Fanfics

Kabanata 8

18:41, 18 July 2022

Kinabukasan, nandito parin ako sa higaan ko dahil tinatamad pa ko bumangon. Medyo sumakit kasi yung katawan ko sa pag akyat at baba doon sa kwarto ni Juanito. Gosh! Buti na lang wala ko nakuhang gasgas

"Miss Carmela! Gumising na po kayo!" Panggigising sa akin ni Therese pero syempre hindi ko lang pinansin. Wala naman kaming pupuntahan ngayon kaya siguro naman pwede ako mag stay buong araw dito sa kwarto ko. "Miss Carmelaaaa!" So hindi talaga papatigil si Therese ah?!

"Waaaaah! Mamaya na Therese! Wala naman ako gagawin ngayon hayaan mo na ko matulog! Okay?!" Sabi ko sabay talukbong ng kumot. Haaaaay ang comfy naman ne'to hihi "Sige na nga po, sasabihin ko na lang po kay Sir Juanito na matutulog lang po kayo buong araw" Hindi ko alam pero automatic na napamulat ako at napabangon sa sinabi ni Therese. OMG?! NANDITO SI JUANITO?!

"HA?! BAKIT SIYA NANDITO?!" Gulat na tanong ko kay Therese. Shocks! Anong ginagawa niya dito?! Don't tell me isusumbong niya ko kay Lola Emily at Daddy dahil sa nangyare kagabi!

GOSH! I have to do something! Malalagot na naman ako kay Lola Emily kung malalaman niya yon! Waaaah! Dali-dali ako bumaba at bigla naman ako pinigilan ni Therese "Miss! Wait lang po! Hindi pa po kayo nakaayos!" My goodness! May pake pa ba ako sa itsura ko?!

Pagkababa ko, naabutan ko na kinakausap ni Juanito sila Lola Emily. Gosh! Nasabi na kaya niya?! Waaaah! Napatingin naman sila sa akin at parang gulat na gulat ang mga mukha nila. First time lang ba sila makakita ng dyosa sa umaga? "Ma-magandang umaga Ca-Carmela" nauutal na bati sa akin ni Juanito at tiningnan niya ko mula ilo hangang paa. Nakita ko pa na nag taas baba din yung Adam's apple niya my gosh!

"Apo! Jusko bakit naka ganiyan ka lang?! Nakakahiya naman kay Juanito makita ka na ganiyan mag ayos ka sa taas" Saway sa akin ni Lola habang tinuturo sa akin yung stick niya. My gosh! Ano bang itsura ko?!

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumeretyo ako agad sa salamin

OMG! IM SO UGLY! Shocks! Ang gulo gulo ng buhok ko tas nakasuot lang ako ng malaking shirt tas wala pa ko kabra bra at shorts! Nakapanty lang kase ako pag natulog! My gosh! Ayoko nang bumabaaa! Huhu

Dahil sa sobrang kahihiyan ay nagpahatid na lang ako ng umagahan kay Therese. Sino ba naman kasi hindi mahihiya?! Nung nag tanghalian na ay laking gulat ko ng makita ko si Juanito sa baba na may hawak na mabigat na timba at kitang kita ngayon yung mga abs na nakita ko kagabi hihi-- Ay letsugas Carmela! Magtigil ka nga!

Pero bakit nandito parin tong lalaki na to? My goodness! Hwag niya naman sagarin kahihiyan ko! Waaaah! Aakyat na sana ako ulit sa kwarto nang Bigla naman ako tinawag ni Ate Faith. Shocks! Nakita na nila ako huhu

"Huy Carmela, tara kumain na tayo ng pananghalian at kanina ka pa hinihintay ni Juanito! Hahahaha hindi ka na kasi bumaba kanina eh" Narinig ko naman na natawa sila Lola Emily at Daddy at si Juanito naman ay napangisi. Gooosh! Pwede bang mamaya na ko kumain? Huhu

"Mukhang pagod na pagod si Juanito kakatulong dito sa bahay at kakahintay sayo sis ah!" Sabi ni Ate Faith habang nakikita si Juanito na kumain. Jusko naman kase! Bakit ba niya ko hinintay at bakit pa siya tumulong sa bahay huhu

Tiningnan naman kami nila Lola at Daddy na parang tinutukso kami habang si Juanito ay pinipigilan matawa. Gosh! Pinagkakaisahan ba nila ako? Huhu

"Apo pagkatapos niyo kumain ay maglibot-libot muna kayo ni Juanito dito sa museo natin ha?" Sabi ni Lola habang nginingitian ako ng kakaiba. Bakit ako pa maglilibot sa kaniya? Marami naman kaming tourist guide eh dito sa museo eh! "Oo nga naman Carmela para sulit naman ang pag punta niya rito, diba Hijo?" Nginitian niya lang si Daddy at tumingin din siya sakin saka ngumisi

Gosh! Ineenjoy niyo talaga pang aasar nila Daddy ah! Ipatapon ko siya sa mansion ng Flores eh!

After namin kumain ay pinagtulakan na ko nila Lola Emily kay Juanito. So pinupush talaga nila kami noh? Di bale pag nakauwi si Lander ay ipapakilala ko siya agad sa kanila nang matahimik na sila sa amin ni Juanito!

Nung nakaalis na yung mga pamilya ko ay agad ko siya siniko "Ang lakas mo sa kanila ah! Anong pinakain mo doon?!" Asar ko sa kaniya na ikinatawa niya lang "Hindi ba pwedeng malakas lang ang karisma ko?" Sabi niya na nagpairap sakin

Bagyong Juanito! Lumayo ka na!

