Fanfics

Chapter 16: Girlfriend Duties

12:28, 6 May 2026

Jhoanna's POV

Gelo and I, we are not married!

Gelo and I, we are not married!

Gelo and I, we are not married!

"Sinong hindi married?"

Halos mapatalon ako nang may biglang bumulong sa tenga ko. Napalingon agad ako at nakita ko si Ate Colet na nasa gilid na ng kama ko, muntik na akong atakihin sa puso dahil sa babaeng to'

"Ate Colet naman ehh, anong ginagawa mo dito?" inis kong tanong.

"Wait, dapat ako ang nagtatanong niyan sayo. Mukha ka nang tanga diyan kakaisip. Tell me, anong nangyayari sa'yo?" Kinuha niya ang unan sa tabi ko at biglang humiga sa kama ko.

"Dahil na naman ba 'yan sa trabaho mo?" tanong niya

Sana nga work lang, Ate Colet, pero hindi eh.

"Wait-nakalimutan ko palang sabihin sa'yo!" bigla siyang napabangon, parang may naalala. "Yung boss mo, pumunta dito last last day. Nagtatanong kung san ka pumunta after mong mag-file ng three days leave. Nacurious lang ako kasi ang intense ng dating niya habang hinahanap ka, tumiklop yung pagka anger ko eh. Hindi mo ba siya ininform about sa leave mo?"

Napakunot-noo ako sa narinig ko.

"So ikaw nagsabi sa kanya kung nasaan ako?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Nakakatakot pala talaga sya noh, kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanya. Sorry!" Ate Colet apologized habang hindi ako matignan nang diretso.

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala namang kaso sa'kin kung sinabi niya kay Stacey. Ang totoo niyan, wala na akong panahon para isipin pa 'yon. Ang dami nang mas malaking problema na kailangan kong harapin. Sobrang gulo na ng isip ko ngayon, at parang lalo lang lumalala yung sitwasyon. Hindi ko na alam kung anong uunahin kong intindihin. Haysst!

Huminga ako nang malalim. Pumasok na naman sa isip ko yung pinag-usapan namin kahapon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang nangyari-at believe me, magugulat ka rin kung malalaman mo kung anong nangyari after ng conversation namin ni Stacey.

Flashback.

"Tell me and promise me Jho-no matter what happens, you will always trust my words," Stacey said.

Hindi ko alam pero parang may sariling isip 'yung katawan ko kasi kusa na lang akong tumango the moment na narinig ko 'yung sinabi niya.

She let out a deep sigh and looked straight into my eyes.

"Gelo and I, we are not married."

Napakunot-noo ako at napatingin sa kanya nang mabuti, trying to process what she just said.

"H-huh?"

I couldn't even form a proper sentence. Sobrang hirap intindihin ng situation. Totoo ba 'to?

Hinawakan niya ulit 'yung mukha ko, making sure na nakatingin ako sa kanya. "You promised me you'd trust my words no matter what happens. So please, kahit anong sabihin ko ngayon, sana paniwalaan mo," she said seriously.

She took another deep breath habang tahimik lang akong naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Our marriage is fake. Lahat ng yun kasinungalingan lang. We're just pretending para lang mukhang totoo sa mata ng parents namin," she finally admitted. "So please, Jho, huwag mo na akong pahirapan"

Tama ba 'yung narinig ko? Fake lang kasal nila? Paano nangyari 'yon?

"I-I can't u-understand it," I stuttered.

"I know it's hard to understand, pero please, maniwala ka. I'm telling you the truth. We're not married, so please stop having second thoughts about me. Tandaan mo 'yan, wala tayong ginagawang mali."

"But what about Gelo? Ano iisipin ng mga tao? Alam mo naman sa paningin ng lahat, kasal na kayo ni Gelo," I said hesitantly.

"Jho..." she whispered seriously, cutting me off.

"Stop overthinking, please. Gelo and I are already planning to reveal the truth sa parents namin, and after this, magiging maayos na ang lahat para satin. Just trust me, okay?" she assured me.

Pero wait, hindi ba mas lalo lang lalala 'yung sitwasyon kung sasabihin nila sa parents nila? Nakapanood na ako ng ganitong eksena sa mga soap operas. 'Yung tipong parang K-drama plot kung saan gagawin ng parents ng rich protagonist ang lahat para paghiwalayin sila ng taong mahal nila-lalo na kung hindi ito 'yung gusto nilang mapangasawa. And in this case? Babae pa ako. Alam ko kung gaano kahirap 'to.

"Do you really think ganun lang kadali 'yun? Hindi mo ba naisip kung ano'ng magiging reaction ng parents mo kapag nalaman nilang niloko mo lang sila? Do you really think they'll just let this slide?" I said seriously.

May point ako, 'di ba?

She fell silent, staring at me as if she was really thinking about what I just said. Mukhang narealize niya na tama ako. I want her so bad, pero kung sobrang komplikado ng sitwasyon-lalo na para sa kanya-hindi ko alam kung kaya ko pang sumabay sa desisyon niya.

Alam kong kaya akong saktan ng pamilya niya kung malaman nilang ako ang dahilan ng lahat ng 'to. Pero ako? Wala namang mawawala sakin.Pero si Stacey? She has everything-fame, money, luxury. Lahat 'yun pwedeng mawala sa kanya sa isang iglap kung pinili niya ako.

God knows ayokong mangyari 'yun. Ayokong ako 'yung maging dahilan ng pagbagsak niya.

"I know your point, pero promise, naghihintay lang ako ng tamang timing. Kapag na-transfer na sa pangalan ko 'yung company, mas magkakaroon na ako ng lakas ng loob na ilaban 'to" she said, then suddenly pulled me into a hug.

"I can wait. I just don't want you to lose everything because of me," I whispered.

"It will never happen. As long as I have you, everything will be alright Jho."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Naramdaman ko rin 'yung luha niya habang mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa'kin. Dapat ba akong matuwa? Kasi, finally, she's willing to fight for me. Pero hindi ko mapigilang hindi malungkot, knowing na pwedeng mawala lahat sa kanya dahil sakin.

"What if they find out?" I asked in between our hug.

"Let's not think about negative things, okay? The important here is we love each other" she said as she cupped my face and claimed my lips.

End of Flashback...

And that's how Stacey and I became official.

I mean... secretly.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kahit alam kong mas pinahirap lang nito 'yung sitwasyon. I know! I know! I shouldn't have said yes, lalo na sa ganitong sitwasyon, pero ano bang magagawa ko? It's freaking Stacey Sevilleja! The goddess herself! Matatanggihan ko ba yun?!

Pero alam kong mali pa rin. Alam kong 'pag nalaman 'to ng parents niya, yari kaming dalawa, lalo na siya. Gagawin nila ang lahat para paghiwalayin kami, at 'yon 'yung kinakatakot ko. Ayokong mawala sa kanya ang lahat dahil lang sa 'min. Kaya ngayon pa lang, nagse-second thoughts na ako. Kaya ko ba talagang ituloy 'to? Kakayanin ba namin 'to? Hindi pa nga umabot ng isang araw 'tong relasyon namin, pero ramdam ko na 'yung kaba, 'yung takot-

Naputol lang 'yung pag-iisip ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Mabilis kong kinuha 'yon at binasa ang message sa screen.

From: Staku🐱

Go to the park now!

Received: 6:00 AM

Napabangon agad ako pagkabasa ko. Damn! Ang aga naman?! 6 AM pa lang! Bakit ang aga-aga ng summon niya? Pero wala akong magagawa, girlfriend duties!

Kahit tinatamad pa ako, napilitan akong bumangon. Kinuha ko agad 'yung hoodie ko at mabilis na sinuot. Mas pinili ko na lang maglakad papunta sa park since hindi naman gano'n kalamig at malapit lang din naman.

Halos nag-jogging na ako habang naglalakad dahil bigla kong naalala 'yung sunod-sunod na murder cases nitong mga nakaraang araw. Ayokong hayaan si Stacey na maghintay mag-isa ng matagal. Ang aga-aga pa, wala pang masyadong tao sa park-baka may mangyaring masama sa kanya! Dapat bilisan ko.

Pagdating ko, nakita ko agad siya.

"Stacey!!!" Tawag ko sa kanya.

Thank God! Safe siya.

"Bakit ang aga-aga mo dito? Alam mo bang delikado pa sa oras na 'to? Bakit mag isa ka lang pumunta dito? Paano kung may masamang nangyari sa'yo?" sunod-sunod kong tanong

Pero imbes na sumagot, bigla siyang tumawa-as in, walang dahilan.

Napataas ang kilay ko. Ano 'to? Ang seryoso ng concern ko, tapos tatawanan lang niya ako? Nakakainis! Hindi ba niya gets na worried ako?

"So what? Safe naman ako, 'di ba? Bakit ka ba nagagalit?" sagot niya, casual na casual.

Napahawak ako sa mukha ko sa sobrang inis. Okay, Jho, kalma. Girlfriend mo na yan. Be patient.

"Stacey naman! Gets mo ba? Paano kung may masamang nangyari sa'yo? Nag-aalala ako, okay?!" I blurted out.

Tsk. Ang hirap niya talagang pagsabihan!

Pero hindi ko inexpect ang ginawa niya after. Bigla siyang naupo sa tabi ko at niyakap ako.

Napabuntong-hininga ako. Putek. Naramdaman ko 'yung init ng katawan niya habang mahigpit niya akong niyayakap. Tangina, Jho! Dapat galit ka, 'di ba?

Pero imbes na inis, mas na-focus ako sa bango ng buhok niya. Anong shampoo kaya gamit neto? Baka pwede ko ring subukan? Shit, ang bango talaga!

Wait! Ano ba 'tong iniisip ko? Jhoanna, seryoso ka dapat dito!

"Stacey, alam mo namang hindi ako nagbibiro, 'di ba?" Seryoso kong sabi, pilit nagpapaka-strict.

I hope effective.

"I love you, Jho" bulong niya bigla sa tenga ko.

Okaaaaaay...

Tangina. Wala na. Talo na naman ako.

Pilit kong nilalabanan 'yung urge na halikan siya. Mabuti na lang talaga at hindi niya kita 'yung mukha ko ngayon, kasi for sure, nakangiti akong parang gago.

"Alam kong nakangiti ka, Jho" she teased.

Putek! Paano niya nalaman?! May hidden camera ba dito?!

Umatras siya mula sa yakap namin at tumitig sa'kin nang diretso. Nakangiti siya.

Shit. Ewan ko kung ako lang 'tong abnormal, pero ang ganda niya talaga.

Unti-unti kong inisa-isa yung face features nya sa isip ko. 'Yung perfectly shaped eyebrows niya, 'yung singkit niyang mga mata na parang pusa, 'yung cute niyang ilong, at 'yung pinkish plump lips niya na ilang beses ko nang nakiss. Damn. Ang swerte ko talaga.

"I just wanted to see you first. May mali ba doon?" cute niyang sabi sabay pout.

Kung si Ate Colet 'yung gumawa non sa harap ko, malamang pinisil ko na 'yung labi niya sa inis. Ang dami ko talagang kilala na nagpo-pout tapos akala nila cute sila. Duh, hindi naman! Mukha lang silang ewan.

Pero dahil si Stacey 'to...

Wala na. Game over.

Napabuntong-hininga. "Fine. Pero next time, please, sabihan mo muna ako 'pag pupuntahan mo ako ng ganito kaaga."

Ngumiti siya, halatang alam niyang nanalo na naman siya.

Maya-maya, naramdaman kong bumaba ang kamay niya at hinawakan niya 'yung kamay ko. She intertwined our fingers while smiling sweetly at me.

"I hope ganito tayo palagi. Can't wait to be with you forever Jho." seryoso niyang sabi.

Me too, Stacey.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'min sa mga susunod na araw. Sa ngayon, walang kasiguraduhan ang lahat. Walang guarantee, walang nakakaalam kung hanggang kailan 'to tatagal.

Pero wala na 'kong pakealam.

Right now, she's the only thing that matters.

And I can't lose her.

_

Mr. Sevilleja's POV

"Andito na po lahat ng information na nakuha ko. The people who see them told me that they looked so closed with each other" The private investigator I hired told and showed me some pictures.

Pictures of Stacey and her secretary.

"Continue investigating to her secretary. Her relationship with my daughter should be stopped immediately before it can ruined our family. Tama na ang isa, Di pwedeng matulad si Stacey sa kapatid nyang walang kwenta! It will never happen" I said seriously while looking with these pictures.

Ngayon alam ko na kung bakit iba ang kinikilos mo anak. I knew it. Your already having a second thoughts in my orders which you never did in your life. Your not like that Stacey, Your always being obedient to me but now it already changed because of this girl.

And I won't allow that.

People like Robles think love is enough to win. That emotions can protect them from the harsh realities of life. But they forget-truth is the sharpest weapon of all.

Let's just see kung hanggang saan ka tatagal Robles.

⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 16 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories