Fanfics

XV

15:28, 25 September 2018

"Hanap lang ako wait. Sabihin mo kung gwapo ha. Sabi ng mga friends ko sa adamson gwapo eh. Ultimate crush ko nga to eh" sabi nya habang scroll ng scroll sa phone nya searching for picture of her ex boyfriend

"Tagal naman"

"Wait lang. Ang hirap mag back read Deanns"

"Eh bakit kasi sa conversation ka natingin. Pwede mo naman i-search nalang yung account nya"

"Eh gusto ko lang makita yung pinag uusapan namin dati"

Wow ha. Wow. Parang hindi ako nasasaktan. Anyways hindi mo nga pala alam na masasaktan ako sa ginagawa mo ngayon.

"Ugh. Sobrang clingy ko pala dati? Kadiri! Nagsesend pa ako ng mga picture ko sakanya!"

"Sino ba kasi may sabing mag back read ka?"

"Eto eto Deanns. Ayan"

"Hindi naman gwapo"

"Ay hindi ba? Teka hanap pa akong iba. Hindi maayos tong napakita ko sayo eh"

Sige. Maghanap ka pa. Lahat ng ipakita mo sasabihin kong hindi gwapo. Sige Jema Galanza. Saktan mo pa ako ha? Nagseselos ako ng wala naman akong karapatan. Hindi naman tayo. Sige lang.

"Oh eto eto"

"Yuck. Nagsesend sya sayo ng wala syang damit? Eeew"

"Hala. Cute nya kaya dito. Hindi mo talaga sya bet?"

"Hindi naman gwapo eh. Nice try Jema"

"Hanap pa ako ng iba wait"

Naisip ko yung nasa Baguio kami. Siya kaya yung sinasabi nya dun sa tanong na kung may babalikan man sya na ex?

"Siya ba yung sinasabi mo na babalikan?"

"Yup"

"Ohhh"

"Ayaw lang sakin ng parents nya eh"

"E di baliw parents non. Wala namang hindi pwedeng magustuhan sayo eh"

"Thanks Deanns. Pero iniisip ng parents nya na bad influence ako sakanya"

E di ako nalang Jema. Ako nalang.

"Uyy guys! Mukhang seryoso kayo dyan ah"

"Oy Ricci. Sila Luigi bumibili lang ng food. Oh ayan na din pala eh"

Natapos na kami mag dinner and we just having a photoshoot.

Wala kasi kaming matinong picture together.

After namin mag picture nagkwentuhan lang kami.

I sat beside Bea.

"Bukas ka na talaga aalis?" I asked

"Oo Deanns eh. Si dad bumili ng ticket namin ni kuya"

"I'm gonna miss you"

"I know Deanns. I know"

"Kapal mo talaga De Leon. Mamimiss mo din naman ako eh"

"Mamimiss ko kayo"

I hug her. Mamimiss ko naman talaga 'tong bully na 'to eh.

"Uwi na tayo? Maaga pa flight ko bukas" Bea said

"Sure sure. Ihahatid na namin kayo" Luigi said

"Hatid mo ko Deanns" Jema whispered

"Kay Luigi nalang. Tapos sasama nalang ako"

"Eehhh. Hatid mo nalang ako. Maliit yung car ni Luigi ngayon. Apat na sila nila Ricci oh"

"Okay fine fine. I'll bid a goodbye muna kay Bei"

I just said my goodbye and I'm gonna miss her. Hug and beso to Bea.

"Bye guys! Ingat sa paghatid kay Bea"

"Saan punta nyo ni Jema?" Ponggay asked

"Ihahatid ko sya sa bahay nila"

"Ayaw nyo pa sumabay samin?" Luigi said

"Wag na Gi. Kay Deanna nalang ako papahatid. Maliit lang car mo ngayon eh"

"Oh okay. Take care! Deanns! Ang pagda-drive!"

"Yes Boss Luigi!"

Tahimik lang akong nagda-drive papunta sa bahay nila Jema.

Mga 10 minutes drive lang naman papunta sakanila galing samin. Wala na namang traffic. 11:47 pm na rin naman.

"Tahimik mo Deanns"

"Ha? Nagfo-focus ako sa daan eh"

"Sobrang focus mo naman. Kahit hininga mo di ko marinig"

Tumingin lang ako sakanya.

Nakatingin sya sa bintana.

Parang ayoko pa iuwi si Jema. Parang gusto ko i-drive kahit saan. Yung walang direksyon. Kung saan nalang kami mapunta.

Kaso natatakot ako. Natatakot ako mareject. Hindi ko nalang siya yayayain.

"Thanks Deanns. Wag mo na ako pagbuksan" bumaba na sya ng kotse.

Hinihintay ko nalang sya makapasok ng bahay bago ako umalis.

Its been a month simula nung umalis si Bea.

Simula din nung umalis siya hindi na kami nagkikita kita.

Ganon naman lagi eh. Kung kailang nandito lang si Bea tsaka kami nagsasama sama.

I miss Jema. I miss her so much.

Bihira lang kami mag usap.

Pag may kailangan lang talaga sabihin. Pero minsan bigla bigla nalang siya mangangamusta. Tapos magkekwentuhan kami ng mga tatlong oras. Pero after non wala na ulit.

Ang labo.

Minsan parang pakiramdam ko espesyal ako sakanya.

Pero madalas parang wala lang ako sakanya.

Katulad ngayon, gustong gusto ko siya kamustahin. Kasi based on her tweets may problema siya. Gusto ko tanungin kung okay lang ba siya. Kaso baka naman kasi hindi niya lang ako replyan.

1 message received from Jia

Huh? Jia? Sobrang unusual naman ata? Random? Bakit kaya?

Deanns

Yes Ju?

Wala lang. Kamusta?

Okay lang ikaw?

Okay lang din. Si Luigi? Kamusta?

Okay lang yun. Balita ko galit kakay Luigi ah? Dahil dun sa nangyari sakanila ni Jema?

Oo. Nakakainis kasi. Kung hindi nangyari yun e di sana nangyari na yung dapat mangyari

Huh? Anong dapat mangyari?

Si Bea at Jema. Sana sila na.

Nakaramdam ako ng kirot sa may dibdib ko. Biglang hindi ako makahinga ng maayos.

Alam mo yun. Kasi nagbago si Jema para kay Bea eh. Gago dati yun si Jema pero inayos niya sarili niya. Tinanong ko si Bea kung may pag asa ba. Meron. Meron daw Deanns! Kaso dahil sa nangyaring yun wala na.

I managed to calm. Kahit sobrang hindi ako makahinga at makapag isip ng ayos sa mga nababasa ko galing kay Jia.

Oo nga no. Sayang. Eh bakit parang may problema ata si Jema ngayon?

Oo. Ayaw nya magsabi sakin eh. Pero ramdam ko na namimiss na nya si Bea. Kung may magagawa lang ako Deanns.

Ohh. Try ko kausapin si Bea. Pero I wont promise anything ha? Ayaw kasi ni Bea ng LDR

Thanks Deanns! Hindi ka parin talaga nagbabago. Ang bait mo parin. Simula highschool tayo ganyan ka na. Sorry kung hindi ko napaparamdam sayo na andito parin ako para sayo ha.

Okay lang Jia. No worries. Sige balitaan nalang kita.

Huminga ako ng sobrang lalim para lang mawala yung nakabarang ewan dito sa lalamunan ko. Pero parang hindi naman nag work. Hindi parin ako makahinga ng ayos. Sobrang sikip ng dibdib ko. Natrigger na din siguro katawan ko para magkaroon ako ng heartburn.

Ikakamatay ko talaga 'tong pagiging inlove! Jusko!

Bakit ba kasi ako nahulog! Ang tagal tagal ko ng hindi naramdaman to eh! Ayos na ako eh! Ayos naman ako sa buhay ko eh. Bakit kasi dumating ka pa Jema!

Ilang taon ko nanamang aayusin sarili ko? Dalawa?! Katulad nung ginawa kong pag ayos sa sarili ko noon?! O mas higit ka pa? Mas higit pa yung oras na kakalimutan kita?

1 message received

Apo ano? Napag isipan mo na ba kung pupuntahan mo na ako dito? Pasensya na kung hindi ako nakapunta sa graduation mo. Walang kasama ang lolo mo dito eh. Miss na kita apo. Hindi mo na ako dinalaw ngayong summer. Gusto mo ba dito ka na magtrabaho? Sabihin mo lang ha. Ako na bibili ng ticket mo.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories