Fanfics

Chapter 1

13:27, 1 February 2024

Szymon's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nasa bedside table ko, minulat ko ang mga mata at sinag ng araw ang bumungad sa 'king mukha.

Napangiti ako ng makita ang puro pink na gamit sa kwarto ko, these really shines my day.

Bumangon ako at umupo sa kama at itinaas ang dalawa kamay.

"Goodmorning World!" sabi ko ng nakangiti.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto at nakasalubong si Lola na tinatawag kong Nanay.

I grew up with my Nanay since my Mom is in abroad, working as a Nurse. And about my Dad? Hindi ko rin alam.

"Nanay!" tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang napangiti sa'kin.

"Oh hija gising ka na pala." tumango ako sa kaniya at tiningnan ang niluluto niya.

"Ang dami ata niyang niluluto mo, Nay." sabi ko, ang dami kasing nakahiwang mga rekados sa kusina.

"Nakalimutan ko palang sabihin sa'yo hija. May paparating tayong bisita." napatingin naman ako kay Nanay.

"Talaga, Nay? Sino naman? Kilala ko ba?" sunod sunod na tanong ko pero tinawanan lang ako.

"Malalaman mo rin mamaya." Si Nanay naman parang others.

"Tulungan ko na po kayo dyan, Nay."sabi ko.

"Aba'y ito bumili ka muna ng pechay sa palengke. Naubos na pala ang pechay sa ref." Inabot niya naman sa'kin ang pera.

"Ilan po ba?" tanong ko at sinabing ubusin ko na raw na sakto sa perang binigay niya.

Sino ba yung bisita? Masyado naman atang special at maraming handa baka pati buong barangay ma-imbita ni Nanay.

Nang makalabas ako ng bahay ay napaisip ako kung gagamit ba ako ng motor o maglalakad na lang?

Pero dahil umaga at maganda ang sikat ng araw ay naisipan kong maglakad na lang.

Lahat ng nakakasalubong kong tao ay binabati ako, hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ako dito sa amin. Pwede na nga akong tumakbo bilang konsehal e.

"Monnnn!" Bigla akong napa head turned sa taong tumawag sa'kin.

Nagdadalawang isip nga ako kung tao ba talaga to o megaphone na may buhay.

"Ang aga aga Joli, ang ingay ingay mo." sabi ko sa kaniya ng makalapit ito sa'kin.

"Alam mo namang pinaglihi ako ni Mama sa malaking megaphone." Sabi niya sabay tawa. Parang baliw. Kung hindi ko lang siya best friend ay itatakwil ko na to.

"Saan pala ang punta mo? Nakita ko kanina ni Nanay Louisa na kakauwi lang galing palengke ah" tukoy niya sa Nanay ko.

"Oo, kasi may bisita raw na paparating. Hindi ko nga alam kung sino." sabi ko.

"Talaga? Makikikain na lang ako mamaya sainyo ha. Magbabalot na rin ako para hindi na ako makaluto ng hapunan." sabi niya, baliw talaga.

"Oo naman, basta maghugas ka lang pagkatapos ay wala talagang problema doon." sabi ko sa kaniya na ikinaningning ng mga mata niya.

"Hala lagot! Naiwan ko yung sinaing sa bahay! Lagot ako nito kay Mama, ikaw na muna dyan, Mon ha?" sabi niya na tinanguan ko.

Kalahating oras na lakaran lang naman ay nakarating na ako sa palengke, ang aga aga pa nga e ang dami dami ng tao. Kailan ba nawalan ng tao ang palengke?

Pumasok na agad ako sa gulayan at tumingin tingin kung saan may pechay.

At yun, nakita ko na ang mahiwagang pechay.

"Ate pabili ako pechay." sabi ko tsaka namili ng fresh.

"Ilan ba ineng?" tanong sa'kin.

"Singkwenta ho." sabay abot ko sa bayad ko.

Agad namang plinastik ni ate ang napili kong fresh na pechay at inabot sa'kin.

Umalis na ako doon sa loob at ang sakit na nga ng sikat ng araw kapag dumadapo sa balat ko.

"Baka masayang ang gluta ko nito kung maglalakad lang ako." Bulong ko sa sarili ko.

Pero eme hindi ako gumagamit ng gluta, ikaw ba naman ang may lahing briton tingnan natin kung di ka pumuti. Yes, half british ako dahil na rin sa sinabi ni nanay sa'kin na hindi masabi sabi ni mama sa'kin.

Pumunta ako sa terminal ng mga tricycle dito sa'min. Isa rin palang dahilan kung bakit ayaw ko minsang sumakay sa tricycle dahil kailangan punuan para umalis na o di kaya ay magpapaspecial ka ng byahe. Kaya bumili na lang ako ng sariling motor pero hindi ko naman ginamit ngayon, bakit ba hindi ko naisip yun kanina.

Nakita ko naman ang tricycle sa unahan at kakilala ko pa ang may ari non kaya tumakbo ako kaagad sa kaniya.

"Kuya Ed---" hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang may sumakay sa tricycle ni Kuya Ed.

"Oh, Mon. Sasakay ka ba?" Tanong ni kuya sa'kin.

"Oo sana kuya, kaso may biglang sumingit." sabi ko. Sinilip naman ni Kuya Ed ang pumasok sa tricycle niya.

"Ay magandang umaga ho, Ma'am. Saan ho kayo papahatid?" tanong ni Kuya Ed sa kaniya.

"Sitio Narra, Please." Woah! Englishera pala to e.

"Oh, iisa lang naman pala kayo ng pupuntahan sumabay ka na." pagkasabi ni Kuya Ed ay agad na akong pumasok sa loob.

"Wait." sabi niya bigla naman akong napatingin sa kaniya.

Wait, why am I too stunned? I don't know but she looks familiar.

"Why are you here?" wala man a mukha nito ang pagkainis pero halata naman masiyado sa boses niya. It's a no for me. Kahit ka baryo ko pa ang pupuntahan nito, it's a no for me. Masyadong attitude.

"Sasakay rin. Kuya Ed tara na po." narinig ko pa tong nag-tss ng magsimula ng umandar ang tricycle.

Kapag naman napapadikit ang braso namin sa isa't isa ay agad na nilalayo agad sa'kin. Wow! Para namang gusto kong idikit yung braso ko sa kaniya.

Pero infairness ang bango niya, parang amoy mamahalin. Mukha pa namang siyang spoiled brat at anak ng isang milyonaryo, bakit kaya napadpad to rito?

"Are you sniffing me?" biglang tanong niya.

"Inaamoy ko lang, ang bango kasi ng pabango mo. Ano pangalan at para mabili ko din." sabi ko sa kaniya. Ang bango kaso talaga.

"This is exclusively made for me, you won't find this in the store or malls." sabi niya, wow naman.

"K." sabi ko na lang at tumahimik. English pa kasi ng english e.

Hindi na lang ako umimik habang nasa byahe na, bigla naman akong napayuko at nakita ang suot niyang sapatos.

Naka stiletto pa ang taray naman.

"It's YSL." biglang sabi niya, tss tinatanong ko ba?

Napairap naman ako at tumingin sa tinatahak naming daan.

Ilang minuto rin lang ay tumigil na ang tricycle. Nauna akong bumaba at magbabayad na sana.

"Kuya Ed sandali." chineck ko pa ang apat na bulsa ko pero wala na palang laman.

Nakalimutan kong sakto lang palang pera ang nadala ko. Jusko naman.

"Kuya, idadaan ko na lang mamaya sa bahay niyo. Sakto lang pala yung perang dala ko." sabi ko kay Kuya Ed.

"Sige, Mon. Iabot mo na lang kay Chris mamaya." napangiwi naman ako sa pangalanh binanggit niya. Pamangkin niya kasi yun at paulit ulit ng nanghihingi ng chance para manligaw sa'kin.

"No, it's on me." biglang singit ni Madam at nagbigay ng isang libo kay Kuya Ed.

"Ay ma'am, wala pa akong barya. Ipa-abot niyo nalang rin ho kay Mon yung bayad niyo." sabi ni Kuya Ed.

"Keep it." taray naman! Lakas maka mayaman talaga.

"Talaga ho? Maraming salamat ho kung ganon." nakangiting sabi ni Kuya Ed sa kaniya. Ang laki naman ng sobra. 60 lang dalawa kami e. What if makihati ako kay Kuya Ed?

Umalis naman na si Kuya Ed at naiwan kaming dalawa dito.

Maliit na bag lang ang dala, parang puro gamit yun.

"Salamat ah. Pero mauuna na ako, salamat talaga. Bayaran na lang kita pag nagkita tayo ulit." paalam ko sa kaniya.

Aalis na sana ako ng bigla itong umaray.

Nilingon ko naman siya at nakitang natipalok ito. Yan kasi, stiletto ka pa.

"Nako, Miss. Hubarin mo na lang yan. Mabato kasi ang daan, mahihirapan kang maglakad niyan." sinunod niya naman ang sinabi ko at hinubad nga ang suot na sapatos.

Nako po, namumula ang mga paa. Mukhang kakatapos lang magpa foot spa nito.

"It still hurts." Reklamo niya. Kasalana ko ba?

Nako naman baka hinahanap na ni Nanay 'tong pechay niya.

"Ito na lang muna isuot mo." sabay hubad ko sa tsinelas na suot.

"Tig singkwenta lang yan sa palengke pero makakalakad ka ng maayos." sabi ko.

"What about you?" tanong niya.

"Huwag mo kong alalahanin, kaya ko maglakad ng naka-paa hanggang bahay. Kunin ko na lang sayo ulit yan pag nagkita tayo." sabi ko tsaka umupo sa harap niya at pinasuot ang tsinelas ko sa kaniya

"Mauna na ko!" paalam ko sa kaniya at tumakbo papuntang bahay.

Mabuti na lang at malakas ang resistensya kong tumakbo takbo ng nakapaa.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa bahay at binigay kay Nanay ang mga pechay. Sakto lang pala ang dating ko.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories