Fanfics

4

07:35, 9 March 2025

Habang kumakain kami sa canteen, napansin kong wala akong masyadong kilala dito maliban kay Sara. Buti na lang at siya 'yung tipo ng tao na parang automatic kang gagaan ang loob.

"Ah, Gail! Since bago ka, kailangan mong makilala ang dalawang best people sa buong school bukod sa'kin."

Pinandilatan siya ni Adelia. "Uy, lakas ng loob mo ah. Baka gusto mong ulitin 'yan."

Tawa lang si Sara at saka itinuro ang dalawang babaeng kasama namin. "Siya si Juliette Jean Ravienne—Jette na lang para di ka mahirapan."

Ngumiti sa akin ang isang babae na halatang confident pero hindi intimidating. "Nice to meet you, Gail."

"At eto naman, si Adeline Lia Xanthe—pero tawag namin sa kanya, Adelia."

"Huwag mo 'kong tatawaging Adeline, please," sabi ni Adelia, umiiling. "Adelia na lang forever."

Tumango ako. "Sige, noted."

"So," sabi ni Jette, nakatingin sa akin nang parang sinusuri ako. "Bago ka rito, ano naman ang mga hilig mo?"

Napaisip ako saglit bago ngumiti. "Music."

Napataas ang kilay ni Adelia. "Uy, interesting. As in, kumakanta ka?"

"Minsan, pero mas gusto ko 'yung tumutugtog lang," sagot ko, nilalaro ang straw ng soft drink ko. "May dala akong gitara lagi."

"Uy, hanep. Songwriter ka rin?" tanong ni Jette.

Napangiti ako nang bahagya. "Oo, pero sa sarili ko lang. Hindi ko naman nilalabas 'yung gawa ko."

"Pero pwede nating marinig, 'di ba?" singit ni Sara, nakangiti nang parang may binabalak.

Umiling ako. "Depende kung kailan ako ready."

Tuwang-tuwa silang tatlo sa narinig. At least, ngayon, pakiramdam ko mas may sense ng belonging ako.

"Uy, speaking of interesting," biglang sabi ni Adelia, sabay senyas sa may entrance ng canteen.

Napatingin ako at napansin agad kung sino ang pinupuntirya niya.

Si Noelle, kasama ang grupo niya.

Kahit hindi ko pa alam ang lahat ng pangalan nila, kitang-kita ko kung paano sila tinitingala—o iniiwasan—ng mga estudyante rito. Si Noelle, cool at confident, na parang siya ang may-ari ng buong school. Sa tabi niya, may isang pamilyar na mukha—si Millicent.

Napakunot ang noo ko. "Millicent?"

Tumango si Sara. "Yep, magkaibigan sila ni Noelle. Nasa parehong mundo."

"Same world?"

"Yeah. Noelle is, well, Noelle. Millicent is, you know, effortlessly cool. Elite crowd."

Tiningnan ko ang iba pang kasama nila. May isang matangkad na girl na may short hair at kakaibang presence. Hindi siya maingay, hindi rin siya gaya ni Noelle na halatang may hawak na social power, pero may aura siya na mahirap basahin.

"Sino 'yung isa?" tanong ko, tinutukoy siya.

Biglang namula si Sara.

"H-Ha?!"

Napatingin ako sa kanya, nagtaas ng kilay. "Bakit parang ikaw 'yung tinanong ko?"

Tumawa si Adelia. "Ay, Gail, hindi mo pa alam? May secret crush 'yang si Sara kay Georgia Aurelia Vhirenne."

"ADELIA!!!" bulong-sigaw ni Sara, mukhang gusto nang maglaho sa upuan niya.

"So Georgia ang pangalan niya," bulong ko, muling tinitingnan ang girl na parang imposible basahin. May kakaiba talaga siyang dating—tahimik pero hindi mo pwedeng basta balewalain.

"She's... mysterious," sabi ko.

"Exactly!" bulong ni Sara, pero kita sa mukha niyang nahihiya pa rin. "Parang... hindi mo alam kung anong iniisip niya, tapos 'yung presence niya, ang lakas pero hindi intimidating. Gets mo?"

"Uh-huh. Gets na gets," sagot ko, may ngisi. "Lalo na 'yung part na may crush ka sa kanya."

"GAIL!"

Tawa lang kami ng tawa nina Jette at Adelia habang si Sara, namumula na parang hinog na kamatis.

Sa kabilang side ng canteen, lumingon si Georgia saglit sa direksyon namin—at kahit saglit lang 'yon, parang lalo lang nagpanic si Sara.

Mukhang interesting ang buhay sa eskwelahang 'to.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories