Fanfics

38

18:35, 6 April 2025

GAIL'S POV

Hindi ako mapakali.

Simula nang ibaba ni Noelle ang tawag, pakiramdam ko may kung anong bumigat sa loob ko. Ilang beses kong sinubukang bumalik sa ginagawa ko, pero hindi ko magawang tumuon.

Kilala ko si Noelle-hindi siya basta-bastang nagpapatawag ng biglaan nang walang dahilan.

At kung tama ang hinala ko...

Mukhang may natuklasan na siya.

--------------------------------------------------

Tahimik akong nakaupo sa tapat ni Noelle, pinagmamasdan siyang hindi mapakali habang hinihigpitan ang hawak sa cellphone niya.

Alam kong hindi ko dapat ipakita, pero may parte sa akin na natutuwa sa nakikita ko.

Dahan-dahan na siyang nagbubukas ng mga bagay na matagal nang tinakpan.

Pero hindi ko siya bibigyan ng sagot. Hindi pa ngayon.

"Naalala mo 'yung tinanong mo dati?" Mahina ang boses niya, pero halata ang pag-aalinlangan. "'Yung portrait sa bahay?"

Bahagya akong tumango. "Yeah. 'Yung babaeng kasama ng tatay mo. Bakit?"

Imbes na sumagot, inilapag niya ang phone niya sa harap ko. Isang lumang article ang naka-display. Kinuha ko ito, binasa ang headline... at halos mapangiti.

Si Richard Illustre. Mas bata. At ang babaeng katabi niya-buntis.

Tinitigan ko ang litrato, pinipilit panatilihing neutral ang reaksyon ko. Hindi puwedeng maging masyadong halata.

Pero sa loob-loob ko, isang bagay lang ang naisip ko.

Sa wakas.

Muling tumingin sa akin si Noelle, kita sa mukha niya ang kaba. "Sixteen years ago... buntis siya rito, diba?"

Tumango ako, kunwaring nag-iisip nang malalim. "Noelle... sino ba talaga 'tong Marina na 'to?"

Umiling siya. "'Yan nga ang gusto kong malaman."

Alam ko na ang sagot sa tanong na 'yan. Pero hindi ako tanga para ibigay 'yon nang gano'n kadali.

"Wait." Pinanood ko ang mukha niya habang dahan-dahan kong ibinalik ang phone sa mesa. "Kung siya 'yung nasa picture, at siya 'yung nasa article... buntis siya rito, diba?"

Muling tumango si Noelle.

At doon ko na inilatag ang huling piraso ng puzzle.

"Sixteen years ago." Sinabi ko ito na parang ngayon ko lang napagtanto. "'Yan din 'yung taon na pinanganak ka."

Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya. Hindi siya nagsalita agad, pero halatang bumibigat ang loob niya sa iniisip niya ngayon.

"Kung tama ang hinala mo..." Binitawan ko ang huling bitaw ng linya, tinutulak siya palapit sa sagot.

At siya na mismo ang nagbigay ng konklusyon.

"Siya... ang nanay ko."

Mahina lang ang pagkakasabi niya, pero para bang sa kanya mismo, hindi niya matanggap ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan niya.

Pinanood ko siyang lunukin ang bagong natuklasan niya, tahimik lang habang pinagmamasdan kung paano dahan-dahang gumuguho ang mundo niya.

At sa loob-loob ko, isang bagay lang ang naisip ko.

Ito na ang simula.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories