Fanfics

Chapter 37

17:00, 5 November 2021

*Your Pov*

Sa wakas at nakauwi na kami kasi ni frenny pupunta siya ngayon. Nauna nang bumaba si Simon na umiiwas pa rin sakin hanggang ngayon.

Pero bago pa siya makaakyat sa kwarto niya at hinabol ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at napaharap ito sakin.

"Si, umiiwas ka ba sakin?" tanong ko at bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya.

"Sorry, I still have something to do" tugon niya at mabilis na pumasok sa kwarto niya.

"Wait Si-" sambit ko pero naisarado na niya ang pinto at nilock din ito, kaya wala na kong magawa.

Makalipas ang isang oras ay nakapunta na dito si Krizel. Nagyakapan kami at nagbesohan bago tumuloy sa living room.

"So, nasaan na si Simon?" tanong niya at uminom ng kape. Ipapatikim ko rin sa kaniya yung ginawa naming grahan ni Tita Liza kahapon.

"Nandun pa rin siya sa kwarto niya nakakulong" tugon ko at sabay kaming kumain ng graham.

"Mm.. Infernes ang sarap niyong gumawa ng graham" complement niya sa kinakain niya "So, bakit ka iniiwasan ni Simon? Baka naman may nagawa kang di maganda" dagdag niya

"Hmm, pero parang wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, eh kaya nga nagtataka ako kung bakit niya ko iniiwasan. Nung tinanong ko siya kanina, nagpalusot lang siya.

"Baka... Baka magkaaway sila ngayon ng asawa mo kaya nagagalit din sayo?" tanong niya at tumingin sakin.

"Di naman siguro, kapag nag-aaway sila di naman nangdadamay si Simon basta basta" sagot ko at patuloy rin sa pagkain.

"Ah basta sabihin mo na lang kay Sandro malay mo alam ni Mr. Congressman.

"Wag na ako na lang bahala ng kumasap kay Simon baka mamaya magselos si Sandro, kung ano anong iisipin nun" saad ko.

Nagpatuloy lang kami sa pag-kwe-kwentuhan. Hanggang sa mag-ala trez na.

"Aalis na ko frenny, 3 o'clock na, kailangan ko pang gumayak" pagpapaalam niya sakin at tumayo.

"Sige na ipapahatid na lang kita sa driver" saad ko at tumayo rin.

"Naku, hindi na bibili pa ko ng gamot sa botika" tugon niya. Paulit ulit ko siyang inalok pero tumatanggi lang siya.

"Sure kang okay lang ha?" pagtatanong ko.

"Oo naman ako pa, sige na bye frenny" tugon niya at nagbeso beso kami.

"Bye, ingat ka ha" sambit ko at ngiti ito sakin. Ikinaway ko ang kamay ko nang makalabas na siya ng gate at kumaway din siya pabalik.

Matapos ang ilan pang oras at dumating na rin ang gabi. Hinihintay ko na lang na dumating si Sandro. Katext ko siya ngayon sabi niya baka before mag 9 pm nakauwi na siya. Tinignan ko ang kusina kung meron ng pagkain.

Gusto ko sanang magluto pero di ako pinapayagan ng mga maids dahil trabaho daw nila yun.

Naalala ko si Simon, baka nagugutom na yun. Naglakad ako paitaas at patungo sa kwarto niya. Kumatok muna ako at tinawag siya ng ilang beses pero walang sumasagot.

"Si, galit ka pa ba sakin?" tanong ko at sinubukang ipihit ang door knob. Bumukas ito at tuluyan na kong pumasok.

Wala si Simon dito, tinignan ko ang bathroom ng kwarto niya pero wala rin siya dun.

Tinanong ko at dalawang maids pero sabi nila nakita nila si Simon na lumabas. Tinignan ko rin ang garage at wala nga doon ang kotse ni Simon. Bakit di man lang siya nagpapaalam sakin.

Lumipas ang ilang oras at narinig kong may pumasok na kotse. Sigurado ako si Sandro to hindi na ko naghintay sa may pintuan at nanatili na lamang sa may living room.

Maya maya lang ay pumasok na siya at may dalang box ofcupcakes at 3 box of fortified milk.

"I'm home hun" sambit niya ng nakangiti sa akin.

He spread his arms and I walked towards him, hugging him. He hugged me back and kisses my forehead.

"Tara kain na tayo kanina pa kita hinihintay" pag-aaya ko sa kaniya at binitbit ang box ng cupcake.

"Sana nauna ka ng kumain, you don't have to wait for me everytime naman" saad niya ipinaghain ko na siya. Kumuha ng dalawang plato, baso, kutsara at tinidor.

Isa isa kong nilagyan ng kain at ulam ang mga plato namin at kumuha ng tubig.

"Thank you hun" pagpapasalamat niya at ngumiti na lamang ako. Nagsimula na kaming kumain habang pinag-uusapan ang tungkol sa work niya.

"By the way, where's Simon? Is he already eat?" tanong niya.

Umiling ako at nilunok ang pagkain na nasa bibig ko "Umalis daw siya sabi ng isang maid, di ko lang alam kung saan siya pumunta, di kasi siya nagpaalam sakin" saad ko.

Tumayo siya, kumuha ng isa pang baso at nilagyan ng gatas na binili niya. Tumikim din siya ng gatas bago ibigay sakin.

"I'll talk to him na lang later" saad niya at pinagpatuloy ang sweet dinner namin.

-------------------------------------

P. S. Sorry for wrong grammars.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories