Fanfics

Kabanata 5

18:16, 18 July 2022

Kinabukasan, medyo naging masama ang pakiramdam ko. Hindi ko parin kasi makalimutan yung napanaginipan ko kagabi pero laking gulat ko na makita na naman yung diary na nasa side table ng kama na'to

OMG! Bakit nandito to? Ang pagkakaalam ko binalik ko na ito sa harap ng museo eh. Kaya kahit medyo pagod pa ko sa kakaiyak kagabi, dumeretyo na ko sa banyo at saka naligo.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Therese na inaayos na ang higaan ko

"Magandang umaga Miss Carmela" Nakangiting bati niya din sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya "Magandang umaga din" Inayos-ayos na niya ang kwarto ko at winalis-walis. Aalis na sana ako ng may maalala ako na itatanong ko dapat sa kaniya

"Uh Therese?" Nag aalangang pagtawag ko sa kaniya "Diba ikaw lang naman yung katulong ni Lola Emily na nakakalabas pasok dito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya

"Opo Miss Carmela. Bakit po ba? May nawawala po ba sa mga gamit niyo?" Nangangambang tanong niya na agad ko naman kinatawa. Akala niya siguro inakala ko na ninakawan niya ko haha

"Ay wala naman Therese! Itatanong ko lang sana kung may nakikita ka ba na na pasok dito para ilagay itong diary sa kwarto ko. Lagi ko kasi nakikita ito dito kahit binalik ko na sa harap ng museo" Bigla naman siya nakahinga ng maluwag sa sinabi ko

"Miss Carmela, sa pagkakaalam ko wala naman po napasok dito. Maliban na lang po kila Ma'am Emily at sa pamilya niyo po pero lagi naman po ako nakabantay rito pero hindi ko pa po nakikitaan na pumasok sila Ma'am at Sir dito sa kwarto niyo" Sabi niya na nakapag bigla sakin

Kung wala siyang nakikitang pumasok rito, sino ang maglalagay neto sa kwarto ko?

"Ahh sige salamat Therese bababa na muna ako" Paalam ko sa kaniya at saka dumeretyo sa harap ng mansion na kung saan nandoon ang museo ng Montecarlos

Ang bumungad sa akin ay ang dalawang painting na nasa harap. Yung isa ay kay Ginoong Juanito Alfonso at ang isa naman ay kay Lola Carmela

Bigla na naman ako nakaramdam ng pagkalungkot, naalala ko na naman kasi yung mga panaginip ko kagabi. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na tama ang hinala ko na si Lola Carmela ang babaeng minamahal ni Ginoong Juanito Alfonso pero papaano nangyare iyon? Eh sobrang layo ng agwat ng panahon nila haaay

Binalik ko na yung diary kung saan ito nakalagay. Aalis na sana ako ng bigla naman humangin kaya hinanginan ang pahina ng diary. Laking gulat ko na blanko pa din ang ibang pages pero may nakasulat na sa harap at hindi ako makapaniwala na sulat kamay ko yon! OMG! Paano nangyare iyon?!

"Carmela.." May tumawag sa akin at laking gulat ko na siya ang makikita ko "Juanito? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa kaniya. Ang aga pa kasi at hindi pa bukas ang museo para sa mga tao

"Nandito ako sana para humingi ng sorry tungkol sa nangyare kahapon" Nakangiti niyang sabi habang nagkakamot sa batok. Bigla naman uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. My gosh! Bakit niya pa pinaalala?

"Ah yon ba? Ah ano ayos lang yon hehe" Ngiting hilaw ko sa kaniya habang naiwas ng tingin. My gosh Carmela! Bat ba ko naiilang? "Yun lang ba ang pinunta mo dito?" Tanong ko sa kaniya dahil ang totoo niyan gusto ko ng maka alis sa sitwasyon na'to. Nahihiya parin kasi ako huhu

"Ah hinde haha gusto din sana kita makita.." Sabi niya na naging dahilan para tingnan ko siya. Tama ba yung narinig ko sa kaniya? Kaya siya pumunta dito ay dahil gusto niya ko makita? Hinaharot ba ko ni Juanito?! My goodness!

"Bakit mo naman ako gusto makita?" Sabi ko sabay irap. Baka isipin niya ay madadala niya ko sa mga ganiyang salita ah?! No way! #HardToGet kaya ako!

"Kasi---" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi biglang dumating si Lola Emily "Oh Juanito! Nandito ka pala at kasama mo si.. Carmela? Bat ang aga mo ata magising ngayon? Tulog mantika ka pa naman haha" Sabi ni Lola na naging dahilan para pag tawanan nila ko dalawa

My gosh Lola nagawa niya ko ilaglag ng harap harapan kay Juanito?! Another kahihiyan na naman this! I feel #SuperDuperBetrayed huhu

"At ikaw naman Juanito, sineryoso mo talaga ang sinabi ko kahapon na malaya ang mansion na'to para sa harutan niyo ng apo ko. Paalala lang hijo, marami ka pang susuyuin bago itong apo ko!" Natutuwang sabi ni Lola na kinapula naman ng pisngi ni Juanito. My goodness! Si Lola ata ang nagiging dahilan kung bakit sobrang nagkakailangan kami ni Juanito eh!

"Alam ko po iyon Lola Emily kung kaya handa po ako na suyuin kayong lahat" Seryosong sabi niya kay Lola sabay kindat sakin. OMG! Ano ba tong pinagsasabi ni Juanito kay Lola?! H'wag niya naman seryosohin mga pinagsasabi ni Lola sa amin dahil kung hindi seseryosohin ko na din siya!-- WAIT?! WHAT?!My gosh Carmela! Ano ba tong pinagsasabi mo?! Ang landi ko na huhu

"Oh siya sige pupunta na muna ako sa kusina at mag aayos na ko para sa umagahan at ikaw Juanito dito ka na mag umagahan ha at Carmela ikaw naman bahala sa manliligaw mo" Sabi ni Lola sabay kindat sa akin

"LOLAAAA!!" Sigaw ko sa kaniya sabay padyak. Grabehan na kahihiyan to ah!

"Umayos ka diyan Carmela at baka ma turn off si Juanito sayo. Mahiya ka naman" Nakangiting sabi niya sabay punta sa may kusina. Jusko! Ako mahihiya?! Kay Juanito?! Ang masasabi ko lang naman ay hiyang-hiya na talaga ako! Huhu

Pag tingin ko kay Juanito ay tawa parin siya ng tawa kaya bigla ko na lang siya binatukan "Aray naman Carmela! Sige ka baka maturn-off ako sayo Haha!" Natatawa niyang sabi habang hawak niya ang batok niya

Bigla naman na uminit ang pisngi ko. So sineseryoso nga niya mga sinasabi ni Lola?! Waaaaah!

"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko sa kaniya at iniwan ko siya sa may museo

Dumeretyo na din ako sa kusina at tinulungan si Lola Emily sa paghahanda and syempre ang meaning ng 'tinulungan' ay tumikhim sa mga pagkain na hinanda ni Lola kung tunay bang masarap yon hehe

"Carmela!" Tawag sa akin ni Lola kung kaya pumunta ako sa dirty kitchen namin kung saan nagluluto si Lola ng adobo. Hmmm ang bango ng amoy hihi

"Lola! May kailangan po ba kayo? Ipapatikim niyo po ba sakin yang adobo niyo? Hehe" Sabi ko habang nag papuppy eyes kay Lola hehe

"Hay nako apo tigilan mo nga ko diyan. Halika at tulungan mo ko sa pagluluto" Sabi ni Lola habang inaayos ata yung mga ingredients na kakailanganin ko sa pagluluto. "Lutuin mo yung Kaldereta Ala Montecarlos, alam ko naman na naturo ko na yan sayo. Sige aayusin ko lang muna ang lamesa" Sabi ni Lola habang nagmamadali

"Pero Lola--" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi nakaalis na siya. Ohmay! Paano ako magluluto eh never pa naman ako nagluto in my entire life huhu nakalimutan ata ni Lola na taga tikim lang ako sa mga pagkain niya

Ilang minuto na ata ako dito sa kusina at tinitigan yung mga palayok. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula Waaaah! Daddy help me!

"Oh hi lil sis! Bat nandito ka sa kusina? For sure, hindi ka nandito para magluto haha" Natatawang sabi ni Ate Faith sa akin. Bigla naman ako napasimangot. Oh diba pati si Ate alam na hindi ako marunong! Baka nagka temporary Alzheimer's disease si Lola huhu

"Sa kasamaang palad nandito nga talaga ako para gawin yon sabi kasi ni Lola magluto ako ng Kaldereta ng ninuno natin huhu" Bigla naman natawa si Ate " Anong naisip ni Lola at pinagluto ka niya? Gusto niya ata masunog tong mansion eh!" Inirapan ko na lang si Ate. Ang bad niya sakin!

"Oh well, tutulungan na lang kita magluto pero sasamahan mo ko mamaya sa plaza ha! May parade daw mamaya eh!" Bigla naman nagningning yung mga mata ko "Oh sige ba! Tara simulan na natin"

Mabilis naman kami natapos ni Ate dahil sanay na sanay naman si Ate sa pagluluto. Nung natapos na kami, syempre ako yung tumikim at sobrang sarap talaga ng Kaldereta! Mukhang mapapasabak na naman ako mamaya sa pagkain ah hihi

Nung naka handa na ang lahat sa kusina, laking gulat ko na makita ang buong Pamilya na naman ng Alfonso. Kaya pala ang dami niluto ni Lola eh! My gosh! Sila lang naman ulit bisita namin letchugas! At kahit sa malayo kitang-kita na ng dalawa kong mata ang pagmumukha ni Juanito! Ngayon lang ako naaasar sa mga ngiti niya ah!

Eh kasi ba naman Carmela yung ngiti na yan ang-- Wait! Ano ba tong pinag iisip ko?! My goodness!

"Magandang umaga Lola Emily, Pareng David at sa mga anak mo lalong lalo ka na.... Carmela" Bati sa akin nung tatay ni Juanito. Medyo nacreepyhan ako sa pagtawag niya sakin ha o nagfifeeling ka lang Carmela?

Sabay sabay na kaming umupo sa hapag kainan at nagkaniya-kaniyang sandok sa pagkain. Habang nakain ay biglang nagsalita yung tatay ni Juanito

"Kumpare siguro ay pwede na natin pag usapan tungkol sa dalawa nating anak. May plano ata ang anak ko na si Juanito na ligawan ang isang anak mo" Natatawang sabi ng tatay niya na nagpalaki naman ng mata ko. My gosh! May liligawan si Juanito sa aming tatlong magkakapatid? Aba! Sino kaya yung malas na babae na yon? Good luck na lang sa kaniya!

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Daddy. Wait! Don't tell me-- "Alam mo naman pareng Jun na kay Carmela pa din ang desisyon kung magpapaligaw ba siya o hindi pero kung para sakin ay gustong-gusto ko si Juanito na maging asawa ng anak ko na ito" Natatawang sabi ni Daddy na ikinatawa ng iba. Letchugas! Tama ba lahat ng naririnig ko?! Medyo di ko maabsorb ang lahat ng nangyayare pakiramdam ko na vacuum ko na lahat ng alikabok dito sa mansion ni Lola Emily!

Dear Diary,

HANUDAAAAAW?! PLS PAKI EXPLAIN SAKIN ANG NANGYAYARE?!

PINAPAUBAYA NA BA AKO NI DAD SA JUANITO NA YON?!

BAKIT DI AKO NA INFORM?! #FEELINGSUPERDUPERBETRAYED

Nawiwindang, Carmela

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories