Fanfics

15

17:29, 11 March 2025

Tahimik akong nakaupo habang patuloy ang kwentuhan nila Sara at Adelia kay Mrs. Chan. Pero kahit anong pilit kong makisabay sa usapan, para akong lumulutang.

Celine Lirazan.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang pangalang 'yon.

Hindi Patricia Velasco.

Bakit hindi alam ni Mrs. Chan ang pangalan na alam ko?

Huminga ako nang malalim, pilit na nilulunok ang bumibigat na pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko pwedeng ipahalata. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng lahat ng 'to, pero alam kong hindi lang basta coincidence ang lahat ng 'to.

Kailangan kong malaman ang totoo.

"Abigail, okay ka lang?" Napatingin ako kay Sara na nakakunot ang noo. "Parang ang tahimik mo bigla."

Mabilis akong ngumiti, pilit na tinatago ang gulong-gulo kong isipan. "Ha? Ah, oo, okay lang ako. Medyo napagod lang siguro."

Nagkatinginan sina Adelia at Jette, halatang hindi kumbinsido, pero hindi na sila nagtanong pa.

"Dapat siguro dinala mo siya sa kwarto mo, Sara," sabat ni Mr. Chan na kanina lang ay tahimik na nakikinig. "Para makapagpahinga muna."

"Oh! Tama, tara na sa taas," sabi ni Sara, sabay hila sa kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya paakyat sa second floor ng bahay nila. Pagpasok namin sa kwarto, agad siyang humiga sa kama at bumuntong-hininga.

"Hay naku, finally. Ang daming tanong ni Mama, noh?" sabi niya, nakangiti. "Pero at least nag-enjoy kayo dito!"

Ngumiti lang ako at umupo sa gilid ng kama, hindi alam kung paano isisingit ang tanong na bumabagabag sa akin.

May kailangan akong malaman.

"Sara," mahina kong tawag.

"Hmm?"

Huminga ako nang malalim. "Ano bang alam mo tungkol kay Tita Celine?"

Napatingin siya sa akin, halatang nagtataka. "Si Tita Celine? Hmm... hindi ko siya masyadong naabutan, eh. Pero madalas siyang kinukwento ni Mama. Ang sabi niya, super bait daw 'yon at sobrang talino. Para daw siyang may sarili niyang mundo minsan, pero kapag kausap mo siya, ramdam mo na parang may binabantayan siyang sikreto."

Sikreto.

"Tapos, bigla na lang siyang nawala?"

Tumango siya. "Oo. Sabi ni Mama, may isang araw na lang na bigla na lang siyang hindi nagpakita. Tapos, wala na. Kahit anong hanap ni Mama, hindi na nila siya nakita ulit."

Bumigat ang pakiramdam ko.

Bigla siyang nawala.

Gaya ng pagkamatay niya.

"Bakit mo tinatanong, Gail?" tanong ni Sara, ngayon ay medyo seryoso na.

Hindi ako sumagot agad. Ayokong sabihin hangga't hindi pa malinaw ang lahat.

"Wala lang. Nacurious lang ako."

Nagkibit-balikat si Sara, pero kita ko sa mukha niya na gusto pa niya akong tanungin. Buti na lang, biglang bumukas ang pinto at sumilip si Millicent.

"Uy, Sara, tawag kayo ni Mama. Maghahanda na raw ng dinner."

"Sige, susunod na kami!" sagot ni Sara bago bumaling ulit sa akin. "Tara, baba na tayo!"

Tumango ako, pero bago pa ako makatayo, nilingon ko ulit siya.

"Sara, may huling tanong pa ako."

"Ano?"

"May picture ka pa ba ni Tita Celine? Yung iba pa?"

Kumunot ang noo niya. "Hmm... wala ako, pero si Mama meron. Bakit, gusto mong makita?"

"Oo."

Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko, pero alam kong may kailangan akong makita.

At sa sandaling makita ko ang ibang litrato niya, baka doon ko na malaman ang sagot.

Baka doon ko malaman kung sino talaga si Patricia Velasco.

O kung sino siya bago naging Patricia Velasco.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories