Fanfics

Kabanata 3

18:05, 18 July 2022

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni Juanito habang kinukusot ang mata niya

Muli ako napatingin doon sa dalawang puntod na nasa harapan ko. Yung isa ay kay Lola Carmela at ang isa ay kay Juanito Alfonso. Ang taong gumuhit nung mahiwagang painting ni Lola Carmela na nakapaskil sa museo

Pag tingin ko kay Juanito VII, mukhang naghihintay siya sa akin ng sagot pero ngayon ko lang napagtanto na hawig na hawig niya yung kaninuno niya. May painting din kasi si Juanito Alfonso na the first sa museo ni Lola Emily

"Wala, napadaan lang ako dito sorry naabala pa ata kita sa pagtulog mo sige mauuna--" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng bigla niya ko pigilan sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay ko

Bigla naman ako natigilan dahil nakaramdam na naman ako ng kung anong boltahe na mas lalo pa nagpadagdag dahil nagkatitigan kami kung kaya agad ko binitawan yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko

Oh noes Carmela! Bakit ka biglang nailang?! 

"Dito ka na muna mag isa lang naman ako dito" Sabi niya sabay tingin sa mga burol na nasa harap namin

OMG! Feeling ko wala lang sa kaniya yung pag hawak sakin? Ako lang ata nagbibigay malisya eh huhu

Umupo na lang din ako dito sa ilalim ng puno pero medyo magkalayo kami

Alangan naman na tumabi ako sa kaniya baka kung ano pa isipin niya no! Distansiya lang naman

"Ano pala ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya

Medyo tago din kasi itong puno na'to at hindi ko nga din alam kung paano ako nakapunta dito eh. May sarili atang buhay yung mga paa ko at dinala ako dito eh

"Nagpapahangin lang. Ikaw? Bakit napadaan ka dito?" Sabi niya sabay tingin sakin na nagpataranta sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin

"Huh? A-Ako? Uh kase naghahanap ako ng ano ng--- mangga!" Sabi ko sabay lingon doon sa mga mangga na nasa puno. Mukhang pwede nang pitasin mga prutas dito ah haha! Papakuha nga ko mamaya sa mga tauhan ni Lola hihi

Pagkatingin ko kay Juanito parang nakulangan na siya ng dugo. Nanenerbyos ba siya?

"Don't tell me-- Alam ba ni Tito yan ha?!" Sigaw niya sakin na nagpagulo sakin. Ano bang pinagsasabi nitong lalaki na'to?

"Huh? Anong alam ni Tito? May dapat ba siyang malaman?" Nagtatakang tanong ko "Sino ba yang lalaki na yan? Matagal mo na ba siyang ka kilala? Aakuin ba niya ang responsibilidad bilang batang ama?!" Sabi niya. WHAAAAAT?! BATANG AMA?! Inaakala ba niya na buntis ako?!

"Hoy anong pinagsasabi mo jan?! Batang ama?! FYI, HINDI AKO BUNTIS!" Sigaw ko sa kaniya kahit naman malapit kami sa isa't isa "Saan mo ba nakuha yang mga pinagsasabi mo? Ha!" Bigla naman siya napakamot sa batok niya

"Ehh kase naghahanap ka ng mangga tsaka yung pag tingin mo kase sa mga bunga ng puno akala mo nilalantakan mo na. Ehh diba laging hinahanap ng buntis ang prutas na mangga?" Bigla naman ako napairap ng wala sa oras. Ng dahil lang sa lintek na mangga inaakala niya na buntis ako! My gosh!

"Hindi ako buntis tsaka paano naman ako mabubuntis kung wala naman akong boyfriend?!" Angal ko pa sa kaniya. Mukha na ba ko losyang para masabihan niya na buntis huhu

"Wala ka pang boyfriend?" Tanong niya sabay ngisi sa akin at saka tumawa. Bigla naman ako napakunot sa reaksyon niya. May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Eh sa wala ko boyfriend eh! Napairap na naman ako ng wala sa oras

"Kaya pala ganiyan ka kasungit haha hindi mo pa pala naranasan ma inlove. Kulung na lang ata mamenopause ka eh sa sobrang kasungitan mo!" Asar pa niya sakin na mas lalo lang nagpakunot sakin. So kapag masungit hindi pa nararanasan ma inlove?! Hindi ba pwedeng hindi lang kami nagkatuluyan?

Bigla ko na naman naalala si Lander. Haaaaay namimiss ko na siya sana maka balik na siya huhu

"Carmela" Tawag naman sakin netong katabi ko. "Alam mo bang bilib na bilib ako sayo kase nagagawa mo parin ako na kausapin kahit sobrang nakakahiya yung mga pinaggagawa mo nung unang pagkikita natin sa museo" Sabi niya sabay tawa. OMG! Naalala niya pa din yung mga kalokohan na pinaggagawa ko non. Ang naalala ko lang kasi non ay yung mga ngiti niya-- ay este wala pala ako naalala!

"Alam mo ba Juanito na may kasabihan na kapag may nangyare na sobrang nakakahiya mas okay na isipin na walang nangyare" Ngiting-ngiti na sabi ko sa kaniya. Alam ko na hindi niya ko paniniwalaan dahil imbento ko lang naman yon kaya I need to act normal huhu

"Wala naman akong alam na may ganiyang kasabihan eh haha kanino mo ba nalaman yan ha?" Tanong niya sakin sabay lingon na naging dahilan para iwasan ko ang tingin niya "Kay ano kay-- Lola Emily! Uhm sinabi niya yon nung bata pa ko hehe"

"Ganon ba? Siguro naman tinuruan ka din ng Lola mo na magpasalamat noh? Nagtataka kasi ako dahil hindi ka pa sakin nagtethank you sakin hangang ngayon" Sabi niya sabay ngisi. My gosh! Ang talas naman ng alaala ng lalaki na'to! Hindi agad nakakalimot ah!

"At bakit naman ako magtethank you sayo ha?!" Kunot na tanong ko sabay crossed arms. Ngumiti naman siya "Una, tinulungan kita magtago kahapon sa museo sa Lola mo. Pangalawa, pinalabas ko din yung aso ko na si Sampaguita kanina sa hapag kainan ng makakain ka ng maayos at Pangatlo, nandito ako sa tabi mo para samahan ka" Sabi niya sabay ngiti. Aba magaling din ah!

Ang totoo kase niyan, wala talaga sa ugali ako magpasalamat. Hindi talaga ako sanay magsabi sa ibang tao ng ganon pero dahil sa may lalaking makulit ang lahi at kanina pa na ngiti sakin.... hindi parin ako magpapasalamat. Asa naman siya no! Ano siya special?

Tumayo na ko sa kinauupuan at magtatangka na sanang umalis nang bigla siyang nagsalita "Alam mo ba wala pa kong nasasabihan ne'to para kasi ang weird isipin pero ang lakas ng pakiramdam ko na... nangyare na'to"

Bigla naman ako natigilan at tiningnan siya

"Simula nung maka balik ako dito sa San Alfonso parang lagi ako hinahatak papunta dito sa lugar na'to haha parang naging safe haven ko na nga din to eh pero hindi ko alam kung bakit" Ngiti pa niyang sabi "Nung unang punta ko nga dito sobrang nagulat ako kasi dito pala nakalibing yung ninuno ko tsaka yung Lola mo. Dati palaisipan sa akin kung bakit magkatabi yung puntod nila eh ang layo naman ng agwat ng panahon nilang dalawa pero sabi sa akin ni papa may kuwento na bumabalot sa dalawang tao na'to at walang nakakaalam kung sino man kahit ang Lola Emily mo" Mahabang sabi niya

Hmmm bigla din ako napaisip don ah! Baka naman nag oover think lang si Juanito at kaya pati ako nadadamay! My gosh!

"Alam mo Juanito masyado ka lang nagiisip ng malalim. Malay mo idol lang talaga ng Lola Carmela ko ang kaninuno mo kaya ganon diba?" Hilaw na tawa ko sa kaniya

"Siguro nga Carmella.. Siguro nga" Ngiting sabi niya sa akin kaya ngumiti na lang din ako "Alam mo tara na baka hinahanap na tayo nila--- WAAAAAAH!" Bigla ako napakapit sa kaniya nang may makita akong nakagat sa paa ko

Hinawakan niya naman ako sa bewang at kinarga na parang kasal habang ang mga kamay ko ay nasa leeg niya. Bigla ako kinabahan sa nakikita ko waaaaah!

Ang totoo kasi niyan ang pinaka ayoko sa lahat ay

1.) Aso

2.) DAGAA!!!

"Akala ko pa naman ikaw yung tipo ng babae na barako pero aso at daga lang ata ang magiging katapat mo" Natatawang sabi niya sabay halakhak. My gosh! Parang nararamdaman ko na naman yung kagat nung daga sa paa ko. Waaaah! Nakakakilabot! Kaderder yuck!

"Mukhang natinisan ata yung daga sa boses mo Carmela" Sabi niya sabay tawa. Aba! Nagawa pang mang asar netong lalaki na'to ah kaya pinaghahampas-hampas ko siya "Huy tama na! Hahaha-- Sige ka mahuhulog tayo! Hahaha- Carmela!"

Hindi na niya ko mahawakan ng maayos kaya bigla na lang kami nahulog at naunang bumagsak si Juanito at nahulog na lang ako sa bisig niya. Shocks! Ang bango niya ah! Bigla naman kami nagkatinginan at nakaramdam na lang ako ng ihip ng hangin

"CARMELA AT JUANITO! ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN?" Sigaw ni Lola Emily na nakapagpabalik sa katinuan ko. Napatingin ako sa kanila at kasama niya sila Dad at ang mga Ate ko pati narin ang Pamilya Alfonso.

Gosh! Bat ganiyan sila makatingin-- OMG!

Naalala ko pala na ang pangit ng posisyon namin ni Juanito huhu nakapaibabaw kasi ako sa kaniya ngayon My Goodness!

Waaaah! Let me explain!

Dear Diary,

My goodness Diary bat naman kami naabutan ng ganitong posisyon? Waaah!

Paano na'to?

We're doomed huhu

Nanganganib, Carmela

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories