Chapter 17:Targeted
14:17, 6 May 2026Jhoanna's POV
Everything feels right when you're with someone you love. Stacey and I have been dating for almost a week, and I feel like I'm the luckiest girl in the world knowing that she's mine.
Dalawang araw na lang, birthday na din niya. Wala siyang idea na alam ko kung kailan 'yun. She never mentioned it, pero hindi niya alam na may plano na ako kung paano ko gagawing extra special ang araw na 'yon.
As much as possible, gusto kong bigyan siya ng something memorable and special, pero wala akong maisip na perfect gift para sa kanya. Napapakamot na lang ako sa ulo every time iniisip ko 'to. Ano bang gagawin ko? Wait, I think I need help.
Si Johan agad ang pumasok sa isip ko. Since he's a guy and nagkaroon na ng ilang girlfriends before, baka may maibigay siyang magandang advice. Plus, magaling siya sa mga suggestions.
I pulled out my phone and dialed his number. Napairap ako nang hindi niya sinagot. Tinawagan ko ulit, pero out of reach pa rin.
Biglang may sumagot sa kabilang linya. "Ano nanaman kailangan mo Ate Tin?"
Haysst! Finally, sinagot niya rin!
"Are you deaf or sinasadya mo lang hindi sagutin ang phone mo? Ilang beses na kitang tinatawagan!?"
Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Ate Tin, please... wala ako sa mood, so stop disturbing me."
"I don't care kung wala ka sa mood! Kailangan kita ngayon, so whether you like it or not, wala kang choice kundi tulungan ako!"
Alam kong demanding ako, pero wala siyang karapatang magreklamo. Mas matanda ako sa kanya, kaya kahit ayaw niya, wala siyang magagawa.
"Ate Tin, please wag ngayon," pagmamakaawa niya.
"Mas lalo kitang guguluhin kung hindi mo ako tutulungan."
"Fine! Ano bang kailangan mo?"
Ngumiti ako nang mapansin kong nagbago agad ang isip niya. Haha! Perks of being an older sister!
"Nagka-girlfriend ka na, 'di ba?"
"Yeah, madami na. Bakit bigla kang interested sa lovelife ko?"
"Sobrang feeling mo talaga ang asim mo naman, so eto na, a-ah ano kase may friend ako na may girlfriend. Nahihirapang siyang mag-isip ng ireregalo sa birthday nung girlfriend nya . Gusto niyang gawing special, pero wala siyang maisip. Since expert ka na sa ganitong bagay, baka may ma-suggest ka."
Of course, hindi ko aaminin na sarili ko 'yung tinutukoy ko. Hindi ko pa rin fully naiintindihan ang sexuality ko. Never akong nagkagusto sa ibang girls-si Stacey lang. But who cares?
"Hihingi ka lang ng favor manlalait kapa talaga tsk! Pero in that case edi ibigay mo na lang number nung kaibigan mo para ako na lang kumausap sa kanya."
Wait... parang nagiging suspicious siya.
"Busy siya, wala siyang time makipag-usap. Just give me your ideas, okay?"
"Fine! Bigyan niya kamo ng chocolates, stuffed toy, o flowers. Kung mahilig sa surprises, balloons. Kung may talent, serenade. Kung wala, kahit kanta lang, okay na 'yun. Happy ka na? Pwede bang lubayan mo na ako?"
"Waiiit! Ang corny ng ideas mo, lakas maka high school! Sure akong hindi niya magugustuhan 'yun. More ideas, please."
"Tsk! Paano ko malalaman kung ano gusto niya? Hindi ko naman kilala yung girlfriend ng kaibigan mo!"
"Mayaman siya! Nagka-rich girlfriend ka na ba o puro maaasim lang naging girlfriend mo? Baka may mas maganda kang suggestion?"
"Epal talaga toh buhay oh, kung mayaman? Eh di bigyan nya ng silver necklace o bracelet. Mas sentimental 'yun."
Hmm... good idea, pero hindi special. Stacey is already rich, sanay na siya sa luxury. Kahit pinakamahal na jewelry sa Pilipinas pa 'yun, hindi na bago sa kanya. She deserves something more than just an expensive gift.
"Do you have a better idea?"
"Alam mo Ate Tin, hindi naman sa regalo 'yan. Ang importante, iparamdam nung kaibigan mo kung gaano ka special yung tao"
Natahimik ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Bakit nga ba nakafocus lang ako sa regalo? Dapat iniisip ko rin kung paano ko maparamdam kay Stacey na mahalaga siya.
"Johan! Salamat! Kahit ang corny mo! Promise, sa next sahod ko, bibilhin ko lahat ng gusto mong libro!"
"Talaga? Susss talkshit ka naman ehh pero sige, aantayin ko yan Ate Tin ha!"
_
Timeskip-
After a hour nakarating na ako sa Mall. Sobrang excited para bumili ng pwede kong iregalo for Stacey.
Habang naglalakad, bigla akong hinila ng isang babae.
"Uy Miss! Try mo 'tong mga jewelries namin! Bagay 'to sayo!"
Napairap ako. Sales talk na naman.
"Ano ba-"
"Please, tingnan mo lang!"
Napilitan akong sumilip. Maganda nga ang mga jewelry nila. Siguro, pwede ko na tong bilhin as one of Stacey's gifts.
"Haysst! Naiinggit talaga ako sa mga taga- Manila! ang kikinis!" reklamo ng saleslady.
Napatawa ako. "Di naman po lahat, Look at me, galing pa akong probinsya."
"Gano'n ba?! Sige, dahil dyan bibigyan kita ng discount!"
Ngumiti ako at tumingin na sa mga jewelries.
"Para kanino 'tong bracelet?"
"Para sa girlfriend ko po."
"Ay hindi na ako nagulat. Mukha namang talagang into girls ka."
Napakunot noo ako. Grabe 'tong babaeng 'to ahh!
"Huwag kang mag-alala, uso na 'yan ngayon," dagdag pa niya, sabay tapik sa likod ko.
Uso lang pala ha!
Tsk! Nanggigigil ako, pero bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang phone ko.
Pagkarinig ko ng ringtone ng phone ko, agad kong kinuha sa bag at sinagot.
"Jho, where are you?" agad na tanong ni Stacey, halatang naiinis at nag aalala
Napakurap ako. "Ay? Huh? Ano kase nasa labas lang, Why?"
"May meeting ang boards ngayon, remember? Kanina pa kita hinahanap sa office"
Nanlaki ang mata ko. Ay, patay! Nakalimutan ko!
"Uh... sorry, hon! May inasikaso lang ako sandali, pero on the way na ako, promise!"
"Saan ka ba pumunta?"
Napatingin ako sa paper bag. Hindi nya pwedeng malaman toh
"Ahm... basta, may ginawa lang ako saglit. Five minutes, andiyan na ako!"
There was a moment of silence bago uli sya nagsalita, "Fine. Bilisan mo na"
"Eto na papunta na!" sagot ko naman
"Jho?"
"Yes? Do you need something pa ba?" tanong ko
"Ahh nothing just take care, I love you Jho"
I smiled even though I knew Stacey was a bit upset. Even if she was annoyed, she still didn't forget to remind me that she loves me.
"I love you too. See you in a bit!" sagot ko bago ibinaba ang tawag, at dali dali ng lumabas ng mall.
_
Meanwhile, Someone's POV
Inside his office, a man smirked as he scanned the files about a certain woman.
Naka-display sa screen ng laptop niya ang background check, financial records, at pati CCTV footage . Lahat ng impormasyon, nakalatag sa harap niya-meticulously gathered, all for one purpose.
"Seriously? You really think you belong here?" he muttered coldly, swirling the whiskey in his glass. "Tsk. You're nothing but a distraction. You don't know it yet, but you're in the wrong place. And I'll make sure you figure that out soon enough."
He picked up his phone and dialed a number. Ilang segundo lang, sinagot ito ng isang pamilyar na boses.
"Sir?"
"Ready na ba?" His voice was firm, walang paligoy-ligoy. "I want her gone wag mo ng patagalin. Make it look like an accident. And make sure walang kahit anong trace na magli-lead back to us-especially to me."
"Yes, sir. Consider it done," sagot ng nasa kabilang linya.
A smirk formed on his lips. "Good," he said before ending the call.
Tumayo siya at lumapit sa floor-to-ceiling window ng kanyang office,. The world was moving, as if nothing was happening.
On his laptop screen, a paused frame of a woman appeared-walking out of a mall, a small paper bag in hand. Clueless. Completely unaware of what was coming.
"Enjoy it while you can, Robles," he whispered before finishing his whiskey.
Jhoanna's POV
Mabilis akong naglakad palabas ng mall. Mahigpit kong hinawakan ang maliit na velvet box sa kamay ko. Finally, nahanap ko na rin ang perfect gift for Stacey-isang elegant silver bracelet na may initials namin. It wasn't just expensive, for me it's really sentimental
Napangiti ako habang iniisip kung paano siya magre-react. Alam kong hindi niya in-expect na may surprise ako for her. Stacey wasn't really the type na naghahanap ng grand gestures, pero I want her to feel that she's really special and important to me.
Habang naglalakad ako papunta sa pedestrian lane, biglang nag-vibrate ang phone ko. I pulled it out and saw a message from an unknown number.
"Enjoy your time while it lasts, Robles"
Napakunot noo ako. Sino 'to?
Biglang may bumigat sa dibdib ko, parang may hindi magandang mangyayari. I quickly looked around, pero parang normal naman ang paligid. Ang daming tao, may mga naglalakad, may nakaabang sa stoplight. Walang kahit sinong kahina-hinala.
Who would send me something like this?
My grip on the velvet box tightened. Pero bago ko pa ma-process ang lahat-
SCREEEEEECH!
Napalingon ako sa kaliwa, and my heart dropped.
A black van. Full speed. Papunta SAKIN.
The bright headlights nearly blinded me. My entire body froze.
Shouts erupted from people around me.
"TAKBO!"
"LOOK OUT!"
Pero parang nag-stop ang oras. Ang lahat sa paligid ko naging slow motion. The world blurred, pero ang tunog ng sasakyan na papalapit sakin, sobrang lakas.
Sht.*
Pinilit kong igalaw ang katawan ko, pero hindi ako makatakbo.
A deafening honk.The violent screeching of tires.
Then-impact.
Parang nabasag ang buong katawan ko. My breath hitched as I felt myself get thrown into the air, para akong naputol sa reality. My vision spun, the sky and ground switching places in a nauseating blur.
Narinig ko ang sigawan ng mga tao, pero unti-unti na silang naglalaho sa pandinig ko.
The last thing I saw was the blood pooling beneath me.
Then everything went black.
⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 17 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Dust Bones [Harry Styles]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/1198/conversions/a640cdb809d084e5d20475eedbf3c663.jpg)



