Fanfics

36

18:35, 6 April 2025

NOELLE

Nanlalamig ang mga daliri ko habang tinititigan ang screen.

Isa pang article ang lumitaw sa harapan ko-isa pang luma, mas matanda pa sa nauna.

"Richard Illustre and Wife Marina Expecting First Child"

(Published: 16 years ago)

Napasinghap ako.

Nagmamadali akong i-click ang article, at sa pagbukas nito, bumungad sa akin ang isang lumang larawan.

Si Papa-mas bata, naka-pormal na suot, may bahagyang ngiti sa labi. At nasa tabi niya... isang babae.

Si Marina.

Pero iba siya rito. May kakaiba sa larawan-hindi lang dahil mas bata siya.

Dahil... buntis siya.

Parang tumigil ang mundo ko.

"Mr. Richard Illustre and his wife, Marina Argente, are expecting their first child this year. The couple, known for their philanthropic efforts, has expressed their excitement over starting a family. 'This baby is a blessing to us,' says Mrs. Illustre, beaming with joy."

Ang buong katawan ko'y parang hindi na gumagana.

Siya.

Siya ang asawa ni Papa. Siya ang ina ng "first child" nila.

At ako lang naman ang panganay na anak ni Richard Illustre.

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag-isip.

I've been lied to.

Mabilis ang paghinga ko habang nakatitig sa screen.

Si Marina.

Ang babaeng nasa article. Ang babaeng buntis-at hindi lang basta buntis, kundi buntis sa akin.

Pakiramdam ko'y naglaho ang lahat ng tunog sa paligid.

This woman... she's my mother?

Napakagat ako sa labi ko, pilit hinuhugot ang sarili mula sa paninikip ng dibdib ko. Pero habang iniisip ko ang mukha niya, biglang may pumasok na imahe sa utak ko.

Nakatitig ako sa screen ng phone ko, hindi pa rin pinipindot ang tawag. Ramdam ko ang bumibilis na tibok ng puso ko.

Naalala ko na. 'Yung araw na 'yon. 'Yung litrato.

Si Gail ang unang nakapansin-ang babaeng nasa portrait kasama si Papa. Noong una, hindi ko masyadong binigyang pansin. Akala ko, isa lang 'yon sa mga lumang alaala ng pamilya na hindi ko kailangang intindihin. Pero ngayon, pagkatapos kong makita ang artikulo... pagkatapos kong mabasa ang pangalang 'Marina'-hindi ko na puwedeng ipagsawalang-bahala.

May mali.

Huminga ako nang malalim bago tinawagan si Gail.

Isang ring. Dalawa.

Saka siya sumagot. "Hello? Noelle?"

Hinigpitan ko ang hawak sa phone. "Gail, nasaan ka?"

"Uh, nasa bahay. Bakit?"

"Pwede ba tayong magkita?"

"Ha? Saan?"

Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko, mabilis na nag-isip. Hindi ko ito puwedeng pag-usapan dito. Hindi kung nandito si Papa... o si Elise.

"Sa isang public place," sabi ko, pilit pinapanatili ang kalmado kong tono. "Sa-sa restaurant siguro? 'Yung hindi masyadong matao."

Saglit na katahimikan sa kabilang linya bago siya sumagot. "Okay... anong meron?"

Napakagat ako sa labi ko.

"I'll explain pagdating mo."

At bago pa siya makapagtanong ulit, pinutol ko na ang tawag.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories