Chapter 9
18:31, 30 May 2023Szymon's
Hindi ko alam kung anong iniisip ng isang 'to at basta basta na lang pumunta sa bahay ng hindi nagsasabi na magsisimula na pala.
Gulo gulo pa ang mukha ko kasi kakauwi ko lang galing school dahil half day lang naman kami, kainis naman.
Huminto ang sasakyan niya sa harap ng bahay ni Veina.
"Go now." sabi niya, tiningnan ko naman siya at inirapan.
"Don't roll your eyes on me, go now." sabi niya ulit.
"Oo na tss." tiningnan ko naman ang bulaklak na hawak ko.
I hope she likes it.
Bumaba na ako sa kotse niya at huminga ng malalim bago lumapit sa bahay nila.
Kumatok ako ng ilang beses bago may bumukas ng pintuan nila.
"Mon? Anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong niya sa'kin at tiningnan ang hawak kong bulaklak.
"Uhm Veina ano kasi..." wth? anong sasabihin ko dito?
"May kailangan ka ba? Para kanino yang flowers? Ang gaganda ah." sabi niya.
"Ah ano..." hindi ko natapos ang sasabihin ng tumingin siya sa likod ko.
"Si Sam ba yung nasa kotse? Bakit kayo nandito?" tanong niya.
"Ah ano sinamahan niya kasi ako para ibigay sayo, pa-thank you ko sayo para dun sa sinigang kagabi." sabi ko sabay abot ng bulaklak sa kaniya.
What the hell? Anong klaseng palusot yan?
"Hindi naman kailangan nito, Mon. Pero thank you pa rin ang ganda." nakangiting sabi niya.
"Salamat naman at nagustuhan mo, Veina. Sige mauna na ko." sabi ko.
"Ha? Hindi ka ba muna papasok?" mabilis akong umiling sa alok niya, tf is wrong with me?. This is the chance, bakit umaayaw ako?
"Hindi na, may aasikasuhin din kasi ako sa bahay." Palusot ko na naman.
"Sige, Mon. Salamat dito ulit ha." sabi niya kaya nginitian ko siya at tumalikod na.
Dali dali akong pumasok sa kotse ni Sam at huminga ng malalim.
"That fast?" bungad na tanong niya sa'kin.
"Umalis na nga tayo." sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Gosh, you're lack of effort." sabi niya.
"Why? E sa nahihiya ako." naiinis kong sabi.
"Ang badoy mo." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Wow, parang may niligawan ka na at ganyan ka magsalita ah."napatingin naman siya sa'kin.
"Of course, I courted a girl back then." wait, so ibig sabihin she's into girls din?
"You're into girls too?" tanong ko.
She just shrugged her shoulders and answer me.
"I'm not gonna say that I'm into girls but I'm into her, just her." sagot niya.
"Where is she now then?" tanong ko.
"Where? She's just so near yet so far to reach." sagot niya. I gulped when she stares at me intently.
"Then hindi ka rin marunong mag effort kasi hindi nga rin napasayo." sabi ko.
"You know I respect boundaries pero kapag nainis na ko ay baka halikan ko na lang siya bigla, she's being stupid with the one she likes." sagot niya at umayos ng upo, hindi naman ako nakapagsalita dahil sa pagkadirect to the point niya.
"Are you hungry?" tanong niya.
Hindi ako kumain kaninang agahan dahil nagmamadali ako papuntang school at kakain na sana ako kanina ng dumating siya.
"Busog pa k---" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagreklamo ang tiyan ko. Shit.
"Sinong busog?" nakangising tanong niya tsaka niya pinaandar ang sasakyan.
"Hindi pa ako kumakain, pumunta kasi ako dito agad when I woke up." sabi niya, hindi ko naman sinabing pumunta siya dito.
"Let's eat brunch." sabi niya na tinanguan ko.
Nadidistract kasi ako ng amoy niya na sumasakop sa buong sasakyan. Ang sarap tumira dito sasakyan niya, nakakarelax ang amoy.
"I know that it's hard to tell someone that you like them but you should risk it all. It's either you win or you lose, just choose." napapikit ako dahil sa amoy ng sasakyan niya.
"Hmm ang bango." wala sa sariling sabi ko kaya napamulat ako ng mata.
"I mean yeah." I cleared my throat to lessen the awkwardness I am feeling right now.
"Yeah, ang bango ko nga." mayabang niyang sabi.
"Tss, yabang." bulong ko.
"I'm not being mayabang here, nanggaling na sayo na mabango nga ako." sabi niya.
"Yung pabango mo yung mabango." kontra ko naman.
"So what are you trying to say that I smell bad kung wala akong perfume?"kunot noo niyang tanong, pikon din 'to e.
"Malay ko kung mabaho ka pala kapag walang perfume." tukso ko pa.
"You don't know what you're saying, I am more attractive with just my natural scent." bwelta niya.
"Who knows?" I shrugged my shoulders na kunwari ay hindi kumbinsido.
"Just tell me if you want to smell me without perfume, pumunta ka lang sa bahay, I will let you smell my whole body." sabi niya na nakapagpalaki ng mata ko.
"Asa ka naman!" sigaw ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng pagkainit ng mukha ko.
"Why? I'm just saying." natatawa niyang sabi.
"Feeling mo!" sigaw ko ulit.
"Napaka-defensive mo naman, baka isipin ko na niyan na you really want to smell my whole body." sabi niya ulit kaya hindi ko na napigilan ang sariling hampasin ang braso niya.
"Ouch! I'm driving, you won't get a chance to smell me kung maaaksidente tayo dito." reklamo niya, ang kapal talaga.
"Mag-drive ka na lang kasi, dami mo pang sinasabi." inis kong sabi sa kaniya.
Lakas niya talagang mang-inis.
Tatawa tawa naman itong nag-drive. Hind ko nga alam kung saan kami pupunta pero papunta kami sa bayan.
"We used to eat there with my parents when I was kid." sabi niya at hininto ang kotse sa tapat ng kainan ni Aling Beth. Madalas din kasi akong kumain dito nung highschool ako dahil nga sa malapit lang ito sa school.
"I eat there too nung highschool ako." sabi ko.
"Really? Their bulalo is a top tier right? I love it." Sabi niya na kumikinang kinang pa ang mga mata.
"Tara na baba na tayo." sabi ko. Bababa na sana ako ng may maalala ako, naiwan ko yung wallet ko!
"Wait." pigil ko sa kaniya.
"Why?" takang tiningnan niya naman ako.
"Naiwan ko yung wallet ko." sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya lang.
"It's on me silly, just eat what you want." sabi niya sabay labas ng kotse niya.
Hindi naman ako nakagalaw agad dahil nahihiya ako.
Nagulat naman ako sa pagbukas ng pintuan ng kotse sa pwesto ko at bumungad ang nakangiti niyang mukha.
"Let's go, dumadami na ang tao. I don't want to miss that bulalo." sabi niya.
Hindi na rin ako nagreklamo pa, nilahad pa nito ang kamay sa'kin para makalabas ng kotse niya.
Inabot ko naman yun at namangha sa lambot ng kamay niya, parang hindi naghuhugas sa bahay nila. Hindi naman talaga, ilan siguro ang katulong niyan sa bahay nila.
"Mon?" bungad ni Aling Beth sa'kin nang makalapit kami sa kainan niya.
"Nako ikaw nga." tuwang tuwa ito ng makita ako.
"Opo, Aling Beth. Ngayon na nga lang ulit ako nakapunta dito." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Oh siya sige pasok ka na, ay may kasama ka pala." sabi ni Aling Beth ng mapadako ang tingin kay Sam.
"Opo, si Sam po pala anak ni Don Clavio." pakilala ko kay Sam parang nagulat naman si Aling Beth sa sinabi ko.
"Dito rin kumakain si Don Clavio at pamilya niya, ikaw na ba ang batang dala dala niya dito noon?" tanong ni Aling Beth kay Sam.
"Opo, ako yun." nakangiting sagot ni Sam.
"Abay napakagandang bata, oh siya pasok na kayo at pumili ng makakain." agad naman kaming pumasok sa loob at umupo sa bakanteng lamesa.
"I love the ambiance here, hindi masyadong magulo." Sabi niya ng maka-upo kami.
"Yeah." nakangiti kong sabi at nilibot ang paningin. Marami na rin pala ang nagbago sa kainan ni Aling Beth.
"This will be our first date." kunot noo ko naman siyang tiningnan.
"Date?" tanong ko.
"Yeah our first date as friends." sabi niya.
Huminga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya, nararamdaman ko na naman ang awkwardness sa paligid at animo'y may guardian angel na dumaan sa gitna namin at kaming dalawa ay nanahimik.
I hate what I am feeling right now.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)




