Kabanata 4
18:11, 18 July 2022Pagkatapos nila kami abutan sa may puno ng mangga, hindi na nila kami tinigilan pati na rin ang mga ate ko sa kakaechoes sa akin. Pinaliwanag naman namin ni Juanito kung paano ba kami napunta sa ganoong posisyon pero parang wala ata nakinig sa pag eexplain namin at tiningnan lang kami ng mga malisyosong mata nila my gosh!
Nakikita ko din na nagpapalitan na ng makahulugang tinginan ni Daddy tsaka yung tatay ni Juanito. Oh noes! Parang alam ko na ang ending namin ni Juanito ah! Ipapaubaya na ba ko ni Daddy? Waaaah!
Nung tingnan ko naman si Lola Emily naka ngiti lang siya at parang tuwang-tuwa siya sa nangyare. Pinagsabihin pa niya kami ni Juanito na h'wag daw masyadong magpadala sa kapusukan sa mga publikong lugar, nakaready naman daw kasi ang mansyon para sa mga kaharutan namin jusko!
Nagkulay kamatis na nga ata yung mga mukha namin non ni Juanito at hindi ko alam kung saan ako titingin. Ako na ata nahihiya sa sarili kong pamilya huhu lupa lamunin niyo na ko pls
Nung medyo nakarecover na sila sa pangyayare, lumapit na si Lola Emily doon sa puntod ni Lola Carmela habang yung daddy naman ni Juanito ay pumunta naman sa isang puntod.
Kaya pala sila nandito ay dahil binisita nila ang dalawang puntod ng kaninuno nila at si Lola Carmela! Nag dasal muna kami bago namin nilisan ang lugar na iyon.
Nung naghapon, umuwi na din ang pamilyang Alfonso at hinatid na ni Daddy at Lola Emily silang lahat sa labas. Hindi na ko sumama dahil sigurado ay papaulanan pa nila kami ni Juanito ng mga malisyosong mga tanong noh!
And speaking of Juanito, hindi na kami nagkausap after nung kapusukan kuno daw namin sa may puno ng mangga. Well sino ba ang hindi maiilang diba? Isama pa ang mga mapanuksong tingin samin ng mga kapamilya namin hindi ko na alam kung may kapal pa kami ng mukha na magmaang-maangan na mag usap na walang nagyare whew!
Nung nakarinig na ko ng mga yapak galing sa labas dumeretyo na ko sa taas at nagkulong sa kwarto. For sure kase na kukulitin lang ako ng mga ate ko sa nangyare kanina. Mga tsismosa pa naman yung mga yun! Dumeretyo na lang ako sa kama ko at doon ako nakaramdam ng antok at nakatulog na lang ako bigla
Sa sobrang sarap ng tulog ko bigla na lang ako nagising dahil sa tilaok ng manok. OMG! May mga manok pala si Lola Emily
Pagbangon ko nagulat ako na hindi ako nakasuot ng pantulog ko, nakasuot lang naman ako ng puting saya kaya napatingin ako sa paligid ko
Nandito parin naman ako sa kwarto pero bakit naka ganto ako? Shocks! Baka pinagtripan na naman ako nila Ate Faith! Argh!
Kaya napabangon na lang ako at dumeretyo sa banyo. Nagulat ako dahil yung bath tub ay kakaiba parang pang sinauna! Grabe nagawa pang papalitan ni Lola Emily yung bath tub niya dito eh mas komportable naman ako don haha oh well makaligo na nga!
Pagkatapos ko maligo, dumeretyo ako sa cabinet ko at laking gulat ko dahil puro saya yung nakalagay doon. Shocks! Nasaan yung mga damit ko? Sineseryoso talaga nila Ate Faith ang pangtitrip sakin ha!
Kahit medyo ayaw ko ay wala akong choice na suotin yung isang saya na kulay asul. Bagay naman sakin at kuhang-kuha naman yung kurba ng katawan ko.
Pagkababa ko galing sa kwarto nagtaka ako kase wala ako naabutan na kahit sino. Nasaan sila?
"Lola Emily! Daddy! Ate Faith at Ate Marie! Nasaan kayo?" Sigaw ko sa buong mansion pero mukhang mag isa lang ako dahil katahimikan lang ang sumagot sakin. Kahit pati mga katulong ni Lola dito ay wala, pinagtataguan ba nila ako?
Nagpaikot-ikot ako sa bahay at isang sulat lang ang nakita ko sa may lamesa. Hmmm para kanino naman to?
Laking gulat ko ng makita ko ang pangalan ko sa sobre. OMG! Sakin tong sulat na to? Kanino naman kaya to galing? Kay Baby Lander ko ba? Gooosh!
Binuksan ko yung sulat at saka binasa
Pumunta ka sa lugar kung saan nagsimula ang lahat - C
Bigla naman ako nagtaka at naguluhan dahil sa sulat na'to. Pumunta ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat? Saan ba to?! Hmmm baka naman doon sa hospital kung saan ako pinanganak? Well doon naman nagsimula ang life ko hehe
Pero kanino naman kaya to galing? Bakit ba kase C lang nakalagay dito?! Parang gusto naman ata ako pahirapan nang nagbigay ne'to eh! Naubusan ba siya ng tinta kaya C lang nasulat niya? My goodness!
Lumabas na lang ako ng mansion at nag ikot-ikot. Hahanapin ko na lang sila Lola Emily at baka matulungan pa nila ako
Habang naglalakad sa daan, nagsimula na ko macreepyhan. Wala kasi katao-tao sa kalsada ngayon kahit tanghali na. OMG! Baka nasa prank show ako ngayon at ako yung napili nila pagtripan? Waaaah!
Tatakbo na sana ako palayo ng may makita ako na lalaki na nakatayo sa may malapit na lawa sa mansion ni Lola Emily. Ito ata yung sinasabi nilang Lawa ng Luha na kinwento na din sakin dati ni Lola nung bata pa kami, ang sad nga ng alamat neto eh huhu
Bigla na lang ako nakahinga ng maluwag. Atleast! Hindi lang ako ang tao dito noh!
Nilapitan ko yung lalaki pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya pero nakakapagtaka dahil naka barong Tagalog siya at sobrang ayos ng pagkakatindig niya. Bakit parang pamilyar siya sakin?
Bigla naman umihip ng sobrang lakas kung kaya biglang lumipad yung sulat sa kamay ko. Oh noes! Yung letter!
Nakuha ko naman agad yung sulat pero laking gulat ko dahil wala na yung lalaki sa kinatatayuan niya kanina. Nasaan na yon?
Naglakad na lang ulit ako at hindi ko alam kung bakit napadpad ulit ako dito
Bakit ba lagi ako hinihila ng mga paa ko dito sa puno ng mangga na'to? My gosh! Ano ba meron dito?
Napaupo na lang ako at dinamdam yung hangin sa mga burol. Ang lamig dito ah whew! Bigla na lang napapikit ang mga mata ko pero laking gulat ko dahil may scenario na lumabas sa isipan ko.
May isang lalaki na naghihintay sa ilalim ng puno ng mangga na'to. Tag araw o tag ulan, tag sibol man o tag lagas ay narito siya para hintayin ang kaniyang minamahal. Nakita ko din siyang tumanda at dito na din mismo namatay.
Naramdaman ko na lang na naagos na ang mga luha ko sa aking mata. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang nararamdaman ko at sobrang sakit makita ang lalaki na iyon na ganoon ang sitwasyon.
Patuloy na lumuha ang mga mata ko at laking gulat ko na may kamay ang nag abot sa akin ng panyo. Tiningnan ko kung kanino galing ang kamay na yon at laking gulat ko ng makita ko si--
"Carmela.. Nagagalak ako na makita kita" Nakangiting bati niya sa akin
"Lola Carmela?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Totoo nga ang sinabi nila.. mula sa maliit na detalye ay kamukhang-kamukha ko talaga siya. Hindi ko aakalain na makikita ko siya sa gantong sitwasyon.
"Ako nga Carmela.. Ako nga" Nakangiting sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kasuotan niya at naka saya rin siya ngunit kulay puti. Hindi ko alam pero parang may sarili atang buhay ang mga kamay ko kung kaya napayakap na lamang ako sa kaniya
Bigla naman siya kumawala sa yakap ko at nakita ko na may isang lalaki ang naghihintay sa kaniya sa likod niya. Ah! Siya yung lalaking nakita ko kanina sa may lawa pero hindi ko makita ang mukha niya ang blurred tingnan. Napatingin na lamang ako kay Lola Carmela at siya ay nagsalita
"Carmela, natutuwa ako na makita kita kung saan nagsimula ang lahat sa amin. Nakakatuwang isipin na ang huling kahilingan ko ay matutupad na rin.. Hangang sa muli Carmela Isabella" Nakangiti niyang sabi sakin saka siya sumama doon sa lalaki
"Lola Carmela!" Bigla ako napabangon sa kinahihigaan ko at hinabol ang hininga ko. Napatingin ako sa paligid ko at maski sa damit ko. Narito parin ako sa kwarto at nakasuot parin ako na pantulog
Ibig sabihin, panaginip lang pala ang lahat.. Pero laking gulat ko na hawak ko yung panyo na binigay sakin ni Lola Carmela
"Carmela, ayos ka lang ba apo?" Napatingin naman ako kay Lola Emily at nakita ko siyang hinahangos. Mukhang galing pa siya sa baba dahil halata sa kaniya na tumakbo siya
Hindi ko alam pero pag kita ko kay Lola Emily bigla na lang ako napaiyak.. Bakit ganoon? Totoo ba ang lahat?
"Apo ayos ka lang ba ha? Bakit ka naiiyak?" Natatarantang tanong sa akin ni Lola "La, napanaginipan ko siya.. napanaginipan ko po si Lola Carmela" Sabi ko sabay hagulgol bigla naman naman nawala ang pagkataranta ni Lola at na palitan iyon ng pagkabigla
"Totoo ba iyan apo? May sinabi ba sayo si Ate Carmela ha?" Tanong ni Lola habang pinapakalma ako "Isa lang po ang naaalala ko sa sinabi niya na natutuwa siya dahil matutupad na daw ang kahilingan niya.. La, ano pong ibig sabihin non? Anong kahilingan yon?" Tanong ko kay Lola na hindi niya na sinagot
"Apo, maaari mo ba ko samahan sa may library? Siguro ito na ang tamang oras para malaman mo ang kwento ng ating pamilya" Nakangiting sabi ni Lola sa akin. "Huh? Ano po iyon Lola?" Nagtatakang tanong ko
"Halika.."
Nung dumating kami doon sa may library, hindi ko maiwasan na mamangha dahil sobrang laki pala neto at karamihan sa mga libro rito ay luma na din. Dumeretyo kami doon sa may parang mini sala ng library na ito at doon nagsimula magkwento si Lola Emily tungkol sa pag ibibigan ng aming ninuno na si Carmelita Montecarlos at Juanito Alfonso
Kinwento ni Lola simula umpisa kung paano ba nagsimula sila Carmelita at Juanito pero hindi nagtagal ay biglang nag iba ang ihip ng hangin dahil iba na daw ang inibig ni Juanito at lagi niya daw ito hinihintay sa may mga burol sa puno ng mangga
Bigla ko naalala ang panaginip ko kanina. Yung lalaki.. Yung lalaki na naghihintay sa may ilalim ng puno ng mangga.. Siya si Juanito Alfonso? Edi siya din yung nakita ko sa may lawa? At siya din yung kasama ni Lola Carmela?
Hindi ko alam pero bigla na lang ako napaiyak. Nagulat si Lola sa pag iyak ko pero hinayaan ko si Lola na ipagpatuloy niya lang ang pagkekwento.
Ang sabi pa niya ay sobrang mahiwagang daw ang pagmamahalan nila Juanito at Carmelita dahil na din sa ginawang painting ni Juanito Alfonso na kung saan nandoon ang pagmumukha ni Carmelita pero pinangalan iyon ni Juanito sa pangalan ng Lola ko at iyon ay Carmela Isabella
Hindi nga ko makapaniwala dahil kung ipagtatabi kaming tatlo ay masasabi ko na mukha kaming triplets dahil parehas-parehas ang mga mukha namin.
Mas lalo pa ko napaiyak nang malaman na tumandang binata si Juanito at hindi na siya nag asawa at hinintay niya na makasama niya ulit ang kaniyang minamahal pero nabigo dahil namatay siya taon ng 1963
Bigla ko naalala ang kwento ni Lola sa akin nung bata pa ako tungkol kay Lola Carmela na siya daw ang nag push para gawing museo itong mansion ng Montecarlos. Nagtaka nga din daw sila noon dahil simula nung araw na yon ay naging mas emosyonal si Lola Carmela lalo na kapag nandito siya sa San Alfonso
Sa pagkakatanda ko ay dito na siya nanatili at dito na din siya nagturo as a History Professor sa isang kilalang eskwelahan dito sa San Alfonso at hindi na din siya nag asawa dahil sa isang lalaki na minamahal niya.
At ngayon ang labi ni Lola Carmela ay naroon sa tabi ni Juanito Alfonso. Bilin daw kasi ni Lola Carmela kila Lola Emily na kapag namatay na siya ay nais niya na doon sa may puno ng mangga katabi ng puntod ni Juanito Alfonso
Hindi ko alam pero mas lalo lang ako napaiyak dahil parang napagtagpi-tagpi ko na ang mga pangyayare.. Yung sa panaginip ko.. Mga kwento ni Lola Emily..
Hindi kaya si Lola Carmela Isabella ang babaeng minahal at hinintay ni Juanito Alfonso noon?
Dear Diary
Tama ba kaya ang hinala ko?
Na ang aking Lola Carmela ang babaeng minahal ni Ginoong Juanito Alfonso noon?
At ano ba ang huling kahilingan ni Lola Carmela?
Naguguluhan, Carmela
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Perfect Storm [Dave East FanFic]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/4323/conversions/c04c927e58c4838e780c1c92087cda7f.jpg)



