Fanfics

31

18:35, 6 April 2025

Kinabukasan, dumiretso ako sa library bago magsimula ang klase. Kailangan kong maghanap ng kahit anong lumang article tungkol sa kaso ni Patricia Velasco. Wala akong masyadong makuha sa internet-malamang dahil sa influence ng mga taong gustong ilihim ang nangyari. Pero baka sa mga lumang pahayagan, may mahanap akong butas.

Tahimik akong naghalungkat sa archive section. Luma at amoy alikabok ang karamihan sa mga dyaryo. Matagal-tagal din bago ako nakakita ng kahit anong may kaugnayan.

Hanggang sa isang headline ang nakakuha ng pansin ko.

"Trahedya sa Kalsada: Babae, Patay sa Aksidente."

Nanigas ang kamay ko habang dahan-dahan kong binasa ang article.

Dalawang babaeng kinilalang si Patricia Velasco at Malia Delos Reyes ang nasawi matapos ang isang matinding aksidente noong gabi ng ika-17 ng Disyembre. Ayon sa official report, nawalan ng kontrol ang sasakyan ng biktima bago ito mahulog sa bangin. Wala umanong ibang sasakyang sangkot sa insidente. Idineklara ng mga awtoridad na isang aksidenteng pagkamatay ang nangyari.

Masyadong malinis. Masyadong diretso.

Tiningnan ko ang pangalan ng opisyal na nagbigay ng pahayag.

Major Xyronne.

Kagat-labi kong isinara ang dyaryo.

Ilang beses ko nang naririnig ang pangalan na 'yan, pero ngayon lang talaga nagsimulang mabuo ang koneksyon sa utak ko. Kung tama ang hinala ko, siya mismo ang nag-ayos para palabasing aksidente ang lahat. At kung siya ang gumawa nito... paano ko malalaman kung anong totoong nangyari?

Napakapit ako sa mesa.

Kailangan kong makahanap ng butas sa kwento nila.

Hindi pwedeng hanggang dito lang 'to.

Pagkatapos ng klase, bumalik ako sa grupo. Saktong nakaupo na sila sa usual naming pwesto sa cafeteria-si Sara, tumatawa habang nakikipag-asaran kay Millicent, si Georgia, tahimik na may kinakalikot sa gitara niya, si Jette, nagbabasa ng libro, at si Adelia, abala sa pag-drawing sa sketchpad niya.

Pinagmasdan ko si Adelia saglit.

Alam kong hindi niya iiwan ang passion niya para lang sundan ang yapak ng pamilya niya. Pero sa kabila noon, mahal pa rin niya ang pamilya niya. Hindi siya basta-basta magpapaniwala kung may masamang lumabas tungkol sa kanila.

Ganoon din si Jette.

Kailangan kong maging maingat.

Umupo ako sa tabi nila, pilit na nagpapaka-relax. "Uy, Adelia, anong ginagawa mo?"

Hindi siya nag-angat ng tingin. "Design ideas."

Sumilip ako sa ginagawa niya. Isang intricate na disenyo ng costume, may detalye ng feathers at metal accents.

"Ang ganda," bulong ko.

Nag-smirk si Millicent. "Kahit kailan, Adelia Xyronne lang ang may kayang gumawa ng ganyan."

Napangiwi si Adelia. "Bakit may tunog na pang-aasar 'yan?"

Millicent just shrugged, pero kita ko ang bahagyang tensyon sa pagitan nila. Hindi pa rin talaga sila ganap na okay.

Nagpatuloy akong tumingin sa sketch niya bago ko tinanong nang kaswal, "By the way, may alam ka ba sa mga dati pang kaso na hinandle ng pamilya mo?"

Napahinto ang kamay ni Adelia sa gitna ng pagguhit. Tumingin siya sa akin, kita ang bahagyang pag-aalinlangan. "Bakit mo tinatanong?"

"Curious lang. I mean, sobrang powerful ng pamilya mo, di ba? May mga kaso bang sobrang delikado?"

Nagpalitan ng tingin sina Jette at Adelia.

"Alam mo namang confidential 'yung mga ganoon, 'di ba?" sagot ni Jette, bahagyang tumaas ang kilay.

"Oo nga," dagdag ni Adelia. "At kahit alam ko, hindi ko naman pwedeng basta ikwento."

Tumango ako, nagkukunwaring hindi big deal. "Fair enough. Pero nakaka-curious lang. I mean, what if may isang kaso na parang... hindi malinaw? Like, feeling mo may kulang?"

"Tulad ng?" tanong ni Jette, nakakunot-noo.

Nagkibit-balikat ako. "Halimbawa... isang aksidente na hindi mukhang aksidente?"

Tahimik silang dalawa.

Bago pa ako makapagsalita ulit, si Georgia ang sumingit. "Ang weird ng tanong mo, Gail. Bakit ba biglang yan ang topic mo?"

Nag-smirk ako, pilit na nagpapaka-relax. "Wala lang. Mahilig lang akong maghanap ng mga misteryo."

"Well, kung gusto mo ng misteryo," sabat ni Millicent, "bakit hindi ka na lang sumali sa police academy?"

Muntik na akong mapangiti. Kung alam lang nila kung anong nalaman ko...

Pero hindi pa ngayon.

Kailangan kong makakuha ng mas matibay na ebidensya.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories