Chapter 3: The Husband
12:02, 6 May 2026Jhoanna's POV
"Good morning, Maloi!" masigla kong bati sa kanya habang dumadaan sa front desk.
"Good morning Jho! Mukhang good mood tayo ahh?" bati niya sa akin pabalik habang nakangiti
Kanina pa nagtatanong sina Ate Colet at ang mga girls kung bakit sobrang saya ko pagkagising ko. Binati ko pa sila ng good morning habang naka ngiti, kaya nagulat sila kasi hindi naman ako usually ganito lalo na kapag bagong gising. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin, pero all I know is hindi ko ma-contain ang happiness ko ngayon.
Muli akong ngumiti, "I had a good sleep kagabi, kaya siguro eto ang resulta"
"Good for you then" sagot sa akin ni Maloi
I'm still in a good mood hanggang sa makarating ako sa opisina ni Ms. Sevilleja. Inaayos ko na ang gamit ko sa designated table ko nang mapansin kong wala pa siya, which is weird kasi sa pagkakaalam ko, hinding hindi sya nalalate. She's always an early bird.
Since parang nasasayang lang ang oras ko kakaisip ng nonsense na bagay, I decided to start working para matapos agad at makauwi ako nang maaga kung possible. Inayos ko ang schedule niya, arranged it one by one sa tamang order at naghanda ng reminder notes para sa mga important meetings na kailangan niyang attend-an today. After finishing those, sinimulan ko namang gawin ang mga paperwork na kailangan niyang pirmahan later.
I was busy doing my job nang biglang bumukas ang pinto. As expected, si Ms. Sevilleja, ang boss ko, dumating na sa opisina na may usual bitch aura.
Agad akong tumayo mula sa upuan, "Good morning, Ms. Sevilleja," magalang kong bati sabay yuko.
At dahil nga bitch siya, she didn't even greet me back or kahit tumango man lang-parang hangin lang ako sa harapan niya.
C'mon, Jhoanna! Kalma lang, good mood ka today, 'wag mong sirain.
Naupo na siya sa swivel chair niya at sinimulang tignan ang schedule na inayos ko kanina, pero bigla siyang natigilan. Napansin kong nakatingin siya sa isang bagay.
Matagal niyang tinitigan 'yon hanggang sa narealize ko na sa right hand ko pala siya nakatingin.
Mabilis kong itinago ang kamay ko sa likod dahil nahihiya ako
Baka tinitingnan niya ang relo ko.
"Robles, come here," utos niya habang nakakunot ang noo.
Since hindi naman siya ang tipo ng tao na mahilig maghintay, agad akong lumapit sa kanya bago pa siya mainis.
"Give me your right hand," she ordered pagdating ko sa table niya.
Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya, mukhang tense sa presence ng boss ko. Wala namang mali sa sinabi niya, pero ewan ko kung bakit parang ang scary kapag siya ang nagsasalita.
"Tssk! Are you deaf?" reklamo niya sabay mabilis na hinablot ang kanang kamay ko
Hinawakan at tiningnan nya ang kamay ko at hindi nya binibitawan.
Ang haba ng katahimikan namin kaya nagkaroon ng awkward atmosphere. Kahit hindi siya nagsasalita, alam kong tinitingnan niya ang Rolex watch na binigay niya sa akin kahapon.
I'm not trying to be rude here, pero hindi ko gusto 'yung idea na ganito sya kalapit sakin
I just feel so tensed and nervous whenever she's around.
"Ma... Ma'am?" tanong ko para mabawi ang attention niya kasi mukhang wala siyang planong bitawan ang kamay ko.
"So, sinuot mo na?" sabi niya habang nakatitig sa relo ko.
Tumango lang ako.
Knew it. She's just checking kung sinuot ko na 'yung relo na binigay niya.
Unexpectedly, tumingin siya sa akin, and I don't know if it was just me, pero parang nakita ko siyang slight na ngumiti.
Woah, that's a rare one again.
I wonder what's with her smile?
"Go back to your work," she said in a flat tone sabay bitaw ng kamay ko.
"Okay, Ma'am," sagot ko at papalayo na sana pero bigla siyang nagsalita ulit kaya natigilan ako.
"Robles?"
"Yes, Ma'am?"
Serious ang mukha niya. "That watch, it suits you."
Napahinto ako.
That watch, it suits you.
Those words.
Literal na tumigil ang mundo ko.
Should I take it as a compliment?
I already thought titigilan na niya ako sa pang gugulo, but I was wrong. May pahabol pa siya.
Napakunot-noo ako.
If I'm not mistaken, parehas lang ang model ng relo namin, ang difference lang is 'yung color. Mine is black while hers is white.
Wait-don't tell me...
Couple watch ba toh?
No, maybe it's just a coincidence. Pero of all watches na bibilhin ni Stacey for me, bakit 'yun pa? Hindi niya ba napansin? 'Yung model? Hindi ba niya chineck?
Instead of asking her, bumalik na lang ako sa trabaho ko at hindi na pinansin ang kung anu-anong naiisip ko. After all, nonsense lang naman. And so what kung couple watch 'to?
Maybe may promo kaya ito 'yung napili niya.
You know? Kahit successful at rich si Stacey, it doesn't mean na gagastos na lang siya nang basta-basta. Kailangan niya ring i-manage ang pera niya. Kaya maiintindihan ko kung couple watch ang binili niya para maka-save ng konti.
Natigil ang pag-iisip ko nang biglang may tumawag kay Ms. Sevilleja. Dali-dali niyang sinagot ang phone.
"Hello, CEO Sevilleja speaking. What can I do for you?"
Nagpatuloy ako sa paperwork pero hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila. Kaya heto ako, pasimpleng sumisilip kay Stacey, hoping na may marinig akong useful na information.
"Gelo, you know I always have hectic schedules, right? I don't know if I can make it today. Can we just reschedule it? Pretty please?" tanong niya sa kabilang linya gamit ang soft voice niya.
Gelo.
Bakit parang familiar?
"Is it really that important? Can't you just tell your parents na busy ako? Alam kong rude 'to, pero hindi ako pwedeng makipag-dinner date sa kanila. Just tell them an alibi, super busy ko talaga" medyo iritable niyang sagot.
"Fine! Since andito ka na, wala na akong choice. Pero make sure na wala nang next time 'tong dinner date na 'to. Magpe-prepare lang ako, hintayin mo na lang ako. Bye." Kita sa mukha niya ang inis habang sinasabi 'yon bago binaba ang phone.
Natulala lang ako sa kanya.
"What are you looking at?" taas-kilay niyang tanong sa akin.
At dahil sa scary look niya, agad akong bumalik sa trabaho ko para iwas gulo.
Woah! So close!
She looks scary as ever!!!
Tumayo siya at mabilis na inayos ang gamit niya.
"Cancel all my schedules today. I have an important appointment. You can also leave early after mo matapos 'yang paperwork. Just lock my door afterwards."
"With whom?" bigla kong tanong.
Why? I was curious as hell.
Tumingin siya sa akin, "Basically, it's none of your business, pero mukhang sobrang curious ka, kaya be thankful sasagutin ko 'yan."
"GELO. I have an appointment with him" casual niyang sagot bago umalis.
Gelo. Now I know bakit familiar ang name niya.
It's obvious.
Gelo. The husband.
Her loving husband.
── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ────
Pagdaan ko sa front desk, agad akong sinalubong ni Maloi. Nakataas pa ang kilay niya habang tinitignan ako, parang napansin niya agad na iba ang mood ko ngayon.
"Uy, ang aga mo ata ngayon?" sabi niya, may halong pag-aalangan at curiosity sa tono.
Tipid lang akong ngumiti, yung ngiting pilit pero hindi ko na in-effortan pang gawing believable.
"Umalis na si Ms. Sevilleja, tapos ko na rin lahat ng tasks na iniwan niya, so I guess pwede na 'kong umuwi," sagot ko habang inaayos ko yung bag ko sa balikat, parang gusto ko na lang talagang tumakas palabas.
"Oh," sagot niya, pero hindi siya agad umalis sa tingin sa akin. Parang may gusto pa siyang itanong pero pinipigilan lang niya. "Pero bakit nga siya umalis nang maaga?"
Saglit akong huminto sa paglakad, then nagkibit-balikat lang ako na parang wala lang.
"May dinner kasama yung asawa niya," sagot ko, diretso, walang dagdag na emosyon sa boses ko.
Agad siyang napakunot-noo, halatang nagulat. "Asawa? Kelan pa?"
Huminga lang ako ng malalim, parang wala na akong energy mag-explain pa o mag-react nang malalim. I just shrugged.
"Magbasa ka kasi ng balita, Maloi," sabi ko sabay tipid na ngiti, yung pilit na parang normal lang ang lahat, then tuluyan na akong naglakad paalis.
Wala na talaga akong gana. Not to talk, not to think too much, Gusto ko na lang makauwi at mawala muna sa lahat ng iniisip ko.
⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 3── ⋆⋅𖤓⋅⋆
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Dust Bones [Harry Styles]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/1198/conversions/a640cdb809d084e5d20475eedbf3c663.jpg)



