Kabanata 6
18:24, 18 July 2022Lahat sila nagkakasiyahan habang nakain ngayon pero eto ako lugmok na lugmok. Hindi ko naman inakala na ako yung malas sa amin na magkakapatid na liligawan ni Juanito! Gosh! Parang ilang araw lang kami nagkakilala ah! Baka naman pakboi tong lalaki na'to
Pero hindi naman siya mukhang ganon actually ang maginoo niya tingnan pero ayos sana kung maginoo ngunit medyo bastos ang peg niya hihi-- Ay letsugas! Ano ba tong pinag iisip ko huhu
Susubo na sana ako ng kakainin ko ng biglang naramdaman ko na nakatingin silang lahat sakin. Bigla naman ako naconscious lalo na nasa harap ko lang si Juanito my gosh! Gusto ba nila ako titigan?!
Bigla naman lumapit sa akin si Ate Marie at bumulong "Carmela, may itinatanong si Tita Kristina sayo" Sabi niya sakin na kinagulat ko. Masyado na ba ko lutang huhu
"Uhm hehe ano po iyong tinatanong niyo Tita Kristina?" Hindi ko alam pero bigla ako kinabahan. Feeling ko nasa Q and A portion ako eh! Shocks, kumalma ka nga Carmela!
"Itatanong ko sana kung kailan mo sasagutin ang anak ko haha gusto ko na din kasi mag ka apo" Ewan ko pero bigla ako nabilaukan kaya to the rescue naman si Lola Emily at binigyan ako ng tubig. Shocks! Tama ba yung narinig ko o nakulangan lang ako ng tulog kanina?!
Ayos lang sana sakin tanungin kung kailan ko sasagutin yung anak niya na alam ko na hindi mangyayare yon dahil may nag mamay ari na tong puso ko at yon si Lander baby pero nakakagulat yung apo thingy! My gosh! Mukha na ba kong babae na ready na mag settle down?!
After ko makainom ng tubig, lahat sila nakatingin parin sa akin at halatang hinihintay ang sagot. So hinihintay talaga nila yung sagot ko? Nakakapressure ah!
Hindi pa nga ko nakakapagtapos ng pag aaral eh tapos pag anak na agad?! Napatingin naman ako kay daddy at wala sa mukha niya na ayaw niya sa topic actually mukha pa siyang excited! My goodness!
"Mukhang papahirapan ata ng anak ko ang anak niyo haha at bata pa sila masyado para magka anak Kristina. Hayaan natin na ienjoy nila ang isa't isa" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot ni Daddy. Gosh! Buti aware pa siya na bata pa ko at gusto ko pa magtapos noh!
"Sana lang kapag nag asawa sila sana marami ang maging anak nila, diba maganda yun anak Juanito?" Natutuwang sabi ni Tita kay Juanito na nagpatigil sa kaniya sa pagkain. GOSH! AKWARDNESS TO THE HIGHEST LEVEL NA TO AH! Pwede bang change topic na lang huhu
Uminom muna si Juanito bago niya sinagot ang Ina niya "O-Oo naman Ma, maganda nga iyon" Seryosong sabi niya at tumingin sakin sabay ngisi. Hindi ko alam pero feeling ko masusuka ako sa pinaguusapan namin gosh! At sinabayan pa ni Juanito itong trip ng nanay niya! Paano ba makaalis sa lamesang ito? Huhu
"Hmmm 12 na anak kaya? Para marami ang mga apo ko sa tuhod" Sabi ni Lola Emily na nagpagulat sakin. Seryoso ba si Lola 12 na anak?! Isang dosena?! Ano yon taon-taon ako manganganak?!
"10 na lang kaya" Sabi naman nung tatay ni Juanito. My goodness! Anong laban ng 10 sa 12? Eh dalawa lang naman diperensiya?! Pinagloloko na ba nila ko?
"Siguro ay 8 na lang" Sabi naman ni Dad na ikinagulat ko. Gosh! Pati ba naman si Dad?! Waaaah! Hindi ko na keribells ang mga nangyayare! Wala na bang ilolower diyan?! Anong akala nila sakin inahing baboy? Waaah!
"Anong sa tingin niyo Juanito at Carmela? Ilan kaya ang kakanin niyo?" Sabi ni Tita Kristina. Nagkatinginan naman kami ni Juanito at sabay sumagot
"Wala"
"Pito"
Bigla naman ako nagulat sa sagot ni Juanito. My gosh! Pito?! Sinasabayan niya pa ang pabidding ng pamilya namin ah! Shocks! Sinubukan ko kunin ang atensyon niya pero ang hinayupak na lalaki hindi man lang ako pinapansin!
"Ayaw mo ba magkaanak apo? Gustong-gusto ko pa naman magkaroon pa ng mga apo galing sayo" Nalulungkot na sabi ni Lola. Gosh! Ginagamitan na naman ako ni Lola ng paawa effects huhu
"La, hindi niyo naman kasi ako pinapatapos hehe WALA na po kasing sasaya kung magkakaroon man kami ng pitong anak ni Juanito sa pyutur hehe" hilaw na ngiti ko sa kanilang lahat na ikinangisi nila. Kahit si Juanito napangiti, letsugas ang korni ko ah!
After namin makakain ay nagkayayaan sila na magpasyal sa San Alfonso. Ngayon na lang daw kasi nakauwi ang Alfonso family dito kaya gustong-gusto nila mag ikot pero hindi na sumama si Lola Emily dahil wala daw magbabantay sa museo at si Daddy naman ay may pupuntahan na importante at muntikan na ko ipaubaya ni Daddy sa Alfonso dahil alam naman niya na wala akong gagawin pero buti na lang nandiyan si Ate Faith at sinabi na gagala kami sa plaza whew!
"Maraming salamat po Lola Emily sa umagahan na hinanda niyo sa amin. Sobrang sarap po ng mga ulam niyo lalong lalo na po iyong Kaldereta" Magalang na sinabi ni Juanito na ikinatuwa naman ni Lola "Mukhang totoo nga ang kasabihan 'A way into man's heart is through his stomach' ang totoo kasi niyan si Carmela ang nagluto non Juanito" Pagkasabi non ni Lola bigla naman ako pinagtinginan nila Daddy pati na rin yung mga Alfonso. Shocks! Yung mga malisyosong mata na naman nila gosh! Hindi naman ako nagluto non eh
Napatingin tuloy ako kay Ate Faith at nginisian niya ko sabay tingin ng may utang na loob ka sakin look. Haaaays! Kung alam lang ni Juanito na taga tikim lang ako sa kusina siguradong sigurado na makakasama siya sa bilang ng mga malnourished sa Pinas
Muli, nagpaalamanan na sila at nagpaalam din sakin si Juanito at tinanguan ko lang at nakarinig na naman ako ng "Yieee" sa pamilya namin my gosh!
Pagkaalis namin ay dumeretyo ako sa kusina at nagpatulong ako kay Therese sa pagluto ng Kaldereta Ala Montecarlos. Hindi ko din alam kung bakit ko to ginagawa! Para ba kay Juanito? Para hindi ako mapahiya once na magpaluto siya sa-- Gosh Carmela! Kaya ko to ginagawa ay dahil sa sarili ko. Oo tama Carmela! Tama yan! Tamang niloloko ko lang ang sarili ko! Waaah!
After ko makaluto, tuwang tuwa ako dahil masarap naman kinalabasan hehe #FeelingChef na ko ne'to ah!
Aakyat na sana ako sa kwarto pero bigla naman dumating si Ate Faith. My gosh! May kasunduan pala kami na pupunta kami sa Plaza kung kaya nag ayos na ko sa taas at nagsuot na lang ako ng floral dress at sabay na kami pumunta sa plaza
Pagkarating namin sa Plaza ay nagsisimula na ang parada. Napahanga ako sa ganda dahil sobrang colorful! Nakakatuwang tingnan! Naalala ko nung 5 years old ako pumunta din kami dito binubuhat pa nga ko non ni Daddy eh!
Pagkatapos ng parada ay dumeretyo kami sa may mga tindahan at bumili ng mga souvenir. Pasalubong lang sa friends ko sa Manila! After namin mamili ay dito narin kami nananghalian kasama ang ibang mga tao na nakiparada din kanina. May isang mahabang lamesa dito at nakakatuwang sumali sa kanila dahil magboboodle fight ata kaya naki join na din kami ni Ate Faith!
Sarap na sarap na sana ako sa pagkain nang may makita ako na lalaki na papunta sa lugar na kinatatayuan ko at wow ah! May kasama pa siyang babae na naka payong kaya hindi ko mamukhaan.
OMG! Babaero Spotted!
My gosh! Parang kanina hinaharot pa niya ko sa mansion ni Lola Emily tapos ngayon may iba naman siyang nilalandi! Sabi ko na nga ba looks can be deceiving eh! Hmp!
Akala ko pa naman iba siya sa iba.. Oh well isa din pala siya! Yan ba yung gustong ipaligaw sakin ni Daddy?! Gosh! Mas ayos padin pala si Lander kaysa sa Juanito na yan! Napairap na lang ako sa hangin dahil sa nakikita ko. Ang sakit makita sa mata ang mga taksil!
Tinanggal naman ng babae yung payong at nagulat ako na makita kung sino siya. My gosh! Don't tell me napatol si Juanito sa mas matanda sa kaniya?!
"Carmela!" Tawag sakin nung babae at agad siyang lumapit sa akin at iniwan si Juanito. Napatingin naman ako kay Juanito at nginitian niya lang naman ako at ewan ko ba ay bigla na lang ako napairap. Taksil!
"Huy Carmela! Pansinin mo naman ako! Namiss kitang bata ka!" Sabi ng babae nung nakalapit na siya sa akin "Hehe Hi Ate Ashley! Nandito ka pala! Bakit ka napapunta sa San Alfonso?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko na tiningnan si Juanito
"Huh? Hindi ko pa ba nasasabi sayo na ito ang probinsya ko? Anyway, ito pala ang kapatid ko na lalaki. Yung laging kinukwento ko sayo! Juanito! Halika! Ipapakilala kita sa kaibigan ko!" Sabi ni Ate Ashley na naging dahilan para mapanganga ako. Lumapit naman si Juanito habang naka ngiti parin sa akin "Carmela! Kapatid ko nga pala si Juanito. Juanito! Si Carmela nga pala kaibigan ko na nakilala ko sa States!"
"Kapatid mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Ate Ash. Shocks! Bat Hindi ko naalala na Ashley Alfonso ang buong pangalan ni Ate Ash! OMG!
"Oo Carmela haha hindi ba halata? Ang ganda ng lahi namin no?" Bigla naman ako napangiwi sa sinabi ni Ate Ash. Maganda naman si Ate pero si Juanito? No comment.
"Baliw ka talaga Ate haha anyway, kilala ko na siya and siya din yung tinutukoy nila Mama na nililigawan ko" Seryosong sabi ni Juanito kay Ate Ash. Wait! Anong sabi niya? Nililigawan niya? Sino? Ako?! Waaaah!
"What?! Nililigawan mo si Carmela?! What a small world ah! Na sayo na ang basbas ko lil bro" Sabi ni Ate Ash at sabay apir kay Juanito habang ako eto parang tangang pulang-pula. Kinikilig ba ko? Letsugas sadyang mainit lang sa Pilipinas Carmela!
Umalis na din si Juanito at nakikain narin sa iba habang kami ni Ate Ash ay pumunta sa sulok upang makipagkwentuhan at syempre hindi nawala ang tuksuhan niya sakin sa kapatid niya. Pinaliwanag ko naman na nagjojoke lang si Juanito pero tulad ng pamilya namin ay hindi siya naniwala.
Nagkwentuhan din kami tungkol sa fiancé niya na nakilala niya sa ibang bansa na si Mathew. Kinwento niya kung paano sila nagsimula pero ang ending ng pag usap namin ay yung samin padin ni Juanito my gosh!
"Akala ko pa naman ay inlove si Juanito doon sa kababata niyang si Helen pero ikaw lang pala!" Sabi ni Ate Ash sabay tumawa kaya tumawa na din ako na hilaw. Gosh! How will I escape this?!
Pag kahapon, sabay na kami umuwi ni Ate Faith dapat nga sasabay kami kila Ate Ash pero nung nakita ko yung mukha ni Juanito ay bigla ako napatakbo papunta sa bahay.
Pagkauwi namin ay pinaayos ako ni Daddy dahil may pupuntahan daw kami. If I know business meeting na naman to at sana wag ako ipagkasundo ni Daddy sa mga anak ng business partner niya hay!
Pero well, nagawa nga niya ko ipagkasundo kay Juanito doon pa kaya?!
Nagsuot na lang ako ng isang floral dress na off shoulder para mukhang presentable. Naglagay na din ako ng light make up and nag suot na din ako ng wedge para mag match sa suot ko.
Nung nasa sasakyan kami ay dumeretyo din kami sa isang malaking mansion. Mukhang makaluma na din pero parang narenovate na din ata to.
Nung nakapasok na kami ay may nag welcome sa amin na lalaki ay laking gulat ko ng makilala siya. Shocks! Siya yung tatay ni Lander
"Good evening Mr. Flores" Bati ni Daddy na nakakuha naman ng atensyon don sa lalaki, napatingin din siya sakin na parang inaalala kung saan niya siguro ako nakita "Carmela? Ikaw ba yan?" Tanong niya sa akin na nakapag bigla naman kay Daddy
"Kilala mo ang anak ko?" Takang tanong ni Daddy "Oo kilala ko siya" Sabi niya sabay ngisi sa akin at tiningnan niya na ako bahala sayo look kaya naki exchanged look din ako sa kaniya na thank you po pyutur daddy look hihi
Kinacareer ko na talaga to!
Ilang minuto din kami nag stay sa may living room ng may bumaba na babae sa hagdanan. Ang ganda niya ah! Pero syempre hindi ako papakabog dyosa naman kasi ako! Char hehe
"Oh anak nandito ka na pala anyway, uhm pare anak ko nga pala si Helen Flores and anak si Carmela pala Carmela Isabella" Sabi nung tatay niya saka siya ngumiti sa akin. Ganda ng ngiti niya ah!
Bigla naman ako napaisip kung saan ko narinig yung pangalan niya. Hmmm ay kay Ate Ash! Yung kababata ni Juanito na childhood sweethearts niya! My gosh! Ang gwapo ni Juanito ah!
Umalis bigla yung Helen kaya sabi ni Daddy ay sundan ko siya at dahil mabait ako ay hindi ako sumunod. Nagpaikot-ikot lang ako sa mansion nila at gulat na gulat ako ng may makita ako na dalawang tao
Mukhang masayang-masaya sila sa presensiya nilang dalawa. Napatingin ako sa lalaki at yung ngiti niya... ngiting hindi ko nakita pag magkasama kami. Bigla ako nakaramdam ng kirot at hindi ko alam kung bakit ba ko biglang nalungkot. Shocks Carmela! Ano bang nangyayare sayo?
Aalis na sana ako ng makagawa ako ng kaluskos kung kaya nakita nila ko dalawa. OMG! Bakit ngayon pa? Ang shunga ko naman. Sinasadya ba ng tadhana?
"Carmela ikaw ba yan?" Tanong sa akin ni Helen habang lumalapit siya sa akin. Agad ko pinunasan ang mga luha ko na nasa pisngi ko. Bakit ba kasi ako umiyak?! Nung naka lapit na siya ay saka lang ako humarap at kitang kita ko ang pag ka gulat sa mukha ni Juanito. Napangiti na lang ako ng mapait
"Ako nga Helen sorry ah naistorbo ko ata kayo haha nag ikot ikot kase ako dito sa mansion niya at ang ganda.. ganda ng mga nakita ko" Sabi ko habang nakikita ang kamay nila na magkahawak. Gosh! Ngayon lang ba ko nakita niyan at bat ba ko parang nasasaktan?!
"Carmela, bakit ka nandito?" Tanong sa akin ni Juanito at parang kinakabahan siya. Wow! May pakaba kaba pa siyang nalalaman! Akala mo naman nahuli siya na may ginagawang kataksilan.. hindi nga ba? God Carmela!
"Uhm sinama kasi ako ni Daddy dito kasi may pinag usapan ata kasama yung tatay ni Helen" Agad naman siya napabitaw sa kamay ni Helen. So takot siya kay Daddy? Dapat lang! Ughhh
"Sige mauna na ko baka hinahanap na ko ni Daddy. Magandang gabi sa inyong dalawa" Sabi ko sabay mapait na napangiti sa kanila
"Wait! Carmela!" Bigla naman ako natigilan nung tinawag ako ni Juanito at naririnig ko na palapit siya sakin. Gosh Carmela! Bat ka biglang kinabahan? Nung nakarating na siya sa pwesto ko ay tiningnan niya ang pagmumukha ko.
Napaiwas ako ng tingin. Bigla naman siya nagsalita "Ayos ka lang ba? Bakit parang umiyak ka?" Kinabahan naman ako bigla at saka nag isip ng palusot
"Huh? Ayos lang ako Juanito! At napuwing lang ako haha sige na pumunta ka na kay Helen" Nakangiting sabi ko sa kaniya "Sigurado ka?" Tanong pa niya at sasagutin ko pa sana siya ng tinawag siya ni Helen
"Sige na mauna na ko paalam Juanito" Yan ang huli kong sinabi saka ako naglakad palayo sa kanilang dalawa
Dear Diary,
Bakit ganto nararamdaman ko?
Bakit ako nasasaktan?
Ano yung mga pinakita niya sakin nung una?
Gosh! Ayoko na umasa..
Parang mararanasan ko na naman ata ang one sided love ah
Nasasaktan, Carmela
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Perfect Storm [Dave East FanFic]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/4323/conversions/c04c927e58c4838e780c1c92087cda7f.jpg)



