althea kung sino iyon sa dalawa. Manghihingi siya ng tawad dito at ipagtatapat na mahal niyang pareho ang dalawang babae sa buhay niya.
Mahihimasmasan ang nakayupyop na babae. Tititigan nito si Althea ng makahulugan at buong pangamba. Magtatapat ito ng tunay na pagkatao. Magpapakilala itong si Jade.
Isasalaysay nito ang katotohanan -- Iisang tao lang si Valerie at Jade.
Babalik tayo sa nakaraan. Nung lumayas ang Nanay ni Althea ay sumama ito sa Tatay ni Jade. Masalimuot ang naging pagsasama ng dalawa. Lasenggo ang Tatay ni Jade at adik ang Nanay ni Althea.
Daddy's girl si Jade. Binisita niya ang Tatay niya sa bahay nito. Nagalit ang Nanay ni Althea nang makita si Jade sa bahay. Nag-away ang mag-partner dahil dun. Sinuntok ng Tatay ni Jade ang Nanay ni Althea. Gumanti ang Nanay ni Althea. Sinaksak nito ang Tatay ni Jade ng paulit-ulit na siyang ikinamatay nito.
Saksi ang batang si Jade sa pangyayari. Tinangka ng Nanay ni Althea na putulan ito ng dila upang hindi makapagsumbong. Bago maganap ang krimen, dumating ang Tatay ni Althea sa eksena. Matagal na pala nitong hinahanap ang Nanay ni Althea. Pinukpok nito ang babae sa ulo. Nakaligtas si Jade. Nasa correctional ang Nanay ni Althea hanggang ngayon.
Natrauma si Jade sa pangyayari. Napipi siya ngunit nakuha sa therapy. Binansagan siyang "Valerie" ng Tatay ni Athea after the name of the street kung nasaan sila. Naging magkaibigan sila nito.
Aamin si Jade na hindi siya nakulong seven years ago. Nakawala noon ang Nanay ni Althea para maghigante ngunit nahuli rin ito. Minabuti ni Jade/Valerie na iwan si Althea noon at magpakalayo upang hindi ito madamay. Even deeper, hindi niya matanggap na ang babaeng mahal niya ay ang anak ng taong pumaslang sa Tatay niya.
So nagkuros muli ang landas nila after seven years. Hindi na niya kayang lokohin ni Jade si Althea so she presented her real identity. But apprehensive pa rin ipagtapat ang madilim na nakaraan sa takot na matrauma si Althea.
Nung birthday ni Althea magtatapat dapat si Jade kaya lang naduwag siya. Valerie means the world to Althea kaya sinakyan na lang niya ang paniniwala nito. Minsan pinagseselosan ni Jade ang alter-ego niya dahil mas mahal ito ni Althea.
Magugulantang si Althea sa revelation. Magdadramahan ang dalawa. Magde-decide si Althea na iwan si Jade.
Mapagaalamang terminal na ang sakit ni Althea at hindi gumana ang treatment sa U.S. Aalagaan pa din ni Jade si Althea kahit tinataboy siya. Madudugtungan ang buhay ni Althea sa pag-aalaga ni Jade. Lalalim ang samahan ng dalawa. Magkakapatawaran ang dalawa. Milagrong gagaling si Althea.
Magpapakasal ang dalawa for the third time to renew their vows. This time wala nang lies at secrets. Mabubuhay sila ng masaya at mapayapa. They will adopt a kid na magiging narrator ng story. Siya ang magbabasa ng lumang diary sa attic ng parents niya, after Jade and Althea have passed away long ago.
Last scene. Bibista ang anak ng JaThea sa sementeryo. Mag-iiwan ito ng tag-isang bouquet ng puting rosas sa puntod ng mga magulang niya - which will be under their tree. Uulan.
***End.
---------------------------------------------------
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





