Fanfics

XIV

15:15, 17 September 2018

"Huy!"

"Deanns!"

"Ay lolo mo Deanns! Ano ka ba Ponggay? Bakit ka nanggugulat?"

"Kanina pa kita tinatawag eh. Baba muna tayo papaphotocopy ako sa NBS. Ano ba nangyayari sayo?!"

"Huh wala"

"Kinakabahan ka no? Easy ka lang. I got you Deanns! Just act normal na parang hindi yun nangyari"

"Sana kayanin ko"

Magkikita kita kasi kami. All girls. Ako, Ponggay, Bea and syempre si Jema.

Nasa mall kami ngayon. Nauna kami ni Ponggay kasi pinapaayos nya yung laptop nya.

Nakabalik na kami sa Apple store.

Nakaupo lang ako sa couch. Naghihintay kay Ponggay na nagffill up ng paper.

*Beep!*

Andito na ako. Asan kayo?

Si Jema. Nagtext.

Sinabi ko kung asan kami.

Uupo na sana ako sa dulo ng couch pero naunahan ako ni Jema.

Balak ko kasi sa dulo para umupo si Ponggay sa gitna tapos si Jema sa kabila.

Meaning gusto ko siya iwasan.

I smiled at her.

Act normal Deanns. Kaya mo yan! You got this!

Ilang minuto na ang nakakalipas tahimik parin kaming dalawa.

I'll try to have a conversation. I WILL TRY

"Nice jacket Jema" what Deanns? Really? REALLY?!

"Ah eto. Bigay 'to ni Mom sakin"

Ilang minuto nanaman ang lumipas na tahimik kami.

"Oh Jema andito ka na pala!" Haaaaay! Ang tagal mo Ponggay. Pero thanks for saving my ass here.

"Oo medyo kanina pa"

"Wait lang ha. Ipa-process muna yung warranty paper ko"

"Akala ko Pongs ibinibili mo na din kami ng laptop eh. Pero sige space gray gusto kong color ha"

"Nabaliw ka na ng tuluyan Deanns?"

"Hahahahaha!" I miss her laugh. Geeez.

"Ma'am Pauline? Okay na po. Balikan nyo nalang po in 3 days"

We're here sa isang korean restaurant.

Ang bully talaga ni Bea kasi siya yung unang umupo tapos hinila niya si Ponggay sa tabi niya. Para ang ending kami ang magkatabi ni Jema.

Tahimik lang kaming nakain.

Nakakabingi. Puro ingay lang na galing sa ibang tao naririnig namin.

"Picture tayo! Send natin sa group chat para makita kila Luigi" Ponggay finally broke the silence.

"Move closer to Jema, Deanns. Hindi ka makita masyado"

Ang galing galing niyo talaga friends no?

Pero siguro nga wag ako umiwas. Hindi din naman ako makakaiwas kasi we're friends after all.

"Saan tayo after?" I asked

"Bei? Sa house nyo nalang" Ponggay said

"Okay lang"

"Hindi ako makakasama" Jema said

Bakit? Naiwas ako pero gusto kita makasama. Kahit nakikita lang kita.

"Why?" Bea asked

"Wala. Pagod ako eh. Gusto ko na matulog"

"Eh di sa house ka nalang matulog" Bea said

"Oo nga. Basic ng problem mo Jema" Ponggay said

"Alright. I know wala naman akong laban sa inyo. Sasama na ako"

Yes! Sasama parin siya. Thank you friends!

"I'll chat Luigi na pumunta sila sa house nyo? Pagdadalahin ko ba sila ng beer?"

"YES!" Sabay na sabi ni Bea at Ponggay.

Mga adik. Hahaha!

We bought pizza then head to Bea's house.

"Open ko na netflix Bea ha. Nakaconnect na naman tong TV nyo sa internet right?"

"Oo. Gawin mo ng gawin gusto mo Deanns. Hahahaha!"

I sat on couch.

Kaming dalawa lang ni Jema sa pang apatan na couch nila Bea pero sa magkabilang dulo kami nakaupo.

May pasabi sabi ka pang walang magbabago. Ikaw na nga tong nag paasa ikaw pa tong nauuna magbago.

Dapat di ba ikaw ang unang nagawa ng way para hindi maging awkward pakikitungo natin sa isa't isa?

Ako parin ba Jema? Ako parin ba ang unang kikilos para maging okay tayo?

Sobrang labo mo naman eh.

Nakatapos na kami ng isang movie.

10pm na din.

Kakadating lang ni Luigi at Ricci.

Sa sobrang tagal naming naghintay sa kanila hindi na namin natiis at bumili na ng beers.

I'm a little bit tipsy but okay pa naman ako. Kaya ko pa uminom.

Si Jema lang ang hindi umiinom samin. Ayaw na daw niya uminom.

Nakakaramdam na ako ng panlalamig. Hindi kay Jema ha? Nilalamig talaga ako.

May jacket naman ako pero nakakumot sa lower part ng body ko kasi naka shorts lang ako.

Then ngayon nilalamig na din pati upper body ko. Ughhhh. Hassle!

"Pahiram akong jacket Luigi"

"Ayun oh. Kunin mo nalang"

Ughhh. Basa naman yung jacket ni Luigi. Nakalimutan kong sumugod nga pala sila sa ulan ni Ricci.

"Basa Luigi eh. Sige wag nalang"

"Eto nalang gamitin mo Deanns"

Binato ako ng jacket ni Bea.

Kay Jema 'to. Yung scent palang.

"Oy bagay sakin 'tong jacket na 'to ah" Binibiro ko si Jema

"Hooooy! Alam ko nasa utak mo ha. Bigay yan sakin ng Mom ko. Wag yan"

"Bagay talaga eh" tumayo pa ako at tumingin sa salamin.

"Oo nga Deanns bagay sayo" sumali pa sila sa pang aasar.

Win-win na ko dito. Akin ka na Jema Galanza! Este akin na 'tong jacket mo.

"Eeeh Deanns. Wag yan. Bigay yan ni Mommy eh. Bigyan nalang kita ng iba"

"Nope nope" Then I stuck my tounge out

"Paano ako uuwi? Eh naulan? Kailangan ko ng hoodie"

"Ihahatid ka naman namin ni Ricci Jema wag kang ano dyan"

"Haaaays! Walang lusot!"

Hahahahaha! Natatawa na ako kay Jema kasi ang lungkot na ng face nya.

"Una na kami nila Deanna ha. Ingat kayo guys. Luigi! Ayusin mo pagda-drive mo" Ricci said

Nasa harap na kami ng bahay nila Jema pero ayaw nya pa bumaba.

"Oh bakit ayaw mo pa bumaba?" I asked

"Yung jacket ko Deanns"

"Sakin na 'to"

"Bibigyan na lang kita ng iba wag lang yan" seryoso na ata siya.

"Ibabalik ko 'to sayo kapag naibigay mo na yung kapalit"

"Bahala ka nga" Bumaba na sya at pumasok sa bahay nila.

"Nagalit ba yun Ricci?"

"Hindi yun. Tara na?"

"Aight. Go"

"AHHHHHH ANG LAKAS NG HANGIN!"

"Oy Deanna! Humawak ka muna diyan sa poste. Nadadala ka na! HAHAHAHA"

Tinawanan nila ako. Kasi nadadala talaga ako ng hangin.

Naandito kami sa MOA ni Bea at Jema.

Sinamahan namin si Bea sa isang business expo.

May bagyo ata. Sobrang lakas ng hangin.

Nadagdagan pa kasi andito ang cute na si Deanna. Ramdam nyo ba yung lakas ng hangin? Hahahaha!

Habang abala si Bea sa pagtingin sa mga business business kami ni Jema hanap ng hanap ng mga gwapo. Oo. Kaming dalawa. Naghahanap. Pero yung totoo siya lang talaga ang nakakakita.

Ako kasi siya lang yung nakikita ko.

Kapag may nakikita nalang siya nakiki oo nalang ako. Pero minsan pag ang dami na nyang nakikita sinasabi kong hindi naman gwapo.

Pero hindi ako nagseselos no.

Weeehhhhhh????

"Deanns ayun! Ayun! Tignan mo yung dalawang yun. Ang gwapoooo"

"Asan?"

"Ayun sa right mo. Wag ka papahalata. Yung naka dark blue yung isa"

"Ohhhh. Oo nga ang gwapo"

"Guys dito tayo" Bea said

"Omg Deanns. Andun din sila sa gusto puntahan ni Bea. Tara tara!" Hinila nya pa ako.

Hindi ka naman excited nyan Jema Galanza?

Sobrang lapit namin don sa dalawang gwapo na trip na trip ni Jema.

Natingin din dito yung dalawang lalaki. If I know tinitignan lang nila si Jema.

Sino bang hindi titingin kay Jema? Ang ganda ganda nitong babaeng 'to.

Lumipat ako sa likod ni Jema at nilagay ko ang kamay ko sa balikat nya. Tinignan ko yung dalawang lalaki at nag iwas na sila ng tingin.

Feel na feel ko naman to eh di naman ako Jowa.

:(

After namin sa expo bumili lang kami sa Coco and pumunta na kami sa bahay nila Jema.

First time namin makakapunta sa bahay ni Jema.

Oo naiihatid namin sya pero hanggang sa tapat lang ng bahay nila.

"Tara guys. Akyat kayo. Sa kwarto ko nalang tayo"

"Kwarto agad Jema? Bata pa kamiii" and I hug myself

"Baliw ka Deanns. Tara na"

Nanonood kami ng favorite series mamin. FRIENDS.

"Deanns kamusta pala yung sinasabi mong cute na girl?"

"What Bea?!" The I pinched her secretly.

Baliw 'to. Sabi ko wag ipagsasabi eh!

"Sinong cute Deanns?" Jema asked

"Lagot ka Deanna" Bea whispered

"Anong lagot. Bakit naman lagot?"

"Syempre pinagpalalit mo na daw sya eh"

"Duuuh. Wala namang kami"

"Nagbulungan pa 'tong dalawang 'to. So sino nga Deanns?"

"Ah eh. Ano.. Wala yun. Nag iimbento lang si Bea. Dina Bei?" Pinandilatan ko ng mata si Bea.

"Wag ka maniwala kay Deanns. Oy Wong kakakwento mo lang sakin! Pakita mo yung picture dali. Tignan natin kun cute para kay Jema!"

Bwisit ka talaga De Leon!!!!

Nagtakip ako ng kumot. Hiyang hiya ako. Ewan ko din bakit ako nahihiya? Kasi siguro first time ko mag sabi na nacu-cute-tan ako sa girl? Syempre bukod kay Jema. Eh kasi sa sarili ko lang naman sinabi na cute siya.

"Ayan Bea nahiya na si Deanna"

"Oy Deanns! Arte mo!" Hinihila nya pa yung kumot.

"Ano nga name non? Dali ise-search ko!" Dagdag pa ni Bea

"Aish! Oo na ako na magse-search. Sa phone ko nalang"

"Yieeee bakit ka namumula?" Asar pa ni Bea.

Inirapan ko nalang siya at sinearch yung babae.

Roselyn Rosier

"Ohhh! Ayan na!"

Hawak ni Bea yung phone.

Tinitignan nila pareho si Rosie.

"Ano cute ba Jema? Patay na patay ata dyan si Deanna eh"

"WHAT?! Nababaliw ka na talaga De Leon no?!"

"Uhm. Ayos lang" Jema said

"Ayos lang? Hindi ka nacute-tan?" Bea asked habang nakatingin sakin.

Halatang may meaning ang tingin eh. Tingin na nakakainis. Bwisit talaga. Ang bully!

"Cute naman. Ayos lang"

Taas baba ang kilay ni Bea habang nakatingin sakin.

"Akin na nga yan!" Hinablot ko ang phone ko mula kay Bea

Ilang minuto kaming natahimik.

"Uyyy lagot ka nagselos si Jema" bulong ni Bea

"Bakit naman yun magseselos ayaw non sakin. Friend lang tingin sakin nyan. Baliw ka ba?"

Nagseselos? Si Jema? Asa naman. Nasa friendzone nga lang ako eh.

Siya naman pati yung pinaka cute eh. Kahit ilang Rosie Rosier pa iharap nyo sakin. Si Jema Galanza lang ang makikita at makikita ko.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories