Kabanata 1
17:52, 18 July 2022Pilipinas 2082
Nandito ako ngayon umiikot ikot sa museo ng Montecarlos ng Lola Emily ko. Sobrang tagal na ng pumunta ako dito ang bata ko pa nga non sadyang pumunta lang kami ni Daddy dito para mabisita si Lola at dito ko macelebrate ang nalalapit na kaarawan ko.
Parang mahigit labing limang taon na din nung nakapunta ako dito at hangang ngayon parang wala pa din pinagbago. Halatang inaalagaan talaga ng mabuti ni Lola Emily tong matandang mansion na to ha!
Naalala ko pa non dito ko nalaman na may third eye ako pero wala sakin naniniwala kahit si Daddy kaya nandito ako para mapatunayan na may third eye talaga ako! Ang naalala ko lang may nakilala din ako na lalaki na may third eye din pero hindi ko na maalala ang pangalan niya
Magaalas otso na din ngayon at tanging flashlight lang yung hawak ko. Sila daddy? Ayon tulog na sadyang tumakas lang ako para maghanap ng multo hihi
Habang naglalakad, hindi ko alam kung bakit parang gamay na gamay ko tong bahay na'to parang pakiramdam ko dito ako tumira simula pagkabata kahit isang araw lang naman ako dati nakapunta dito at ngayon lang ako nakabalik. Aish! Baka nag fefeeling ka lang Carmela! Ang imposible naman ng naiisip ko!
Parang ilang beses ako nagpaikot-ikot dito sa mansyon pero wala man lang ako nararamdaman na nakakaiba.
Hay baka naman nawala na yung third eye ko kaya hindi na ko nakakakita ngayon! Kala ko pa naman makakakita ako ng mga multo ngayon #Betrayed
Sa sobrang pagkadismaya dumeretyo na lang ako sa kwarto na ibinigay sakin ni Lola Emily
Ilang beses ata ako nagpagulong gulong dito sa higaan ko pero parang hindi parin ako nasasaniban ng antok. Jusko naman Carmela! Magpatulog ka naman! Oh baka ayaw ako patulugin ng mga kaluluwa na nandito sa kwarto kase hindi ko sila nakikita?? Huwaaaah
Bigla ako napatingin doon sa bintana ng kwarto na'to
Hindi ko alam at parang may sariling buhay yung paa ako at umupo sa may bintana na iyon. Hindi naman ako natakot na mahulog doon dahil sanay na sanay ako mag akyat bahay kung saan saan
Napatingin na lamang ako sa mga bituin na nasa langit. Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng ginhawa pero bigla ako nakarinig ng kahol ng aso
May aso ba sila Lola Emily dito?! May trauma pa naman ako sa aso waaaah!
Bigla ako napatingin doon sa baba at nagulat ako na nakatingin yung aso sakin at patuloy na nakahol. OMG! Shoo doggie!! Shoo!! Help me!! Daaaadyyy!!
Aalis na sana ako sa bintana ng may bumuhat doon sa aso na kumakahol sakin. Hindi ko alam pero parang pamilyar tong nangyare sakin pero hindi ko alam kung saan nangyare to my gosh!
"Sampa! Be quiet shhh" Saway nung binata doon sa aso niya. Hindi ko naman alam na may caretaker dito sila Lola ha "Baka mahulog yung magnanakaw" Sabi niya habang kinakamot yung aso . Wait! Tama ba yung narinig ko?! Ako?! Magnanakaw?! Sisigawan ko na sana tong hinayupak na lalaki na'to ng biglang tumingin siya sa taas na naging dahilan para magtitigan kami
Bigla ako nakaramdam ng kung anong boltahe sa katawan ko. Yung tingin niya.. parang ang pamilyar sakin at parang ang tagal tagal ko ng hindi nakikita
Biglang umihip yung hangin na nagparamdam sakin ng lamig pero hindi ko napansin dahil mas binigyan ko ng pansin ang mukha niya.. Mukhang kailanman hindi ko na ata makakalimutan
Lumapit siya at tinaas ang kanang kamay niya na parang sasaluhin ako
"Miss, H'wag kang matakot dahil sasaluhin kita" sabi niya sabay ngiti sa akin na mas nagparanta sakin kaya biglang nadulas yung paa ko at nagkamali ako ng baba kaya bumagsak ako sa semento
Oo sa semento at hindi sa lalaking ito!
Ouch! Letsugas ang saket! Napatingin naman ako doon sa lalaki at biglang napa ismid. Akala ko pa naman sasaluhin ako neto! Umasa ako ah ka echoes!
Gwapo na sana eh, duling nga lang! Gosh! #Turnoff
"Miss, ayos ka lang ba?" Wow ah! Nagawa pang magtanong ng loko! Bigla ako napairap ng wala sa oras "Ano bang ginagawa mo sa taas?"
Hindi ko na lang pinansin yung tanong niya at sinubukang tumayo kahit sobrang sakit habang ang loko nakatayo lang at parang walang nakitang nahulog sa taas. Hello kyaaah?! May nahulog dito?!!
"Wala ka bang balak tulungan ako kuya?" Irap ko na tanong sa kaniya. Tutulungan na sana niya ko ng biglang nakarinig ako ng yapak papunta sa amin. Bigla ako kinabahan paksyet baka si Lola Emily yan!
"Hoy bilis buhatin mo ko!" pabulong na sigaw ko sa kaniya
"Ha? Pero--" angal pa niya
"Wala ng pero pero! Bilis baka maabutan tayo ni Lola!" Binuhat niya naman ako at dumeretyo doon sa malaking cabinet ni Lola. Gosh! Ang alikabok dito ah jusko
"Bakit ka ba nagtatago sa Lola mo?" Mahinang tanong niya sakin
"Shhh! Wag ka maingay hindi ako pwedeng makita ni Lola!" May golden rule kasi si Lola Emily na kapag oras ng tulog, tulog na dapat. Eto yung ayoko pag nandito sa mansion ni Lola eh! #SuperStrict
Nung nakaalis na si Lola doon lang ako nakahinga ng maayos
"Huwew! Buti nakaligtas tayo don" Sabi ko sabay subok tumayo kahit medyo masakit yung pwet ko at pinagpagan ang sarili ko. Ang dami kasi alikabok eh!
"Poor grandma. Mayroon siyang pasaway na apo" Natatawa niyang sabi habang nagpapagpag ako.
Wait! Anong sabi niya?! Ako?! Pasaway?! Arr-- Well, medyo sang ayon naman ako pero kahit na hindi ko naman siya close para sabihan ako ng ganon non! Feeling close lang?!
Sisigawan ko sana siya pero bigla ako nakagawa ng kaluskos kung kaya narinig ni Lola at bigla siya napatingin sa lugar namin.
"Sino nandiyan?" Tanong ni Lola habang tinututok yung flashlight sa cabinet na pinagtataguan namin netong lalaki na'to
Bigla ako nakaramdam na parang nangyare na din to. Hindi ko alam kung bakit lately nakakaramdam neto pero bigla ako kinabahan dahil kay Lola.
Naalala ko pa naman na dati hindi ako sumunod sa mga golden rule niya ang pinagawa niya sakin ay pinaluhod sa may mga munggo ng mahigit limang oras at ayoko na talaga mangyare sakin yon! Over my dead sexy body!
"Hindi ako pwedeng makita" bulong ko doon sa lalaki at bigla naman kami nagkatinginan sa mata na parang naging signal para lumabas siya sa cabinet na pinagtataguan namin.
"Uhm magandang gabi po" Maginoong bati niya kay Lola
"Oh hijo! Ikaw pala yan! Kailan ka pa nakauwi at bakit ka napunta dito? Sarado na ang museo ngayong oras" Woah! Magkakilala sila ni Lola? Paano?!
"Ngayon lang po kami naka dating sa San Alfonso Lola. Kaya lang po ako napapunta dito dahil hinahanap ko po yung aso ko bigla po kasi siyang tumakbo dito" Pagpapaliwanag niya kay Lola at masasabi ko ngang kilala niya talaga si Lola ha. Bigla naman dumating yung aso nung lalaki at nagpakarga naman ito sa kaniya
"Ganon ba? O siya mag ingat ka pauwi ha? Dumaan ka dito bukas at dito ka mag hapunan" Sabi ni Lola at hinatid na ni Lola yung lalaki na yon na naging dahilan para makatakas ako palabas doon sa cabinet at dumeretyo sa kwarto.
Nakahinga na ko ng maluwag dahil hindi ako nahuli ni Lola pero paulit-ulit napasok sa isipan ko yung ngiti nung lalaki nung bago ako bumagsak kanina
Naramdaman ko na lang na napapangiti na din ako pero teka bat ba ko nangiti?!
Gosh Carmela! Ano bang nangyayare sakin?! Nawawala na ata ako sa katinuan Waaaah
Dumeretyo na lang ako sa banyo at naghilamos dahil sa sobrang alikabok na kumapit sakin
Napahiga na lang ako sa higaan ko at unti-unti na namang napasok sa isipan ko yung ngiti nung lalaki kanina tsaka yung sabi niya na
"Miss, H'wag kang matakot dahil sasaluhin kita"
"Miss, H'wag kang matakot dahil sasaluhin kita"
"Miss, H'wag kang matakot dahil sasaluhin kita"
"Miss--- SHOCKS CARMELA!! Tigilan mo na nga kakaisip doon! Hindi naman ako sinalo non kanina eh! Argh!
Napabaling lang ako doon sa may study table ng kwarto na'to at laking gulat ko ng makita ko yung diary na nakalagay sa may harap ng museo ni Lola
Hala! Bakit to nandito?!
Naalala ko diyan ako napatunayan na may third eye ako kasi kaya kong basahin yung nasa front page ne'to. Sila Daddy at Lola kase hindi naniniwala sakin dahil blanko lang naman daw ang nakalagay pero kitang-kita ng dalawang mata ko na may nakasulat doon!
Bigla ako hinila ng paa ko doon sa may study table at tiningnan ang diary
Sabi ni Lola Emily, itong diary na daw ito ay galing pa sa ninuno namin na nagngangalang Carmelita Montecarlos pero masyado daw mahiwaga ang diary na ito dahil hindi naman Carmelita ang nakalagay sa diary na ito kundi Carmela
Baka naman na typo yung mga ka ninuno ko at Carmela ang nalalagay diba? Hmmm tama Carmela! Ang talino mo talaga hihi
Binuklat ko yung diary at binasa ang front page
"Ang pag-iibigan natin ay muling maisusulat sa huling pagkakataon"
Gosh! Sabi ko na nga ba eh! May third eye pa din ako Hahaha! Pero bigla ako nagulat dahil sa pagbuklat ko ng ibang pages puro blanko na yung papel
Nasaan na yung mga nakasulat dito?! Ineechoes ba ko ng diary na'to?
Dear Diary,
Bakit parang pamilyar ang nangyayare sakin?
At yung ngiti nung lalaki bakit parang nakita ko na dati?
Nasaan na din yung mga sulat sa diary na'to?
May third eye pa din ba ako?!
Naguguluhan, Carmela
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Perfect Storm [Dave East FanFic]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/4323/conversions/c04c927e58c4838e780c1c92087cda7f.jpg)



