XVI
11:21, 27 September 2018"Uy Deanns! Tara naman lumabas naman tayo! Simula nung mag work ka dito hindi parin tayo nakakagala! Hindi mo pa nga nakikita ata yung merlion!"
"Shut up. Ang ingay mo. End of the month ngayon so please. Sayo ko kaya ipa-balance 'tong financial statement?"
"Sungit mo. Kahit naman hindi end of the month ayaw mo gumala"
Hindi ko nalang siya pinansin.
Its been 8 months. 8 months na akong nasa Singapore. Pumayag ako na dito nalang ako magtrabaho sa restaurant ng lola ko. Atleast masasamahan ko pa sila ni Lolo.
Hindi ako nagpaalam sa mga kaibigan ko.
Wala akong sinabihan. Family ko lang ang may alam and Bea. Hindi naman ako makakapaglihim dun eh. Bestfriend ko yun.
9 months na din akong deactivate sa social media. iMessage lang at FaceTime ang way para makapag usap kami ni Bea.
"Hep hep hep! San ka pupunta?"
"Uuwi?"
"Uuwi agad?! Gumala naman tayo parang awa mo na naman Deanna Wong!"
"Don't shout Sydney! Ipapadala kita sa Australia tignan mo"
"HA HA funny Deanns. Pinagco-connect mo nanaman ang Sydney Australia. Corny mo huy!"
Naglakad na ulit ako at nilagpasan siya.
"Oh Deanna. Apo. Asan na si Sydney? Pinagpaalam ka na niya sakin. Ibili mo kami ng lolo mo ng chinese food pag uwi mo ha"
"Let's go Deanns? Bye po Lola. Uwi po kami ng maaga" nagcling pa sya sa braso ko.
Patay ka sakin mamaya Eleazar!
"Bitawan mo nga ako!"
"Sungit mo naman. Saan mo gustong unang pumunta?"
"Umuwi!" Binilisan ko ang lakad papunta sa kotse ko para di nya ako maabutan.
"HOY DEANNS! WAIT NAMAN!"
"DEANNA!"
"HUY WAIT LANG!"
"ARAY!"
Napalingon ako. Nakaupo sya sa sahig at nakatigin sa tuhod niya.
I jogged going to her.
"What happened?"
"Natapilok ako eh. Bilis mo kasi maglakad kaya nanakbo ako. Hindi ko nakita yung nakaangat na block"
"Kulit mo kasi eh. Sabi kong ayako umalis"
"Sorry" at tumungo siya.
Nakonsensya naman ako. Sige na nga. Sasamahan ko na gumala 'tong babaeng to. Hindi naman siya napagod kulitin ako habang nilulunod ko sa trabaho yung sarili ko.
Lumuhod ako at tinignan yung tuhod nya
"Patingin nga. Masakit ba?"
Tumgango lang siya
Namumula yung tuhod nya. Siguro magkakapasa 'to.
Inabot ko ang kamay ko sakanya at inalalayan siya tumayo.
"Okay ka lang?"
"Yup"
"Sige na sasama na ako sayo"
"YES! Kailangan ko lang pala madapa para mapapayag ka eh!"
"Wag kang masyadong masaya. Ngayon lang 'to"
"Saan tayo pupunta?"
"Give me your keys Deanns"
"Huh? Bakit?"
"Anong bakit?! E di ako magda-drive!"
"No. You don't know how to drive"
"Yabang neto. I know how to drive no!"
"Eh bakit hindi pa kita nakikitang mag drive?"
"Paano mo ko makikita e hindi mo naman ako hinahayaang mag drive? Di ba simula nung magtrabaho ka sa lola mo lagi mo akong sinasabay sa kotse mo papuntang resto?"
"Eh bakit hindi kita nakikitang nagda-drive pag aalis ka?"
"Si Dad ang nagda-drive pag naalis kami. Wala naman akong ibang friend dito ikaw lang. Kaya nga kinukulit kita lagi eh"
"Eh kahit na. Hindi pa din ako naniniwala"
"O sige. Mag drive ka. Alam mo ba daan? E ang alam mo lang back and forth ng house at resto di ba?"
"Aish!! O sige you win. Oh catch!"
Pumunta lang kami sa Merlion. Dun muna daw kasi yun ang pinaka tourist attraction dito.
Ngayon lang ako nakalabas. I mean sa ibang lugar. Bukod sa bahay at resto.
Masyado ko pala talagang nilunod sarili ko sa trabaho.
"Picture-ran kita Deanns! Dyan ayan. Usod ka konti sa right. Ayan. Ngiti ka"
I smiled a bit.
"Ang tipid mo naman ngumiti. Pero eto tignan mo. Oh tayong dalawa naman! Wala pa tayong picture. Tagal na natin magkaibigan eh!"
"Miss! Miss! Uhm Excuse me. Can you take a picture of us? Thankyou!"
Nangtawag pa ng ibang tao. Pwede namang selfie nalang.
"Okay 1... 2..." niyakap ako ni Syd patagilid. Nagulat ako kaya napatingin ako sakanya. Ngiting ngiti sya
"3... Click!"
"Thankyou Miss!"
"You two are cute together" she smiled and umalis sya.
Huh? Baliw ba yun?
"Deanns naman bakit di ka nakatingin sa camera? Alam kong maganda ako pero sana after nalang ng picture tsaka mo ko tinignan diba?"
"What? Idelete mo kung ayaw mo. Pasalamat ka nga pumayag akong magpapicture ka sakin"
"Wow Deanna? Artista ka ba?"
"Tara na nga. Saan ba next na pupuntahan natin?"
"Since gabi na. Madilim na din..."
"What?! Ano gagawin mo sakin?"
"Duh? Deanna Wong ang dumi ng utak mo!"
"Hahahaha! I'm just kidding"
"Ayan natawa ka na! Cute ka naman pala eh. Dalasan mo pagtawa at pagngiti mo ha"
Binalik ko sa poker face ang mukha ko.
Ganong katagal na ba ako hindi nangiti?
"Oo simula nung nakilala kita sa trabaho hindi ka na ngumiti"
"Huh? Did I say that out loud? Iniisip ko lang yun ah"
"Nabasa ko lang naiisip mo. So sabi ko nga since madilim na sakay tayo sa Singapore Flyer para makita natin ang buong city lights ng Singapore!"
May pag taas pa ng kamay eh.
She's cute tho.
Sydney Eleazar. Accounting staff din sya sa resto. 2 years na siyang nagtatrabaho kay lola. Magkapit bahay lang din kami. Thankful ako sa family ni Sydney kasi sila yung nakakasama nila lolo at lola sa mga occasion na dapat nace-celebrate as a family.
"Let's go Deanns! Ano pa tinatayo tayo mo dyan?"
"Mataas ba yun?"
"Malamang! Yung parang ferris wheel sa pinas ganon. Pero mas mataas lang ata to"
"Wag na tayo dyan. Di naman maganda dyan"
"Huh? Anong hindi maganda? Akala ko gusto mo ang city lights?"
"Oo nga. Pero wag na dyan. Okay na ako"
"Ehhh Deanns naman. Tara na!" Hinihila nya ako papasok sa loob ng Flyer"
"Wag na Syd"
"Sayang naman bili ko sa ticket"
"Bayaran ko nalang"
"Eh dali na kasi. Sakay na tayo"
"Ano kasi Syd. Ah eh.. uhm... Takot kasi ako sa heights"
"Hahahaha! Kalaki mong tao takot ka sa heights?! Hahahaha!"
"Not funny Syd"
Tumigil sya sa kakatawa nya
"Okay. Fine. Pero sasakay tayo. Face your fears Deanns"
Sige na. Sige na nga. It won't hurt naman. Kaya ko to.
"Fine" I sigh in defeat.
"HOY DEANNA IMULAT MO NAMAN YANG MATA MO! ANG GANDA KAYA! SAYANG NAMAN YUNG PAGSAKAY MO DITO!"
"Sabihin mo nalang pag bababa na tayo"
"DEANNA WONG!!!! MAGLILIKOT AKO DITO PARA UMALOG SIGE KA!"
"Eto na eto na! Wag kang gagalaw!"
Dahan dahan kong iminulat yung mga mata ko. Nakita ko si Sydney na parang batang nakatanaw sa ibaba.
"Wow"
"Sabi sayo maganda eh"
Sobrang ganda. Sobrang ganda ng mga city lights.
"Oh ano ka ngayon? Para kang bata? Yang mata mo manghang ma..." hindi na nya natapos yung sasabihin nya.
Niyakap ko si Sydney.
"Why Deanns? Okay ka lang?"
"Yup. Thank you. Thank you kasi hindi ka nagsawang kulitin ako umalis sa 8 months kong andito"
"Okay lang Deanns. Ang lungkot kasi ng mga mata mo nung una kitang nakita. Tapos hanggang ngayon wala na akong emosyon na nakikita sa mata mo. May problema ka ba?"
"Okay lang ako. Sobrang salamat Syd. Lagi na akong sasama sayo kapag magyayaya ka umalis"
"Oh sya bitaw na. Ang breezy mo na"
"Ay sorry" I scratched my head
Tumingin nalang kami sa city lights at nagpicture ng konti. Hanggang sa matapos na yung ikot.
"Pagod ka na? Gutom?"
"GUTOM! Kain muna tayo Deanns bago umuwi please"
"Wag mo na pilitin magpa-cute. Hindi ka cute"
"Weh? Sakin ka nga nakatingin nung nagpa-picture tayo sa merlion eh"
"Kulit mo. Tara na"
"Thanks for today Deanns. Bukas ulit ha! Sunday bukas. Day off tayo. Mag universal studio tayo!"
"Okay okay. Puntahan nalang kita sainyo. 10 am?"
"Okay!"
"Uy! Chansing ka ha!" And she just stuck her tongue out.
Hinalikan ako ni Syd. Sa pisngi lang naman.
Hindi naman siguro big deal yun.
I should get something for Sydney. Pa-thank you man lang sa pagpilit nya sakin lumabas.
"Hi Lola! Gutom na po kayo? Sorry medyo late po kayo magdi-dinner ni lolo"
"Okay lang apo. Atleast umalis ka na ng bahay di ba? Tagal tagal mo na dito ayaw mo gumala"
"Ay bukas po pala aalis po ulit kami ni Syd"
"Oh. Mabuti naman apo. Magce-celebrate kayo ng birthday nya?"
"Po? Birthday nya po bukas?"
"Ay oo apo. Hindi mo ba alam?"
"Ah eh. Hindi po. Sige po La, magpapahinga na po ako"
I should get something pala talaga for Syd. Hindi ko naman alam na birthday nya pala.
"Doon tayo Deanns! Papicture tayo sa universal studio!"
"Wait up! Wag ka manakbo! Madapa ka nanaman!"
Muntik na mabunggo si Sydney at muntik na nanaman sya bumagsak. Buti nalang naabot ko sya.
"Ayan sabi na kasing wag tumakbo. Ang kulit. Lampa naman"
"Mommy? Bakit kasama kita? Akala ko si Deanna ang kasama ko?"
"Baliw. Tara na nga"
Madami na kaming napuntahan ni Sydney.
Andito kami ngayon sa food court ngayon having our lunch.
"Deanns wala ka bang social media? Gusto ko magpost sa IG ita-tag sana kita eh"
"Meron. Pero naka deactivate"
"Gamitin mo na ulit. Dali na!"
Gamitin? Handa na ba ulit akong makita mga friends ko sa pilipinas? Si Jema? Okay na ba talaga ako?
"Uy Deanns! You're spacing out"
"Ha? Ano?"
"You're spacing out. Activate mo na ulit social medias mo"
"Okay okay. Wait lang"
Siguro nga. Hindi ko din naman sila maiiwasan habang buhay eh.
"Ano okay na?"
"Oo okay na"
"Sige follow na kita. Follow back mo ko ha!"
"Baliw! Oo na"
SydneyEleazar started following you
"Oh ayan na ha. Na-follow back na kita boss"
"Good dog"
SydneyEleazar tagged you in a post
*insert picture*
Thank you @/DeannaWong
Yung picture namin kahapon sa merlion, candid picture ko mag isa sa singapore flyer at picture namin sa universal studio
"Airdrop mo naman photoa natin sakin"
"Okay. Open mo na"
Mag popost ako sa IG. Babatiin ko sya. Same pictures nalang. Except yung candid photo ko syempre. So dalawa lang. Yung sa merlion at dito sa univ studio.
*insert picture*
Happy Birthday Syd! Hope you had a great time with the cutest person on Earth! Me! 😉 @/SydneyEleazar
"Paano mo?"
"Paano ko nalamang birthday mo ngayon? Syempre ako pa ba? April 10, 1997"
"Thankyou Deanns!"
8pm na and we're just waiting for fireworks.
Nasa isang bench lang kami.
Nakakapagod 'tong araw na 'to. Puro lakad kasi. But sobrang saya naman.
"Tired?"
"I can't feel my legs Deanns"
"Last na 'tong fireworks then uwi na tayo"
"Ayan na Deanns!"
Tumingala lang kaming dalawa. Sobrang ganda.
Naramdaman ko ang pag hilig ng ulo ni Syd sa balikat ko.
Napalingon ako sakanya. Nakatitig lang siya sa langit.
Binalik ko na ulit ang tingin ko sa taas.
Ang tagal ko hindi naramdaman yung saya na nararamdaman ko. Sobrang gaan sa loob.
"Thanks for today Deanns. See you tomorrow"
"Wait. Wag ka muna bumaba"
Kinuha ko yung gift ko sakanya sa backseat
"Oh. Buksan mo"
"Ano 'to Deanns?"
"Box na may wrapper siguro Sydney"
"Pilosopo!"
"Gift ko yan sayo. Open mo"
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at inopen ang camera ko. Video-han ko si Syd i-IG story ko. Wala lang. Namiss ko lang mag social media.
"A polaroid camera?! Thanks Deanns!" Niyakap nya ako ng mahigpit
"Syd. Syd... di ako makahinga"
"Sorry! I got excited! Thank you! Paano ka nakabili nito?"
"Bago kita sunduin sainyo umalis muna ako. Kaya nga ako late ng 30 minutes eh. Hindi ko kasi maisip yung right gift. Pero nung nakita ko yan ikaw agad naisip ko. Mahilig ka magpicture eh"
"Uhh. Thankyou Deanna. Hindi naman kailangan na eh. Pero thankyou!"
"Sige na. Baba ka na. Thanks for today!"
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)



![A Fruitless Marriage (Gxg) [Fayeyoko fanfiction]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/10597/conversions/f5f5b07e4f4fb8defeed322bff31571e.jpg)
