3
11:00, 7 March 2025Pagpasok ko sa classroom, tahimik akong naghanap ng bakanteng upuan. Ayoko nang makatawag ng pansin. Alam kong bago ako, pero hindi ko inasahan na ganito karaming tao ang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang ilang pares ng mata na sinusundan ang bawat galaw ko. Agad kong napansin na hindi kasama si Sara sa klase ko, pero si Millicent, nandoon. Nakaupo siya sa dulo, nakasandal at mukhang wala talagang pake sa nangyayari.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana at inilabas ang notebook ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin habang hinihintay ang teacher, kaya nagkunwari na lang akong may binabasa.
Biglang may huminto sa tabi ko.
"Excuse me."
Napatingin ako. Isang babae ang nakatayo sa tabi ng upuan ko. Hindi lang basta kung sino—lahat ng tao sa paligid ay napatingin rin.
Maganda siya. Maganda sa paraang alam niyang maganda siya. Mahaba ang buhok niya, sobrang ayos ng uniform niya, at kahit hindi siya nagsasalita, halata mong may dating siya.
"Diyan ka nakaupo?" tanong niya, nakataas nang bahagya ang kilay.
Napansin kong may ilang estudyanteng nagbubulungan sa likod.
"Oo," sagot ko, hindi sigurado kung may nagawa akong mali.
Tiningnan niya ako saglit, parang sinusuri kung dapat ba akong andito.
Tapos, ngumiti siya. Pero hindi yung tipong friendly. Parang... natutuwa siya sa isang bagay na ako lang ang hindi nakakaintindi.
"Okay," sabi niya bago umupo sa tabi ko.
Nagpatuloy ang bulungan sa paligid pero parang wala siyang pakialam. Ako lang yata ang nailang sa sitwasyon.
Tahimik lang siya sa tabi ko, pero hindi ko maiwasang mapansin na parang tinitingnan niya ako mula sa gilid ng mata niya.
Hanggang sa nagsalita siya ulit.
"Ano pangalan mo?"
Nagdalawang-isip ako saglit bago sumagot. "Macy Abigail."
Ngumiti siya ulit, mas totoo ngayon. "Noelle."
Hindi ko alam kung bakit, pero sa paraang sinabi niya 'yon, parang hindi lang basta pagpapakilala 'yon. Parang gusto niyang siguraduhin na alam ko kung sino siya.
At alam ko naman. Lahat ng tao rito, kilala siya.
Si Noelle Katherine Illustre. Anak ng mayor. Pinakamayamang estudyante sa school. Pinakapopular.
At ngayon, nasa tabi ko siya. Tinitingnan ako.
At hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