"Uh Carmela" Tawag niya sakin at laking gulat ko na makakita ng isang bouquet na puting rosas sa kamay niya "Para nga pala sayo" Nakangiting sabi niya na ikinagulat ko. Shocks! Para sa akin ba talaga?

"Uh sa-salamat ah! Nag abala ka pa! Tsaka paano mo nalaman na ito yung paborito ko na rosas?" Tanong ko sa kaniya habang inaamoy yung mga bulaklak. Ang fresh pa ah! And wow may letter! "Sa mga sources ko" Sabi niya sakin sabay kindat

If I know, sila Ate lang naman ang mga sources niya!

"By the way, masakit ba ang katawan mo? Biglaan ka na lang kasi bumaba eh hindi tuloy kita naalalayan. Pwede kita gamutin" Nag aalalang sabi niya "Huh? Ako? Ayos lang ako no! Tsaka sanay na sanay naman ako eh!" Irap ko sa kaniya. Hindi naman  ako shunga para tumalon lang don no! Kaya nga may lubid eh!

"Tss gusto na ngang tulungan ang sungit padin" Sabi niya sabay simangot. Hindi ko alam pero bigla na lang ako napangiti dahil sa gesture niya. Ngayon ko lang sasabihin to pero ang cute ni Juanito don!

Pero syempre hindi ko sasabihin sa kaniya dahil baka mas lumakas yung hangin netong lalaking to

"Pero if ever na may mangyareng masama sakin? Paano mo ko gagamutin aber ?" Taas kilay ko na tanong sa kaniya bigla naman siya natawa "Hindi naman sa nagmamayabang pero apat na taon ako nag aaral ng medicine sa Maynila" Nakangiting sagot niya sakin habang ako eto natameme

Shocks Carmela! Pahiyang-pahinga na naman ako huhu

"Oh? Ta-talaga? Mabuti yan! Atleast kung may mangyare sakin kagabi ay may titingin sakin" Sabi ko sabay irap "Anyway, bakit ka ba nandito? Hindi mo man lang sakin sinabi na pupunta ka" Pag iiba ko sa usapan

"Bakit pag sinabi ko ba sayo ay makakapaghanda ka? Kanina nga parang excited ka na makita ko eh kung kaya nakalimuta--" Hindi ko na siya po pinatapos sa pagsasalita. Gosh Juanito! Bakit mo pa yon naalala huhu "Manahimik ka nga!"

"Bakit Carmela? Hindi ba--" Hindi ko siya pinatapos dahil sumabat na ko "Sige Juanito! Ipagpatuloy mo pa yan kundi ipagsisigawan ko dito na nakita ko na yang alaga m--" Katulad ng kanina siya naman ang tumakip sa bunganga ko

Hmm akala niya ah! May utang pa sakin tong lalaki nato kung hindi dahil sa kaniya hindi sana nabinyagan tong mga mata ko! "Oo na Carmela! Tatahimik na ko okay?" Kinagat ko naman yung kamay niya para makakalas sa pagkakatakip niya sakin

"Aray naman Carmela! Ang agresibo mo naman!" Angal pa niya kaya inirapan ko na lamang siya at inunahan sa paglakad pero nakahabol naman siya agad sa akin "By the way kaya ako nandito para mangligaw" Sabi niya na nagpatigil naman sa akin.

Nabingi ba ko? Tumingin naman siya sakin ng nagtataka "Pwede paki ulit?" Tanong ko sa kaniya na ikinangiti niya "Sabi ko kaya ako nandito para mangligaw kay... Helen. Diba sabi mo tutulungan mo ko?"

Bigla ako nakahinga ng maluwag kung kaya naglakad na din ako "So anong plano mo?" Tanong ko sa kaniya "Wala pa eh pero sana gusto ko siya ligawan sa paraan na gusto niya" Napatango na lang ako

"Yayain mo siya magdate" Sabi ko sa kaniya "Papaano? Eh hindi ko alam kung papaano ko gagawin" Sabi niya habang nagkakamot sa batok

Hmmm parang may naisip ako ah! "Alam ko na! Tara planuhin na natin!"

Naabutan na kami ng hapon at dito na kami nag stay ni Juanito sa may Lawa ng Luha. Natapos na namin pag planuhin yung gagawin kaya baka sa susunod na araw ay baka magawa na namin yon. Ngayon, hinihintay na lang namin na mag sunset

"Alam mo ba yung alamat ng lawa na ito?" Tanong sa akin ni Juanito na ikinatango ko na lamang. Nung bata pa kami nila Ate ay lagi kami kinukwentuhan ni Lola Emily neto.

Hindi ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng kalungkutan..

Nagbato na lang ako ng bato sa lawa at tumingin kay Juanito "Siguro nga nakakalungkot talaga ang nangyare sa alamat ng lawa ne'to pero sinisigurado ko na wala nang iiyak at magpapakamatay sa lawang ito ng dahil sa pag ibig" Sabi ko na ikinangiti naman niya

Dear Diary,

Bakit ginagawa ni Juanito lahat ng ways kung paano ko gusto maligawan?

Si helen ba talaga ang liligawan niya o ako?

At sure na ba ko na wala magpapakamatay sa lake na ito? 

Nangangamba, 

Carmela

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories