XX
04:53, 12 October 2018"Good morning Boracay!"
"Ingay ha"
"Sungit mo Deanns. Nung mga nakaraang araw ka pa ganyan"
"Tigilan mo ko Syd. Baka pagbayarin kita dito sa Boracay trip mo"
Nakakainis. Nakakainis naalala ko yung nangyari at pag uusap namin ni Jema sa bahay namin nung gabing pagkatapos namin sa birthday ni Fhen.
"Kasi kaibigan kita"
"Sobra naman ata yung pag aalala mo bilang KAIBIGAN Jema"
"Bakit? Masama ba mag alala sayo? Masama ba magtampo sayo? Hindi ba nakakatampo talaga yung ginawa mo?"
"Oo andon na tayo sa nagtatampo ka sakin. Bakit parang hanggang ngayon galit ka pa? Bakit hindi mo ata ako magawang patawarin? Okay na kela Bea. Sayo nalang hindi. Ikaw nalang hindi nakausap sakin ng parang dati lang. Bakit Jema?"
"Wag mo ko baliktarin Deanna. Ikaw ang timatanong ko. Bakit ako na tinatanong mo ngayon?"
"Nasabi ko na di ba? Napaliwanag ko na. Bakit ba hindi ka maniwala?"
"Kasi pwede mong ipaalam nalang samin yun! Alam mong maiintindihan namin yun! At hindi big deal samin yun kasi grandparents mo yun kaya alam kong nagsisinungaling ka lang. Kung sila Luigi hinayaan nalang yung palusot mo ako hindi. Ano ba talaga ang dahilan Deanna?!"
"Hindi natin pagtatalunan to Jema. Tapos na tong usapan na to eh. Matulog ka na"
"Subukan mong umalis ngayon dito sa kwartong to. Ako naman mawawala sa buhay nyo"
"E di dito ako matutulog. Usod ka. Tabi tayo"
"Tigilan mo ko sa kapilosopohan mo Deanna. Hindi ako nagbibiro"
"Ang kulit mo Jema. Napaliwanag ko na ah. Kailangan ko ba ulitin? Hindi ka ba nakinig nung nagpaliwanag ako? Oh sige ulitin ko. Kasi gusto ko magfocus sa pagtulong sa busi..."
"Tang ina naman Deanna! Wag mo na ako lokohin. Alam ko at alam mo lalo na hindi totoo yang reason mo!"
Nagulat ako ng mamgmura si Jema at nagtaas ng boses. Galit na talaga sya. Naiyak na din sya. Alam kong nakakakaiyak talaga pag sobra na yung inis. At nagsisimula na din akong mainis kasi bakit nya ba kailangan malaman pa? Bakit big deal pa? Bakit sobra yung apekto sakanya ng pag alis ko? Andito na naman ako di ba?
"Bakit ba kailangan mo pa malaman? Okay na di ba. Andito na ako. Bakit ba sobra kang naapektuhan sa pag alis ko?!"
"AYUN NA NGA EH! HINDI KO ALAM DEANNA! HINDI KO NA ALAM! BAKIT AKO NAGKAKAGANITO! HINDI KO ALAM KASI FEELING KO GUSTO KITA!"
"A..ano?"
"Bingi ka ba?! Sinisigawan na kita hindi mo pa naririnig?! Gusto kita Deanna! Gusto kita!"
Gusto nya ako? Gusto ako ni Jema? Gusto mo nanaman ako? Kasi lasing ka? Tapos bukas ano? Sasabihin mo nanaman na gusto mo ko bilang kaibigan mo?
"Lasing ka lang Jema. Matulog ka na"
"Hindi ako lasing Deanna. Alam ko ang sinasabi ko"
"Gusto mo lang ako bilang kaibigan mo Jema. Alam ko na yun. Magpahinga ka na"
"Eto. Eto ba ang gusto bilang kaibigan lang?" Hinawakan nya ang kamay ko and she intertwined it.
"Eto?" Hinila nya ako at napahiga ako sa tabi nya. Niyakap nya akong mahigpit. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nag iinit na din ang tenga ko. Hindi ko alam pero parang nahihiya ako sa posisyon namin ngayon. Lalo na't titig na titig si Jema sakin.
"Lalo eto" bumaba ang tingin nya sa mga labi ko. Onti onti nyang nilapit ang labi nya sa labi ko at naramdaman ko nalang naglapat ang labi namin sa isa't isa.
Totoo bang nangyayari to?
Sobra sobrang saya ang nararamdaman ko.
Naramdaman kong gumalaw ang labi ni Jema kaya napabitaw ako sakanya at biglang umupo ng tuwid sa kama.
"Bakit Deanns?"
"Ha? Anong bakit?"
"Bakit ka bumitaw? Hindi mo ba gusto?" Umupo din sya sa tabi ko
"Look Jema. I know lasing ka. And ayoko isipin mong nagte-take advantage ako sayo. I respect you" i kissed her forehead
"Ako naman yung gumawa Deanns. And ilang beses ko na sinabi sayong hindi ako lasing"
"Sige na matulog ka na. Aalis na ako"
Tatayo na sana ako pero hinawakan nya yung braso ko.
"Stay Deanns. Ayokong pag gising ko wala ka na naman"
"Dun lang ako matutulog sa room ko Jema. Hindi ako mawawala"
"Dito ka nalang matulog"
"Saan ako matutulog dito Jema? Double lang tong bed eh baka kulang pa sayo yan"
"Magkakasya tayo dyan. Dali na. Dito ka nalang please"
Jema stop pouting. Baka di ko mapigilan ang sarili ko... at dito ako matulog.
"Kulit mo naman. Puntahan nalang kita dito pagkagising ko. Matulog ka na"
"Bahala ka nga. Mas gusto mo katabi si Syd kesa sakin eh. Alis na"
"Ha?"
"Wala. Lakad na. Labas na"
"Nagseselos ka ba Jema?" Umupo ulit ako sa gilid ng kama to tease her. Pero kinikilig din ako. Kinikilig ako sa mga pinapakita nya. Kanina pa. Jema bakit hindi pa noon? Kailangan ko pa umalis para mangyari to.
"Hindi ah! Asa!"
"Weh?" I grinned
"Stop it Deanna. Nakakabwisit yang ngiti mo"
"Selos ka eh. Uuuyyyyy selos" I poked her tagiliran
"Umalis ka na Deanna. Baka mahampas ko pa yang mukha mo"
"Uyy selos. Sige alis na ako. Hindi nakakatulog ng ayos si Syd kapag hindi ko sya niyayakap eh" tumayo na ako at naglakad
"Sige! Subukan mong lumabas ng pinto na yan puputulin ko yan! Yang paa mo!"
"Brutal. I like it. Aminin mo munang nagseselos ka kay Syd"
"Over my dead body" inirapan nya ako.
I like this feeling. Yung parang pinagdadamot nya ako sa iba.
"E di sige alis na ako. Puntahan ko na si Syd. Kanina pa ako hinihintay non"
"SIGE NA OO NA! NAGSESELOS NA! NUNG UNANG PAGPAPAKITA NYO PALANG ANG SWEET NYO NA! MAKAPAGLANDIAN KALA MO WALA KAMI DON? KAILANGAN MAY PAG PISIL NG ILONG?"
"Yieeee! Selos sya" ngiting ngiti ako. Yung ngiti ko na parang nanalo ng lotto. Or higit pa doon. Sana hindi na matapos 'to.
Lumapit ulit ako sa may gawi ni Jema.
"Tigilan mo ko. Yabang mo. Kala mo cute ka?"
"Bakit ka nagseselos?" I asked
"Ewan ko kung slow ka or sadyang tanga ka lang talaga Deanns. Di ba nga gusto kita?"
"Ano? Di ko narinig" umarte pa akong hindi ko talaga narinig. Kunwaring naglinis pa ako ng tenga
"Bakit ko uulitin? Masyado ka ng masaya"
"Ayaw mo ulitin? Sige alis na ko. Bye" hawak ko na yung doorknob pero sumigaw sya
"GUSTO NGA KITA DEANNA WONG"
"Uy wag ka nga sumigaw. Kanina ka pa eh. Pero ang sarap sa ears nung sinigaw mo ha" I winked at her
"At kotang kota ka na. Tapos ako hindi ko man lang alam kung may gusto ka din sakin or huli na ba ako"
Lumungkot yung mukha nya after nyang sabihin yun.
"Paano mo nasabing huli ka na?"
"Sydney"
"Oh shoot! Alam mo kanina pa ako hinihintay non eh. Puntahan ko na ha! Tulog ka na" I ran papunta ng room ko.
Nakita kong natutulog na si Sydney. Lasing ba to at hindi na nakapagkumot? Lamig na lamig ma sya. Bakit sobrang baba kasi ng temperature ng aircon. Baliw talaga. Hindi na inayos.
"Hi" I whispered and hug her from the back
"Deanna?"
"Yes why?"
"Akala ko dun ka na talaga tutulog sa room mo. Akala ko huli na talaga ako" she's sobbing? Is she crying?
"Naiyak ka ba?"
"Hindi ah! Bakit ako iiyak"
"Eh bakit ka biglang sinisipon? Singhot ka ng singhot dyan. Humarap ka nga sakin"
"Malamig kasi kaya ako sinipon"
"Bakit hindi mo hininaan ang aircon?"
"Tinatamad ako tumayo"
"Tatalikuran mo nalang ako? Ayaw mo ata ako dito eh. Babalik na ako sa room ko"
Babangon na sana ako pero bigla syang humarap sakin at niyakap ako ng mahigpit
"Dito ka lang"
"Dito lang ako. Tulog na tayo" I kissed her forehead
"Oy Deanns tara na. Kanina ka pa tulala. Simula pagsakay natin sa eroplano hanggang makarating tayo dito sa lobby ng hotel" Sydney said
"Nakuha mo na ba yung keys?" I asked
"Oo andon sila sa couch. Paano ba magiging setup?"
Naglakad kami papunta sa gawi ng inuupuan nila Bea. Tinignan ko si Jema pero agad sya nag iwas ng tingin. Nakakainis talaga. Bakit ba sya ganyan?
"Guys we have 4 rooms. Pero yung isa connecting room. Yun nalang kasi yung last na available"
"Amin na yung isang room na solo lang ni Ricci. Di kami pwede sa connecting room" Inabot ko yung susi kay Luigi
"Amin na din yung isa. Bigyan nyo kami ng privacy ni Babe"
"Yuck Bei. Di bagay sayo ang sweet" sabi ni Luigi
"What? Satin ang connecting room?" I whispered
"Okay lang yan Deanns. Wala namang masama dun ah" Syd said
"Oy oy tama na bulungan. Tara na sa room natin" Bea said
"Atat" inirapan ko sya
"Deanns ano. Sabi mo 1 hour ka lang magpapahinga. Eh nakatapos na ako ng isang movie nakahiga ka pa din dyan"
"Eh bakit hindi ka pa kasi sumama kela Bea nung nagyaya sila"
"Ayaw kita iwan. Alam kong may problema ka. Ano ba yun kasi at nagkakaganyan ka?"
"Wala"
"Ano nga? Magtatago ka pa ba sakin Deanns?"
"Okay fine. May nangyari samin ni Jema nung pag uwi natin galing tayo sa birthday ni Fhen"
"WHAT?! MAY NANGYARI NA SAINYO?!"
"SHHH! Ano ba?! Baka marinig ka sa kabilang room. Connecting room tayo kela Jema baka nakakalimutan mo?"
"Umalis naman sila ah. Pero ano nga? May nangyari sainyo?" Hindi makapaniwalang tanong nya
"Pano kung bumalik na sila? And ang dumi ng utak mo! Hindi naman pag sinabing nangyari yung ano agad. Bastos"
"Eh anong gusto mong isipin ko sa sinabi mo? May nangyaring jack en poy nung gabing yon?" Inirapan nya pa ako.
Kinwento ko sakanya yung nangyari.
"Oh? E bakit ka naiinis? Hindi ba dapat matuwa ka sa nangyari?"
"Paano ako matutuwa e after non. Yung hinatid ko sya sakanila kinabukasan parang wala na namang nangyari samin. Sa pangalawang pagkakataon ganon nanaman"
"Hindi mo sya tinry kausapin?"
"Hindi. Hindi ko na kaya na marinig ulit yung hindi naman romantically yung nararamdaman nya for me"
"Hindi pa ba romantically yung hinalikan ka nya? Ano ba naramdaman mo nung ginawa nya yun?"
"Masaya. Sobrang masaya. Siya parin pala" hindi ko alam pero parang lumungkot yung mga mata ni Syd? Or baka mali lang ako?
"Oh yun naman pala. Eh di kausapin mo na"
"Paano kung..."
"Tama na yung what ifs. Sige iwan muna kita. Hanapin ko nalang sila Bea kung ayaw mo umalis. Sayang ang oras. Hindi naman tayo nag boracay para tumambay sa room"
"Dalahin mo phone mo. Text me kapag nakita mo na sila Bei. Take care Syd. Thank you for always being here for me"
"No worries Deanns. I'm always here for you"
Nakailang ikot na ako sa kama ko. Pinag iisipan ko kung kakausapin ko ba si Jema.
Tumayo ako at lumapit sa pinto na nagco-connect sa room namin nila Jema. Hinawakan ko yung doorknob.
I tried to open it. Hindi naka lock.
Wala naman sila dito diba.
Binuksan ko ng konti. Sumilip ako pero wala nga sila. Pero just to be sure nagsalita ako.
"Pongs?" Pero walang sumagot.
Pumasok ako sa room nila. Iche-check ko lang kung nai lock ba nila yung front door nila. Baka kasi nakalimutan din nila i-lock.
"Deanna? Anong ginagawa mo dito?"
I turned around.
"Jema? Uh. I'm sorry. Chineck ko lang kung naka lock yung door. Nakaopen kasi yung connecting door natin eh. Akala ko kasama kayo ni Pongs kela Bea"
"No. Nag paiwan ako. Mas gusto ko magpahinga muna"
Ilang segundo kaming natahimik. Yun na ata ang pinakamatagal na segundo sa buhay ko.
"Uhm ano" sabay naming sabi
"Sige una ka na Jema"
"Ikaw na Deanns"
"Ikaw na" I smile
"Uhm I just want to say sorry about that night"
Eto na nga yung sinasabi ko eh. Sasaktan mo nanaman ba ako Jema? Uulitin mo nanaman ba yung nangyari nung gabi na una kong narinig sayo na gusto mo ako?
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)



![A Fruitless Marriage (Gxg) [Fayeyoko fanfiction]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/10597/conversions/f5f5b07e4f4fb8defeed322bff31571e.jpg)
