Fanfics

III

05:40, 20 July 2018

Deanns. Tuwing makikita ko sya, yung gabing yun ang naaalala ko!

So may gusto ka kay Jema huh? :p

Wala ah!

Eh bakit affected ka kung nagkiss man sila ni Luigi?

Eh kaholding hands nya ako non pati si Luigi ang iba lang they kissed!

And so? Affected ka nga. May gusto ka kay Jema aminin mo na.

Hindi nga pwede! Fucked up yung mga nangyari.

Meron nga. Pinipigilan mo lang. E ano naman ngayon Bei kung pareho kayo ng ex? Kung gusto nyo naman ang isa't isa why not give it a try?

Basta hindi nga. And ayako naman ng LDR. Alam mo namang vacation lang ako dito.

If you say so. Panoorin natin yung Sid and Aya?

Okay lang. Sige. When?

Wait. Isama natin si Jema ha? Yieeeee!

Yieee ka dyan.  So when nga para makapagpaalam ako kay Kuya Loel.

This afternoon na kaya? Wait I'll ask Jema muna.

Hi Jema. Are you free this afternoon? Nood tayo ng sid and aya with Bea.

Yea sure. Saan tayo magkikita?

Sa bahay muna nila Bea?

Okay I'll be there.

BEI! Pumayag na si Jema. Sa house nyo nalang meeting place para sabay sabay na tayo makapunta ng mall.

Oh okay. Jia will be here din daw para i-visit ako. Close sila ni Jema  ah?

Yea I know. Nakikita ko sa social media. Hindi na kami masyado nag uusap ni Jia eh. But she greeted me nung graduation ko. Ohhh I remembered nanaman tuloy na unemployed na ako :( hahahaha

Dami mo agad sinabi haha :p

Hindi na nga ako magkekwento sayo :(

You're so matampuhin. I'm just kidding lang naman eh

Hindi na ako nagreply kay Bea instead I watched FRIENDS on netflix. Hindi pa ako nakakatapos ng isang episode ng sunod sunod nag beep ang phone ko.

Deanns? Andito na sila Jema.

Deanns? Ligo ka na din. Go here na!

Deanns! Di mo na ba ako mahal?!!!

Deanns! Halika na para abutan mo na din si Jia!

DEANNSSSS!!!

Ano? Easy ka lang naman. Okay I'll take a bath muna.

After ko maligo nagbihis lang ako ng usual outfit ko. White shirt, shorts and white shoes. Nagsuot din ako ng gray na jacket kasi panigurado malamig sa sinehan.

Sunod sunod na beep nanaman ang narinig ko.

Deanns! Ano na??? Aalis na si Jia ang tagal mo!

Deanns! Hindi mo maabutan si Jia sige ka.

Deanns! Ayako maiwan ng si Jema lang ang kasama ko!

Ayon. Lumabas din ang totoo. Ayaw mo makasama si Jema ng kayo lang. Inlove nga 'to.

Hoy Deanna Wong! Hindi ako inlove!

Weh? Isabel Beatriz talaga lang ha???

Dalian mo nalang!!!!

Oo eto na paalis na. Ako na magdadala ng car.

Pagkarating ko sa village ng lugar nila Bea tinanguan ko lang si kuya guard and pinapasok na ko. Iba talaga charm ko. Wala eh cute ako eh.

Baliw! Kilala ka lang ng guard

Minsan epal din talaga yung isip natin no?

Isang pindot palang sa doorbell ang nagagawa ko nakalabas agad si Bea. Uhuuuuh hindi halatang ayaw nya talaga makasama si Jema ng mag isa sya huh? Hahahaha!

Hindi mo ko ganyan pagbuksan ng gate dati. Lagi mo pa akong pinaghihintay until nung nainlove ka kay Jema

What Deanns?! Ang ingay mo! Pag narinig ka nila malalagot ka sakin!

Andyan pa naman pala si Jia sana tinagalan ko pa.

Pumasok ka na nga bago pa kita mapatay!

"Hi guys! Hi Manang! Long time no see po!" I greeted them

"Hi Deanns long time no see!" Jia said

"Naks nag abala pa kayo binilihan nyo pa ako ng pizza thanks!"

"Duh! Para sakin yan nila binili hindi sayo. Assuming" Bei said

"E di penge nalang! Sino bumili?" Then kumuha ako ng isang slice

"Si Jia" Jema said

"Weh? Or ikaw?" Bea said

"Ikaw bumili neto Jema?" I whispered

Magkatabi kami ni Jema sa sofa then si Jia and Bea ay nakaupo sa pang isahang tao na sofa

"Uhh... Oo eh" Jema shyly said

Parang gusto ni Jema si Bea? Hindi naman siguro bibilihan ni Jema ng pizza at milktea si Bea kung hindi? And yun yung mga tweet ni Bea kanina. Yun yung cravings nya.

"Inlove ka kay Bea?" I whispered again

"Ha?"

"Uh. Wala wala. Guys tara na kaya? Jia sama ka samin?"

"Ah no. No. Pupuntahan ko pa si Miguel sa coffee shop"

"Sabay ka samin?

"Hindi na. Hanggang kanto nalang ako sasabay. I'll take a cab nalang"

"You sure? So lets go na guys?"

Sumakay na agad si Bea sa likod ng car and si Jia. So si Jema papasakayin ko sa passenger seat? Hindi naman ako papayag na sa likod din sya at magmumuka akong driver.

Binuksan ko ang passenger seat at nagtataka man si Jema ay pumasok na rin sya.

"So guys? UPTC nalang tayo?"

"Sige para malapit na sating lahat" Bea said

Tumigil ako sa kanto para makababa si Jia

"Thanks Deanns!"

"Welcome! Take care!"

After ilang minutes sa byahe binuksan ko ang radio and passenger seat ang nagplay.

I look at her and have to smile As we go driving for a whileHer hair blowing in the open window of my car and

Mahilig pala kumanta si Jema. Sinasabayan nya yung kanta. Napatingin ako sakanya

As we go I see the lightsWatch them glimmer in her eyesIn the darkness of the evening

"DEANNS! Busina ng busina yung nasa likod! Kanina pa Go yung traffic light! Ano ba tinitignan mo sa side mirror mo?!" Bea shouted

Jema giggled.

"Oh shit! Sorry na! You don't need to shout!"

Aish! Buti nalang akala ni Bea sa side mirror ako nakatingin. Bakit nga ba ako natulala kay Jema? Siguro kasi mahilig sya sa music? Nakanta sya? While me mahilig din sa music and nag gigitara ako.

"Okay we're here!" Buti nalang mabilis lang ako nakapag park.

"What time nga yung Sid and Aya?" Bea asked

"5:30pm" Jema answered

"Let's go? 5:00 na. Bibili pa tayong food.

After namin makabili ng food and ticket pumasok na kami sa loob.

"Ay lipat nalang ako sa kabila para katabi mo si Bea" Jema said

Dapat ang magiging pwesto namin ay mapag gigitnaan namin ni Bea si Jema pero lumipat sya sa left side ni Bea.

Bakit parang nanghihinayang ka?

What? Ano ba tong naiisip ko!

"Kahit gusto nyo ang isa't isa pero ayaw ng universe at wrong timing hindi talaga magkakaroon ng happy ending"

"Dami mong alam Wong!" Bea said

"What?! Did I said that outloud???"

"Ano pa ba? Kaya nga namin narinig diba?"

"Natamaan ka naman?" I whispered in Bea's ear

"Tigilan mo ako Wong ha!" And she slapped me

Binigyan ko lang sya ng isang nakakalokong ngiti sabay tingin kay Jema. Saya talaga inisin netong si Bea

"After nito san tayo pupunta?" Jema asked

"Wala na? Uuwi na siguro" I said

*Brod calling...*

Bakit naman kaya tumawag 'to si Brod?

"Wait lang guys. Sagutin ko lang to" I said

"Hello Fhen? Bakit ka napatawag?"

"Ah eh may lakad ka ba? Tara milktea?"

"Wala na after neto"

"Oh nasa galaan ka pa? Sino kasama mo?"

"Si Bea and Jema"

"Tara isama mo sila my treat"

"I'll ask them muna wait. Hold on a sec"

"Uhm guys? Nagyayaya si Fhen. Milktea daw. Treat nya" I said

"Uhm... uuwi na ako eh. Inaantok na ako" Jema said

"Sabihin mo sige. Pupunta tayo" Bea said

"Uhm Fhen?"

"Yes? I'm still here"

"Sige daw. We'll go. Saan ba?"

"Let's go nalang sa dating gawi?"

"Okay we'll be there in 20 minutes. Bye!" I hung up

"Let's go guys?"

Naglalakad na kami papuntang parking lot pero nag tatalo parin yung dalawa

"Bakit hindi ka sasama? Affected ka parin kay Fhen?" Bea said

"Hindi ganon. Inaantok na talaga ako" Jema said

"Sabihin mo, affected ka"

Wala talagang makakatalo kay Bea. Pag naisip nya ipaglalaban nya talaga. Hahahaha!

Nakasakay na kami sa car nagtatalo pa rin sila. Si Jema parin ang nasa passenger seat.

"Bakit nga ba ayaw mo sumama?" Tanong ko kay Jema

"E kasi naman kayo kayo lang yun eh. High school friends lang. Bka maOP ako don"

We're friends since high school. Kami ni Bea and Fhen. Lagi kami yung magkakasama. Well akala ko friends lang talaga si Bea and Fhen non turns out na lagi pala akong third wheel kapag magkakasama kami.

Inamin lang nila sakin na naging sila pala after they broke up kasi nag migrate si Bea sa US and hindi nila kaya ang LDR.

"Hindi naman kita pababayaan maOP don. We'll talk about NBA. Di ba mahilig ka din don? Fan ka ni LeBron right?"

"Oo na nga sige na. Kahit na 3-0 na kami sa finals" and nag sad face sya.

Sht. Why am I find her cute? Well she's cute and beautiful naman talaga pero aish! Basta! Wag ko na isipin yan!

"Bawi ka nalang. Malakas Steph Curry ko eh. For threeeee!!!" In-action ko pa yung hampas sa dibdib sabay turo sa taas ni Steph.

Napatawa sya.

Ang cute nya pala talaga...

Okay. Stop! Stop it Deanna! Focus!

Nakarating na kami sa milktea shop pero wala kaming Fhen na makita

Kinuha ko ang phone ko to text Fhen pero may 3 messages galing sakanya

"Brod! Sorry wag na muna pala ituloy. Nakita ako ng Tita ko and sinabay nya ako pauwi"

"Hindi na ako makaalis dito sa bahay may emergency eh"

"Sorry talaga Brod"

Aish! Dapat nag check na agad ako ng phone kanina.

Pinakita ko sakanila yung text ni Fhen

"Replyan mo. Sabihin mo sinayang nya oras ko" Bea said

Dahil nakakatawa sya, sinabi ko talaga kay Fhen yung pinapasabi nya

"Anong plano nyo guys?" I asked

"Wait nag iisip nga ako eh. Parang gusto ko ng fishball. Wala non sa US eh"

"Nakain ka non Bei? Weh???" I teased Bea

"Oo kaya Wong!"

Naisip ko na iwan nalang si Jema at Bea para makapag usap sila ng sila lang. Malay mo magkaaminan sila.

"Uhm sorry guys. I need to go back sa Coco. My sister is craving for their milktea. I need to get her one" palusot ko

"What? Eh paano tayo kakain ng fish ball?"

"Kayo muna ni Jema. Next time nalang ako and hindi ko na kayo maihahatid bka masaraduhan ako ng UPTC. 8:30 na din eh. Sorry Bei"

"Aight"

Parang nawala sa mood si Bea and okay lang malay mo mamaya sila na.

"Hintayin ko nalang kayo makakuha ng cab before ako umalis"

May cab na huminto sa tapat namin so I bid my goodbye to them.

"Take care guys!"

I drove to UPTC. Babalik talaga ako kasi ako yung nagccrave sa Coco.

"Hi Ma'am Deanna! The usual po?"

"Yes please!"

Kilala na ako nung cashier dito kasi halos araw araw ako napunta dito.

While waiting for my milktea I chatted Jema

Kamusta Jema? Bad mood ba si Bei?

Hindi naman siguro?

Magkasama pa kayo?

Nope. Umuwi na sya. Ayaw na daw nya mag fishball eh

Aish. Baliw talaga yang si Bei. May itatanong ako sayo Jema.

Ano yun?

Gusto mo ba si Bea?

Ha?

Hala parang hindi mo nabasa ah. I mean kasi feeling ko eh. And dinala mo yung cravings nya kanina? Ang effort mo don

Oh okay. Oo. Gusto ko si Bea.

So? Alam nya ba? Umamin ka ba?

Hindi. Aamin dapat ako kanina. Sabi ko ihahatid ko sya sa kanila to talk about my feelings kaso ayaw nya magpahatid

Ay! Sayang naman.

Oo nga eh. Sa susunod ko nalang sasabihin. I mean gusto ko naman sabihin kahit alam kong hindi naman magiging kami kasi nga fucked up. Gusto ko lang maamin para hindi mabigat sa kalooban

Oh. So pareho sila ng dahilan. Fucked up. Dahil pareho sila ng ex. Well pangit naman talaga yun pero kung gusto naman pala nila ang isa't isa bakit pa nila kailangan tignan yun. Mga indenial eh. Tagu taguan ng feelings.

Friends parin naman tayo kahit anong mangyari kung umamin ka man right?

Oo naman Deanns! Uhm anw, nakauwi ka na ba?

No I'm still here at Coco. Oh 'kay. Take care. Yung pag drive mo ha.

Yes po boss! Noted! So andito na milktea ko uuwi na ako. I'll chat you later!

Pag karating ko sa bahay deretso na agad ako sa room ko and niligay ko muna sa mini fridge ko yung milktea and do my night ritual para deretso tulog na lang later.

After ko magawa lahat ng kailangan kong gawin kinuha ko yung milktea ko and sat in my bed. I scroll through my phone lang hanggang sa maubos ko yung milktea.

Naalala ko icchat ko nga pala si Jema

Hi Jema! I really had fun. Thanks for today!

Yes me too. I'm comfortable being with you na. Hindi na ako nahihiya sayo.

Hahaha! Good for you. If you need anything I'm here lang ha. I'm going to sleep na. Goodnight!

Goodnight Deanns 😘

Aweeee. May pa kiss pa sakanya si Jema.

Tigil tigilan mo nga akong utak ka. Ganyan din iba kong friends pag nagsasabi sila ng good night. Aish! Pati isip ko inaaway ko na.

Hindi ko na nireplyan si Jema at natulog na ako.

"Thankyou G for this day!"

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories