Fanfics

IV

06:48, 26 July 2018

Simula nung nanood kami ng sid and aya araw araw na kaming magka chat ni Jema. Random things lang lagi namin napag uusapan. Mahilig sya sa iced coffee. Adamson favorite team nya sa volleyball. Pareho kami ng ootd. Plain shirt, shorts or jeans and sneakers.

We are planning to go to Baguio. Kami ni Bea with Luigi. And we'll try isama si Jema.

Jema. If we are planning to go to Baguio tomorrow sasama ka?

I'll ask my mom first why?

Tara? Pupunta kasi kami.

Wait. Papaalam muna ako.

Bea, Luigi

Guys! Niyaya ko si Jema.

Bea: oh. Okay. Para naman madagdagan tayo nila Luigi. Last year tayong tatlo lang yung nag ilocos eh.

Luigi: Okay lang. Alam nyo naman na Go lang ako.

Bea: Sagot ko na accommodation natin.

Luigi: Oh yes! Thanks Bei!

Kita kita tayo later para mapag usapan natin yung trip tomorrow?

Bea: Sure! Milktea house?

Dakasi please.

Luigi: Tara. Ako na sa ride!

Bea: Sunduin nyo ako ha?

Luigi: Oo naman. Ikaw pa ba?

Deanns! Pumayag si na si mom.

Nice! You'll have fun. And I promise hindi na mangyayari yung nangyari that night

Kalimutan na natin yun Deanns. But thanks anyway!

Dakasi later? Pag usapan natin yung trip tomorrow.

Sure sure. Sa mall ko nalang kayo kikitain.

6pmI'm with Luigi and Bea na and we are on our way to mall.

Pag dating namin sa mall dumeretso na kami sa Dakasi and andon na din si Jema.

Umorder muna kami ng milktea and pinag usapan na namin yung about sa Baguio tomorrow.

We're going to use Luigi's car since Ford Everest ang car nya mas malaki compare sa car ko.

Aalis kami ng bukas. Sunday night. Mas masaya bumyahe ng gabi. And it takes 4 to 5 hours lang papuntang Baguio. Thanks sa express way!

Salitan nalang kami mag drive ni Luigi since si Bea ay hindi nagddrive ng manual. Puro daw kasi automatic ang car sa USA.

After namin ma-finalize yung plan hinatid na namin si Jema then si Bea.

"Thanks Gi!" I said ng naihatid na nya ako sa bahay.

Bea10:34amDeanns! Hindi na daw sasama si Jema.

Ang reason nya kasi friends daw natin yun so dapat tayo tayo lang. Then may isa pa syang reason. Di nya daw alam pano sabihin.

11:00am na ako nagising dahil 2am na kami natulog ni Bea kahahanap ng pag sstay-an namin sa Baguio.

Kinuha ko agad ang phone ko to check if nagmessage sila Bea and meron nga.

Hindi na sasama si Jema? Akala ko okay na?

I chatted Jema

Jema? Hindi ka daw sasama sabi ni Bea? Why?

Sorry Deanns. Si Cy kasi nalaman yung about kay Luigi. Then wag na daw ako sumama kasi kasama si Luigi. Magagalit daw sya sakin if sumama pa ako sainyo. I'm sorry Deanns. Naiintindihan mo naman ako diba?

Uhm... Yes Jema I understand pero can you please atleast assure Cy that I won't let that happen again? I'm here naman and Bea eh.

Sorry talaga Deanns. Kayo nalang siguro yung tumuloy.

Hindi ko muna nireplyan si Jema instead I chat Bea

Bei! Alam ko na yung isa pang reason.

Ano daw?

Magagalit daw si Cy if sumama sya satin. Sinabi ni Jema yung nangyari sakanila ni Luigi.

Naiinis ako Deanns. Naplano na natin eh. Naisama ko na sya dun sa accommodation natin. Sana sinabi na nya agad na ganon pala right?

Sakin naman Bei e kasama naman tayo. Hindi naman natin hahayaan na mangyari ulit yun eh. Hindi naman natin pababayaan si Jema.

Hayaan mo na Deanns. Hindi tayo mamimilit.

Gusto ko pilitin si Jema. I don't know pero gustong gusto ko sya isama.

Kumain muna ako ng lunch and hindi parin ako nakakapag ayos mg gamit ko na dadalahin ko sa Baguio.

After ko kumain nagchat ulit ako kay Jema

Jema?

Yes Deanns?

Hindi ka talaga sasama? Hahahahaha!

Sorry Deanns. Kayo nalang. Babawi nalang ako.

Final na ba yan Jema? Hahahaha! Sorry kulit ko ba?

Hahaha! Hindi Deanns. Sige nga pag iisipan ko :p

Wag mo na pag isipan. Hahahaha! But kidding aside

I'll assure you na hindi na yun mangyayari ulit.

Kalimutan na natin yun Deanns. Okay na yun. Sige na nga sasama na ako! Yieee! Charot!

Ayyy! Paasa ka Jema :(

Hindi. Sasama na talaga ako. Magaayos na nga ako ng gamit eh.

Yeheyy! See you later Jema! Mag aayos na din ako ng gamit. Hindi pa ko nakakapag ayos eh.

See you Deanns!

Nagchat agad ako kay Bea para sabihin na sasama na talaga si Jema.

Bei! Sasama na talaga si Jema. Nakausap ko na sya.

Oh talaga? Sige. Mag aayos muna ako ng gamit Deanns.

See you later!

Nag ayos na ako ng gamit na good for 3 days and 2 nights. Isang malaking backpack nalang ang dala ko.

Mahaba habang byahe nanaman to and magddrive pa ako.

11pmMay narinig akong sunod sunod na busina sa labas ng bahay. Si Luigi na siguro yun.

Kasunod non ay ang dahan dahang katok sa kwarto ko.

Deanna? Andyan na si Luigi si baba.

Si manang yun.

Sige po Manang. Pasabi po pababa na po. And ako na po ang magllock ng pinto at gate pwede na po kayo matulog

Kinuha ko na yung backpack at sinampay sa balikat ko ang jacket na gagamitin ko.

Naka pants, black shirt and black sneakers lang ako. My usual outfit. Then dala ko ang gray ko na jacket.

Napaka simple ko pumorma hahaha!

I go down and saw Luigi na sarap na sarap sa pagkakaupo sa sofa.

"Hi Gi! Tara na?"

"Kakaupo ko lang eh!"

"O sige dito nalang tayo sabihin mo kay Bei dito nalang tayo ng 3 days 2 nights!"

"Init naman ng ulo mo Deanns. Meron ka ba?" And he stand up

Inirapan ko nalang siya. Minsan talaga hindi ko din maintindihan sarili ko. Moody nga ata talaga ako. Hahaha!

Binuksan ko yung likod para doon ilagay ang bag ko pero kinuha ko muna yung powerbank, wallet and cord ko.

Sumakay na ako sa likod.

"Oh bat dyan ka nakasakay? Gagawin mo pa kong driver"

"Ganon din naman yon mamaya dyan sa si Bea sasakay. Kayo buddy for this trip right?"

"Whatever Deanns"

Sumakay na si Luigi sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.

BEEP! BEEP!

Mabilis na lumabas si Bea sa bahay nila and she bid her goodbye to Ate Luz. Their maid.

Nilagay nya muna ang bag nya sa likod tsaka sumakay sa passenger seat.

"Hindi ka naman halatang excited Bei" I said

"Huh? Why?"

"Wala naman. Sobrang bilis mo lang naman lumabas ng bahay nyo Hahahaha!"

Tumawa din si Luigi.

"Hindi kaya" and she roll her eye

Tinawanan ko lang si Bea at Nagchat ako kay Jema.

We're on our way na papunta sainyo

Okay! Take care!

"Bakit ka nakangiti Deanns?" Bea said

"Huh? Nakangiti? Ako?"

"Oo! Baliw ka ba? Alangang ako? Sasabihan ko na nakangiti sarili ko? Sige?"

"Wala? Hindi naman ah!"

"Aish. Baka may meme ka dyan ayaw mo lang i-share ha!"

"Or bka may love life na? Ayieeee!" Luigi teased

"Wow guys? Hello? Hindi ako magkakaroon non"

"Bitter mo!" Sabay nilang sabi then nag apir pa

Ako nanaman ang trip. Ganyan sila lagi. Pag nagkakasama yang dalawa ako nalang lagi inaasar. Mga bully.

Nanahimik nalang ako hanggang sa makarating sa village nila Jema

"Deanns saan dito yung kela Jema?" Luigi asked

"Deretso ka lang then yung pangalawang kanto liko ka doon"

"Nakapunta ka na sakanila Deanns?" Bea asked

"Yup. Hinatid ko sya nung first natin sya nakasama. Yung inuman?"

"Ahhh. Okay?"

"Ayan Luigi dyan nalang. Busina ka nalang" I said

Beep! Beep!

Mga isang minuto bago lumabas si Jema.

Lumabas muna ako ng car para tulungan sya ilagay ang gamit nya sa likod.

Then binuksan ko na yung pinto sa likod at pinauna syang sumakay.

"Thanks Deanns!"

"Wala ng nakalimutan? Tara na sa Baguio!!!!!" Sigaw ni Luigi

"Let's go!!!" Sigaw namin ni Bea

Luigi played a song "Nadarang"

And we're all jamming in the car. Super taas pa ng energy namin lahat kahit 12am na.

After ng ilang songs ay sinubukan ko na matulog dahil magpapalit na kami ni Luigi in 1 hour.

"Deanns? Deanns?"

Nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa hita ko.

"Deanns? Stop over muna tayo dito sa gasoline station. CR na kayo and nabili na si Luigi ng food sundan nyo nalang para masabi yung gusto nyo" sabi ni Bea.

"Hmmm. Anong oras na?"

"2am Deanns. Mga 2 hours kang nakatulog"

Lumingon ako sa gilid ko dahil parang may mabigat sa braso ko.

Si Jema nakatulog na sa braso ko. Hindi ba nahihirapan to sa pwesto nya? Bka magka stiff neck to.

Tinapik ko ng dahan dahan si Jema at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha nya.

"Jema? Wake up" I softly said

"Hmmm"

"Jema stop over na muna tayo. Ccr ka? And bili tayong food. Tara?"

Dinilat nya muna yung isang mata nya at tumango.

"Tara?" I said

Binuksan ko yung pinto sa side ko at inalalayan si sya bumaba

Bago ko isara yung pinto nagsalita muna ako

"Bea? Dyan ka nalang ba?"

"Yes Deanns. Medyo kanina pa kasi tayo dito naka CR na ako and nasabi ko na kay Luigi yung gusto ko"

"Ah 'kay! Puntahan na namin si Luigi. Saang store sya?"

"Sa starbucks Deanns. Doon kasi yung cravings ko eh hehehe"

"Sige Bei. Sunod ka nalang if may naisip ka pang ipabili"

Pumunta na kami sa starbucks

"Igi coffee jelly nalang sakin and oreo cheesecake. Ikaw Jema? Iced coffee?"

"Yes Deanns. Alam mo agad ah"

"Of course" then I winked at her

"And croissant nalang Luigi. Thanks!"

"Anong thanks ka dyan bayad nyong dalawa!" Luigi said

"Grabe ka naman. Akala ko pa naman libre" I said

"Car ko na nga gamit. Pa-gas ko pa. Ako parin food nyo? Grabe naman kayo!" He said

Natawa nalang ako kay Luigi and nag abot ng pera.

Nag abot din si Jema kay Luigi ng bayad nya for her food.

"CR lang kami Luigi. Ikaw na bahala dyan" I said

Pagkatapos namin magCR nilapitan namin si Luigi para tulungan sa pagbubuhat ng food namin.

"Deanns ikaw na magdrive. Medyo inaantok na kasi ako kanina. Si Bea din inaantok na. Wala na din kaming mapag usapan" napahikab na si Luigi

Antok na nga. Hahaha!

"Sige Gi!"

I knocked on the passenge door.

Bea opened.

"Bei. Lipat ka na sa likod. Dyan na kami ni Jema"

Pagkalipat ni Bea sa likod ay inabot ko sakanya yung food na dala ko.

"Sakay ka na Jema" I said

Pagsakay ni Jema sinarado ko na yung door and I jogged papunta sa driver seat.

"Kain na kayo pra makapag pahinga na kayong dalawa"

I opened na radio. Mellow music lang ang mga kanta pag gantong oras na eh. Para hindi maabala sa pagtulog yung dalawa mamaya.

"Ikaw Deanns? Kain ka na din" Luigi said

"Sisimulan ko na magdrive Igi. Mamaya nalang ako kakain"

I open my phone and go to maps.

Nasa tarlac palang pala kami.

Tahimik lang kami sa byahe. Mga ilang minuto pa at nakatulog na yung dalawa sa likod.

Si Jema deretso lang ang tingin sa daan. Daig pa akong nagddrive ah. Hahaha!

"Jems? Okay ka lang?"

"Jems? Hahaha! Ginaya mo pa sa Deanns mo"

"Wala lang. Cute naman ah?"

"Ikaw bahala. Anyway, why?"

"Wala I'll ask lang if you're okay lang dyan?"

"Yup. I'm okay. Ikaw? Hindi ka ba inaantok? Boring akong maging passenger? Bawal talaga ako sa passenger seat. Aantukin lang ang driver hahaha!"

"No. No. I'm okay lang naman. 2 hours naman akong nakatulog kanina"

Nagkwentuhan lang kami about sa family namin ni Jema.

Or should I say nagkwento ako. Kasi kung hindi ko sya tatanungin hindi sya magoopen up. Parang ang private person nya.

"La Union na tayo. Baguio na sunod nito"

"Yes! Alam mo ba gusto ko na mahiga sa kama. Hahaha! Sorry. Kala mo naman ako yung nagddrive para mapagod ng ganito"

"Hahaha! It's fine Jema. Normal lang naman talaga na nakakapagod yung byahe. Doble nga lang sa driver"

"Hindi mo pa nakakain yung food mo pero ubos na yung frappe mo" Jema said

"Wala pa atang malapit na gasoline station dito para maitigil ko at makakain ako eh"

"Subuan nalang kita"

"Ha?"

Ano sabi ni Jema?

"Subuan kita Deanns. Bka nagugutom ka na eh"

"Ah eh? Sige. Ikaw bahala?"

Kinuha nya yung paperbag na pinaglalagyan ng food ko at nagslice sya sa spoon ng cheesecake

"Oh Deanns. Open your mouth"

Tumingin ako saglit sakanya at ibinalik yung tingin ko sa daan

"AH"

"Good dog" sabi ni Jema at tumawa sya

Napatawa nalang din ako sa kalokohan nya.

Hindi ko alam pero hindi ako inaantok. Parang sobrang taas pa nga ng energy ko. Tapos si Jema hindi din nya hinahayaan na mabored ako sa pagddrive. She's doing her best to accompany me and

I find her cute.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories