23
11:27, 29 March 2025Pagpasok ko sa school kinabukasan, alam ko na ang dapat kong gawin.
Lumapit kay Noelle Katherine Illustre.
Pero hindi 'yon madaling gawin.
Hindi kami magkaibigan. Ni hindi nga kami magkalapit. Kung may koneksyon man kami, 'yon ay dahil lang sa pangalan ng pamilya namin. Ang pamilya Velasco at ang pamilya Illustre ay parehong kilala sa syudad na 'to, pero magkaiba ang mundo namin.
At higit sa lahat... hindi siya madaling lapitan.
Napatigil ako nang makita siya mula sa malayo.
Si Noelle.
Nakaupo sa bench kasama ang elite circle ng school. Si Millicent Chan, laging may kaswal na cool aura. Si Georgia Vhirenne, tahimik pero matalas ang mata. At si Saoirse Vivienne Dela Fuente, ang SSG president na parang laging may nakatagong agenda.
Tila ibang mundo ang pagitan namin.
Pero hindi ako susuko.
"Hoy, Gail."
Napapitlag ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
"Sara!" inis kong sabi, pero tumawa lang siya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
"Ba't parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya, saka sumilip sa direksyon ng tingin ko. "Oh? Ano 'yan? Nakatingin ka kay Noelle?"
"Ha? Hindi—"
"'Di ka marunong magsinungaling, bestie," bulong niya, nakangisi. "Hmm. Ano'ng plano mo?"
"Wala." Agad akong umiwas ng tingin.
Pero si Sara? Kilala niya ako. Alam niya kapag may something.
Naupo siya sa tabi ko, pinaglalaruan ang tali ng buhok niya habang sinulyapan si Noelle. "You know... kung gusto mong makalapit sa kanya, madali lang 'yan."
Napatingin ako sa kanya. "Ano?"
Nagkibit-balikat siya. "May paraan."
Hindi ako sumagot.
Pero alam kong tama siya.
At kung gusto kong malaman ang totoo... kailangan kong gumawa ng unang hakbang.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


