Fanfics

Chapter 2

13:08, 21 May 2023

Szymon's POV

"Nay, sorry ho natagalan." sabi ko kay Nanay.

"Nako, ayos lang apo. Sakto lang naman ang dating mo." sabi niya.

"Maglagay kana muna ng mga plato sa mesa. Yung mga nasa cabinet ha, malinis na yun. Ilabas mo yun lahat kasi ay inimbitahan ko rin ang mga kapitbahay." sabi na nga ba.

Pero lahat talaga ng plato na nandun? Ang dami dami non e.

Sinunod ko naman ang utos ni Nanay at pumunta sa cabinet na puno ng plato. Since 1970's pa ata tong mga plato na 'to e.

Dahan dahan kong kinuha ang mga yun dahil baka mabasag. May mga Corelle pa naman dito. Patay ako pag nabasag.

Ingat na ingat ako habang inaabot ang mga plato nang biglang may kumatok sa pintuan namin.

"Pakitingnan nga, Mon." sabi ni Nanay kaya agad akong lumapit sa pintuan.

Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin ang babaeng nakasabayan ko kanina. Anong ginagawa niya dito? Ibabalik niya na ba agad yung tsinelas?

"Miss sabi ko naman sayo, kukunin ko ma lang pag nagkita tayo ulit." sabi ko sa kaniya.

"I'm not here for you." sabi niya.

"E bakit ka nand---" hindi natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni Nanay sa likod.

"Samantha." natutuwang sabi ni Nanay ng makita niya ang babaeng nasa harap ng bahay namin.

Samantha?

"Nanay." nakangiting tawag din nito kay Nanay.

Sino ba 'to? Long lost sister ko ba to?

"Nay, sino to?" nagtatakang tanong ko kay Nanay.

"Si Samantha, anak ni Don Clavio yung pinagt-trabahuhan ko noon. Yung may ari ng Hacienda de Cervantes." sabi ni Nanay.

Kaya pala mukha siyang mamahalin.

"E bakit nandito siya, Nay? Hindi ba dapat dumiretso siya sa hacienda nila?" takang tanong ko kay Nanay.

Akmang sasagot na si Nanay ng sumagot ang isang 'to.

"I'm just here to visit Nanay then I'll go to hacienda after." ah so makikikain lang siya dito tapos aalis din.

"Bakit hindi ka naka-kotse? Nag commute ka lang? Anong itsura ng maynila? Maganda ba yung enchanted kingdom? Yung tagaytay malamig ba talaga dun? Nakakita ka na ba ng mga artista--- aray!" hindi na natapos ang tanong ko ng paluin ni Nanay ang balikat ko.

"Bakit ba napakarami mong tanong na bata ka, halika na muna at pumasok sa loob Sam. Hindi pa ako tapos magluto pero umupo ka muna sa sala dahil alam kong pagod ka sa biyahe." napasimangot ako sa sinabi ni Nanay.

Gusto ko lang naman malaman kung anong itsura ng maynila. Hindi pa kaya ako nakakaluwas dun. Pag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon mamamasyal ako dun.

Sumunod naman ako sa kanilang dalawa papasok ng bahay, nang makaupo na siya sa sala ay umupo naman ako sa kaharap niya lang na upuan.

"Alam mo parang familiar ka." bungad ko sa kaniya ng makaupo ito.

"Is that a pick up line?" tanong niya.

Ano daw?

"Is your next line will be because I look like your future girlfriend?" sabi niya.

What the heck is she saying?

Anong future girlfriend? Delulu din to e.

"Nakasinghot ka ba?" tanong ko.

"What?" tanong niya sabay taas ng kilay.

"Para kang baliw at tsaka hindi kita type no." Sabi ko sabay pinag-cross ang braso ko.

Excuse me? Isa lang type ko at si Vein yun. Iniisip ko pa nga lang siya ay nangingiti na ako.

"So who's your type?" tanong niya, biglang naging interesado si sesmars sa buhay ko.

"Someone who's soft, sweet, kind, and pretty... Wait. Why am I telling this to you? We're not even close." pagtataray ko sa kaniya.

"So I confirmed, you're gay." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, bakit naman kasi ang daldal mo Mon!

"Shhh, hinaan mo nga yang boses mo." sabi ko at nilingon ang kusina kung nasaan si Nanay.

Hindi kasi nito alam at natatakot akong ipaalam sa kaniya.

"Oh your Nanay doesn't know that you're gay. Exciting." anong exciting dun?

"Huwag kang magkakamaling magkwento kay Nanay ha!" may pagbabanta sa boses kong sabi sa kaniya.

"Whatever." sabi niya at hindi na umimik.

Kapag talaga nalaman ni Nanay, alam ko na kung sino nagsumbong. Ni-hindi nga rin alam ni Joli.

"So I'm guessing that the one you like, doesn't like you either." napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Namemersonal na 'to ah.

"Well, I'll just make her fall for me. That's easy." sabi ko with full confidence sa tono ng boses ko. Sana nga ganun lang kadali yun.

"Then make her fall, If hindi pa rin siya na-fall sayo, then be my guest, fall for me instead." napatulala ako sa sinabi niya.

What the heck? Anong meron sa babaeng 'to? She's different.

"Hindi pa naman ako baliw para ma-fall sayo----" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil tinawag na ako ni Nanay.

"Mon, tawagin mo na yung mga kapitbahay natin." agad ko namang sinunod ang utos ni Nanay.

Napalingon pa ako sa kaniya ng hilahin siya ni Nanay papasok sa kusina.

Well, she's pretty. But still not my type, so I'd rather fall deeply with Veina than her.

Agad na akong lumabas sa bahay at unang pinuntahan ang bahay ni Joli.

"Joli! Labas na dyan." Sigaw ko habang papasok sa bahay nila.

"Aling Melda! Tara na ho sa bahay at may konting hinanda si Nanay. Si Joli ho?" bungad ko kay Aling Melda na Mama ni Joli.

"Nandoon sa loob, Mon. Bakit anong okasyon at may handaan sa inyo?" tanong niya sa'kin.

"May bisita ho kasi si Nanay." sagot ko at nagpaalam dahil may apat na bahay pa akong pupuntahan.

Napuntahan ko na ang iba at isang bahay na lang ang pupuntahan ko, ang bahay ni kapitan kung saan nakatira si Veina.

"Tao po!" sigaw ko sa labas ng gate nila.

Hindi natagalan ay lumabas na rin si Kapitan.

"Oh, Mon naparito ka?" bungad ni Kapitan sa'kin.

"May handaan ho kasi sa bahay kapitan, iniimbitahan po kayo ni Nanay." sabi ko.

"Ganun ba, hindi ako makakapunta e. Si Veina lang ang maiiwan dito, tawagin ko. Veina, halika nga muna rito!" tawag ni Kapitan sa unica hija niya.

Bigla namang bumukas ang pintuan nila at nilabas yun si Veina.

Bigla akong napangiti ng makita siya, I don't know but she has this effect on me that always make me smile kahit wala siyang gawin.

"Mon, anong meron?" gosh yung boses niya talaga sobrang soft.

"A-ah may handaan kasi sa bahay." nahihiyang sabi ko.

"Ikaw muna ang pumunta dun, Veina. May aasikasuhin kasi ako sa barangay. Mauna na ako sainyo. Mon, pakisabi kay Aling Louisa na salamat sa imbitasyon." tumango naman ako sa sinabi ni Kapitan.

"Tara na?" napalingon naman ako kay Veina ng nasa tabi ko na ito.

Ang bango niya talaga, pero nangingibabaw yung amoy nung Samantha kanina bakit parang hanggang ngayon amoy ko pa rin siya?

"Tara na." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Sino ba ang bisita niyo?" tanong niya sa'kin.

"Yung anak ni Don Clavio na may ari ng Hacienda de Cervantes." sagot ko naman.

"Really? Si Samantha Cervantes?" gulat niyang tanong.

"Oo, kilala mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Yes! Siya lang naman ang may ari ng Sam's Scent na sikat na sikat na pagawaan ng pabango sa maynila!" natutuwa niyang sabi.

Sam's Scent? E bakit ngayon ko lang narinig yun?

"Pwede bang magpa autograph sa kaniya? Tulungan mo ko Mon ha!? Tara bilisan natin, ang bigatin pala ng bisita niyo." natutuwa niyang sabi.

Nauna pa itong maglakad sa'kin at patakbo na papuntang bahay.

Kaya pala ang bango ni sesmars, may ari pala ng pabanguhan.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories