Chapter 4: Old Wounds, New Chaos
12:04, 6 May 2026Jhoanna's POV
Habang abala akong nagta-type sa computer, biglang tumunog ang telepono namin. Agad akong sumagot.
"Yes, this is Ms. Robles speaking," sabi ko habang patuloy pa ring nagta-type.
"Hi, Good morning. This is Ms. Garcia secretary of Mr. Uyam I'd like to inform you that Mr. Uyam wants to have an appointment with Ms. Sevilleja today regarding about investing in the company, We are hopefully waiting for your response" sabi niya sa kabilang linya.
Bigla akong napahinto sa pagta-type nang marinig ko ang sinabi niya.
Kung hindi ako nagkakamali, sobrang importante ng investment na 'to kay Ms. Sevilleja Naalala ko nung unang araw ko sa trabaho, wala akong ibang narinig sa kanya kundi ang tungkol sa deal na 'to kay Mr. Uyam. Malamang, matagal niya na tong hinihintay.
"Thank you for calling us. Well, I'll inform Ms. Sevilleja when she arrives here afterward about her appointment with Mr. Uyam I'll call you later," sagot ko habang nakangiti
"Thank you for the quick response. I'll hang up now," sagot niya bago pinutol ang tawag.
Ibinaba ko ang telepono at sinimulang hanapin ang schedule ni Ms. Sevilleja para sa araw na toh.
Note: Appointment with Mr. Uyam.
Isinulat ko ito sa isang sticky note at idinikit sa kanyang schedule.
Pabalik na sana ako sa ginagawa ko nang biglang bumukas ang pinto, at isang napakagandang babae na nakasuot ng eleganteng suit ang lumitaw sa harapan ko.
Here comes the boss.
Mabilis akong yumuko. "G-Good morning, Ma'am," nauutal kong bati habang pilit na ngumingiti.
Pero bakit parang kinakabahan ako tuwing nandiyan siya?
Hindi niya man lang ako binati o tiningnan Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa akin.
Napairap ako sa isip ko. Ano ba kasi ang inaasahan ko sa kanya?
Tumingin siya sa akin nang walang emosyon. "What's good in morning Robles?" malamig niyang tanong.
Napalunok ako. Kailan kaya gaganda ang umaga neto? Palagi naman siyang ganyan, for Pete's sake.
Phew! Kung alam ko lang na may date siya kagabi kasama ng asawa niya, dapat nasa magandang mood siya ngayon. Alam mo na, quality time with hubby? kadiri.
Hindi ba niya nakikita 'yun bilang dahilan para maging masaya ngayong umaga?
Pero, waaait!!! Ang dami kong iniisip, guys! O baka naman kasi... hindi siya nabigyan ng gusto niya kagabi? Gets niyo? You know, sexual desires? Hindi na tayo kailangang magpaka-PG dito. Parte 'yan ng marriage. Alam nating lahat na kasal na siya, at siguradong nagawa na nila 'yun nang maraming beses.
Wait, bakit ko iniisip 'to?!
"Wait, ano 'tong appointment with Mr. Uyam?" tanong niya sabay taas ng kilay.
Oh wait, nakita na pala niya 'yung sticky note na pinaste ko sa schedule niya. Sobrang busy ko kakaisip ng mga kalokohan tungkol sa kanya kaya hindi ko namalayang tinatanong na pala niya ako. Haysst, nakakahiya ka Jho
"Tinawagan ako ng secretary ni Mr. Uyam tungkol sa investment sa L.S.A Corp. She said Mr. Uyam wants an appointment with you today. Are we agreeing on this?"tanong ko sa kanya.
Napansin kong medyo lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Kanina, parang ang grumpy niya.
"Anong sinasabi mo? Syempre, go na! Ano pang hinihintay mo? Sabihin mo sa kanila na libre ako anytime pagdating kay Mr. Uyam, Make a phone call now!" utos niya sa bossy niyang tono.
Langya! Kakadating pa lang niya, bossy na agad.
"For the second time, sinabi ko nang tawagan mo sila ngayon! Ano pang hinihintay mo?" may inis na naman sa boses niya.
"Ah, I-I'm sorry, Ma'am. Tatawagan ko na po sila ngayon," sagot ko sabay madaliang balik sa mesa ko para kunin ang telepono.
Matapos ang intense na usapan namin ng terror kong boss, agad akong tumawag kay Ms. Garcia para ayusin ang appointment. Pumayag naman sila agad sa oras na sinabi ko, at sinabing darating si Mr. Uyam sa loob ng ilang minuto.
"Ms. Sevilleja sabi po ng secretary niya na paparating na si Mr. Uyam anytime ," sabi ko sa kanya
Tumango lang siya.
Bumalik ako sa trabaho ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina, pero may isang bagay na gumugulo sa isip ko netong mga nakaraang araw.
Ayoko ng mag isip ng kung ano ano tungkol sa bagong investor ni Ms. Sevilleja pero hindi ko maiwasang ma-bother. Lalo na sa apelyidong Uyam.
Dahil ba si Taneo-ang ex ko-ay isang Uyam?
Baka siya 'yung investor?
Pinipilit kong tanggalin 'yung idea na 'yon kasi baka nagkataon lang. Kilala ko si Taneo tagapagmana man siya ng kumpanya nila, wala sa plano niyang pumasok sa business world. Sobrang ayaw niya niyan. Noong kami pa, lagi niyang sinasabi na gagawin niya lahat ng gusto ng parents niya except sa pag-takeover sa business nila. Kaya imposible. Siguro kuya niya ang mag-i-invest. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi pa rin maalis ang posibilidad na siya nga.
"Yeah, tama! Baka kuya niya 'yun," bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang utak ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko.
"Robles, pakibigay nga toh kay Mr. Santos. Sabihin mo sa kanya na kailangan ko ng marketing plan niya bukas, pero mas okay kung maipapasa niya ito ngayon. At ito naman, ibigay mo kay Mr. Domingo. Need ko kamo ng pirma nya," utos ni Stacey nang hindi man lang tumitingin sa akin. Sobrang busy niya sa laptop niya.
Kinuha ko ang mga papeles sa desk niya.
"Okay, Ma'am," sagot ko sabay yuko at umalis.
Matapos kong pumunta sa opisina ni Mr. Santos at Mr. Domingo agad akong bumalik sa elevator.Siguradong marami na namang naghihintay na trabaho sakin.
Nasa elevator na ako papunta sa fourth floor kung saan naroon ang opisina ni Ms. Sevilleja nang biglang bumukas ang pinto.
Napaatras ako.
Tangina.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Nakita ko sya uli after 1 year. Wala namang masyadong nagbago sa'yo. Sya pa rin 'yung Taneo na minahal ko nang apat na taon. Pero maliban sa isang katotohanan-he is already married.
Napalunok ako habang napatingin sa suit nya. Gwapo parin sya, can't deny it, Bagay sa kanya ang semi-formal na suot nya
So, nasa business world na pala sya ngayon?
Halatang nagulat sya ng makita nya ako-at ganun din ang naging reaksyon ko, Hindi ko alam kung paano sya haharapin ngayon pagkatapos ng lahat ng nangyari.
"Long time no see," sabi ni Taneo habang pumapasok sa elevator.
Silence.
Tumingin sya sakin. "Hey, are you fine Jho?"
Wala pa rin akong sagot.
"Hey?"
"Ah-yeah, I'm fine. Lo-long time no see, too," sagot ko sa wakas.
Damn, Jho! Bakit ka nauutal?!
"Okay, it's nice meeting you again, pero kung okay lang, aalis na ako. May importanteng meeting ako with Miss Sevilleja. Gotta go!," sabi nya sabay ngiti.
Napatingin ako sa paligid. Hindi ko namalayan, nasa fourth floor na rin pala ako.
"Okay," sagot ko habang pilit na nakangiti at dali daling lumabas ng elevator
Napahinto ka bigla at tumingin sya akin.
"Are you following me?" may inis sa mga boses nya
Tsk, assuming
Umiling ako. "No, we're just on the same way."
Tumango si Taneo pero naglakad ulit nang mabagal.
"Jho, If you have time later, okay lang ba kung mag-usap tayo?" seryoso nyang tanong.
Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya ako biglang gustong kausapin? May dahilan pa ba para mag-usap kami?
"After my meeting, I'm expecting you to come. Meet me in this place." Inabot niya sa akin ang address.
"Hihintayin kita Jho" dagdag pa niya bago siya pumasok sa opisina ni Ms. Sevilleja
Naiwan akong tulala. Ilang minuto rin akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niya akong gustong kausapin. Isang taon nya akong iniwasan, hindi sinagot ang mga tawag at text ko. Bakit ngayon lang siya humarap sa akin? Dahil ba handa na siyang sagutin lahat ng tanong ko?
Haysst, tama na 'to. Siya na ang bahala mamaya. Fine, kakausapin ko siya.
Pumasok ako sa opisina. Nakaupo na si Stacey at Taneo at nag-uusap tungkol sa kanilang mga kumpanya. Busy sila kaya hindi nila napansin na pumasok ako.
"I'll promise, Mr. Uyam you didn't waste your precious money in having a partnership with our company. You're in good hands," sabi Stacey
"I know, I know. Your company will never earn that kind of reputation if it didn't. I'll trust your company Miss Sevilleja, and I hope you trust our company as well. Let's work together," sagot ni Taneo
"Of course, I do." sagot ni Stacey
"Good then, I'll be leaving now. I had a nice time discussing things with you, CEO Sevilleja" sabi ni Taneo habang inaayos ang suit niya bago tumayo.
"You're welcome, Mr. Taneo and please be safe on your trip," sagot ni Stacey bago siya lumingon sa akin.
"Ms. Robles please lead Mr. Taneo on his way," utos niya.
Naramdaman kong sandaling tumingin sa akin si Taneo pero hindi ko sya pinansin, lumapit ako sa pinto at agad itong binuksan.
"Let's go, Sir" sabi ko.
Agad akong lumabas ng pinto at naunang maglakad.
Walang nagsasalita habang naglalakad kami sa hallway. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak kaya sobrang awkward.
"Jho, let's talk," basag ni Taneo sa katahimikan.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"I'm busy, Marami pa akong gagawin. I'm sorry, can we just talk on another day?" sagot ko.
"No! Let's talk right now Jho!" madiin niyang sabi, halatang tumataas na ang boses niya.
Isang taon niya akong iniwasan-hindi sinagot ang mga tawag at text ko-tapos ngayon, nandito siya, pinipilit akong makipag-usap sa kanya? Unbelievable Taneo!
"Ano pa bang pag uusapan natin!? Do you think I will instantly follow you after ignoring me for so long? You're unbelievable, Taneo," sabi ko sabay talikod, pero bigla niya akong pinigilan.
Bigla niya akong niyakap mula sa likod. "I love you Jhoanna. I still do. I never felt happy in her arms. You're still the person I really love," sabi niya, habang nagsisimula nang tumulo ang luha niya.
Bakit niya sinasabi 'to sa akin?
"Taneo, please stop!" Pilit kong inaalis ang mga braso niya, pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
Humagulgol siya. "No Jho! I still want you. You're the one I really love. I can't stand being with her. Jhoanna, you know that I love you, right?"
Tangina, yang pagmamahal na 'yan!
"Really? You love me?" tanong ko.
"Kung mahal mo talaga ako, why you didn't fight for us Taneo? Why you can't even fight for me in your parents? Is that what you called love?"
Hindi siya sumagot.
Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na iisipin 'tong tungkol sa amin. Tungkol kay Taneo.
Akala ko, nalimutan ko na lahat.
Akala ko, naka-move on na ako.
Okay na ako eh, pero bakit bumalik pa siya? Bakit sinasabi niya ulit ang mga bagay na 'to? Pinapakomplikado lang nya lahat eh.
Alam ko. Alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Ramdam ko. Totoo na ako pa rin-
Pero mali 'to.
Maling-mali...
"Iiwan ko si Aiah. I'll go with you this time. Just tell me that you still love me, let's start new things again Jho, Together. I will do everything you want if you ask me, I will get divorced with Aiah" desperadong sabi niya.
Inalis ko ang mga braso niya. "Taneo, please stop. Alam mong mali 'to. Kasal ka na."
"Jho, please, don't leave me," pagmamakaawa niya.
"Hindi, it won't be happen if you fight for me Taneo. Now, earn the consequences of your decision. Just promise me that you will be a good husband to your wife. Love her wholeheartedly and don't ever leave her unlike what you did to me in the past, Yun na lang ang hinihiling ko sayo Taneo"
Matapos kong sabihin 'yon, agad akong umalis at hindi na sya nilingon
Nang makalabas ako ng Building, agad akong pumara ng taxi.
"San ka po ma'am ?" tanong ng driver.
"Take me to the nearest bar kuya. I don't mind paying for an expensive fare," mabilis kong sagot.
Nagkamot siya ng batok, halatang nagtataka. "Sure ka Ma'am? May alam akong malapit dito, okey lang ba na dun nalang kita ibaba?"
Tumango nalang ako.
-
"Ma'am, you've already drunk too much."
Napakunot ang noo ko. "So what? Akala mo ba wala akong pambayad? Don't worry, I will pay for my bills. Alam kong mahal ang bar niyo para sa isang simpleng tao katulad ko, pero ayos lang! Secretary ako ng CEO ng LSA Corp, kaya may pambayad ako. Don't worry, okay?" sigaw ko.
"Ma'am, hindi ko sinasabing wala kang pambayad. Ang punto ko, lasing ka na."
Tumawa ako,Hindi ko na namalayan, tumutulo na pala ang luha ko.
At sa puntong 'yon, isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"What do you think you're doing in a bar if you don't even have a high tolerance for liquor? Idiot!"
Stacey. Fucking. Sevilleja
Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya, pero pamilyar ang boses niya.
Napailing ako at pilit na inaninag ang mukha niya. Inilapit ko pa ang sarili ko hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko.
"Y-you?" pautal kong sabi.
Anong ginagawa niya dito?
Magkalapit na magkalapit ang mukha namin, ilang inch na lang ang pagitan.
Wala akong masabi. Hanggang sa dahan-dahang bumagsak ang tingin ko sa buong mukha niya.
First time kong makita ang mukha niya nang ganito kalapit, at hindi ko maitatangging sobrang ganda niya talaga.
Bakit hindi ko agad napansin 'to noon?
Napakurap-kurap ako nang ilang beses, saka ako natauhan bigla.
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya.
"I-I'm sorry, Ms. Sevilleja, Aalis na ako," nahihiya kong sabi.
Paalis na ako sa kinatatayuan ko pero bigla niya akong hinila pabalik at mahigpit na hinawakan sa bewang.
"At san ka pupunta Robles?" May bahid ng pananakot ang boses niya.
"Ah... a-ako... I..." Hindi ko alam kung anong sasabihin.
"Stay... here," sabi nya, habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.
Dahan-dahan, palapit nang palapit ang mukha niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero...
Bakit siya lumalapit?
Hindi ko maipaliwanag, pero ang alam ko lang, kusa nang pumikit ang mga mata ko.
Inaantay ko kung ano ang mangyayari, pero sa hindi inaasahang pagkakataon...
Bigla akong nakaramdam ng matinding hilo. Para akong iniikot ng mundo ko, at seryoso, parang gusto ko nang sumuka.
Ramdam kong may umaakyat mula sa tiyan ko-hindi ko na kayang pigilan.
Kailangan ko tong isuka!
"What the? Robles!!, ano'ng ginawa mo?" malakas na boses ang narinig ko
Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari pagkatapos nun. Ang naaalala ko lang na nakaalalay parin si Stacey sa braso ko kahit nasukahan ko na sya.
At pagkatapos nun, nawalan na ako ng malay.
⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 4 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Dust Bones [Harry Styles]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/1198/conversions/a640cdb809d084e5d20475eedbf3c663.jpg)



