Kabanata 7
18:35, 18 July 2022Kinabukasan, ako na ang nagluto at tuwang-tula sila Daddy at Lola Emily dahil natututo na daw ako maging independent at biniro pa ko nila Lola na naghahanda na daw ako mag asawa
Gustong gusto na ata ako ipaubaya nila Lola eh whew!
Sabi pa nga nila kung hindi lang daw kay Juanito ay hindi ako magkakaganito. Bigla na lang ako napairap. Kinalimutan ko na ang nangyare kagabi, naging emosyonal lang siguro ako kaya ganoon.
Kung gusto ni Juanito si Helen ay wala na kong pakielam doon. Sabi nga ni Ate Ash ay magkababata sila at alam ko naman na sinasabayan niya lang ang trip ng mga magulang namin at ako naman ay nagpadala.
Oh well, may kapatid pa naman siya at kami nga talaga ni Lander ang naka destiny hihi
"Uy Carmela! Nasaan na si Juanito? Hindi ka pa ba binibisita?" Tanong sa akin ni Ate Marie na nagpairap sa akin. Mukha ba kong hanapan ng Juanito?!
"Bakit? Mukha na ba kong puntod para bisitahin niya ako Ate?" Tanong ko kay Ate Marie na nagpatawa sa kaniya "Sis I smell something fishy. LQ ba kayo? Ha?! Hahahaha! Nakakatuwa kasi reaksyon mo eh!"
"LQ ka diyan! Busy yon kay--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla naman dumating si Ate Faith "Carmela! May naghahanap sayo nasa sala siya ngayon Helen daw name niya" Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate Faith. Bakit ako binisita ni Helen? Tungkol ba kay Juanito? Gosh! Hindi ko naman alam na pupunta pa siya rito para bakuran yung malanding lalaki na yon! Sa kaniya na yon no! Saksak pa niya sa baga--
"Huy Carmela, kanino busy si Juanito? May babae ba siya?" Tanong sa akin ni Ate Marie "Huh? May sinabi ba ko? Anyway, puntahan ko muna yung bisita ko hehe bye ate!" Tumakbo na ko sa sala at hindi ko na hinintay na magsalita si Ate Marie. Eechoesin lang naman ako non!
Pagkarating ko sa sala, nakita ko si Helen na ngiting-ngiti sa akin. Here comes the snake-- Ay este pyutur sister in law ko hehe bakit ba snake unang naisip ko?! My goodness!
"Hi Carmela" Nakangiting bati niya sakin. Nginitian ko naman siya at sabay na kami umupo dito sa sala "Uhm Helen bakit ka nga pala napunta dito? Sigurado naman ako na hindi ka pupunta dito kung wala kang kailangan sakin" Nakangiting tanong ko sa kaniya
"Grabe ang straight forward mo pala Carmela haha gusto tuloy kita maging kaibigan" Sabi niya sakin na ikinangiti ko lang din. Hmmm mukhang magiging BFF kami ni Helen ah! "Anyway kaya ako nandito dahil nalaman ko na ikaw pala yung nililigawan ni Kuya Lander sa States! I never thought na makikita kita agad-agad at masasabi ko na maganda talaga ang taste ni kuya. You look beautiful Carmela!" Agad ko naman kinapula ang sinabi ni pyutur sister in law my gosh!
"Ikaw din naman maganda haha" Sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya. Ang ganda talaga niya ngumiti. Baka diyan na inlove si Juanito? Maganda din kaya ako ngumiti?-- My gosh Carmela! Kung ano ano iniisip ko hays "Natutuwa ako na makita kita at masisigurado ko na tutulungan ko kayo ni Kuya Lander pero may favor din sana ako" Nahihiya niyang sabi sa akin. Hmmm ano kayang favor yon?
"Napansin ko kasi na close kayo ni Juanito.. uhm baka kase pwede mo ko tulungan sa kaniya?" Nakangiting tanong niya sa akin. Ewan ko pero alam kong dapat hindi na ko na bigla ay nakaramdam pa din ako ng pagkagulat. "Bakit? Gusto mo siya?" Tanong ko na agad naman niya kinangiti
"Hindi ba obvious? Magpapatulong ba ako kung hindi?" Medyo natamaan ako sa sinabi niya. Oo nga naman Carmela! Gosh nashushunga na ko lately "Simula pagkabata ay may gusto na ko sa kaniya and ngayon hinihintay ko kung liligawan na ba niya ko" Nakangiti niyang pagkekwento sa akin
Bigla na naman ako nakaramdam ng kirot. Gosh! Ano na naman ba to?
"Ehh kagabi naman nakita ko na ayos naman kayo eh. Malay mo baka naghihintay lang siya ng tamang oras" Sabi ko sa kaniya habang tinitingnan siya "Sana nga Carmela.. Sana nga"
Ramdam ko na gusto niya talaga si Juanito and sino naman ako para pigilan silang dalawa diba? Hindi hamak na ako lang naman si Carmela Isabella na ngayon lang dumating sa buhay ni Juanito Alfonso.
Ilang oras pa kami nag usap ng biglang dumating si Therese na hinihingal "Oh Therese? Saan ka galing?" Tanong ko sa kaniya at hinayaan na mahabol ang hininga niya "Miss Carmela, nandito po ngayon si Sir Juanito"
Gosh! Bakit nandito siya? Bigla naman ako napatingin kay Helen at halata sa mukha niya ang gulat. Baka mag isip siya ng rason kung bakit pumunta dito si Juanito Waaah!
Pero teka bakit ba ako kinakabahan? Sigurado naman ako na hindi ako pinunta niya dito at baka nalaman niya na nandito si Helen. Oo, tama Carmela baka ganoon nga.
Iniwan ko muna si Helen sa sala at sinundo si Juanito. Ang wrong timing naman netong lalaki na'to! Nakita ko siya na nababa sa sasakyan at may dala siyang isang bouquet ng bulaklak ng red roses at may dalang ukalele. Wow ah! Mukhang aakyat siya ng ligaw ah!
"Juanito!" Sigaw ko sa kaniya at agad siya napatingin sakin. Tumakbo siya malapit sa akin at agad niya ko niyakap. Ilang minuto kami nagkayakapan dahil hindi ako nakarecover sa pagyakap niya sakin kaya napabitaw ako sa kaniya nang maalala ko na nandito si Helen. "Jua-Juanito, ano pa lang ginagawa mo dito? Mukhang aakyat ka ng ligaw ah!"
"Ganon ba? Haha actually kaya ako nandito para ligawan.. Helen?" Napatingin si Juanito sa likod ko at pati rin ako napatingin. "Juanito!" Sigaw ni Helen at lumapit siya kay Juanito para yakapin niya. Halatang nagulat si Juanito sa nangyare at napayakap na lang siya kay Helen at napatingin sa akin na naging dahilan para napa iwas ako ng tingin
Huwag Juanito pakiusap.. huwag
"Bakit ka nandito Juanito?" Tanong ni Helen sa kaniya habang nakasampay parin ang mga kamay niya sa leeg ni Juanito "At para kanino tong mga bulaklak? Para sa akin ba to? Salamat!" Sabi ni Helen saka niya hinalikan si Juanito sa pisngi
Ang sakit sa mata.. pati rin sa puso
"Wa-walang anuman Helen" Nakangiting sabi ni Juanito kay Helen pero sa akin parin siya tumingin. Hindi ko na kayang tingnan sila.. para ko lang minumurder ang sarili ko eh kaya kahit labag sa akin ay sumabat na ko sa kanila
"Juanito at Helen, papasok na ko sa loob. Juanito, ikaw na bahala kay Helen ah ayusin mo pag kanta mo baka biglang mayanig tong mansion namin at Helen good luck na lang sayo!" Sinubukan ko na pasayahin yung boses ko para hindi nila mahalata "Salamat Carmela! Hindi ko akalain na mabilis ka pala umaksyon" Napangiti na lang ako kay Helen at iniwan na silang dalawa doon
Pagpasok ko ang naabutan ko ay si Ate Marie. Gosh! Nakita kaya niya?
"Ate Marie.."
"Halika nga rito Carms! Nandito ang Ate, lalaki lang yan!" Napangiti na lang ako pero traydor ata ang mga luha ko dahil tuluyan na silang umagos
Kinagabihan, may na receive na text galing kay Helen. Nagpapasalamat siya pero nadisappoint siya dahil hindi pa din daw naamin si Juanito. Letsugas! Bakit ba kasi ang torpe ni Juanito?! My gosh! Ako tuloy naiipit.
After nung nangyare kanina medyo ayos na din ako sa nangyayare sa kanilang dalawa. Ang sabi kasi sa akin ni Ate Marie ay baka namimiss ko lang si Lander kaya ganoon ako ka emosyonal na sinang ayunan ko naman. Sana nga yun yung rason.
Kaya ngayon nag iisip ako ng plano kung papaano ko ba papaaminin si Juanito. Hmmm paano kaya? 8 PM pa lang ngayon at hindi padin ako nadadapuan ng antok. Nakarinig na lang ako na may kumatok sa pinto ng kwarto at niluwa neto si Therese.
"Good evening Miss Carmela. Nandito po ako para ihatid yung gatas at cookies na pinapabigay po sa inyo ni Ma'am Emily" Natuwa naman ako kay Lola. Kilalang kilala talaga niya ko haha! Nakaugalian ko na kasi uminom ng gatas bago matulog
"Uhm Miss Carmela, may kailangan pa po ba kayo?" Tanong sa akin ni Therese. Hmmm bigla ako may naisip na idea! Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko saka ko tiningnan ng kakaiba si Therese
"Miss Carmela, seryoso po ba kayo dito?" Sabi niya habang inaayos ko yung lubid sa katawan ko. Nandito ako ngayon sa mansion ng Alfonso and specifically pupunta ako sa kwarto ni Juanito and uunahan ko kayo! Hindi ko siya gagapangin ha! Nandito ako para matulungan siya kay Helen. I'm such a good friend! Dumaan din kami ni Therese sa short cut papunta dito sa bahay nila Juanito
"Yes Therese, seryoso ako dito!" Sabi ko sabay kindat. Medyo nahirapan ako umakyat pero keribells ko pa din naman. Nung nakapunta na ko sa kwarto niya ay bumungad sa akin ay ang amoy niya. Shems! Katurn-on!
Nilibot ko ang mata ko at puro libro lang naman ang nakita ko. Hindi naman siya mukhang libro no?
May mga gawa din siya na nakita ko sa table niya na gawa sa kahoy. Parang ito yung mga nakikita ko sa mga souvenir shops ah! Aba may talent din pala yon!
"Sino ka?" Oh nandito na pala siya! Alam ko naman na siya yon dahil narin sa boses duh "Wait! Huwag kang lilingon!" Sigaw pa niya at dahil mabait ako ay syempre lumingon ako
Pero ako ata ang na surprise sa nakita ko..
OHMAYGASH!!
LETSUGAS NAKA TAPIS LANG ANG LOKO!
AT KITANG KITA YUNG ABS NIYAAAA!
Wait lemme count that hmmm 1..2..3..4.. + 2 = 6 PACK ABS!!
Tapos mukha pa siyang galing sa pagligo dahil basa basa pa yung buhok niya na nagpadagdag sa hotness niya!!
PENGE TUBIG!!
Mas lalo pa ko nagulat dahil sa pagkataranta niya ay nahulog yung tuwalya na nakabalot sa ano niya and sa oras na yon bigla na lang nabinyagan ang mga mata ko dahil nakakita ako ng isang bagay na hindi ko dapat makita
WAAAAAAAH!!
Ito na ba yung kapusukan na sinasabi ni Lola Emily?! My goodness!
"Shit Carmela!" Yan ang huli niyang sinabi saka pumasok ulit sa banyo niya. Huhu Lord bakit nga ba ulit ako nandito?
Ngayon, nandito parin ako sa kwarto ni Juanito. Kanina pa ata siya nasa banyo kaya nandito muna ako sa higaan niya. Medyo hindi pa din ako makarecover sa nangyare! Bigla ako nauhaw nang wala sa oras eh whew!
Nagulat na lang ako na lumabas na si Juanito sa banyo na balot na balot sa pajama niya at pulang-pula pa din siya ngayon. Well sino ba ang hindi mamumula? May nakakita na sa junior niya
"Carmela, paano ka naka pasok dito?" Tanong niya sakin habang iniiwasan yung tingin ko "Ah yun ba? Sa bintana mo" Tamad na sagot ko sa kaniya habang siya nilalock yung pinto niya at sinara niya din yung bintana. Bigla naman siya lumapit sa akin at chineck ang katawan ko "Huy anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya
"Ayos ka lang ba ha? Bakit diyan ka pa dumaan? Baka may mangyare masama sayo. Mag ingat ka naman Carmela" Sabi niya habang tiningnan niya ko mata sa mata. Nakaramdam ako ng kung anong boltahe kung kaya ako na mismo nagkusang tanggalin yung pagkakahawak niya sa akin at ako na din nag iwas ng tingin "Ayos lang ako Juanito! Ano ka ba! Hwag mo naman ipahalata na concern na concern ka sa akin" Pabiro ko sabi sa kaniya at humiga na lang sa higaan niya.
"Tss may pakielam ako sayo Carmela kung kaya mag ingat ka lagi" Bigla naman ako natigilan sa sagot niya. Bakit biglang uminit dito sa kwarto niya? "Bakit ka ba nandito?" Tanong niya at dumeretyo siya doon sa study table niya
"May kailangan kasi ako sabihin sayo!" Sabi ko sa kaniya "Bakit ngayon pa? Baka mapagalitan ka pa ni Lola Emily at baka mahuli tayo nila Papa dito tsaka pwede mo naman ipagpabukas yan ha" Sabi niya sabay lingon sa akin. Natigilan naman siya saglit at napaiwas ng tingin. "Are you trying to seduce me Ms. Isabella?" Sabi niya sabay pula ng pisngi niya
Pero what?! Ako?! Sineseduce siya?! Ano bang ginagawa k-- Ay punyemas nandito pala ako sa higaan niya at prenteng-prente humiga kaya napabangon ako ng wala sa oras na nagpangisi sa kaniya at saka siya nagsalita "Good girl. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko"
Bigla naman nanlaki ang mata ko sa sinabi niya
"Bastos!" Angal ko sa kaniya na nagpatawa sa kaniya. Ito ba yung nagustuhan ni Helen? Manyakis?! Gosh!
"Anyway, Bakit ka nga nandito?" Tanong niya ulit sa akin "Nandito ako para tulungan kita kay Helen!" Masayang sabi ko sa kaniya. Napangunot naman ang noo niya "Bakit mo naman ako tutulungan?"
"Ang torpe mo kasi!" Sabi ko sabay inom nung gatas niya "Hey! Why are you drinking that?" Napairap naman ako "Hindi mo naman kasi iniinom tsaka hindi ko naman uubusin yan! Oh sayo na!" Sabi ko at binigay sa kaniya yung gatas "So yun nga! Kaya ako nandito para tulungan ka kay Helen. Mas mabagal ka pa kasi sa pagong eh! Sige ka baka maunahan ka! Ang ganda pa naman ni Helen" Pangangaral ko sa kaniya habang siya nagfofocus doon sa kahoy na dinodrawingan ata niya
"Mas maganda ka don.." Bulong niya na hindi ko naman narinig "Anong sabi mo ha?" Angal ko sa kaniya "Oo nga maganda siya so anong gagawin ko ha?" Pabalang naman na sagot niya
"Hmmm kailangan mo siyang ligawan na naayon sa modern way! Example, yayain mo siya sa isang fine dining restaurant tsaka manood kayo sa sine. Lahat naman ng babae gusto non eh!" Sabi ko habang iniimagine yung mga pangayayare
"Ganoon ba yung gusto mo?" Tanong niya sakin "Huh? Bat ako ang tinata--" Hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil pinutol ko naman "Alangan naman na si Helen ang tanungin ko diba?"
May point naman siya kaya nag isip ako kung ano ba ang ideal courting o date sa akin well alam ko naman ang sagot
"I must say na lahat ng babae gusto non pero ako mas prefer ko yung old way ng panliligaw. Ako yung type ng babae na mahilig sa hand written letters. Gusto ko din na maharanahan. Gusto ko din na ligawan yung mga parents ko tulad ng pagtulong sa bahay. Syempre mas gusto ko din yung binibigyan ako ng flowers araw araw and gusto ko din yung mga mabubulaklak na salita. Tsaka kung yayayain niya ko magdate, gusto ko pumunta sa safe haven niya para mas makilala ko siya! At syempre gusto ko din na ipakilala niya ko sa magulang niya noh!" Nakangiting sabi ko sa kaniya. Haaay sana makauwi na si Lander I miss him na talaga
Napatingin ako kay Juanito at nahuli ko na nakatitig siya sakin. May dumi ba ko sa mukha? "Juanito?" Tawag ko sa kaniya na nagpabalik sa katinuan niya. "Oh okay. Yun na yung gagawin ko" simpleng sabi niya
"Baliw! Na tanong ko na si Helen at gusto niya maligawan ng--" Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko dahil biglang bumukas yung pinto ng kwarto niya "Kuya Juani-- Ate Carmela?"
Ng walang paalam, tumalon na ko sa bintana "Carmela!" Sigaw ni Juanito sa akin nung nakababa na ko. Tumingala ako at ngumiti sa kaniya "Ayos lang ako! Bukas na lang!" Nakita ko na kasama na ni Juanito si Angelo. Shocks! Masyado ata ako natagalan. Tumakbo narin kami ni Therese palabas sa mansion ng Alfonso
Dear Diary,
Sana matulungan ko si Juanito kay Helen
At sana matulungan ko din ang sarili ko na hwag hayaan ang puso ko na ito na mahulog sa kaniya
Nangangamba, Carmela
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Perfect Storm [Dave East FanFic]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/4323/conversions/c04c927e58c4838e780c1c92087cda7f.jpg)



