Kabanata 9
19:05, 11 October 2024Pagkatapos namin magplano sa date na gagawin namin bukas para kay Helen ay hinatid na din ako ni Juanito sa bahay namin at nagbigay siya ng isang sulat para maibigay ko kay Helen. My goodness! May Messenger at Facebook naman bakit kailangan gawin pa ko kartero ne'to ni Juanito?! Grabe na tong katorpehan ng lalaking to!
Pagkapasok ko sa loob ng bahay, hinanap ko agad si Therese para magpasama papunta kila Helen. Hindi na kasi matandaan ng brain cell kung saan iyon banda. Sorry na maganda lang ako makakalimutin lang hehe choes
Nung hindi ko nakita si Therese, naabutan ko si Lola Emily na nagtatahi sa may balkonahe at dahil ako ang pinaka mabait na apo ni Lola ay nagdahan dahan ako sa paglalakad para hindi niya ko mapansin. Gosh! Pagluluto at pananahi ang pinaka ayokong gawin sa aking life at sure ako na yayayain ako ni Lola kaya kailangan ko talaga makatakas dito waaaah
Makakalagpas na sana ako sa balkonahe ng may matapakan ako na naging dahilan para makagawa ng ingay. OMG! I'm dead! Tiningnan ko si Lola Emily at mukhang busy pa din siya sa pagtatahi niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag woooh Carmela kaya mo to! Lalakad na sana ako ng biglang nagsalita si Lola
"Carmela apo, alam ko nandiyan ka halika ri'to at samahan mo ko manahi" Bigla na lang ako napakamot sa batok ko hays #SuperFailed ka ngayon Carmela!
Ngayon, nagtatahi na ko kasama si Lola ng cross stitch. Omggg Grade 5 pa ata nung last time na ginawa ko to at project pa namin yung mga ganito at tandang-tanda ko na kila Ate Faith ko pa iyon pinagawa. Wala talaga ako passion pagdating dito hays
Dumating na din sila Ate Faith at Ate Marie sa mansion at nakisama na din sila sa pagtatahi namin ni Lola. Sabi pa nga nila, #BondingwithGranny daw ang peg namin like duh sila lang naman nag eenjoy dito. Nung napansin ni Lola na lagi na ako natutusok ng karayom at halata niya na sobrang pangit ng gawa ko kinalabit na niya ko
"Carmela, magpahinga ka na halatang napagod ka sa lakad niyo ni Juanito ngayon" Nakangiting sabi ni Lola na nagpangisi sa mga Ate ko. Gosh! Mga ngisian na ganiyan alam ko na talaga ibig sabihin niyan kaya sasabat na sana ako pero sabay sabay sila nagtawanan. "Patingin nga Carmela ng gawa mo" usisa pa ni Ate Marie at bigla siyang natawa sa nakita niya.
"J? Wala ka na bang naisip sister at ang unang letra pa ng pangalan ni Juanito ang ginawa mo?" Asar pa sakin ni Ate Marie na nagpagulat sakin. What?! Wala na ata ako sa katinuan at hindi ko na naisip na ganiyan yung nagawa ko. "Sigurado ako na matutuwa makita ito ni Juanito!" Dagdag pa ni Ate Faith kaya mas lalo nila ko pinagtawanan. Ugh #FeelingDefeated
Inasar asar pa ko nila Ate ng biglang sinaway na sila ni Lola at pinahatid niya na ko kay Therese sa kwarto ko. Magpapahinga na sana ako ng biglang pumasok si Lola Emily na may dalang isang kahon.
"Lola? Bakit po kayo nandito?" Nginitian lang ako ni Lola at nilagay niya yung kahon sa kama ko. Hmmm ano kayang laman niyan? Omggg baka kayamanan! Tapos ipapamana na sakin ni Lola gosh! #FeelingExcited "Carmela, nandito ako apo dahil may gusto ako ipakita sayo.." Binigay niya sakin yung kahon at agad-agad ko binuksan yung kahon
Bigla ako nadismaya ng makita ko ay puro mga tela ng cross stitch hays akala ko pa naman kayamanan! Ugh #FeelingDisappointed ang ate niyo pero in fairness ah super ganda ng pagkagawa! Ganda nung white rose na cross stitch halatang super talented yung nakagawa ne'to!
"Alam mo ba apo galing pa ito sa ating mga ninuno. Sabi sakin ni Lola Carmela mo nung nandito pa siya, ang gumawa pa ne'to ay si Carmelita Montecarlos." Shocks super talented naman ng kaninuno ko nung nagpaulan ata ng talent nung panahon niya sinalo na ata niya lahat eh tulad nila Ate Faith at Ate Marie
Eh ako?.... Ano kayang talent ko?
Hmm.. nevermind! Basta nakakakain ng tatlong beses! Okay na yan gosh!
Kinwentuhan lang ako ni Lola tungkol sa mga ninuno namin at tuwang-tuwa daw siya sa akin dahil kaugali ko daw talaga ang kapatid niya na si Lola Carmela. Gosh! Kaya siguro pinangalan sakin ni mommy yung name ng Lola ko kase ka attitude ko talaga siya! Hindi ko namalayan na nakakatulog na ko habang nagkukwento si Lola sa tabi ko pero bago talaga ako kunin ng antok may narinig pa ko na sinabi ni Lola
"Ate Carmela matutupad na din ang kahilingan mo.."
At tuluyan na ko hinatak ng antok
Kinabukasan, sinundo ako ni Juanito ngayon sa bahay para matulungan ko siya sa pag aayos para doon sa napagplanuhan namin na date para sa kanilang dalawa ni Helen. Syempre bago kami maka alis ng mansion hindi nagpatalo ang pamilya ko sa pang eechoes samin my gosh!
"Oh Juanito alagaan mo tong apo ko ha! Bantayan mo yan ng maigi at baka makawala yan" Natatawang sabi ni Lola Emily na ikinapula naman ng pisngi ko. Si lola talaga nagbibigay samin ng awkward ni Juanito eh shocks!
"H'wag po kayo mag alala Lola hindi ko na po papakawalan ang apo niyo, di'ba Carmela?" Sabay tingin sakin ni Juanito na nagpataranta sakin. Gosh! Eto na naman tayo Carmela sa mga linyahan ni Juanito. H'wag ka magpapalinlang! "Ewan ko sayo! Sige na Lola mauuna na kami" sabi ko sabay irap at nauna na ko sumakay doon sa nirentahan namin na tricycle.
Pagkarating namin sa isang kilalang Restaurant dito sa San Alfonso, ako na ang nag assist para doon sa reservation namin kahapon ni Juanito. Gosh! Kulang na lang na magsuot ako ng diaper at magdala ng pana para maging Kupido ako nila Helen at Juanito. Kung pwede lang na ako na lang eh-- My goodness Carmela! Anong ikaw? Hindi ka pwede okay? Kay Lander ka lang!
Nung naayos ko na ang lahat biglang hinanap ng mata ko si Juanito. Nasaan na ba iyon? Don't tell me magtatagu-tagpuan pa kami dito my gosh! Ang hirap naman tulungan kapag torpe hays
"Carmela.." Bigla ako napalingon kung saan nanggaling ang boses at mukhang ako pa ang nagulat sa nakita ko. Kinakausap niya ko pero hindi ko nagawang ialis yung mga mata ko sa lalaking nasa harap ko. Bakit ba ang gwapo ng lalaking to?
"Carmela!" Tawag niya sakin na nagpabalik sa katinuan ko. My gosh! Nakakahiya ka Carmela! "Ayos ka lang ba? Masyado na ba kong gwapo para natameme ka diyan?" Nakangising sabi niya na nakapag pairap sakin. Gwapo na sana pero mayabang! Gosh! Buti pa si Lander
"Asa ka naman! Natigilan lang ako kasi hindi sayo bagay yang suot mo!" Sabi ko na nagpatawa lang kay Juanito. Gosh! Kahit tumawa, ang gwapo pa din. Ano ba pwede ilait sa lalaking to? Hay Carmela magtigil ka nga diyan "Anyway, ayos na ba ang lahat? Sure ba na lahat ng inorder natin kinakain ni Helen? Yung itsura ko? Ayos ba? Mukha ba kong tao o masyado na ko di---"
"Wait wait wait! Maghinay-hinay ka nga diyan! Isa-isa lang ang tanong isa lang ako dito oh gosh!" Napakamot naman sa batok si Juanito "Sorry kinakabahan na kasi ako first time ko pa lang kasi to eh" Napairap na lang ako sa inaakto ng lalaking nasa harap ko. Nilapitan ko na lang siya at inayos ang suot niya na neck tie.
"First of all, ayos na po ang lahat Mr. Alfonso and yes sure ako na lahat ay kinakain ni Helen dahil nagpatulong ako sa isang malapit na kaibigan ko---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Juanito "Kaibigan? Sino yon?" Inirapan ko na lang siya. I'm sure naman na hindi niya kilala si Lander eh "Wala ka na don okay? H'wag ka chismoso! Isipin mo yung date niyo ni Helen! Sige na uupo na ko doon sa isa pang table hintayin mo na lang diyan yung kadate mo babush!"
Aalis na sana ako pero hinawakan ni Juanito ang kamay ko. "Salamat Carmela" Nakangiti niyang sabi na nagpairap sakin at iniwan na siya doon dahil baka pag hindi pa ako umalis baka hindi ko na mabitawan ang kamay niya. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Helen at mukhang nagkahiyaan pa silang dalawa sa pagbati. Kahit kailan talaga napakatorpe ne'to ni Juanito! Tumingin pa siya sa akin at agad ko naman siya minatahan na offeran niya ng upuan si Helen. Agad naman siya sumunod at saka niya binigay ang isang bouquet ng bulalak na binili ko pa kanina sa flower shop kanina. Nung napansin ko na nagsisimula na sila kumain at magkwentuhan, umexit na rin ako sa restaurant at naunang umuwi. Ano pa bang gagawin ko doon? Maging audience nung dalawa? No way!
Kinabukasan, nagising ako sa pag iingay ni Therese sa kwarto. Napamulat naman ako at sumilip sa bintana. Kinusot-kusot ko pa mga mata ko pero mukhang madilim pa sa labas. Ang aga naman ako gisingin ng mga tao dito?! Kailangan kaya ulit ako makakatulog hangang tanghali huhu "Ma'am Carmela, gumising na po kayo" Pakikiusap sa akin ni Therese.
"Therese, may orasan ka ba diyan?" Tanong ko habang nakapikit dahil tamad na tamad pa ko bumangon sa kama. "Opo. Ano po meron?" Tanong niya sa akin. "Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya. "Ala singko po, Ma'am" Pagkasagot niya agad naman ako napangiti. "Madaling araw pa, Therese. Oras pa yan ng pagtulog okay? Matulog ka muna din ha good night" Pagpapaliwanag ko sabay talukbong ng kumot. "Pero ma'am utos po kasi eto ng Lola niyo. Inaaya niya po kayong mamalengke ngayon" Pagmamakaawa ni Therese habang ako eto hindi nagpatinag sa pagtulog ko. "Sabihin mo kay Lola sila Ate Marie na lang ang ayain niya. Panigurado gising na yung mga yo--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung nakaramdam ako na may pumapalo na stick sa katawan ko. "Bumangon ka na diyan Carmela" Utos sa akin ni Lola kaya agad naman ako napatayo sa pagkahiga. "Lola naman eh! Wala pa ngang araw sa labas oh huhu sila ate na lang ayain mo--Aray!" Sigaw ko after niya ulit ako paluin. Napakasadista naman ni Lola huhu "Sa inyong tatlo magkakapatid, ikaw daw ang pinakatamad mamalengke. Halina't mag ayos nasa labas na ang service natin mag ayos ka na!" Utos sa akin ni Lola.
No choice kaya bumangon na'ko. Takot ko lang doon sa stick ni Lola! Baka maputol na yung stick niya kakapalo sakin kung hindi pa ko bumangon hays. "Carmela, kailangan mo matuto ng mga ganitong bagay. Paano na lang kapag nag asawa ka na? Ganiyan ka ba sa magiging asawa't anak mo? Iaasa mo na lang ba lahat sa mga katulong?" Pangaral sakin ni Lola habang nakasakay sa tricycle. My god! Umagang umaga sermon agad ni Lola ang breakfast ko. Bigla na naman sumakit ang ulo ko. Feel ko kasi ioopen na naman ni Lola ang topic ng pagpapakasal sa akin dahil gusto na nga talaga niya magkaapo. Hindi lang naman ako ang may matres sa amin magkakapatid pero ako pinupuntirya ni Lola huhu "Alalahanin mo na ikaw ang magiging punong abala kapag nag asawa ka na. Ikaw ang mag aasikaso sa loob ng bahay, mag aalaga sa mga bata, mamimili ng mga kinakain, at magpapasaya sa iyong asawa. Paano na lang kung si Juanito ang mapapakasalan mo? Lagi pa naman busy yon dahil iyon ay nagdodoktor" Dagdag ni Lola. Para naman ako nasuka sa sinasabi niyang pagpapasaya sa asawa. Paano ko naman pasasayahin si Juanito kung siya magiging asawa ko? OMG! Napakadumi ng utak ko
"H'wag ka mag alala apo. Ako bahala sa'yo" Ngiti sa akin ni Lola kaya napangiti na lang din ako sa kaniya. My god! Tuturuan ba ko ni Lola paano pasayahin ang pyutur husband ko? Eto talaga si Lola bibigyan pa ko tips! Active siguro to dati hihiPagbaba namin sa tricycle, napansin ko agad na maraming tao pero wala namang palengke. Akala ko ba mamalengke kami? Bakit puro bangka nakikita ko dito? Mag iisland hopping ba kami?! Hindi man lang ako ininform ni Lola huhu hindi pa naman ako naka swimsuit ngayon! "La, akala ko ba mamalengke tayo?" Tanong ko sa kaniya. Halos lahat din ng tao nakapila sa may mga bangka ay may dala-dalang eco bag o bayong na walang laman. May nakikita ba sila na hindi ko nakikita?! Huhu
"Oo nga pero kailangan pa natin tumawid sa kabila parte ng lawa. Tara na pumila na tayo doon" Aya sa akin ni Lola. Agad naman ako nagulat nung nakarating kami sa dulo ng pila kasi sobrang haba! Baka abutin na kami sikat ng araw dito sa pila eh huhu medyo scared din ako dahil eto ang first time ko sumakay sa bangka. Agad naman ako sumilip sa lawa at mukha siyang malalim! Lord, mamamatay na ba ko?! "Natatakot ka ba? H'wag ka matakot. Mabilis lang ang biyahe. Nakikita mo ba yung dulo ng lawa? Dati yan parte ng hacienda ng ating mga ninuno" Hindi ko nagegets mga sinasabi ni Lola dahil naanxious na'ko sa kinatatayuan ko. Wala na'ko pake kung parte yan ng hacienda ng mga ancestors ko huhu maliligtas ba kami ng mga ancestors namin kung malulunod kami diba hindi?! OMG gawa na kaya ako ng last letter ko kela Daddy at Ate?! Baka 'di na kasi ako makabalik sa mansion.
Malapit na kami sa pila kaya mas lalo dumadagdag yung kaba na nararamdaman ko. Don't get me wrong, marunong ako lumangoy pero ewan feel ko may buwaya na gumagala sa ilog ngayon waaah "Kahit anong titig mo diyan hindi mauubusan ng tubig ang lawa" Sambit ng isang tao na pamilyar sa akin. Paglingon ko sa kaliwa agad naman bumulaga ang nakangiting Juanito. Ang saya niya ah?! "Ano ginagawa mo dito?" Pagtataray ko kaya agad naman ako tinapik ni Lola at siya na ang nakipagusap kay Juanito. "Good morning, hijo. I'm happy to see you here" Tuwang tuwa bati ni Lola. Oo siya lang masaya. Ako? Hindi ako masaya. Panira yang lalaki na yan sa araw ko. Hindi sana ako iimik pero agad naman ako pinandilatan ni Lola ng mata. Gusto niya ba ko bumati sa lalaki na yan? For what?! Ngumiti na lang ako slight para 'di ako masermonan ni Lola.
"Kakadaan ko lang po kasi sa bahay niyo ngayon at sabi po sa akin ng isang katulong niyo na umalis daw po kayo ngayon para mamalengke sa kabilang bayan. Naisip ko po na sundan kayo dahil wala naman po ako plano na gawin ngayong umaga" Magalang na sagot ni Juanito kay Lola. Dami ebas ah! Gusto niya lang naman sumama jusko.
Nagkwentuhan na sila ni Lola after nung mahaba niyang sinabi. Aliw na aliw si Lola sa kaniya dahil ang aga daw ni Juanito magising. Ginawa pa ko example na tulog mantika kung kaya hindi ako natututo sa gawaing bahay. Si lola pinahiya pa talaga ako! "Dami mo naman time sumunod ka pa talaga dito" Sabat ko sa kanila na agad naman ako sinamaan ng tingin ni Lola. Hindi ko na lang pinansin dahil nababadtrip pa ko sa paggising sakin ng ganitong oras. Bakit pa kasi gigising ng ganitong oras? Huhu pwede naman maggrocery mamayang hapon mas malamig pa doon pero pinipilit ni lola na mas fresh paninda sa palengke. K fine.
"Hindi naman ako mawawalan ng oras lalo na kung yung oras na yon ay ilalaan ko para makita at makasama ka. May problema ba doon?" Banat sa akin ni Juanito habang nakangiti. Ewan ko ba pero parang biglang lumiwanag ang langit nung ngumiti siya. May connection ba ang smile ni Juanito sa sunrise? Nacocontrol niya pala yon ah.
Agad naman ako umiwas ng tingin sa kaniya dahil bumibilis ang heart beat ko sa ginagawa niya. Kinakabahan ba ko? Oo Carmela kinakabahan ka dahil kayo na ang susunod na sasakay sa bangka. Lord help me! Marami pa po ako pangarap huhu bata pa po ako.
Naunang sumampa sa bangka si Juanito at agad niya naman inalalayan si Lola. Nung ako na yung sasakay ay nag alok din siya na alalayan ako pero dahil mabait ako, hindi ko siya hinawakan at sumampa agad ako sa bangka. Agad naman ako nawalan ng balanse dahil biglang umandar ang bangka. Feel ko mahuhulog ako anytime sa tubig kaya napapikit ako pero agad ako nakaramdam ng kamay at braso sa likod ko. Pagdilat ko, nakita ko agad ang mukha ni Juanito. OMG ang lapit ng mukha namin! "Ma'am at Sir, umupo na po kayo. Aalis na po ang bangka natin" Pagpapaalala sa amin nung bangkero. Agad naman ako bumitaw kay Juanito at umupo sa tabi ni Lola habang si Juanito naman ay umupo sa harap namin ni Lola. My goodness! Medyo nakakahiya yon ah huhu
"Pagpasensiyahan mo na'tong apo ko, hijo. Hindi kasi eto sanay lumabas labas kaya first time niya lang din makasakay sa ganitong bangka" Pagpapaliwanag ni Lola. Well, totoo naman. Taong bahay naman talaga ako kahit nasa Maynila. Lumalabas lang ako pag pupuntang school or gala tsaka hello? hindi naman kasi na need magbangka sa Maynila para makapunta ka sa pupuntahan no unless gusto mo sa ilog pasig dumaan. "Okay lang po Ma'am. Buti po at napapayag niyo si Carmela na sumama sa inyo ngayon" Sagot ni Juanito habang nakangiti. Agad naman siya tumingin sa akin na naging dahilan para mag iwas ako ng tingin. Ewan feel ko kasi may kung anong boltahe ako nararamdaman pag nagtutugma ang tingin namin. Ganito ba epekto pag nakasakay sa bangka? Huhu
"Mabait etong apo ko. Never to sumuway sa mga habilin at utos namin sa kaniya ng Daddy niya. Mahilig din siya sa iba't ibang bagay. Naturuan ko na siya dati na magluto at maaasahan mo na malinis siya sa loob ng bahay. Sa amin ng Daddy niya, never siya naging sakit sa ulo sa amin" Pagbibida ni Lola sa akin kay Juanito. Para naman ako binubugaw ni Lola kay Juanito?! Para tuloy ako jowang-jowa kaya tinalo pa ni Lola ang mga dating apps sa pagdescribe sakin huhu
"Pansin ko nga Ma'am" Sagot ni Juanito habang natatawa na mukhang nang aasar pa. Inirapan ko na lang siya at napansin yata yon ni Lola kaya napatingin na lang ako sa langit. Hinayaan ko na lang sila magchismisan dahil baka ano pa lumabas sa bibig ko na pag awayan pa namin ni Lola. Ilang minuto lang nakarating na din kami sa palengke. Medyo nanibago ako dahil sobrang saya ng atmosphere dito. Masyado pa umaga pero lahat ng tao dito ay ganadong-ganado magtrabaho. Inalalayan naman ako ni Lola sa loob ng palengke habang nasa likod naman namin si Juanito na akala mo ay bodyguard namin. Dumaan kami sa isang suki ni lola at nakakatuwa tingnan na halos lahat sila ay kakilala ni Lola.
Habang namimili sa bawat tindera, nahuhuli ko na nakatingin sa akin si Juanito at pag tinatanong ko naman siya kung bakit ay tinatawanan niya lang ulit ako. Ilan kaya nahithit neto? Kailangan na ata neto magpadrug test. Baka addict na. Tumatawa na walang dahilan.
"Ano favorite mong ulam?" Tanong sa akin ni Juanito habang hinihintay namin si Lola matapos bumili ng prutas. "Curious ka? Lulutuan mo ba ko?" Tanong ko sa kaniya. "Malay mo" Sagot niya sakin kaya napatango-tango ako. "Barbeque. Ayon favorite ko" Tipid na sagot ko. Gusto ko pa sana dagdagan na dahil masarap gawing pulutan pero baka isipin niya na lasinggera ako. No way!
"Ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya kaya napaisip naman siya. "Marami ako favorite eh pero may isang ulam na lagi ko na hinahanap-hanap simula nung nakain ko" Pabitin niya pa sabi sa akin. Agad naman ako napairap na nagpangiti sa kaniya. Ano ba nakain netong lalaki na'to at sobrang saya? "Alam mo sabihin mo na dami mo pa sinasabi eh!" Pagpupumilit ko. "Kaldereta" Sagot niya. Napatango naman ako. "Favorite ko ang Kaldereta ala Montecarlos.. ang luto mo" Agad naman ako napatingin sa kaniya at nakaramdam na naman ako ng pagbilis sa heart beat ko. May hypertension na ba ko?!
Napailing na lang ako dahil alam ko naman na hindi ako yung nagluto nung Kaldereta. Nagpatulong lang naman ako non magpaluto huhu aaminin ko na sana ng biglang sumabat si Lola "Juanito at Carmela, papasok lang ako sa loob. Diyan lang kayo" Paalam ni Lola kaya agad naman kami napatango. Ang awkward naman na matira lang kami dalawa dito huhu
"Don't worry Ma'am. Ako po bahala sa apo niyo" Pabibo pa nung isa. Ang OA?! Tatayo lang naman kami dito ano ba pwede mangyare sakin dito jusko "H'wag mo na'ko tawaging Ma'am. Masyadong pormal! Magmula ngayon tawagin mo na din ako Lola" Nagulat etong lalaki na nasa tabi ko pero agad naman siya ngumiti kay Lola. "Sige po Lo-Lola" Napaside eye naman ako sa lalaking to. Kakaganiyan niya baka iarrange marriage na talaga kami niyan nila Daddy!
Pag alis ni Lola agad ko naman siya kinurot. "Nagpapabida ka ba kay Lola? Alam mo pinapahamak mo tayo sa ginagawa mo eh! Baka tuluyan na tayong ipagkasundo niyan nila Daddy sa ginagawa mo" Reklamo ko pero nginitian niya lang ako. May nakakangiti ba sa sinabi ko? May sapak ba talaga to?
"Bawal ko ba samantalahin na girlfriend kita?" Agad naman napakunot ang noo ko. Pinagsasabe netong lalaki na'to? Ako? Girlfriend niya? Hibang ba siya? Nasaan na ba si Helen ano bang ginawa niya sa lalaking 'to huhu
"Bakit? Hindi ba sayo nakwento ni Lola? Na nung unang panahon pag pinagkakasundo sila para ikasal automatic na nobya na nila ang isa't isa. So technically, magkarelasyon tayo" Paliwanag pa niya pero ewan ko ba para ako naistatwa nung sinabi niya na girlfriend niya ko. Like is that for real?! Nabingi ba ko or marami lang tutuli sa tenga ko now huhu
"Siguro naman hindi magagalit si Lola kung itatakas ko ang girlfriend ko saglit no? Tara doon tayo!" Aya niya sa akin sabay hila sa akin papunta sa kabilang dako ng palengke.
Dear Diary,
What's happening?!
Girlfriend niya daw ako?!
Hindi ba bawal 'to? Hindi ako pwedeng magkagusto kay Juanito!
Tulong!
Nahuhulog,
Carmela
----
A/N: Hello guys! Thank you for supporting my fan fiction work. Ngayon ko na lang kasi ulit nabuksan ang account ko and sobra ako nagulat na dumami ang reads ng story ko dito huhu I will try to continue this story and if meron man sa inyo DonBelle fan na nagbabasa, I have a fan fiction story for them na on-going entitled "Hearts Under Contract." Feel free to check it sa profile ko. Happy reading everyone! Maraming salamat sa inyong pagtangkilik!
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Perfect Storm [Dave East FanFic]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/4323/conversions/c04c927e58c4838e780c1c92087cda7f.jpg)



