Fanfics

Prologue

08:52, 6 May 2026

Jhoanna's POV

I stood in front of the mirror, carefully checking every detail of my appearance. From the way my blouse fits, down to the smallest crease on my slacks-everything had to be perfect. This isn't just any ordinary day. Today is my job interview, and I can't afford to mess this up.

Huminga ako nang malalim, then gave myself a small, reassuring smile."You can do it, Jho," bulong ko sa sarili ko, trying to sound more confident than I actually feel.

Tinitigan ko pa yung reflection ko, as if I'm convincing myself that I'm ready-not just for the interview, but for everything that comes with it.

"Mukhang okay na talaga, ah?" biglang sabi ni Ate Colet mula sa likod ko. "Is this the sign na talagang naka-move on ka na?"

Napalingon ako sa kanya. Nakasandal siya sa pinto, nakatingin sa'kin with that teasing but knowing look.

"Alam mo, Ate Colet..." I sighed softly before answering. "Past is past. Tanggap ko na. Hindi ko na dapat lunurin yung sarili ko sa mga bagay na tapos na." I paused, then forced a firmer tone. "I moved on."

Bigla siyang pumalakpak and exaggerated pa.

"Sa wakas!" sabi niya, halos may halong drama. "Bumabalik ka na mula sa kahibangan mo. Akala ko magiging miserable ka habangbuhay. Thank you, Lord, nagising na siya!"

"Ate Colet, please stop!" reklamo ko, pero halatang natatawa rin ako kahit papaano. Pero siyempre, hindi pa rin siya tumigil agad.

"Wait, Jho," seryoso na ulit ang tono niya. Lumapit siya ng kaunti. "Bago ka umalis... just promise me one thing."

Napakunot noo ako. "Ano yun?"

"Promise me na hindi mo na uulitin yung ginawa mo dati," sabi niya, this time mas mahina pero mas mabigat yung dating "Kapag nakita mo siya... control your emotions. Ayokong makita ka ulit sa ganung sitwasyon."

Napabuntong-hininga ako. Of course. Ayaw ko na nga maalala, pero parang ayaw din akong tantanan ng mga alaala.

"Ate Colet, don't worry," sagot ko, pilit na kalmado ang boses. "I told you, naka-move on na ako. At saka..." I hesitated for a second. "He's married na. Hindi ako tanga para pilitin yung sarili ko sa taong hindi na para sa'kin."

I looked straight at her.

"Hindi ko na uulitin yung mistakes ko from a year ago." Tinitigan niya ako, parang sinusukat kung gaano ako kaseryoso. Then, slowly, tumango siya.

"Sana nga," sabi niya. "Pero please, Jho... learn from your mistakes. Yung ginawa mo last year-" she paused, "that was the last time na tutulungan kita."

Natahimik ako. Walang lumabas na sagot mula sa'kin, kasi alam kong tama siya.

"Go na," dagdag niya, this time mas magaan na ulit ang tono. "Baka malate ka pa sa interview mo. Good luck, Jho!"

"Ye-yeah... I should go," sagot ko, then grabbed my bag and hurried out of the house.

Paglabas ko, sinalubong agad ako ng ingay ng kalsada mga sasakyan, mga taong nagmamadali, lahat parang may kanya-kanyang laban sa araw na 'to.

Habang papunta ako sa sakayan ng bus, hindi ko maiwasang ulitin sa isip ko yung mga sinabi ni Ate Colet. Yung warning niya. Yung tiwala niya at yung takot na baka masira ko ulit yun.

I shook my head lightly. No. Hindi na.Pagpasok ko sa bus, agad akong naghanap ng bakanteng upuan. Buti na lang may nakita ako sa may bandang gitna, kaya dali-dali akong umupo.

I was about to zone out when-"Miss, may nakaupo ba dito?" tanong ng isang matandang lalaki, hawak ang kanyang dyaryo.

Napatingin ako sa kanya. "Ah, wala po, sir."

"Salamat," sagot niya habang dahan-dahang umuupo sa tabi ko.

Tahimik lang ako, nakatingin sa bintana, trying to calm my thoughts. Pero biglang nahulog yung dyaryo niya malapit sa paa ko.

"Oops-" sabi niya.

"It's okay po," mabilis kong sagot. Yumuko ako para pulutin yung dyaryo. But the moment my eyes landed on it-

I froze.

The bold headline stared back at me like it was meant to find me.

"After one year of being married, Taneo and his wife Aiah are planning to have their first child."

Parang biglang may humila pababa sa dibdib ko, parang may kung anong mabigat na hindi ko maipaliwanag. Bakit ganito? I already told myself ilang beses ko nang pinilit paniwalaan na naka-move on na ako.

So why... why am I feeling this way again? Bakit kahit anong deny ko, nandito pa rin?

Why can't I deny the fact that I'm still in love with him... and a part of me is still hoping na babalik siya? bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ng matandang katabi ko.

"Ahm, miss? Pwede ko na bang makuha yung diyaryo ko?" mahinahon niyang tanong.

Napakurap ako, saka agad napatingin sa hawak kong dyaryo.

"Ay-sorry po, sir," mabilis kong sagot, sabay abot nito sa kanya.

Ngumiti siya nang bahagya. "Okay lang. Kung gusto mo pa basahin, keep it," sabi niya, parang hindi nagmamadali. "Binili ko lang naman 'to kasi gusto kong basahin yung tungkol sa businesswoman na si Stacey Sevilleja."

Napakunot noo ko.

Stacey Sevilleja?

"No, sir, okay na po. You can have it," sagot ko, pilit ngumiti kahit magulo pa rin ang isip ko.

"Tingnan mo miss" sabi niya bago pa ako makapagsalita. Binuksan niya ulit ang dyaryo at itinuro ang isang pahina. "Tingnan mo oh. Siya si Stacey Sevilleja. Alam mo ba, idol na idol siya ng anak ko. Kaya lagi akong bumibili ng dyaryo kapag siya yung feature."

Inangat niya ang dyaryo para mas makita ko.

"Ang gandang bata, 'noh? Kilala mo ba siya?" dagdag niya, napatingin ako sa picture

At doon... parang may kung anong kumurot sa alaala ko. There's something familiar about her.

Hindi ko agad ma-pinpoint kung saan, pero sigurado akong nakita ko na siya dati. Her eyes, almost intimidating. Her aura was cold, pero hindi mo maiiwasang mapatingin.

I kept staring... trying to remember.Hanggang sa- Hindi... hindi pwede.

"Oh my God..." mahina kong bulong sa sarili ko. "Siya yung nakita ko one year ago... the bride"

── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ────

One Year Ago.

"Jhoanna ano ba! Piskit naman oh wag kang gumawa ng eksena dito!" sabi ni Ate Colet habang pinipigilan ako

"I will stop that wedding, Ate Colet! Taneo and I are meant to be, at di ko hahayaan na sirain lang yun ng mga magulang nya just because I'm not as rich as that girl!" umiiyak na sabi ko,

"Jho, gumising ka nga di ka nga nya maipaglaban oh! Iba ang pinili nya at hindi ikaw! Kaya please wag mo ng siraan yung kasal nila" sabi ni Ate Colet, habang nakayakap sakin.

Hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako papasok sa venue ng kasal.

"Jhooooo!" tawag ni Ate Colet mula sa malayo, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang akong tumakbo papasok sa venue hanggang sa marating ako

"This is it!" sabi ko sa sarili ko habang papalapit sa pinto.

Binuksan ko ito, at sakto ang timing ko-hindi pa dinideclare ng pari na mag-asawa na sila. Haysst, buti na lang, nasa side ko pa rin ang tadhana.

Pagpasok ko sa venue, lahat ng mata nakatingin sa akin. Ang daming tao.

" May tumututol ba sa kasalang ito?" tanong ng pari.

Ako na ang sumagot. "Ako! Itigil ang kasal!" sigaw ko.

Lahat ng tao sa kasal ay tumingin sakin, at parang ang init ng tingin nila. Pero hindi ko toh pinansin.

"Sinungaling yang lalaking yan! He's just marrying her for the money! I'm the one he truly loves!" sigaw ko

"Ako ang totoong mahal nya!We're lovers. He's just marrying this girl because she's rich same as them. It's just a fucking stupid wedding arrangement and I won't let this crap ruined our love. He truly loves me and I know, I'm the only girl he would love to marry so I beg to disagree this wedding and plss stop it" dagdag ko pa ng biglang nagsalita ang bride

"Is that true?" narinig ko ang malalim na boses ng bride.

"Stacey hon, plss let me explain. This girl is a liar and I don't even know her. Plss believe in me!" Taneo said to her.

Kumunot ang mga kilay ko nang marinig ko ang boses niya. Sandali, parang may mali? Hindi yata yun boses ni Taneo ahh. Parang nagbago na ang boses niya.

"I don't know her Stacey! Just listen to me!" Taneo looked at my direction while pointing me out and I'm shocked to see another person.

Oh my Goodness! Hindi siya si Taneo! Nanaginip ba ako? I go to a wrong wedding!

Anong ginawa mo, Jho!!??

Kailangan ko nang umalis dito agad-agad bago nila ako mahuli dahil sa gulong ginawa ko. Hindi ko naman balak sirain ang kasal nila, pero nagawa ko na. Ang tanga ko. Bakit hindi ko muna tinignan nang mabuti yung address bago pumunta? Gosh!

Habang hindi nila ako napapansin dahil abala sila sa pag-aaway, sinubukan kong tumakas at umalis dito bago nila ako makita.

Aiiish! Ang tanga ko talaga.

Naglalakad ako palayo sa eksena pero nahinto ang mga hakbang ko nang may narinig akong boses.

"And where the hell are you going?" Ang babaeng nakasuot ng wedding gown ay humarang sa akin.

F*ck my life! Ito na ata ang katapusan ko! Patay na!!!!

"Let me explain! Sorry, hindi ko po sinadyang sirain ang kasal ninyo. Nagkamali lang po ako. Maling kasal yun napuntahan ko, hindi po ito. Sorry talaga!" Nag-bow ako sa kanya habang umiiyak.

"Too late, the damage has been done," sabi niya ng seryoso at binigyan ako ng matalim na tingin. Oh my god! Nakakatakot siya. Pwede na akong mamatay sa mga titig niya.

"You need to pay for this," dagdag niya.

"Sorry, pls forgive-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may humila sakin, at nang tiningnan ko kung sino, nakita ko si Ate Colet.

"Kulit mo kase eh! dalian mo Jho, bago nila tayo mahuli," bulong sa akin ni Ate Colet habang hinihila ako palayo sa kanila. Oh my God! Salamat di umalis si ate Colet

Habang tumatakbo kami palayo sa eksena, sinubukan kong tanawin ang direksyon ng bride at nag "sorry" sa kanya. Well, yun na lang ang magagawa ko para sa gulo na iniwan ko sa kanila, lalo na sa kanya.

Napabuntong-hininga ako ng magaan nang malayo na kami sa venue ng kasal, pero bigla akong natakot nang marinig ko ang mga salitang. ...

"If we ever got a chance to see each other again, I'll make sure you can't escape from me anymore. Never!" Sigaw niya, at kahit hindi ko na siya makita, sigurado akong yung bride ang nag-iwan ng mga salitang iyon.

── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ────

Back to the Present.

"If we ever got a chance to see each other again, I'll make sure you can't escape from me anymore. Never!"

"If we ever got a chance to see each other again, I'll make sure you can't escape from me anymore. Never!"

"Ms. Robles?" Bumalik ako sa katotohanan ng may tumawag sakin mula sa likod ko.

"Yes po?" sagot ko.

"LSA Corporation has hired you. The CEO is impressed with your credentials you included to your resume that's why she wants you to sign this contract immediately and start working with her tomorrow She's waiting for you inside"

Wait. What? Pumasa ako nang walang interview? Seryoso? Baka nagkakamali lang sila

"Please sign the contract" sabi niya.

Tumango ako at nag-sign agad agad ng kontrata, kahit di ko po nababasa ang content ng nito

"Thank you, Ms. Robles. Come and follow me, the CEO is already waiting for you inside"

── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ──── ⋆⋅𖤓⋅⋆ ────

Sinamahan nya ako papunta sa opisina ng CEO, at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sobrang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero parang may hindi tama. Hindi ko alam kung ako lang, pero parang may masamang mangyayari.

"Ma'am, nandito na po siya," sabi niya sa CEO na hindi pa kami tinitingnan.

"Okay, pwede ka na umalis" sagot ng CEO, at medyo nakaramdam ako ng takot kasi parang pamilyar yung boses niya.

"Uhm- Goodmorning Ma'am, I'm your new secretary, Jhoanna Cristine Rob-" sabi ko, habang kinakabahan.

"Don't bother with formalities. I've known you from the start" sagot niya

Hindi ko halos kayang magsalita nang marinig ko siyang magsalita ulit. May something sa boses niya na nakakakaba at parang pamilyar siya sa akin, pero hindi ko lang ma-recall kung saan.

Nakilala ko na ba siya?

"Yes, you did."

Laking gulat ko nang sagutin ni Ms. Sevilleja ang mga iniisip ko.

Paano niya nasagot yun?

Sandali, totoo ba 'to? Nababasa ba niya ang isip ko?

"I can't, you're whispering what's on your mind that's why I can hear it" sabi niya. Tumalikod ang swivel chair niya nang dahan-dahan at nakita ko kung sino ang magiging CEO ko.

Agsjsjwnfkrkfjemvltkckfjfkdn!!!

Sa lahat ng tao!!! Bakit sya pa-

"Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja, ang CEO ng LSA Corporations at ang bride na sinira mo ang wedding exactly one year ago. Nice to see you again" sabi niya habang ngumingiti ng may pang-iinsulto sa akin.

Omg!!! Gusto ko na agad nag quit!!

"Welcome to hell, Robles," dagdag niya, mas lumalim ang ngiti niya-hindi na ito friendly, kundi parang may halong pananakot.

At bago pa ako makasagot, tumayo siya mula sa upuan niya, dahan-dahan, parang sinasadya niyang iparamdam sa'kin ang bawat segundo ng presensya nya.

"Don't even think about quitting," sabi niya,"You already signed a three-year contract with me, you're mine now"

"If we ever got a chance to see each other again, I'll make sure you can't escape from me anymore. Never!"

-

Note:

This story is not mine and is merely a Tagalog/Filipino adaptation of Wrong Wedding of Jenlisa written by jennielisaKM. All credits, recognition, and appreciation go to the original author. Full kudos to you, Authornim, for the amazing concept and inspiration behind this story.

This version is purely fictional and created solely for entertainment purposes. Any events, or situations mentioned are products of imagination and are not intended to represent real-life persons or events. If there are any similarities to actual people or events, these are purely coincidental and unintentional.

Thank You!🤍

14.9К2210

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories