Chapter 5
17:40, 26 May 2023"Mon, nakabihis ka na ba?" rinig kong tanong ni Nanay sa labas ng kwarto ko.
"Opo, inaayos ko lang ang buhok ko." sagot ko.
Nagbibihis na kasi ako para makapunta na kami sa hacienda ng mga Cervantes.
Tiningnan ko naman ang sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko.
Napangiti ako ng makita ang kulay pink na dress na suot ko. It looks comfy, hindi masyadong maliit at saktong hapit lang sa bewang ko.
Kinuha ko ang sling bag sa kama at lumabas na nang kwarto.
"Aba'y bagay na bagay talaga sayo yang dress, Mon." napangiti ako sa sinabi ni Nanay.
"Sobrang ganda ko ba, Nay?" Pabirong tanong ko kay Nanay.
"Nako ay tara na baka ma-late tayo sa party." pag-iiba niya ng usapan na alam kong biro niya kaya kumabit ako sa braso niya at sinandal ang ulo ko sa balikat ni Nanay. Ganyan kami mag-bonding.
"Kuya Ed!" tawag ko kay Kuya Ed, magpapahatid kasi kami sa kaniya sa Hacienda.
"Tara na, Nay." pinauna kong pinasok si Nanay sa loob ng tricycle tsaka ako sumunod.
"Sa Hacienda de Cervantes lang kuya ha." sabi ko kay Kuya Ed na sinang-ayunan niya naman.
Masarap ang simoy ng hangin tuwing gabi, malamig lamig. Sayang ay hindi ako nakadala ng cardigan, sleeveless pa naman 'tong dress ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa Hacienda, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito simula nung nag-resign si Nanay.
"Nay, tara na po." sabay naman kaming naglakad ni Nanay papasok sa loob.
Nauna na kasi sina Joli kanina at mukhang excited na talaga siya kaya hindi na makapaghintay kanina.
Pagkapasok namin sa loob ay maraming tao agad ang bumungad saamin, yung iba ay mga opisyales ng barangay at munisipyo na malapit sa pamilya nila pati nga rin ang Mayor ay nandito din. Ang gara naman.
"Monnn!" napalingon ako sa boses ni Joli na sumisigaw na naman, nagmano naman ito kay Nanay.
"Dun tayo sa table namin." masayang sabi niya.
Akala ko ay dalawa lang sila ng Mama niya pero pati si Veina at Jed pala ay nandito din sa table nila.
"Hi, Mon!" bati ni Veina sakin. Bigla namang kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba.
"Hi, Veina." bati ko rin sa kaniya.
Umupo na kami ni Nanay.
"Napakaraming tao pala, Mon." Bulong ni Nanay sa'kin.
"Malaking tao ho kasi ang mga Cervantes kaya 'wag na tayong magtaka, Nay." bulong ko rin sa kaniya.
"Good evening, ladies and gents." lahat kami ay napalingon kay Samantha na kasalukuyang nasa gitna at may hawak hawak na mic.
"I am so glad that you are all here in my oh so called party." sabi niya sabay tawa.
"Now that you are all here, the party will start now. We prepare some foods to eat over there and you are free to eat what you want. And this center area is open for those who wants to dance. Enjoy this evening, everyone!" huling sabi niya kaya nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid.
Habang papaalis ito sa gitna ay napansin ko naman ang suot niyang backless silk dress, hindi ba siya giniginaw?
"Mon, tara kuha tayo foods." napatingin naman ako kay Veina.
Ngumiti ako at tumango sakaniya, nilingon ko naman si Nanay at sinabing kukuhanan ko siya ng pagkain pero sabi nito ay mamaya na raw siya dahil nagk-kwentuhan sila ng Mama ni Joli at ibang kakilala niya.
Sabay sabay naman kami nina Joli at Veina tumayo at itong Jed ay sumama pa.
"Ang sosyal ng party nila tapos ang ganda ganda ni Sam sa suot niya, mukhang mamahalin talaga siya." sabi ni Joli.
"True, she's like a living goddess. I want to be like her." pagsang-ayon ni Veina.
Tanging pakikinig lang ang ginawa ko sa usapan nila kasi wala naman akong sasabihin at isa pa ay naiinis ako dito sa lalaking buntot nang buntot kay Veina.
"Hi." bigla akong napalingon sa taong kumalabit sa'kin sa likod.
Mabilis na kumunot ang noo ko ng makita kung sino yun.
Hindi ko naman siya pinansin at pumila na rin sa buffet.
"Hey, why are you ignoring me?" hindi ko pa rin siya pinansin, mabuti at hindi pa napapansin ni Joli at Veina 'to sa likod ko.
"Oh right, napahaba ang tulog ko kanina and I woke up at 12 noon, nawala sa isip ko na may usapan pala tayo." bakit ba siya nagpapaliwanag?
"Hey." kalabit niya sa'kin ulit. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya pinapansin. Like ano naman kung hindi siya nagpakita kanina, ano bang paki ko?
"Mon, I'm---" hindi natapos ang sasabihin niya ng may tumawag sa kaniya.
"I'll talk to you later." huling sabi niya bago umalis.
Buti nga at umalis na.
Sumunod na rin akong kumuha ng pagkain sa kanila, konti konti lang ang kinukuha ko dahil hind ko naman kayang ubusin yung marami.
Nang makabalik na kami sa table namin ay wala na si Nanay at yung Mama ni Joli, nilibot ko naman ang paningin ko at nakita silang nasa kabilang table kasama ang Mayor.
Nagsimula naman kaming kumain at nagsimula na ring magkwentuhan.
"Masarap 'to, Mon." sabay lipat niya ng buttered shrimp sa pinggan ko.
Napalunok naman ako ng makita yun, allergy kasi ako sa hipon.
"Ah kasi Veina..." hindi ko natapos ang sasabihin ng makuha na naman ang pansin namin ni Sam na nagsasalita sa gitna.
"Btw guys, we have a lot of drinks there. So drink all you want, that's all continue to your business." sabi niya bago tumungo sa table namin.
"Hi guys." bati nito samin, I continue eating while she sat beside me.
"Oh, buttered shrimp, I like it." nagulat ako sa pagkuha nito ng hipon sa plate ko ay kinain yun.
Wth? Magt-thank you ba ako or magagalit kasi naman bigay yun ni Veina!
"Are you guys enjoying?" tanong niya.
"Oo naman, Sam! Ang daming pagkain at may inuman pa mamaya!" tatawa tawang sabi ni Joli, wala talagang hiya sa katawa 'to.
"Yes, Joli. You can drink whatever you want. How about you, Veina? And Jed? Am I guessing right?" tanong niya sa dalawa.
"Oh yes, nag-eenjoy kami. Ngayon nga lang rin ako nakapasok dito." sagot ni Jed,
"Well, just enjoy the night with this gorgeous lady." turo nito kay Veina, nang-aasar ba siya?
"Btw can I borrow, Mon? I want to thank her for helping me yesterday." napatingin naman ako sa kaniya.
Hindi pa man ako nakakatanong kung anong gagawin ay hinila na ako nito paalis dun sa table namin.
Kinaladkad niya ako.
"Hoy ano ba, may humahabol ba sayo?" tanong ko sa kaniya habang hinihila ako nito.
Nakapasok na kami hanggang sa loob ng mansyon nila at hindi na ako nakapagsalita.
Wow.
Kung maganda sa labas ay mas maganda sa loob. Ang laki.
Puno ng pagkamangha ang mukha ko ngayon.
Naagaw ang atensyon ko ng nagsimula kaming tumakbo paakyat ng hagdan nila. Teka saan na kami pupunta?
"Hoy, Sam! Saan ba tayo pupunta?" hindi pa rin to sumasagot hanggang sa makapasok na kami sa isang kwarto.
Na alam kong kwarto niya dahil sa portrait niyang nakadisplay sa pader.
"Ano ba?" naiinis ko ng tanong pero umupo lang ito sa kama niya at huminga ng malalim.
"Nakaka-drained, I really don't like parties." E bakit nagpa-party?
"Wait." tumayo ito at pumasok sa isang pintuan na walk in closet niya at may kumuha.
"Wear this." sabi niya sabay hagis sa'kin ng cardigan.
"Your shoulders are shaking, naisip kong baka giniginaw ka." hindi ko naman na yun tinanggihan at sinuot na din, lamig na lamig na kasi ako kanina pa.
"Thanks." sabi ko.
"Can we postpone our plan? May we start it next week? My Dad wants me to check the whole hacienda and it will take me a week to finish it but I'll promise to fulfill our plan once I'm done." napatingin ako sa kaniya.
Right, hindi naman ako nagmamadali.
"Sure." sagot ko.
"Here, give me your number so I can contact you." sabi niya sabay abot ng cellphone niya sa'kin.
Tinanggap ko naman yun at tinype ang number ko tsaka sinave.
"Thanks, Pr-- Mon." sabi niya, hindi ko naman pinansin ang pagkautal niya at pinagsawalang bahala yun.
I just want to let Veina know that I like her, that I want to call her mine and I want to take care of her.
That's all, that's all I want.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)




