Fanfics

Chapter 1:First Day, Worst Day

12:00, 6 May 2026

Jhoanna's POV

S.T.U.P.I.D.

S.T.U.P.I.D.

S.T.U.P.I.D.

Yan lang ang salitang paulit-ulit na umiikot sa utak ko habang tinatamaan ako ng konsensya sa lahat ng maling desisyon na nagawa ko sa buhay. Para bang walang ibang description ang bagay sa'kin kundi yun.

At ngayon... panibagong desisyon na naman ang siguradong pagsisisihan ko.

Ikaw mismo, Jhoanna. Ikaw rin nagpapahirap sa sarili mo.

"Ang tanga ko... antanga-tanga ko!" bulong ko habang paulit-ulit kong hinahampas ang ulo ko, parang may maitutuwid pa yun sa ganitong paraan.

Papauwi na ako sa boarding house namin, at alam kong gising pa sina Ate Colet at yung ibang boardmates. Malamang naghihintay na naman sila, ready na i-interrogate ako tungkol sa job interview ko sa isa sa prestigious na kumpanya dito sa Pilipinas.

Kung alam lang nila kung ano talaga ang nangyari... sigurado akong hindi sila maniniwala. O baka pagtawanan lang ako.

Pasan ko na naman yung bigat ng buong mundo habang naglalakad ako. Para bang kahit yung hangin mabigat din. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at dahan-dahang inihakbang ang pagpasok sa boarding house, gusto ko lang talaga magpahinga. Kahit saglit lang.

Pagbukas ko ng pinto... natigilan ako.Bakit ang dilim?

Napakunot-noo ako. Maaga pa para matulog silang lahat. At sigurado akong bayad kami sa kuryente, kaya imposible na walang kuryente 'to.

Anong trip 'to?

Bago pa ako makagalaw nang maayos

Pooooffff!

Nagulat ako nang may biglang sumabog na confetti, at kasabay noon ay isa-isang nagbukas ang mga ilaw. Doon ko nakita sina Ate Colet at ang mga girls, hawak ang isang banner na may nakasulat na "Congratulations, Jho!"

"Congratulations, Jho!!" sabay-sabay nilang sigaw.

Normal na reaction ko? Syempre dapat maiyak ako sa tuwa, yayakapin silang lahat at magthankyou nang bongga dahil sa effort nila.

Pero dahil bad trip ako ngayon? Wala akong naramdaman. Walang reaction. Dedma.

"I guess pagod si Jho, mukhang sobrang dami agad niyang ginawa today! by the way I'm so proud of housemate!" masiglang sabi ni Gwen habang pumapalakpak.

"In fairness, feeling ko hired na talaga siya! Ate Jho, tell me, yayaman kana ba? It's L.S.A Corporation, girl! Super lucky mo kung natanggap ka diyan! Ano na, spill! Paano yung interview? Hired ka na ba" dagdag pa ni Sheena halatang excited.

Lumapit si Ate Colet sa akin at tinapik ang likod ko. "Tama si Gwen. Pagod ata si Jho, kaya hayaan niyo muna siyang makapagpahinga bago niyo siya tanungin. Mauna na kayong kumain dalawa"

"Yun oh! Gutom na ako!" sabi ni Gwen sabay kuha ng chicken wings.

"Gosh, parang tinatawag ako ng coke!, pakikuha nga 'yung coke sa tabi mo bebe!" hirit naman ni Sheena at doon na nag-focus ang atensyon nila sa pagkain at inumin.

Napabuntong-hininga ako. Thank God, wala ng makukulit.

Biglang natahimik si Ate Colet, Ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa'kin, parang sinusukat kung gaano kalalim ang iniisip ko.

"Mahal mo pa rin, 'no?" ulit niya, mas mahinahon na ngayon pero diretso pa rin ang tingin.

Napakunot-noo ako.

Ha?

Parang biglang nag-skip yung utak ko sa tanong niya. "Anong-Ate Colet, saan mo naman nakuha 'yan?"

Hindi pa siya sumagot agad. Pero umupo siya sa tabi ko sa sahig, Tapos dahan dahan niya akong niyakap, parang automatic lang, parang alam na niya yung sagot kahit hindi ko pa sinasabi.

"Okey lang 'yan, Jho," bulong niya habang hinihimas yung likod ko. "Naiintindihan ko kung nasasaktan ka ngayon."

Nanlaki yung mata ko, Wait. Ano daw?!

"Ate Colet, hindi ikaw 'to," mabilis kong sabi habang tinatanggal yung yakap niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Ayos lang ako, okay?!"

Napakamot siya sa ulo niya, parang na-confuse din sa sarili niyang conclusion.

"Akala ko kasi si Taneo na naman yung dahilan," sabi niya, medyo nag-aalangan na. "May lumabas kasi na balita tungkol sa kanya, and sure akong nakita mo na rin 'yon. Yun ba yung reason kung bakit bad trip ka ngayon?"

Huminga ako nang malalim, pero hindi pa rin ako makatingin sa kanya nang diretso.

"Actually, hindi," mahinang sagot ko.Tahimik ulit, Mas lalo akong na-pressure sa katahimikang 'yon kaysa sa kahit anong sigaw nila Gwen at Sheena kanina.

"Ano pala?" tanong ni Ate Colet, mas maingat na yung tono niya ngayon.Napabuntong-hininga ako.

Dapat ko bang sabihin?

Kasi alam ko si Ate Colet-hindi 'to yung tipo ng usapan na matatapos kapag sinabing "okay lang." Uulitin niya 'to ng uulitin, hanggang sa mapilitan akong magsabi ng buong totoo. At wala na rin naman akong takas.

"It's about the mistake I made a year ago," sabi ko sa wakas, parang biglang bumigat yung bawat salita na lumabas sa bibig ko.

"Jho..." mahinang sabi niya, "'wag mong sabihin... nakasalubong mo siya ulit?"

Tumango ako, Isang simpleng tango lang, pero para sa'kin parang buong mundo ko yung bumigay.

Napakurap siya, parang hindi makapaniwala. "Nangjojoke time ka ba, Jho?"

Umiling agad ako.

"I'm not joking," sabi ko, mas mahina na ngayon, mas basag. "Kasi mula ngayon... araw-araw ko na siyang makikita."

Nanlaki ang mata niya."Ay naboang na-"

Hindi niya na natapos yung sasabihin niya.

"Siya yung boss ko, Ate Colet," putol ko, tuluyan nang bumigay yung boses ko.

"Goodbye, beautiful life..." bulong ko habang nanginginig yung pahinga ko. "Hello... hell world."

── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ────

Nakatingin lang ako sa malawak na gusali ng LSA Corporation, habang unti-unting bumibigat yung bawat paghinga ko.

First day ko ngayon,pero bakit pakiramdam ko, parang last day ko na rin sa mundo?

Yung glass building na nasa harapan ko, parang mas lalong nagmumukhang intimidating habang tinititigan ko. Sobrang taas, sobrang sleek, Pero hindi yung building yung nakakatakot, Yung nasa loob.

Hinila ko na lang yung bag ko nang mas maayos sa balikat ko at humakbang papasok sa building, dala yung natitira kong lakas at yung maliit na portion ng pride ko na sinasabi pa ring "kaya mo 'to, Jhoanna." Kahit parang sinasampal na ako ng reality.

"Miss, saan po 'yung office ni Ms. Sevilleja?" tanong ko sa receptionist.

Ngumiti siya. "Oh, ikaw pala 'yung bagong secretary niya?"

Tumango lang ako.

"By the way, I'm Maloi. And you?"

"Jhoanna" sagot ko sabay ngiti.

"Nice name! Ms. Sevilleja's office is on the 4th floor, first door on the left."

"Thankyou Maloi" sabi ko bago lumakad papunta dun.

Nasa harapan na ako ngayon ng pinto ng office nya.

"Kaya mo yan Jho" bulong ko sa sarili ko.

Pagbukas ko ng pinto...

"Goodmorning Miss Seville-"Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinalubong na ako ng malakas at nakakatakot na boses ni Ms. Sevilleja.

"DO YOU EVEN HAVE A BRAIN?! Sinabi ko nang gawin mo nang maayos ang trabaho mo, Napaka simple lang ng pinapagawa ko pero anong ginawa mo? Why I heard that Mr. Uyam doesn't want to invest in our company anymore? Alam mo bang malaking kawalan siya kung hindi siya pumayag? Gawin mo lahat para bumalik siya, dahil kung hindi, wala akong choice kundi tanggalin ka sa trabaho mo. I bet you really love your job, don't you?"

Napakagat-labi ako habang pinapakinggan ang sermon niya sa kawawang empleyado sa kabilang linya.

"Wala akong pakialam sa mga dahilan mo! Huwag kang gumawa ng excuses, okay? You're just dumb that's why you can't get his yes, Binabayaran ka para gawin nang maayos ang trabaho mo, I'm already expecting that Mr. Uyam will invest in our company or else you will say goodbye on your job!"

At walang sabi-sabing binaba niya ang phone.

Tangina, ang sungit talaga!

Biglang nanginig ang tuhod ko nang maalala kong ako ang susunod niyang kakausapin. Gusto ko nang umatras at tumakbo palabas, pero hindi ko na magawa-pumirma na ako sa kontrata para sa trabaho 'to!

"Ano? Tatayo ka nalang dyan?" malamig niyang sabi, sabay taas ng isang kilay nang mapansin niya ako.

Okay, final na 'to. Gusto ko nang umatras!

Magsasalita na sana ako para magpaliwanag, pero naunahan na naman niya ako.

"You're late Robles"

Napakunot-noo ako. Agad akong tumingin sa relo ko-8:00 AM pa lang, ibig sabihin sakto lang ako sa oras!

"Ma'am, as I remember 8:00 AM ang call time ko, at kung hindi ako nagkakamali, sakto naman po ako sa oras."

Ayaw ko siyang inisin, pero this time, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko kasi alam kong wala akong ginawang mali.

Napatawa siya sa sinabi ko.

Akala ko okay na, kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Pero biglang nag-iba ang expression niya, nanlamig ako at napayuko.

Putek, may bipolar ba sya?

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa swivel chair niya at lumapit sa akin.

Ano 'to?! Papatayin niya ba ako dahil lang sumagot ako?!

Napalunok ako habang sinusundan ang bawat galaw niya. Nang mas lumapit pa siya, napaatras ako habang ramdam kong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nakakatakot siya! Pero-aminin ko lang-ang ganda talaga ng mukha niya, lalo na nang lumapit siya. Kung hindi lang mabigat ang tension sa pagitan namin, baka napa-appreciate ko pa 'yung view.

"Give me your right hand" seryoso niyang utos.

"H-huh?" nalilito kong tanong

"Bingi ka ba? I said, give me your right hand!" bigla niyang sigaw.

Tangina, bakit siya sumisigaw?! Kahit nanay ko, hindi ako sinisigawan nang ganito!

"Ms. Sevilleja, ano pong ginagawa niyo?" kinakabahan kong tanong habang nakikita ko siyang tinatanggal ang relo ko.

"This is such a waste" malamig niyang sabi at bigla nyang tinanggal ang relo ko

At hindi niyo magugustuhan ang nangyari pagkatapos...

TINAPON NIYA SA BASURAHAN ANG RELO KO!!

GIRL, WALA KA BANG PUSO?!

"B-bakit mo ginawa y-un?" nauutal kong tanong habang pigil ang luha ko. Gusto ko na siyang sabunutan nang solid, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Tumawa lang sya.

"Una sa lahat, sobrang cheap ng relo mo. Pangalawa, bakit mo pa 'yan ginagamit kung hindi naman accurate? 1 minute late ang oras mo kumpara sa wall clock ko, kaya itinapon ko na lang."

"TANGINA PATI RELO KO DI MO PINALAGPAS, HA!."

Sa isip ko lang 'yan, siyempre.

Gusto ko siyang sugurin at pagdikitin ang mukha niya sa sahig, pero baka mag-hire ng assassin 'yung pamilya niya para patayin ako. Mahal ko pa ang buhay ko, kaya kalma lang.

Pero jusko, hindi ko na 'to kaya!

"Cheap and useless?" sarkastiko kong tanong.

"Yes, just like you." sagot niya sabay smirk.

AY TANGINA, HINDI NA 'TO PWEDE!

Sa isip ko, tumakbo ako papunta sa kanya, itinulak siya sa sahig, at sinabunutan

"STACEY SEVILLEJA! SOBRA KA NA TALAGAAAA!!"

"STOP IT! MASAKIT NA!!!" umiiyak niyang sabi habang nagmamakaawa.

HAHAHAHAHA! YES! LUMUHOD KA, BITCH!

...pero bigla akong napabalik sa realidad.

"Hoy Robles tumigil ka nga dyan 'ang creepy mong ngumiti! Sayang oras ko! Ang dami mong paperworks na gagawin oh, Go back to your work!" sigaw ni Stacey

Putek.

Yes, imagination ko lang 'yun.

Syempre, hindi ko talaga magagawa 'yun. Mahal ko pa ang buhay ko!

"Ano pang hinihintay mo? Bumalik ka na sa trabaho mo, stupid!" sigaw ulit niya.

Napapanic na ako.

Mukhang wala na talaga akong takas sa impyernong 'to.

Tatlong taon pa 'kami magsasama ng bruhang 'to?!

⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 1 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories