Fanfics

XIX

16:17, 7 October 2018

Isang linggo ang nakalipas mula ng mangyari yung gabi na yon.

It went well but si Jema hindi na kumibo after non. Hindi ko rin sya nakita tumawa or ngumiti man lang.

Hindi ko alam kung okay ba kami ni Jema. Well alam ko naman na hindi. Alam kong galit sya sakin. Hindi ko pa din sya nakakausap.

"Sasama ka ba dyan? Ngayon yan right?"

"Hindi ko nga alam eh"

"Fhen? Sino ba yan?"

"Friend ko nung high school na ex ni Bea at ex ni Jema"

"WHAT???? Totoo?"

"Oo. Hindi ko nga pala nabanggit sayo yun no"

"Tapos ikaw gusto mo si Jema na nagustuhan din ni Bea? Weird ng friendship nyo ha"

"Kaya nga hindi na tinuloy ni Bea eh. Kasi pareho sila ng ex. So weird"

"So pupunta ka dyan? Saan ba yan?"

"Bar sa BGC 'to. Samahan mo ako. Ikaw ang plus one ko"

"Ayoko nga! Hindi ko naman sila kilala"

"Sila Luigi kilala mo na di ba. Hindi naman kita pababayaan no. Sama ka na please" at nagpacute pa ako. Alam ko naman na hindi ako matitiis nito eh.

"Ayoko Deanns"

Hindi tumalab. Ang hina ko na kay Syd. I guess kailangan ko nalang sabihin yung gusto marinig ng lahat ng friends mo.

"Please please. Libre kita ng tour dito sa Philippines. Kahit saan mo gusto basta isa lang"

"Oh hell yes tara na! Mag aayos na ako!"

"Ang bilis mo ah. And mamaya pang gabi yun"

"New Boracay here I come!!!"

Gusto nya talaga pumunta sa boracay dahil ang ganda ng nakikita nya sa social media dahil bagong linis ito.

"Mag isa ka pumunta don. Bigyan nalang kitang pang tour"

"WHAT?! Bakit di mo ko sasamahan? Hindi na din kita sasamahan mamaya sa party"

"Wala akong pera. Pang isang tao lang yung kaya ko"

"Asa Deanns! Asa!"

"Oo na oo na. Maghanap ka na ng flight at accommodation ngayon"

"YES! Uhm. Deanns? Sila Bea? Ayaw mo isama? Para mas masaya madami tayo"

"Okay kung yun gusto mo eh. Ikaw ang boss. I'll tell them"

Guys. Pupunta kaming Boracay ni Syd. Sama kayo?

Bea: Oy masaya yan! Ako sasama!

Ponggay: Ako din!

Okay. Hintayin nalang natin sila. Kailan nyo ba gusto?

Bea: Sa May 27 agad. Baka tag ulan na sa June eh.

Luigi: OY OY! Sama kami ni Ricci ha!

Ponggay: Oh ayan si Jema nalang.

Luigi: Paseen seen ka lang @/Jema ha.

Bea: Sasama yan. Okay sasama lahat! Ako na bibili ng ticket nyong lahat. Tapos Deanns. Ikaw bahala sa accommodation? Okay lang?

Bakit biglang ganon? Niyaya ko lang kayo tapos sagot ko na accommodation ?

Luigi: Ganon talaga. Bumawi ka samin Deanns :p

Okay fine. Wala na akong masasabi. Nabring up na kasalanan ko eh :(

Luigi: Joke lang Deanns! Labyow!

Jema: Hindi ako makakasama guys. Sorry.

Parang nalungkot naman ako sa sinabi ni Jema. Gusto ko naman din makabawi sakanila.

Bea: asa ka Jema. Nabook ko na kayo lahat. Sunduin ka nalang namin sainyo sa 27 :p

Jema: wala kayong Jema na makikita don :p

Bea: subukan mo magtago. Btw guys. Yung nakuha ko 8 am flight then pauwi 7pm. 3 days 2 nights Deanns ha!

Opo boss! Anw, pupunta pala kayo sa party ni Fhen mamaya?

Ponggay: ako hindi. Hindi naman ako invited. Hahaha! Joke. Ingat kayo later!

Ricci: same Ponggay. Same.

Hindi talaga friends ni Fhen si Ponggay at Ricci. Kami lang talaga nila Luigi. Si Jema naman ex girlfriend ni Fhen.

Bea: Pupunta ako. Ikaw ba Deanns?

Yup! Baka magtampo na sakin si Fhen eh.

Bea: Sabay sabay nalang kami nila Luigi. Ikaw? Sabay ka ba?

Nope magdadala nalang ako ng car. Thanks. See y'all later

"Okay lang ba suot ko Deanns?"

"Wag mo problemahin suot mo. Bar lang naman pupuntahan natin" and I rolled my eyes

"Sungit mo. I just want to look good sa harap ng friends mo"

"Syd you look good kahit ano suot mo" I winked at her

"Alam ko naman nagagandahan ka sakin dati pa" aba nabawi to ah.

She just wearing a white shorts and black blouse and me, I'm wearing black shorts and white polo

"Medyo matchy matchy tayo ah. Baka mapagkamalan tayong magjowa neto Deanns ha"

"Ang swerte mo naman at ang cute ng girlfriend mo" I winked at her

"Ang kapal mo talaga Izabella"

"Dont call me that. Ang girly"

"Pikon! Tara na nga. 6pm na. 8pm yun diba? Matatraffic pa tayo sa Edsa ng 3 hours"

"Hassle!!! Let's go"

Nakarating kami ng 8:30pm so we're late ng 30 minutes. Then 'tong kasama ko nagcrave pa sa milktea so bumili pa kami bago kami pumasok ng private room dito sa bar.

Sobrang ingay. Not my type. Hindi ako mahilig mag bar. Kung mag iinom man gusto ko sa bahay lang ng friends.

"Deannaaaaaa! Long time no see! Miss you!"

"I miss. You too Fhen. How's life?"

"Eto okay naman. Who's with you?"

"Ah right. This is Sydney Eleazar. Girl friend ko" I winked at Syd. Aasarin lang kita. Hahaha!

"Syd nalang. Nice to meet you Fhen. And wag ka maniwala dito kay Deanns"

"Ohhhh! Dineny ka Deanns! Masakit?"

"Hahaha! Okay lang. Mahiyain kasi 'to eh" inakbayan ko si Syd and I kiss her head

"Ang tamis mo tol! Kadiri ka! Dyan na nga kayo. Make yourself comfortable. Andun nga pala sila Bea" tinuro nya yung dulong table

Pag lingon ko sa tinuro ni Fhen nakita kong nakatingin samin si Jema. Habang si Luigi at Bea ay nagke-kwentuhan

Umiwas agad ng tingin si Jema nung tumingin ako sa gawi nila.

"Tara Syd sa table" I held her hand

"Nawiwili kang hinahawakan kamay ko ha" she said at tumingkayad pa para itapat yung bibig nya sa tenga ko

"Ang liit mo kasi dapat nag heels ka. Alam mong maingay dito kailangan mo pa itapat bibig mo sa tenga ng kausap mo"

"Yabang mo! Mag adjust ka kaya! Nakita mo ng nahihirapan ako talagang nag straight body ka pa para lang maabot ko tenga mo" hinampas nya ako sa braso

"Hi guys! Kanina pa kayo?"

"Medyo Deanns. Bakit ngayon lang kayo?"

"Tanong mo dito kay Syd" I rolled my eyes

"Hindi mo naman ako matitiis eh" she stuck my tounge out

"Hindi nyo naman nasagot tanong ko guys?" Bea said

Natawa kaming dalawa ni Syd and siniko ko sya para sya na ang magsabi

"Nagpabili pa ako ng milktea kay Deanna hehe

"Never mo ginawa samin yun dati Deanns ah. Bakit kay Syd lang? Friend mo din naman kami ah" Luigi said and nag sad face pa sya

"Pangit mo Gi. Tigilan mo yan hahahaha!"

"Bwisit ka Deanna! Kumain na ba kayo?"

"Nope. Ikukuha mo ba kami ng food?"

"No! Kumuha ka. Ikuha mo na din si Syd malakas sya sayo di ba?"

"Oy Gi tigilan mo pagda-drama. Hindi bagay"

"Oo na oo na umalis na kayo. Tapos kuha mo na din akong beer"

"Wow Gi? Tara na nga Syd" I held her hand. Parang nakasanayan ko na hawakan kamay ni Syd kapag mag lalakad kami. Ewan ko. I feel comfortable.

Medyo lasing na yung mga kasama ko. Isang beer palang nauubos ko sila ang dami na. Iba iba pa. Cocktails, tequila, rum. Hindi ba sila nahihilo? Pero parang konti nalang babagsak na tong mga to.

"Oy Gi wag ka masyado maglasing. Magda-drive ka pa. Ihahatid mo pa sila"

"Too late Deanns. Lasheng na ako. Tabi!"

Napatayo ako nung sumigaw ng tabi si Luigi. Madaling madali syang tumakbo papuntang CR. Susuka siguro.

"Oh sino pa susunod don? Suka na! Hahaha! Inom pa!" I teased them

"Madaya ka Deanna Wong. Uminom ka din"

"Nope Bei. Magda-drive pa ako. Tignan mo nga tong si Syd oh. Malapit ma tumumba yan"

"Anong malapit na? Hindi ako lasing no!" And she sit straight

"Nice try Syd. Convince me more"

"Oo na. Lasing na nga" hinilig nya ang ulo nya sa balikat ko and nagcling sya sa arm ko.

"Wag ka na uminom ha"

"Opo"

"Oy Jema magsalita ka naman! Ano ba pinunta mo dito? Uminom at manahimik? Sana sa sementeryo ka nag inom" Bea said

Tumawa kami sa sinabi ni Bea pero si Jema wala. Poker face pa din.

Galit pa rin ba sya sakin? Siguro naman. Hindi naman kasi nakakatuwa yung ginawa ko di ba?

"Paano nga pala kayo ni Jema Bei? Lasing na si Luigi"

"Magpapasundo na ako kay kuya. I texted him na"

"Oh ano Gi? Buhay ka pa?! Hahahaha!" Tinawanan ko lang si Luigi

"Ayoko naaaa! Makikitulog nalang ako sa friend ko. May condo yun dito sa BGC"

"Oh paano si Jema?" I said

"Okay lang ako"

"Isabay na natin Deanns. Ihatid na natin sakanila" Syd said and umayos sya ng upo

"No. Wag na. Okay lang ako. Hindi naman ako lasing" bigla syang napahawak sa ulo nya. And she whispered shit pero narinig ko yon

"No you're not okay. Ihahatid na kita sainyo"

Tumayo si Jema pero muntik na sya matumba buti nalang nahawakan ko ang braso nya.

"Where are you going?"

"CR" cold nyang sagot

"Samahan na kita"

"Wag na. Okay lang"

"Samahan na kita. Muntik ka na nga magtaob eh"

"Wag na nga"

"Tara na"

"Why do you care?!"

Nagulat ako sa inakto ni Jema. Sinigawan nya ako.

"Jema!" Saway ni Luigi

"Hayaan nyo sila" Sabi ni Bea

"Yup. I agree!" Sabi ni Syd at nanghingi pa ng high five kay Bea.

Sinigawan na nga ako ni Jema mukhang masaya pa sila ah.

"Tara na Jema. Let me go with you"

"Sinabi kong okay lang ako di ba?!"

"Wag ka sumigaw Jema. Baka mamaya may makarinig na sayo. Tara na"

Pinipilit ko sya maglakad. Nasa kalagitnaan na kami bago makapunta ng CR pero napalag pa din sya.

"Let me go"

Medyo naiinis na din ako. Maikli lang ang pasensya ko Jema. Please.

"Bakit ba ayaw mong samahan kita? E hindi ka na nga makalakad ng ayos" pinipilit ko kumalma

"E ano bang pake mo sakin?! Nung umalis ka ba naisip mo yung mararamdaman ko?! Namin?!"

Eto nanaman tayo. Bakit ba Jema? Kapag ba sinabi ko yung totoo may pake ka sa nararamdaman ko para sayo?!

"Dun na natin pag usapan yan sa CR tara na. Nasa gitna tayo ng bar Jema. Please. Maglakad ka na"

Sumunod naman sya pero pagkapasok namin ng CR agad nyang tinanggal yung kamay kong nakaalalay sakanya.

Medyo masakit yung pagkakatanggal nya pero hinayaan ko nalang. Lasing lang yan kaya ganyan. Ikaw ang umintindi Deanna.

Hindi na nai-lock ni Jema yung cubicle na pinasukan nya at narinig ko nalang na sumusuka sya.

Pinuntahan ko agad sya para alalayan.

Hinahagod ko lang ang likod nya at hinihintay siya matapos.

"Okay ka lang? Tara don sa lavatory. Magmumog ka"

Hinugasan nya yung mukha nya at nagmumog sya. Halatang halata kay Jema na parang hindi na nya kaya yung pagkalasing nya.

"Tara uwi na tayo. Ihahatid na kita"

"Deanns wag mo na ituloy kela Jema. Dito nalang tayo sainyo. Hindi na kaya tumayo ni Jema oh. Hindi mo naman maihahatid yan hanggang sa room ng bahay nila. Panigurado tulog na mga kasama nya sa bahay"

"You're right. Pakiopen nalang nung gate Syd. Then iwan mauna ka na sa loob. Iwan mong bukas yung pinto and paayos nung guest room. Tulog na siguro si Manang"

"Yes boss!"

"Jema bubuhatin na kita ha. Kahit mabigat bigat ka. Hahaha" para akong baliw na nakausap ng tulog

Successful ko naihiga si Jema sa kama. Ang sakit ng braso ko ah.

"Thanks Syd. Pasarado nalang nung gate and yung pinto. Then una ka na sa room ko. Sunod ako don"

"Wag mong pagsasamantalahan ang lasing ha!"

"Duh! Syd?! Ano tingin mo sakin?!"

"Manyak!" Sabay takbo ang bruha sa labas. May araw ka din Eleazar!

I tried to wake her up pero ayaw magising. Siguro hindi ko nalang sya papalitan ng damit. Punasan ko nalang ng tubig yung mukha at braso nya.

I got the towel and basin and I started to rub it on Jema's face.

Tapos na ako asikasuhin si Jema. Papunta na sana ako ng room ko pero nagsalita sya.

"Deanns bakit ka umalis ng walang paalam?"

Lumingon ako sakanya pero nakapikit naman sya.

Ano to nagsasalita ng tulog? Ganon ba talga pag lasing?

Hindi ko nalang sya pinansin.

Nabuksan ko na ang pinto pero nagsalita sya muli.

"Pinag alala mo ako"

Sinarado ko ulit ang pinto at umupo sa gilid ng kama.

"Gising ka ba? Matulog ka na. Magpahinga ka na"

"Bakit mo kami iniwan ng walang paalam? Ano ba talaga dahilan Deanna?"

Ang bagal nya magsalita at alam mong lasing talaga kasi medyo malabo pero naiintindihan ko naman sya.

"Ano Deanna? Tatahimik ka nalang ba dyan? Sabihin mo naman. Hinintay kita nung birthday ko. Umasa akong may matatanggap akong bati sayo pero wala. Umasa ako kahit halos apat na buwan ka ng di nagpaparamdam. Pinuntahan ka namin nung birthday mo sa bahay nyo. Isusurprise ka namin pero wala ka na pala. Ano Deanna! Titignan mo nalang ba yang sahig?!"

Napatingin ako kay Jema. May nakatingin sya sakin. May luha na din na tumulo sa mga mata nya.

"Bakit ka ganyan? Bakit ka ganyan mag react sa pagkawala ko?" I asked. Bakit nga ba sya ganyan? Kasi kaibigan ko sya? Umaasa ako na baka meron din. Jema naasa nanaman ako. Naasa nanaman ako na meron ka palang nararamdaman para sakin na higit pa sa kaibigan.

Bumangon si Jema at sumandal sa headboard.

Tumingin sya sakin at nagsalita

"Kasi kaibigan kita" and that broke me for the second time with the same person

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories