Fanfics

Chapter 2:Lewser Secretary

12:01, 6 May 2026

Jhoanna's POV

"Oh, inumin mo. Baka makatulong," sabi ni Ate Colet habang inaabot sa'kin yung gamot at sabay upo sa tabi ko sa kama.

Dahan-dahan kong kinuha yung tablet at tubig, halos nanginginig pa yung kamay ko. Hindi na ako nagtanong kung anong gamot 'yon o kung safe ba talaga-wala na akong energy para mag-isip ng ganun. Ang gusto ko lang ngayon, mawala yung pumipintig na sakit sa ulo ko na parang may martilyo sa loob ng bungo ko.

Pagkatapos no'n, napapikit ako saglit at sumandal sa likod ng kama, parang kahit yung simpleng paghinga ang hirap gawin.

"Kahit titigan lang kita, parang alam ko na kung anong nangyari sa first day mo," sabi ni Ate Colet habang nakatingin sa'kin na may halong awa at pagod na rin

Wala pa nga akong 24 hours sa trabaho, pero pakiramdam ko isang linggo na akong binugbog ng buhay.Ngayon ko lang mas malinaw na nararamdaman yung lahat. Yung consequences ng mga desisyon ko na akala ko noon, kaya kong takbuhan. Pero hindi pala. Dumadating at dumadampi talaga.

Kakatapos ko lang ng first day ko sa LSA Corporation... at heto ako, buhay pa. Pero parang hindi At reminder lang-first day ko pa lang 'to.

That Stacey Sevilleja! She didn't just give me work. She buried me in it.

Parang hindi niya ako tinitingnan bilang tao. Parang trial version ako ng isang machine na pwedeng i-overload hanggang masira.

"Magkape ka muna oh," sabi ulit ni Ate Colet, inabot sa'kin yung mug. "Alam kong stressed ka sa work lately, kaya kailangan mo 'to."

Napatingin ako sa kape.

Coffee.

Sana ganun lang kadali. Sana simpleng caffeine lang ang makakapag-reset ng utak ko. Pero hindi. Kasi ang kape na 'to, hindi lang basta kape sa'kin. Parang trigger siya ng lahat ng gusto kong kalimutan ngayong araw.

Naalala ko ulit 'yon, parang ang linaw pa rin sa isip ko kahit pagod na pagod na ako ngayon.

Nasa office ako , maayos pa naman yung simula ng araw-nakafocus ako sa harap ng computer, pilit na inaayos yung mga files na kailangan niyang ma-review.

Hanggang sa bigla siyang dumaan.Hindi ko siya agad napansin sa peripheral vision ko, pero ramdam ko yung pagbabago ng atmosphere.

"Miss Robles" sabi niya, diretso, walang greeting, walang kahit ano

Umangat agad ulo ko. "Yes, Ma'am?"Hindi siya tumingin sa'kin nang maayos. Diretso lang siya sa phone niya.

"Bumili ka ng Starbucks." Sandali akong natigilan kasi normal naman sana since may Starbucks nanaman sa ground floor ng building, Kaya tumango ako agad. "Sige po, Ma'am. Ano pong order?"

Do'n siya huminto sa paglakad.Tumingin siya sa'kin-finally. Yung tingin niya na parang hindi ka tao, parang checklist ka lang sa araw niya.

"Just buy me an Iced Americano,Pero sa ibang branch," sabi niya.

Napakunot-noo ako. "Po?"

"Ten kilometers away, Nauumay na ako sa Starbucks sa baba" dagdag niya, parang hindi big deal. "And I want to compare the taste of their coffee"

Parang may glitch yung utak ko, compare the taste, 10 kilometers. EhStarbucks din naman.

Hindi ko alam kung dapat ba akong tumawa o maawa sa sarili ko. Pero pinili kong manahimik. Kasi alam ko na yung itsura niya kapag sumagot ka nang may kahit konting tono.

Kaya tumango na lang ako. "O-okay po."

At doon nagsimula yung pinaka-walang saysay na lakad ng buhay ko. Lumabas ako ng building, sumakay ng taxi gamit sarili kong pera. Hindi siya nagbigay ng kahit anong pambili, kahit pamasahe man lang.

Pagdating ko sa Starbucks, mabilis lang yung order process pero hindi yung effort. May pila, may delay, may paulit-ulit na confirmation ng drink.

Pagbalik ko ng office, pagod na pagod na ako. Pawisan, iritable, at ubos na yung patience ko kahit umaga pa lang.Pagpasok ko sa hallway papunta sa office niya, hawak ko yung coffee na parang trophy ng katangahan ko sa araw na 'to.

Tapos nakita ko siya, nasa loob ng office ng, nakaupo, very composed, at umiinom ng... gatas.

Sandali akong natigilan sa pintuan, Hindi ko na lang pinansin. Naglakad ako papasok, nilapag ko yung Starbucks sa desk niya nang maayos, kahit gusto ko nang ibato.

"Here's your order, Ma'am," sabi ko lang, controlled pa rin kahit gusto ko na syang sabunutan.

Tumalikod na sana ako para umalis. Kasi mission accomplished na, diba?Pero hindi pa pala tapos.

"Throw it away," sabi niya at napahinto ako.

Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin. Yung attention niya nasa gatas nya parin, parang mas importante pa yun kaysa effort ko sa labas ng building.

"I already have milk," dagdag niya lang

Gusto kong magsalita. Gusto kong itanong kung seryoso ba siya o gusto nya lang akong pagtripan.

Pinilit kong ilagay lahat ng galit ko sa isang lugar na hindi makikita sa mukha ko.Kasi alam ko yung kapalit.Isang maling galaw lang, isang maling salita lang-trabaho,lahat mawawala.

Kaya tumango ako.

"Okay po," mahinang sagot ko, sabay kuha ng cup na parang wala lang nangyari.

Kaya, tinry ko na lang magpakakalma. 1,094 days pa ang natitira sa buhay ko sa kanya, so siguro kayanin ko na lang, diba?

"Di mo ba iinumin yung kape? Lalamig na yan," tanong ni Ate Colet.

"I hate coffee," sabi ko, at naisip ko si Stacey.

Tumingin si Ate Colet sa akin. "Ano daw? Ayaw mo na ng kape?"

"Huh? May sinabi ba ako?" sabi ko, trying to change the topic.

Pero hindi siya natuwa. "Yan ka nanaman, Narinig kita noh, Ano bang meron sa kape at badtrip ka nanaman" sabi niya, parang naghihintay ng sagot.

"Ate Colet, please. Ayaw ko ng pag usapan. Pagod lang ako. Please understand," pakiusap ko sa kanya

Mukhang naintindihan ni Ate Colet na seryoso ako, kaya tumango siya at humingi ng sorry at hindi na nagsalita pa.

"Sorry, nag aalala lang ako sayo. Kaibigan mo ako oh at ayaw kong makitang nagkakaganyan ka" sabi ni Ate Colet

Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi niya. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na na-apektohan siya.

"Ate Colet, sorry kung na-offend kita. Kasi sobrang stressed lang ako sa boss ko kaya ganito ako. Alam mo na, pagod" sabi ko habang hinahawakan ang batok ko

Ngumiti si Ate Colet ng malumanay. "Ayos lang Jho, naiintindihan ko, Alam kong sakit sa ulo yang boss mo kaya gets ko kung bat may anger issue kana din tulad ko"

"Thank you, Ate Colet. I really appreciate it," sabi ko, I feel relieved na may isang tao na nakakaintindi sakin.

Tumawa si Ate Colet. " Pumunta kana sa kwarto mo Jho, ayusin mo yang sarili mo, Tingnan mo oh mukha ka ng- "

"Wag mo ng ituloy baka magkasabunutan pa tayo dito"

"Kung mananalo ka sakin" sagot nya

Biglang huminto si Ate Colet, parang may naiisip.

"Ano nanaman iniisip mo?" tanong ko.

"Naisip ko lang... Paano kaya nagtityaga yung asawa nya sa kanya kung sabi mo apakasama ng ugali ng boss mo" sabi ni Ate Colet

"Wait, diba sinira mo yung kasal nila?" tanong pa ulit nya

Wait, bakit hindi ko naisip yun?

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Ate Colet. Natuloy parin kaya yung kasal nila after ng nangyare?

Is she married now?

Hindi ko alam kung paano ako makakatulog ng mahimbing sa gabi kung alam kong nakasira ako ng relasyon at kasal ng iba. Nagiguilty ako, at hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko pag nalaman ko na dahil sa akin, hindi natuloy ang dream wedding niya.

Ayokong sirain ang relasyon ng ibang tao. Hindi naman sila kasali sa plano ko.

Ngayon ko lang naisip kung bakit ganun si Stacey sa'kin.

Deserve ko naman pala talaga toh.

Nahiga ako sa kama, naghahanda na matulog, pero hindi ko mapigilang mapaisip. Hindi ko na kayang tanggalin sa utak ko si Stacey, Yung kasal nya, at yung pagkakamali ko one year ago

Dahil hindi ako makatulog at dahil na din sa curiosity ko na sumasakal sa'kin, kinuha ko ang laptop ko mula sa bag.

'CEO Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja of L.S.A Corp' pagtatype ko.

Nag-scroll ako at binasa lahat ng makikita ko tungkol sa kanya. Nalaman ko na hindi pala gusto ni Stacey magtayo ng Business. Isa pala siyang ramp model sa France dati, pero dahil siya ang tanging tagapagmana ng mga Sevillejas, wala siyang choice kundi maging head ng company nila.

Pero wala nang nabanggit na mga lovelife. Lahat ng info tungkol sa family niya at lifestyle, pero walang tungkol sa partner.

Aiiish, paano ko kaya malalaman kung anong nangyari sa kasal niya?

Patuloy akong nag-scroll, umaasang makakita ng useful na impormasyon, nang makita ko an-

"CEO Stacey Sevilleja of L.S.A Corp married Gelo Rivera, heir of Rivera Group. The wedding took place at the most prestigious hotel of the Sevilleja's and was considered one of the most expensive and grandiose weddings in the world. Their union further solidified their influence and power in Philippines."

Date issued: April 20, 2024.

Nakahinga ako ng maluwag. So, mukhang okay naman yung kasal nila pagkatapos ng lahat. Hindi ko nasira ang wedding nila.

Dapat nga siguro magpasalamat na lang ako.

Pero parang may kakaibang emotion pa rin akong nararamdaman, may halong disappointment at ibang pakiramdam na di ko mapaliwanag

Siguro pagod lang ako, kaya ganito ang nararamdaman ko.

Siguro ang kailangan ko lang magpahinga. Kaya nilagay ko na ulit lahat ng gamit ko sa bag , ready nang matulog, nang bigla akong makaramdam ng something sa ilalim ng bag ko at nakita ko isang maliit na box.

Sino ang naglagay neto?

Binuksan ko, at nagulat ako ng makita ko ang Rolex na relo.

Wait, WHAT?! Rolex?!

Hindi ako makapaniwala. Sobrang mahal kaya ng Rolex, na pwede na akong magpatayo ng sarili kong bahay

Pero sino ang naglagay nito sa bag ko?

Sigurado akong hindi si Ate Colet o ang ibang girls. Nangungutang pa nga yung mga yun sakin eh.

Tapos nakita ko ang isang note sa loob ng box.

To my Lewser Secretary Robles,

Wag na wag mong tong ibebenta ha. I bought it for you so you won't be late anymore. Wear it tomorrow. I want you to wear an expensive watch, not a cheap one. Eeewww!

Yours truly, CEO Sevilleja."

Teka lang, Stacey gave me a Rolex? Seriously?!

I can't believe this, na kahit sobrang sama ng ugali nya, may ganito rin pala siyang side. Ang bihira yun

Dahil binigay niya na rin sa akin, wala namang masamang reason para tanggihan ko diba. Siya naman ang kusang naglagay neto sa bag ko, kaya sino ba ako para tumanggi? Tutal, siya rin naman ang nagtapon ng dati kong relo, kaya dapat lang palitan nya yun!

Matapos kumbinsihin ang sarili ko, sinuot ko ang relo para mas makita ito nang maayos.

"Grabe! Ang ganda!" bulong ko sa sarili habang nakangiti nang abot-tenga sa bagong relo.

Sino'ng mag-aakalang si Sevilleja pa ang makakapagpangiti sa akin ngayong araw? Kanina lang, halos murahin ko siya sa isip ko, pero ano 'to? Why it turns out to look like she's the one who saves my day? Who made me smile?

⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 2 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories