Fanfics

Chapter 6

17:59, 27 May 2023

Szymon's

"Goodmorning, Nay." bati ko kay Nanay nang makita siya sa kusina na nagluluto ng umagahan.

"Goodmorning, Apo. Buti at nakabihis kana, Mon. Halika na at umupo. Kumain ka muna bago umalis papuntang eskwelahan." sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Ang bango talaga ng sinangag niyo, Nay!" puri ko sa sinangag ni Nanay.

"Aba'y galing pa sa mga ninuno natin ang recipe na yan kaya dapat masarap." ngumiti naman ako kay Nanay at nagsimula ng kumain.

"Kain ka na rin, Nay." tumango naman ito at umupo na sa bakanteng upuan na nasa tapat ko.

May pasok kasi ngayon. Kasalukuyang 4th year student ako sa kursong Psychology, balik ko rin kasing kumuha ng Law kung papalarin.

Habang kumakain ay biglang nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag-text.

Napangisi ako ng makita ang pangalan ni Samantha sa screen.

"I told you, those flowers are for you, hindi kay Veina, I picked it myself, how dare you gave it to her?"

Mas lalo akong napangisi sa text niya, nagpadala kasi siya ng bulaklak at ang sabi ay pumili raw ako ng magandang bulaklak na magugustuhan ko at sa tingin ko na magugustuhan ni Veina para raw mai-prepare niya ng maayos kapag nagsimula na siyang tulungan ako kay Veina.

Nagbiro ako na binigay ko na kay Veina yung bulaklak na pinadala niya kaya ngayon ay naiinis.

"Hey don't you dare ignore me.Gosh Mon, you're getting intomy nerves."

Text niya ulit. Tumigil naman ako sa pagkain at nagsimulang mag-type.

"Akala ko kasi para na kay Veina yun,hindi mo naman kasi sinabi agad."

Reply ko.

"Mon, nasa hapagkainan ka, ibaba mo muna yang telepono mo." napatingin ako kay Nanay at tumango tsaka ko binitawan ang cellphone ko.

It's been three days na rin kasi simula nung party niya sa hacienda nila at kung ano ano pinapadala dito na kesyo daw piliin ko kung ano gusto ko at gusto ni Veina para daw may idea na siya.

Una unang pinadala dito ay iba't ibang klase ng prutas na galing pa sa mga farm nila at pinapili nga ako, siya daw ang namitas nun.

Ikalawa, nagpadala ng iba't ibang ulam at sinabing pumili raw ako ng gusto ko at sa tingin ko na magugustuhan ni Veina.

At ngayon ang iba't ibang klase naman ng bulaklak, yung iba ay nilagay ko sa vase ni Nanay at yung puting tulip ay nilagay ko sa kwarto ko, ngayon lang kasi ako nakakita ng tulip at yun ang nagustuhan ko.

"Nay, alis na po ako." paalam ko kay Nanay bago lumabas ng bahay.

Nagsuot ako ng helmet at sumampa sa  bigbike ko na ilang taon kong pinag ipunan galing sa allowance na binibigay ni mama sa'kin hanggang sa nabili ko na rin ang bigbike na gusto ko, it's Kawasaki Ninja 400 sa susunod ay makakabili rin ako ng ducati, manifest lang ng manifest.

At dahil hindi ako katangkaran ay nagsusuot ako ng sapatos na may heels para maabot ang semento.

Paglabas ko ng gate namin ay sakto naman ang pagdaan ni Veina, hindi ko na pinalampas kaya inaya ko na siyang sumabay sa'kin papuntang school.

"Oh, Veina. Sumabay ka na sa'kin." bungad ko sa kaniya at tinaas ang face shield ng helmet ko.

"Talaga, Mon? Wala kasi si Papa na maghahatid sa'kin dahil maagang pumasok."sabi niya sa'kin.

"Kung ganun tara na." ngumiti naman siya sa'kin, damn, ang ganda.

Mabilis kong hinubad ang helmet na suot ko at inabot sa kaniya.

"Pano ka?" tanong niya.

"Okay lang, mas importante ka." sagot ko, nagtataka naman siyang tiningnan ako.

"I mean, mas importante ang sakay sa likod. Lika suot ko sayo" tumango tango naman siya sa sinabi ko.

Dahan dahan kong pinasuot sa kaniya ang helmet ko, nanginginig pa ang kamay ko niyan.

Lintek na pag-ibig 'to kung ano ano nagagawa, pati helmet nabibigay.

"Kapit ka mabuti ha." sabi ko.

Bigla naman akong nanigas nang bigla siyang yumakap sa bewang ko, hindi ako prepared.

"Mon? Okay ka lang ba?" tanong niya.

"A-ah oo, ayos lang. Alis na tayo." sagot ko. Winaksi ko naman sa isip ko ang kilig at nagsimula ng mag-drive.

Habang nasa biyahe ay hindi ko pa rin mawala sa isip ko na yakap yakap ako ngayon ni Veina, pangarap na natupad.

"Ngayon lang ako nakasakay sa big bike." rinig kong sabi niya sa likod ko.

"Pwede ka namang sumakay araw araw, abangan mo lang ako sa labas ng bahay." pabiro kong sabi sa kaniya.

"Sige ba, pag hindi ako maihahatid ni Papa sasabay ako sayo." sagot niya, feeling ko ay pulang pula ang mukha ko ngayon, pumayag talaga siya?

Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa school.

Nauna siyang bumaba syempre, pinark ko naman ang motor ko at bumaba na rin.

Inabot niya naman sa'kin ang helmet ko.

"Salamat, Mon ha." pagpapasalamat niya.

"Wala yun, iisang school lang naman tayo e." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Bigla naman itong tumingkayad at binigyan ako ng kiss sa cheeks. Bigla akong natulala sa ginawa niya.

"Mauuna na 'ko, Mon." pagpapaalam niya at wala sa sarili ko naman siyang tinanguan.

Damn, that was the sweetest kiss I've ever received.

Samantha's

How dare she? Pinaghirapan kong pitasin yun, hindi ko naman sinabing ibigay niya na kay Veina, sinabi kong pumili muna siya. Nakakainis.

"Oh, yung wrinkles mo." I rolled my eyes on Kath, my friend here, the dean of the only university here in province.

Napadaan kasi ako dito kanina para mag libot libot, my dad owns this university so yeah, he wants me to visit this too.

"Tss, btw this school has a lot of improvements, I remember my first time visiting here hindi pa gaanong kaganda." sabi ko.

"Well, as it should. Hindi naman pwedeng pangit ang school na 'to." Tumayo ako sa upuan ko at nilibot ang paningin sa loob ng opisina niya, napadako ang tingin ko sa mga awards and trophies na nasa lamesa.

So many achievements.

Napakunot naman ang kilay ko ng makita ang familiar na mukha.

Mas nilapitan ko pa lalo.

Is this Mon? Confirmed it's her.

So she plays taekwondo. Halos half ng pictures na nakasabit sa dingding ay sa kaniya.

"Oh that's Szymon Savedra, one of the most outstanding athlete in our university. She plays taekwondo ever since, siya palagi ang representative." sabi ni Kath.

Woah, she impressed me.

"Interesting right? She's one of the famous student here in our university also. Besides from her being active in sports she's also active in academic, she's always on top." dugtong ni Kath.

"She's also famous with boys, well with girls too. She has this angelic face that everyone wants, the campus angel."

"Despite of being famous here, she's still shy, hindi pa rin sanay."

Napangiti ako sa mga nalaman ko tungkol sa kaniya, she's almost perfect pero hopeless romantic pa rin.

"Alright, I'll just visit here again once na may time ako, Kath. Nice to see you again." Lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

Pagkatapos non ay lumabas na ako sa opisina niya.

Pagkalabas ko pa lang ay maraming studyante agad ang nagtinginan sa'kin.

Nagsimula na ring magbulong bulungan ang mga tao sa paligid.

"Damn, who's that? She's gorg."

"Ang ganda beh."

"She's familiar, I think I saw her somewhere."

Yan ang mga naririnig kong bulungan ng studyante.

Well, I'm not here to entertain you guys.

Nang makarating na ko sa parking ay natigilan ako ng makita si Mon together with Veina na kakababa lang sa big bike.

Sabay silang pumunta rito?

"Woah." sabi ko ng makitang hinalikan ni Veina si Mon sa pisngi nito.

And that girl literally became a statue, really? Naging bato bigla?

"What a good sight for an eye sore." sabi ko bago pumasok sa sasakyan ko at nag-drive paalis ng university.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories