Fanfics

19

16:42, 20 March 2025

Nakaupo ako sa kama, nakatitig sa puting sobre sa harapan ko.

Ito na 'yon.

Ang sagot sa tanong na bumabagabag sa isip ko nitong mga araw na lumipas.

Dahan-dahan kong binuksan ang sobre, nanginginig ang mga kamay ko habang hinihila ang papel mula sa loob.

"Genetic Relationship: Abigail Velasco – Saoirse Vivienne Dela Fuente"

Mabilis kong hinanap ang resulta sa dulo ng dokumento, at nang mabasa ko ang sagot, parang naubusan ako ng hangin.

"First-degree cousin match detected."

Nanlaki ang mga mata ko.

Pinsan ko si Saoirse.

Hawak ko ang papel nang mahigpit, parang takot akong mabitawan ito. Hindi ko alam kung paano ko dapat maramdaman 'to. Dapat ba akong matuwa dahil sa wakas, may konkretong sagot na ako? O mas lalo lang dapat akong matakot sa kung ano ang ibig sabihin nito?

Kung magpinsan kami, ibig sabihin... magkapatid ang mga nanay namin.

Si Celine Lirazan... at si Viviana Lirazan-Dela Fuente.

"Pero bakit kailangang itago ito?"

Huminga ako nang malalim. Ngayon, hindi na ito simpleng misteryo tungkol sa pagkatao ng nanay ko. Mas malalim pa ito—isang bagay na pilit itinago sa loob ng maraming taon.

At ang tanong na hindi ko maiwasang tanungin sa sarili ko—kung magkapatid ang mga nanay namin, alam kaya ni Saoirse ang tungkol dito?

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories