20
16:42, 20 March 2025Tinitigan ko ang papel sa harapan ko, ang mga salita ay naglalaro sa isip ko.
Celine Lirazan. Viviana Lirazan-Dela Fuente. At ngayon... may isa pang pangalan na biglang sumulpot sa imbestigasyon ko.
Illustre.
Ang pamilya ni Noelle.
"Abigail, sigurado ka bang gusto mong gawin 'to?" tanong ni Detective Alcaraz, nakakunot ang noo habang nakaupo sa tapat ko.
Nasa loob kami ng isang tahimik na diner, at katatapos lang niyang ilatag sa akin ang impormasyon na nakuha niya tungkol sa pamilya Illustre—ang pamilya ni Noelle.
"Hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman ang totoo," sagot ko nang matigas.
Napabuntong-hininga siya. "May isang bagay kang dapat mong malaman tungkol sa pamilya Illustre... at kung paano sila konektado kay Celine Lirazan."
Hinugot niya mula sa envelope ang isang lumang dokumento at isang lumang larawan.
"Ano 'to?"
Tinapik niya ang dokumento. "Birth records."
"Birth records?" Inabot ko ito at sinimulang basahin. May isang pangalan na agad kong napansin—Celine Lirazan.
At sa ilalim nito... may isang pangalan na hindi ko inaasahan.
"Bakit nandito ang pangalan ni Richard Illustre?"
"Dahil siya ang nagproseso ng ilang mahahalagang legal na papeles para kay Celine ilang dekada na ang nakalipas," sagot ni Detective Alcaraz. "At mukhang mas malalim ang koneksyon nila kaysa sa iniisip mo."
Napalunok ako. "Anong klaseng koneksyon?"
Bumuntong-hininga si Detective Alcaraz bago inilagay ang lumang larawan sa harapan ko.
Tatlong tao ang nasa litrato—isang lalaking nakaformal suit, isang babaeng may hawak na sanggol, at isang mas batang babae na nakatingin sa kanila mula sa gilid.
Ang lalaking nasa litrato... si Richard Illustre.
At ang babaeng may hawak ng sanggol... si Celine Lirazan.
Nanlamig ang buong katawan ko.
"Detective... anong ibig sabihin nito?"
"Hindi pa natin alam ang buong detalye, pero isang bagay ang sigurado—si Richard Illustre at Celine Lirazan ay may nakaraan."
"Nakaraan?"
Tumango siya. "At posibleng ang connection nila ang dahilan kung bakit may gustong magtakip sa katotohanan."
Nilingon ko ulit ang litrato, hindi pa rin makapaniwala.
Anong relasyon meron si Mama kay Richard Illustre?
At paano ito konektado sa lahat ng nangyayari ngayon?
"Kung gusto mong malaman ang totoo," mahina ngunit matigas na sabi ni Detective Alcaraz, "kailangan mong hanapin ang taong kayang magbigay ng sagot."
"Sino?"
Bumalik ang tingin niya sa litrato, saka marahang tinuro ang batang babaeng nasa gilid.
Viviana Lirazan-Dela Fuente.
Ang kapatid ng mama ko.
At ang ina ni Saoirse.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


