33
18:35, 6 April 2025ADELIA POV
Tahimik ang buong bahay, pero ang isip ko ay isang bagyong walang humpay.
Nakahiga ako sa kama, ang mga mata ko'y nakatuon sa kisame, pero hindi ko ito nakikita. Ang naririnig ko lang ay ang boses ng bawat isa sa kwartong iyon-mga taong pinagkakatiwalaan ko, mga taong ni minsan ay hindi ko pinagdudahan.
Mga taong kasangkot sa isang bagay na hindi ko kayang lunukin.
Pumikit ako nang mariin, pilit pinapatigil ang mga boses sa ulo ko.
"Isang batang hindi marunong magtigil."
"Katulad ng nanay niya."
"Si Celine... napaka-usisero. Napaka-kulit. At tignan mo kung saan siya dinala ng pagiging matalino niya-sa hukay."
"Wala siyang ebidensya."
"At ang mga hinalang 'yan ay magiging ebidensya kung hindi natin siya mapapatigil."
Napakagat ako sa labi.
Gusto kong tumakbo palabas ng bahay, gusto kong huminga ng sariwang hangin, gusto kong lumayo sa kanila. Pero... paano?
Paano ako lalayo sa mga taong pinakamamahal ko?
Ako si Adelia Xyronne. Anak ng isang Major at isang Prosecutor.
Mahal ko ang mga magulang ko.
At kahit anong pilit kong tanggapin ang narinig ko, hindi ko kayang itapon lahat ng pagmamahal ko para sa kanila.
Pinunasan ko ang luha kong hindi ko namalayang bumagsak.
Hindi ako iyakin. Hindi ako mahina.
Pero sa gabing ito, hindi ko alam kung sino ba talaga ako.
Alam kong mali ang ginawa nila noon. Alam kong may mga taong namatay dahil sa kanila.
Pero... ano nga ba ang magagawa ko?
Isusumbong ko sila?
Lalabanan ko sila?
Betrayal ba ang tawag sa paghahanap ng hustisya?
O mas masahol ang talikuran sila, kahit sa lahat ng ginawa nila, sila ang bumuo sa pagkatao ko?
Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
Pero isa lang ang sigurado ako-hindi ko sila kayang mawala.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


