Fanfics

Kabanata 2

18:00, 18 July 2022

Kinabukasan, medyo tinanghali na ko ng gising dahil hindi din ako nakatulog agad dahil sa letseng ngiti nung lalaki kagabi kung kaya hangang ngayon hindi parin ako nabangon

Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako namamahay sa mansion ni Lola eh kapag nasa ibang bahay kase ako kadalasan hindi ako tulog mantika eh

Bigla ako nakarinig ng pag bukas ng pinto pero hindi ko na lang pinansin dahil for sure si Daddy lang naman yon at nandito na siya para gisingin ako!

Haaaay! Gusto ko pa naman matulog pa dahil sobrang babad na babad ako sa school last week. Gagraduate na kasi ako kaya sunogan ng kilay ngayon kaya gusto ko makahabol ng tulog dahil sigurado babahain na naman kami ng mga gawain ng mga prof namin next semester

"Miss Carmela, gising na po kayo" sabi ng isang babae habang hinihila yung kumot ko

Gosh! Paano naging boses babae si Daddy?!

Bigla ako napamulat at may nakita ako isang batang babae na nakapang kasambahay na uniporme ni Lola Emily. Hinahawi niya na ngayon ang kurtina na naging dahilan upang masinagan ako ng araw

"Hi Miss Carmela! Sorry po dahil ginising ko po kayo kanina pa po kase kayo pinapagising ni Lola Emily eh dahil magsisimba daw po kayo ngayon" Sabi niya habang inaayos na yung pinag higaan ko kahit hindi pa naman ako nakatayo

"Sige pero ilang taon ka na ba at anong pangalan mo?" Nagtatakang tanong ko. Ang bata pa niya kase masyado tingnan para magtrabaho parang nung nasa edad niya ko puro cellphone lang ata at higaan ang laging kinakahantungan ko.

"Therese po ang pangalan ko Miss Carmela at labing tatlong taon na po ko" Sabi niya sabay abot sa akin ng tuwalya na pang ligo ko ata? "Sige na Miss Carmela dumeretyo na po kayo sa banyo. Masama po na paghintayin si Lola Emily Hahaha!"

Bigla naman ako natauhan at dumeretyo sa banyo. Naalala ko na ayaw na ayaw pala ni Lola Emily na pinaghihintay siya. Mas ayos pa ata na ako ang maghintay kaysa siya.

Pagpasok ko sa banyo laking gulat ko na hinanda niya pala yung bath tub puro kasi rosas ito at sobrang sarap magbabad. Hmmm hindi naman siguro ako papagalitan ni Lola kapag nagtagal ako ng ilang minuto noh?

Tumalon na ko at nagtampisaw sa tubig! Woooh! Ang sarap maligo!

Pagkatapos ko maligo, hindi ko na naabutan si Therese sa kwarto ko pero may damit na nakalagay doon. Isang off shoulder at mahabang palda ang nakalagay sa higaan ko.

Hmmm ayos lang sana ito na susuotin ko pero ang haba naman masyado ng palda kala mo nasa sinaunang panahon ako na bawal makitaan ang mga kababaihan

Oh well, baka si Lola Emily din ang nag utos na suotin to hmmm masuot na nga lang! Pagkatapos suotin ay pumasok na din sa kwarto si Therese at tinulungan ako mag ayos.

"Oh Carmela? Bakit ang tagal mo naman bumaba?" Bungad sakin ni Lola ng nakababa na ko sa kwarto. Medyo nahihirapan ako sa palda ko pero keri na din "Kanina pa naghihintay si Mang Kanor sa labas, halika na!"

Sumunod na din ako kay Lola at dahil nga nasa kasalukuyang panahon tayo medyo nahuli kami sa misa pero hindi pa naman nangangalahati kaya ayos lang

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng simbahan na ito. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nakapunta na ko dati dahil parang pamilyar sakin ang mga itsura at disenyo ne'to. Ang saya lang isipin na nagawa nilang ma preserve ang simabahan na ito

Sabi kasi ni Lola mag dadalawang daan taon na din ang simbahan na ito at hangang ngayon maayos at matibay parin ito.

Pag tingin ko sa likod may nakita ako na isang lalaki na parang pamilyar din sa akin. Aha! Siya yung lalaki na nakita ko sa mansion kagabi!

In fairness, mas gwapo siya kapag may ilaw. Kagabi kasi hindi ko masyado makita yung mukha niya dahil madilim at wala akong dalang flashlight non

Naalala ko na naman yung ngiti niya na-- Gosh! Yung ngiti na hindi nagpatulog sakin kagabi! Bakit ba kase ako naaapektuhan sa ngiti ng lalaki na yon?

Tiningnan ko siya ulit at laking gulat ko ng makita siyang nakatingin din sa akin. Bigla naman niya ko kinindatan na naging dahilan para irapan ko siya

Feeling close lang kuya?! Sundutin ko yung mata non eh!

Pagkatapos ng misa, lumabas na kami ng simbahan at agad ko hinanap sila Papa. Si Lola Emily kasi agad nakita ko ngayong umaga at nawawala ang mga magagaling na ate ko

"La, nasaan po ba sila Daddy? Pati sila Ate Marie at Ate Faith?" Nagtatakang tanong ko kay Lola

"Ay apo, nagliwaliw kase ang mga kapatid mo dito sa San Alfonso habang ang iyong ama naman ay may pinuntahan na importante at maaga sila nagsialis"

So kaya pala ako lang naiwan kay Lola? Hmp! For sure kaya lang naman sila nagsigala dahil gusto nila makatakas sa mga pagagawin ni Lola!

Anyway, tatlo kaming magkakapatid at ako yung bunso. Si Daddy na lang ang nag aalaga samin dahil namatay si Mommy noong bata pa kami. Sa ibang bansa kami nanuluyan para magbagong buhay.

Ngayon na nga lang ata kami nakauwi sa Pilipinas dahil na rin sa pagpilit ni Lola sa kaniya. Well, bunsong anak din kasi ni Lola si Mom

"Oh nandiyan na pala ang mga kapatid mo" Bigla naman ako napalingon sa kaliwa at nakita ko ang mga loka-loka kong ate na iniwan iwan ako!

"Hi Lolaaa!" Sigaw nila na akala mo wala sa simbahan gosh

"Oh mga apo, bakit ngayon lang kayo? Hindi niyo tuloy naabutan yung misa" Sabi ni Lola habang pinapaypayan ang sarili "Eh kasi Lola medyo natuwa kami sa mga lugar dito! Tingnan niyo nga La oh! Basang-basa kami dahil naligo kami doon sa ilog malapit sa atin"

"O siya sige magsi uwi na kayo sa bahay ng makapag ayos kayo" Sasama na sana ako kila ate ng bigla naman ako hinila ni Lola. Gosh! Don't tell me--

"At ikaw Carmela, samahan mo ko at batiin natin ang mga Alfonso"

Wala naman ako nagawa kaya nagpatianod na lang ako kay Lola and anong sabi niya? Sino babatiin namin? Alfonso? I want to go home na! Naiinitan na ko sa palda na'to

"Magandang umaga po Lola Emily at Carmela" Bigla naman ako napatingin kung kanino nanggaling yung boses at nagulat ako na galing pala yon doon sa lalaking nag mamay ari ng ngiti na hindi nagpatulog sakin kagabi

At hindi lang siya ang nandito ah! Kasama niya ata ang buong pamilya niya

"Magandang umaga din sa iyo Hijo at sa iyo rin Juanito at Kristina" Bati ni Lola sa kaniya pati ata doon sa tatay at nanay niya. Pffft-- Juanito? Ang korni ng pangalan ng daddy niya ha! Pero parang narinig ko na yung ganoong pangalan

"La, Jun na lang po at h'wag na Juanito. Alam niyo naman po na dalawa kaming Juanito rito" natatawang sabi nung tatay niya na nagpakunot naman sa kaniya

"Pa!!" Angal pa niya sa tatay niya na nagpatawa naman sa lahat. Well, ako lang ata hindi natawa since hindi ko naman gets pinagsasabi nila

"Bakit naman kuya? Hindi ka ba proud na ikaw si Juanito Alfonso VII?" Sabi nung nakakabata niyang kapatid

"Shut up Angelo" Masungit na saway niya sa kapatid niya

Juanito Alfonso..

Saan ko ba narinig yon? Hmmm

Aha! Yun ba yung nasa museo ni Lola Emily na kung saan nandoon yung mahiwagang painting ni Lola Carmela na sinasabi nilang kamukha ko at yung lalaking nagngangalang Juanito Alfonso

Pero ang sabi nung kapatid niya ay siya si Juanito Alfonso VII

Ibig sabihin nag pasalin-salin yung pangalan nung lalaki hangang sa kaniya? Wow ah!

"Ito na ba ang bunsong anak ni Paula, Lola Emily?" Turo sa akin nung Daddy niya kaya bigla na lang ako napangiti. Dapat good impression lang lagi Carmela!

"Oo Jun siya na nga haha! Naalala ko pa noon nung huling nagkita tayo sa museo ay ang babata pa ng dalawang ito" Natutuwang sabi ni Lola habang tinitingnan kami nung Juanito

Wait-- Siya ba yung batang lalaki na nakilala ko sa museo nung 5 years old pa lang ako? Yung may third eye din?!

"Alam niyo bakit hindi na kayo mananghalian sa mansion? Sobrang init narin ngayon at panigurado na nakulo na ang tiyan niyo. Tamang-tama pa naman dahil nakapag luto ako ngayon ng Kaldereta Ala Montecarlos! Halika na!" Yaya ni Lola kaya wala rin nagawa ang Alfonso Family kung hindi sumama sa amin pauwi ng mansion

Habang nabiyahe, hindi pa din ako makapaniwala na yung lalaki na yon ay yung batang nakilala ko dati! Gosh! Pumogi ata siya la-- Ayy Carmela! Ano bang pinag iisip mo? Ineechoes na naman ako ng kalandian ko

Gusto ko sana magtanong kay Lola tungkol dati pero nakarating na kami sa mansion kung kaya dumeretyo na siya agad sa kusina para makapag handa

Pagkatapos mag ayos ng mga kailangan ihanda , umupo na rin kami sa mahabang lamesa at ang kaharap ko ngayon ay si Juanito na kanina pa natingin sakin

Bakit ba kase siya yung nasa harap ko? Bigla tuloy ako nakaramdam ng ilang kase kanina pa nagfaflashback nangyare kagabi!

Bigla tuloy ako napahawak sa pagmumukha ko potek nakakaconscious naman kasi yung mga tingin eh! Feeling ko may dumi ako sa mukha kaya hinawakan yung nakinang-kinang na kutsara ni Lola at sinubukan tingnan ang sarili

Pero patingin pa lang ako ay nakarinig na ko ng mahinang pag tawa na nanggaling sa harap ko

Ay letse! Ineechoes lang ata ako ne'to eh! Ibabato ko na sana sa kaniya yung kutsarang hawak ko ng bigla ko tinawag ni Lola

"Carmela, anong gagawin mo sa kutsara?" Bigla naman ako pinagtinginan ng lahat. Gosh! Sanay naman ako sa spotlight pero ayoko naman na maging center of attraction dito!

"Wala po Lola hehe" Sabi ko sabay hilaw na ngiti habang binababa ang kutsara  at sinamaan ng tingin ang nasa harap ko na mas lalo lang nagpatawa sa kaniya

May oras ka din sakin! Hmp!

Nagsimula nang maghanda ng mga ulam sa lamesa at kasama narin syempre doon yung Kaldereta ng mga ninuno namin. Naalala ko noong bumisita sa amin si Lola Emily sa ibang bansa, sinubukan niya na turuan kami pang magkakapatid gumawa niyan pero unluckily ako lang ata ang hindi natuto

Wala naman kasi akong talent sa pagluluto! Taga tikim at kain lang naman ako pero kahit ganon masasabi ko na masarap talaga ang timpla ng Kaldereta Ala Montecarlos style namin hihi

Sarap na sarap na sana ako kumain ng bigla ako nakahulog ng karne sa baba pero hindi ko na lang pinansin. Maya maya nakaramdam ako nang parang may dumila sa paa ko

Bigla ako napatayo at nakakita ako ng buntot ng aso! Ito yung aso na nakita ko kagabi eh!

Waaaaah!! Daddy!!! Help me!!

Sa sobrang takot ko bigla ako napatayo na naging dahilan para lumindol sa lamesa at dahil doon nagulat yung pamilya ng Alfonso pati na din si Lola Emily Waaaaah!

Sesermonan na naman siguro ako ni Lola neto tungkol sa table manners ko gosh!

"Carmela apo, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Lola at halos lahat nakatingin parin sa akin "Uhm Hija, anong nangyare sayo?" Tanong naman nung tatay ni Juanito na ang pangalan din ay Juanito

Shocks! Medyo nakakagulo mga pangalan nila ha!

Ituturo ko sana yung aso na dumila sakin pero paglingon ko sa baba ay wala na yung aso at nakita ko na karga karga na ni Juanito yung bwiset na aso niya at palihim na nalabas sa mansion

"Nasaktan ka ba apo? Ano bang nangyare sayo?" Pagtatanong sakin ni Lola na hindi ko na nasagot dahil biglang may nagsalita na katulong na mukhang kanina pa natakbo "Miss Emily, sorry po pero may nakita po ba kayong aso rito? Yung aso po ni Sir Juanito?"

Bigla naman kami nagkatinginan at parang alam na ni Lola ang dahilan. Alam naman kasi ni Lola na may phobia ako sa aso

"Uhm lola sorry po sa ginawa ko ahhh ehh kase kinagat po kase ako ng langgam sa baba kaya napatayo ako hehe" Hilaw na tawa ko sa kanila at hinayaan nang makalayas yung bwiset na Juanito na yon kasama yung aso niya sa mansion!

"Ganon ba apo? Akala ko naman kung ano nangyare sayo haha! Di bale baka pers taym mo lang ata makagat ng langgam base sa reaksyon mo" natatawang sabi ni Lola na nagpagaan naman ng atmosphere sa lahat. Whew! "Ay Kris, wala pa ko nakikitang aso dito sa mansion marahil ay tinataguan ka nung aso ni Juani-- Oh nasaan na si Juanito?" Nagtatakang tanong ni Lola

"Lola Emily, lumabas muna po sandali si Kuya Juanito. Magpapahangin muna daw po siya" sagot naman nung nakakabatang kapatid niya na Angelo ata ang pangalan

"Ganoon ba? Oh siya, ipagpatuloy na natin ang pagkain!"

Nagpatuloy kami sa pagkain at ang maririnig mo lang dito sa lamesa ay ang mga halakhak nila Lola Emily isabay mo pa si Daddy kase kararating niya lang din sa mansion at high school friends pala sila ng tatay ni Juanito kaya puro kwentuhan ang bumalot sa lamesa

Speaking of Juanito, nasaan na kaya yon?

Gosh! Maka Juanito ako akala mo naman close kami! At bakit ko ba hinahanap yung lalaki na yon! Ineechoes lang naman ako non!

Nagpaalam ako kila Daddy at Lola na maggagala gala muna ako sa mansion. Hindi ko kase makita sila Ate dahil siguro gumala na naman yon.

Lakad lang ako ng lakad dito sa likod ng mansion at hindi ko rin alam kung bakit napunta ako dito sa puno ng..

Mangga?

Ang daming pwedeng puntahan dito bakit dito pa ko napadpad?

Oh well, nandito naman ako dito at malakas ang hangin dito kaya siguro dito ako hinila ng mga paa ko

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng lungkot

Pakiramdam ko ngayon na lang ulit ako nakapunta sa lugar na sobrang malapit sa akin

Haaay Carmela! Baka nadadala ka lang ng emosyon mo! Oo tama! Nadadala nga lang ako kung kaya tiningnan ko na lang ang nasa paligid ko

In fairness, ang ganda ng view dito kitang-kita ang kabuuan ng San Alfonso. Pang IG na din to!

Kukuha na sana ako ng litrato ng may mapansin ako sa gilid ng puno

May lalaking naka sandal at ang himbing ng pag tulog. Hindi ko alam pero mas hinayaan ko yung sarili ko na titigan itong lalaki

Yung mga mata niya, ilong at labi.. Bakit mukhang pamilyar sa akin?

Nagulat ako ng may natamaan ako na dalawang puntod malapit sa puno na'to

Gosh! Dito pala nilibing si Lola Carmela na kapatid ni Lola Emily dati! Kaya pala parang pamilyar sakin ang lugar na'to. Naikwento kasi sakin ni Lola na dito nilibing si Lola Carmela na sinasabing kamukhang-kamukha ko daw

Kaya nga Carmela Isabella ang pangalan ko eh!

Hindi kasi kinasal si Lola Emily doon kay Lolo at nung namatay si Mommy hindi din nagawang pakasalan ni Daddy kung kaya Isabella pa din ang surname na gamit koPero nabaling ulit ang atensyon ko sa isang puntod. Hindi naman dito nilibing si Lola Jenny at si Mommy

Kaninong puntod kaya to?

Hinawi ng mga kamay ko ang mga dahon na naka takip sa pangalan ng lapida at laking gulat ko ng malaman kung kanino yon

Itong puntod na'to ay kay---

"Anong ginagawa mo dito?"

Dear Diary,

Ano bang meron sa lalaki na'to?

Bakit parang nangyare na ang lahat ng nangyayare sakin ngayon?

Pinaglalaruan ba ko ng tadhana?

Naguguluhan, Carmela

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories