Fanfics

Chapter 5: Awkward Sunrise

12:05, 6 May 2026

Jhoanna's POV

I woke up as the sun rays welcomed my face. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko and I almost wanted to curse when I feel the throbbing pain on my head.

"Argh- What's with my head?"

Kahit sobrang sakit ng ulo ko, pilit akong bumangon mula sa kama, pero tumigil ako nang may na-realize akong isang bagay.

Tiningnan ko ang paligid. Anlaki ng kama, puting kisame eh wala naman kaming kisame, mga painting, at malalaking salamin na bintana.

Wait, saan ako?

Hindi ko toh kwarto.

Marami na agad pumapasok sa isip ko, pero naging mas malala pa nang tiningnan ko ang ilalim ng kumot ko.

Nagpanic ako nang makita ko na wala akong suot kundi ang underwear ko.

Oh my God! Anong nangyari kagabi?

Inalala ko lahat ng nanyare kagabi, iniisip kung paano ako napunta sa bahay na toh.

Ang huling naaalala ko, pumunta ako sa Bar pagkatapos kong makipag-usap kay Taneo, para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko, Uminom ako at malapit na akong umuwi nung biglang dumating si Stacey. Nag usap kami ng konti at pagkatapos nun nilapit nya yung mukha nya sakin kaya pumikit naman ako... tapos boom! Hindi ko na alam yung sunod na nanyare!

Nag-freeze ako.

Oh my God!

Ibig sabihin si Stacey at ako? Na-

And it seems like Stacey's cue is just on a right timing.

Nasagot lahat ng tanong ko.

Lumabas siya ng banyo, na nakabathrobe lang

Basa ang buhok niya habang ang mga mata ko ay dahan-dahang tinitingnan ang buong katawan niya.

I gulped hardly when my eyes landed on her white porcelain legs.

Ano'ng nangyayari sa akin?

Siguro kung lalaki ako ngayon, I already get aroused with just looking on her alluring body.

Pero ang problema, babae ako!

Wala akong dahilan para makaramdam ng ganitong weird na feelings sa kanya.

"Satisfied kana ba sa nakikita mo Robles?" tanong ni Stacey, habang nakangiti.

Para akong nabasa ng malamig na tubig sa tanong niyang 'yon.

Patay, nahuli nya ako

"Think, Jho! Mag-isip ka ng palusot mo!" sabi ng inner self ko.

Naramdaman ko ang pagkapula ng pisngi ko dahil sa hiya. Hindi ko alam bakit ako naa-attract sa legs niya kung alam ko naman na may mga legs din akong kagaya niya. Take note, mas maganda pa nga legs ko sa kanya ehh.

Anong nangyayari sa akin?

I was about to utter a sorry word to her when something came to my mind.

Wait!

May mali!

Bakit ako mag sosorry, eh siya nga ang may kasalanan sa akin?

Punyeta! Bakit ko nakalimutan 'yon?

Humarap ako sa kanya, "W-what happened last night?"

Ngumiti siya and she shrugged her shoulders" It's for you to find out," tapos tinignan nya ang katawan ko.

Umiinit nanaman ang dugo ko sa babaeng toh!

Agad kong kinuha ang makapal na kumot sa tabi ko at tinakpan ang sarili ko nangnarealize kong doon siya nakatingin.

"Bastos!" Sabi ko sa kanya

Tumawa si Stacey sa sinabi ko.

"Oh my God!"She hold her stomach to prevent her laugh. "Ako? Bastos?"

"Come on, tell me you're just joking Robles" sabi niya, tapos nagbago ang expression niya at naging seryoso.

Uh-oh! Parang Mali yung sinabi ko ahh

I quickly got scared of her because of that but I tried my best to act like a strong.

"No, I'm not joking. Bastos ka talaga," sabi ko with all confidence

At tumawa nanaman sya.

"Hindi ko alam na ganyan pala ang humor mo Robles, Seriously? Me? Bastos?" tanong niya

"Don't play innocent here Jho, you were checking her out lately," sabi ng inner self ko.

Wait! Wait! Wait! Bakit ako nasali dito?

Nag-cross arms si Stacey tapos nagsalita ulit, "Do you think I was fantasizing over your two things in front of your chest?" Tumigil siya ng sandali at tumingin sa mga mata ko.

"You wish! I can't even cupped those. You know, that's kinda small Robles hindi ako masasatisfied dyan"

"THAT'S KINDA SMALL ROBLES HINDI AKO MASASATISFIED DYAN."

"THAT'S KINDA SMALL ROBLES HINDI AKO MASASATISFIED DYAN."

"THAT'S KINDA SMALL ROBLES HINDI AKO MASASATISFIED DYAN."

Processing...

Hala! Ininsulto ba nya ako?

No! Hindi ko hahayaan toh! Siguro boss ko siya, pero ngayon hindi ko na kayang palampasin 'to. Ininsulto niya ako! Ininsulto niya ang pagkababae ko.

"STACEY SEVILLEJA!-" sigaw ko, pero hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

Agad niya akong pinutol, "If you will ask me if something happened to us last night, my answer is no! You puked on my shirt last night and so did to your shirt so I didn't have a choice but to remove your clothes. Don't worry, I didn't look at your body while doing it so don't be so assuming. Nothing's special with your body."

Eh?

Nakakahiya!

"Arrgh!"

Ipapangako ko talaga sa sarili ko na hindi na ako iinom ng alak ulit. Grabe! I'm losing my senses because of this.

"Stop condemning yourself, just save it later, go get your lazy ass. Niready ko na yung susuotin mo. Just wear it, then after this, go down and let's have breakfast," sabi ni Stacey at agad na umalis.

Tumingin ako sa gilid ng kama at nakita ko ang isang puting loose shirt at black denim shorts.

Walang tanong-tanong, tumayo ako at mabilis na nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis, agad akong bumaba ng hagdan at nakita ko si Stacey sa kitchen habang nagso-scroll sa tablet niya.

Naka-spectacles siya ngayon at hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya, lalo na ngayong mukha siyang hot na professor sa harap ko.

Nagmumukhang seryoso siya habang nagso-scroll sa tablet, at sure akong! tungkol na naman sa trabaho ang ginagawa nya.

"Naglalakad kaba sa buwan? Can you please be faster? It already takes you a decade to get down the stairs," sabi ni Stacey, medyo iritado na, habang nakatutok pa rin ang atensyon niya sa tablet.

Akala ko hindi niya ako napansin.

At dahil doon, mabilis akong bumaba at tumakbo papunta sa kusina at umupo sa tabi niya.

Ibinaba ni Stacey ang tablet niya.

Tapos tiningnan niya ang suot ko.

"It suits you huh?" Sabi niya.

Agsjsjwnfkrkfjemvltkckfjfkdn!

Baka may sakit siya o kaya may hangover pa?

Hindi ako sanay sa ganitong side nya.

"Bakit natahimik ka? Come on, kainin mo na 'yang pagkain mo," sabi niya.

"Ah eh y-yeah sorry," sagot ko,

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang mapansin ang paligid ng bahay ni Stacey. Ang laki at ang ganda ng place, pero may isang bagay na talagang nagpa-curious sa akin.

Walang kahit anong picture ng asawa niya. Wala ni isang picture. Kahit wedding photo, wala.

Mag-isa lang ba siya dito?

Akala ko ba may asawa na siya?

Gusto ko sanang itanong, pero na-realize kong hindi naman kami gano'n ka-close para makialam sa personal niyang buhay. Kaya mas pinili kong manahimik.

Habang kumakain pa kami, bigla akong napalingon nang may kumatok sa pinto. Tumayo si Stacey para buksan ito, at maya-maya lang, may pumasok na isang babae.

"Stakuuu! I miss youuuu! You're not hanging out with me anymore! You're so busy with your company and you're not visiting me! I already missed-"

"Wait, who is she?" tanong ng babae, sabay lingon sa akin.

Nag-roll eyes si Stacey at tumingin sa babae. "Lim, please, stop acting like you care about me and you actually miss me. Spill it. Anong kagaguhan na naman ginawa mo this time?"

Nag-pout sya, "Yaaaahhh! Ang harsh mo! Can't you just believe on me that I really missed. you?"

Umirap ulit si Stacey. "No. I know you too well, Mikha, Bumisita ka lang kasi may trouble ka nanaman na nagawa, tama ba?"

Nakangiti pero guilty ang expression ni Mikha

"Ye-yes... pero konti lang naman!" sagot niya, parang bata na nahuli sa kalokohan.

Napabuntong-hininga si Stacey habang umiiling. "Hayst, knowing you. So? Spill."

Huminga nang malalim si Mikha bago nagsimula.

"You know na party girl ako, right? Pero this time, I swear, behaved ako!"

"Teka lang," putol ni Stacey, halatang naiinis. "Can you just tell the story first and stop making excuses? I'll judge after."

"Fine," sagot ni Mikha, tapos dumiretso na siya sa kwento.

"Kagabi, pumunta ako sa isang pub.Typical me, I dance in the middle of party like there's no tomorrow until a goddess unexpectedly approached me as in sobrang ganda nya. At first I didn't mind her because seriously you know that I'm not into tacos. But since I'm bored as fuck, I tried talking to her"

Napataas ang kilay ni Stacey. "And?"

"At first, wala lang sa'kin kasi, duh, you know me. Hindi ako mahilig sa ganun. But since bored ako, I entertained her."

"Waaaait," putol ni Stacey, agad nangunot ang noo. "Pls tell me I'm getting the wrong idea here."

"Staku, let me finish!" sagot ni Mikha

Tumango lang si Stacey.

"So, ayun na nga," Sabi ni Mikha "Nag-usap kami, nag-enjoy, until she asked me to go with her in hotel"

Stacey leaned forward, looking worried. "Then?"

Mikha smirked. "Then we had sex."

Bigla akong nabulunan sa tubig na iniinom ko.

Oh my God! Di ko in-expect 'yun! Les- bigla akong natigilan nang mapansin kong pareho akong tinitingnan nina Stacey at Mikha

Napakamot ako ng ulo. "So-sorry, guy's. Tuloy niyo lang."

Buti na lang hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sila sa usapan nila.

"I know you're thinking Staku, that I'll be the first gay in our circle of friends but can't help it. She's really an exception" paliwanag ni Mikha

"So? Anong plano mo?" tanong ni Stacey

"Wala akong idea," sagot ni Mikha. "Di ko nga alam kung nasaan siya. Ang alam ko lang... first name niya."

Stacey's jaw dropped. "What? First name lang? Oh God Lim,How can you find her now?"

"I don't know either Staku," sagot ni Mikha, na parang frustrated na rin.

Sarcastic na tumawa si Stacey "Hah. So you're telling me na nagka-feelings ka sa kanya, pero ni last name hindi mo alam? Are you even serious Lim?"

Tumango si Mikha. "Yeah and I feel that she's already the one for me"

Stacey sighed. "Okay. Kung seryoso ka, then let's find her. What's her name?"

"Maraiah, She told me it's Maraiah" sagot ni Mikha

"Then let's go find your girl. I will help you" Stacey offered.

Pero nanatiling tahimik si Mikha.

Stacey narrowed her eyes. "Ano nanaman problema?"

Napabuntong-hininga si Mikha bago nagsalita. "Siguro mas mabuti nang huwag ko na lang siyang hanapin."

Stacey raised a brow. "Huh? Akala ko ba gusto mo siya?"

"Gusto ko siya," sagot ni Mikha. "But I guess it will only make things complicated if ever I try finding her. While we are dancing, I noticed her ring. I think it's a wedding or engagement ring. Maybe she's already married and what happened to us is just one night stand for her. That's the only reason I can see why she didn't even bother to say goodbye at me after what happened to us. She just left me alone without knowing it"

Nagkaroon ng awkward silence.

Stacey sighed. "Well... That's a big trouble."

"I second the motion," dagdag ko, at uminom ng tubig.

Biglang tumingin si Mikha sakin, parang ngayon lang niya napansin presence ko ulit. "Wait Staku,when will you introduce me to her?"

Napalingon din si Stacey sa akin. "Siya ba?"

"Oo, siya lang naman ang ibang tao dito, diba?"

"Andyan ka pa pala Robles, nabusog ka ba sa chismis- I mean sa food?" Tanong ni Stacey na may halong pang-aasar.

Napairap ako. Bipolar talaga 'tong babaeng 'to. Kanina lang ang bait, ngayon sarcastic na naman.

Mikha chuckled. "Ewan ko sayo Staku, siya yung secretary mo, right?"

Tumango si Stacey. "Jhoanna Robles, my secretary."

Iniabot ni Mikha ang kamay niya para makipag-shake hands. "Hi Jhoanna, Mikha Lim, best friend ni Stacey."

I shook her hand. "Nice meeting you Mikha."

Tumingin siya sa akin nang matagal. "Parang familiar ka..."

"Paano di magiging pamilyar eh sya lang naman yung umeksena nung wedding ko" sagot ni Stacey, wala talagang preno bunganga ng babaeng toh

⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 5 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories