37
18:35, 6 April 2025NOELLE'S POV
Nasa harap ko si Gail, pero hindi ko agad alam kung paano sisimulan.
Nasa isang maliit na restaurant kami, hindi gano'n kakilala-tahimik, walang gaanong tao, at sapat para hindi kami mapansin. Sa pagitan namin, may dalawang baso ng tubig na hindi pa namin nagagalaw.
Gail leaned forward, resting her elbows on the table. "So... anong meron? Bakit bigla-bigla mo akong pinatawag?"
Napatingin ako sa paligid bago bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung paranoia lang, pero pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa akin.
"Naalala mo 'yung tinanong mo dati?" mahina kong sabi. "'Yung portrait sa bahay?"
Saglit siyang napaisip bago tumango. "Yeah. 'Yung babaeng kasama ng tatay mo. Bakit?"
Nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang article na nakita ko kanina. Mas lumamig ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko ulit ang luma at faded na larawan-si Papa, mas bata pa, at isang babaeng may bitbit na tiyan.
Isang babaeng kamukha ng nasa portrait.
"Siya 'yun, Gail." Sinabi ko 'yon nang buong kumpiyansa kahit pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. "Si Marina."
Naningkit ang mata ni Gail habang binasa ang headline. "Sixteen years ago..." Umangat ang tingin niya sa akin, puno ng tanong. "Noelle... sino ba talaga 'tong Marina na 'to?"
Napailing ako. "'Yan nga ang gusto kong malaman."
"Teka." Mas lumapit siya sa akin, binababa ang boses na parang may tinatago kaming malaking sikreto-at baka nga meron. "So sinasabi mo, 'yung babaeng 'yun sa portrait... hindi si Elise?"
Umiling ako. "Kahit kailan, hindi ko siya naaalala sa buhay ko. Pero-" Napahinto ako, nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin 'to. "Pero parang hindi siya bago sa'kin. Parang... parang matagal ko na siyang kilala pero hindi ko maalala kung paano."
Tahimik si Gail, pero kita ko sa kanya na nagpa-process pa siya.
"Wait," sabi niya sa wakas. "Kung siya 'yung nasa picture at siya 'yung nasa article... ibig sabihin, buntis siya rito, diba?"
Tumango ako.
"Noelle." Sinabi niya ang pangalan ko na parang isang rebelasyon. "Sixteen years ago? That's the same year na pinanganak ka."
Nalaglag ang puso ko sa kaba. Alam ko na 'yon. Alam ko na sa simula pa lang. Pero iba pala 'pag ibang tao ang mismong nagsabi sa'yo.
"Kung tama ang hinala mo..." Binitiwan ni Gail ang isang malalim na buntong-hininga, bago tumingin ulit sa'kin. "Then Marina might be-"
"My mother." Mahina kong putol sa kanya.
Walang nagsalita.
Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang nakapatong sa mesa.
Buong buhay ko, naniwala akong si Elise ang nanay ko. Buong buhay ko, wala akong tanong tungkol sa kung sino ako. Pero ngayon...
Ngayon, parang may nag-crack sa mundo ko.
At sa bawat pirasong nahuhulog, mas lalo kong hindi alam kung ano ang totoo.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] โ๏ธ](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


